Day 65 : Melt

12.2K 555 104
                                    

Melt
-----

Nagpaalam ako kay Ate na lalabas. Siya na lang kasi ang gising. Natutulog na sina Papa at Mama. I tried my best not to sound too happy or eager when Ate nodded.

Mabilis ang hakbang ko palabas ng ospital. Nang makita ko ang kotse ni JT sa parking, mabilis akong lumapit. Bumukas ang pinto sa backseat. Pumasok ako.

Nakangiti si JT. "Hi."

I didn't know what to do or say first so I went with my instinct. I threw myself at him. Mahina siyang natawa nang yakapin niya 'ko pabalik.

"Hindi mo nga 'ko na-miss," bulong niya.

Ngumiti ako at humilig sa balikat niya. "Hindi talaga."

"Let me look at you," sabi niya at inihiwalay ako sa katawan niya. He cupped my face and looked at me.

I looked at him, too. He looked tired but the twinkle in his eyes told a different story. Busy siguro siya buong araw at hindi nagpapa-miss lang.

"Pagod?" tanong ko habang hinahaplos niya ang pisngi ko.

"Yeah. I work part-time sa ospital nina MM. Kanina lang ako nagsimula."

"Why didn't you tell me? Nagpunta ka pa rito. Sana nagpahinga ka na lang," sabi ko kasabay ng ingos.

"Because of exactly that. Ayokong bawalan mo 'kong pumunta ngayon. I have to see you kahit sandali lang."

This time, ako naman ang sumapo sa mukha niya.

"Closer," sabi ko.

"Why?"

Tinawid ko ang pagitan namin at maingat siyang dinampian ng halik sa noo. Tapos, sa mata, sa pisngi, at sa tungki ng ilong.

Pumikit ako at idinikit ang labi ko sa labi niya.

Is this even normal? Everytime we kiss, I could feel myself melting. Everytime he will move his lips with mine, I drown. I get drunk. I get crazy heartbeats. And I can't get enough. The only thing I could do to save myself is to hold him tighter. Kaya nakakapit ako sa magkabilang balikat niya habang nakahapit siya sa likod ko.

I gasped when he let me go.

Tapos na agad? I licked my lips.

Pinisil niya ang ilong ko. "Are you going to lick your lips everytime we haven't kissed enough?"

Umingos ako at sumagot para isalba nang kaunti ang sarili ko sa pagkabuko. Kaso, gumaralgal ang boses ko. "Hindi naman..."

"Hindi?" tanong niyang nakakiling ang ulo sa'kin. "I don't have to kiss you again?"

Oh boy. Magbabago ba 'ko ng statement?

"I mean..." Naiwang nakaawang lang ang labi ko. Bukong-buko ba 'ko? May silbi ba kung subukan kong mangatwiran? How should I tell him to kiss me more without actually telling him?

Umingos ako.

Mahina siyang tumawa at kinuha ang kamay ko.

"You don't have to say anything. Just lick or bite your lips next time if you wanted more."

Tsk. Pa-yummy na lalaki. Why did I fall for him again? Ang naaalala ko, I thought of him as rude, inconsiderate, etchetera. Ngayon, kahit anong gawin at sabihin niya, nahuhulog ako.

Damn. I'm falling for everything.

Sumandal siya nang maayos sa upuan at pinisil-pisil ang kamay ko.

"This isn't enough..." bulong niya.

"Huh? What isn't enough?"

Bumaling siya sa'kin at nagbuga ng hangin. Mukha siyang may pinag-iisipan.

"Umiinom ka ng malamig na kape?" tanong niya.

"Why?"

"I bought us coffee but we have to drink it later."

"Why?"

"Because I want to hold you now. Sandali lang ako rito."

Kusa akong napangiti. Gaano ba kadikit ang lalaking ito?

"I'll drink it cold," sabi ko. "I want to hold you, too."

"Come here," sabi niya at tinaptap ang dibdib niya.

Yumakap ako sa kanya. Pero hindi pa yata sapat 'yun dahil iginiya niya ako paupo sa kandungan niya.

"Better. Mas nayayakap kita," sabi niya nang higpitan ang bisig niya sa'kin. Bumuntonghininga siya sa leeg ko.

Kumapit ako sa kanya. Humilig.

"Pagod ka talaga, 'no?" untag ko.

"Yeah. Malaki ang ospital ni Madrigal. Mas maraming demands. Sinabi naman sa'kin na pwedeng iurong ang schedule ko but that's too much. Nakatira na nga ako sa bahay niya. I'm able to work so I should."

Hindi ako nakaimik agad. Alam kong kung hindi lang siya nahulog sa'kin, mas magaan ang buhay niya. He didn't have to leave Zig's house. He didn't have to move his Dad to another hospital. He didn't have to change employment. But because he wanted to claim me, he's doing things the hard way.

"Sorry..." bulong ko, lumunok.

"Ano'ng sorry, Pagong? You have to hug me like this everytime I will get tired. I'll instantly feel better."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Are you sure?" tanong ko.

"You can kiss me, too."

I hissed. He chuckled.

"If I have a dose of you, I'll always be better."

Sandali kaming pumikit lang at nakipag-isa sa katahimikan. Parang walang kailangang salita para punuan ang oras namin. Parang walang kailangang pag-usapan.

I was melting just by being held like this. I could feel the heat of his body, the rise and fall of his chest, and the warmth of his palm on my back. I could hear his breaths. I could smell the mix of his sweat and cologne.

If he's going to hold me like this whenever I'm tired, I'll instantly feel better, too. I need a dose of him like this, too.

Pinaglandas ko ang palad ko sa linya ng balikat at likod niya. Tensyonado ang kalamnan niya. Bahagya ko siyang minasahe.

Hinahaplos niya naman ang likod ko at paminsan-minsang nagbubuga ng hangin.

"Mauubos na 'yung oras natin," bulong niya, mayamaya.

Mabigat ang kilos na inilayo ko nang bahagya ang sarili ko sa kanya.

"Are you sure? Akala ko, ten minutes?" sabi ko. This won't do. I still want to hold him.

He looked intently at my face.

"We have three minutes left," he said. "What do you want to do?"

Nakatitig kami sa isa't isa habang naghihintay siya sa sasabihin ko.

Paano ba hahaba ang tatlong minuto? I bit my lower lip.

Napangiti siya. "Really, Hannah..."

"Ay... No. I didn't mean that I like..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. I mean, hindi ko sinadyang makagat ang lower lip ko pero gusto ko ng halik.

Tumitig siya sa'kin. "To kiss or not to kiss?"

Lumunok ako.

"Yes or no?" tanong niya uli. May kasama nang pangungulit.

Bumaba ang mata ko sa labi niya. Kailangan ko ba talagang sumagot?

Inilapit niya ang labi niya sa'kin hanggang sa halos wala nang pagitan. He whispered on my lips.

"Just say yes..."

"God, yes..."

He smiled and claimed my lips. I melted. And I'm thinking that I wanted to melt like this everyday... for a long, long time. #0133u / 103120106

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon