Day 17 : Escape

14.6K 501 119
                                    

Escape
-----

"Doctor Teodoro!" tawag ko sa isang lalaking naglalakad palayo sa main entrance. The man wore his white coat with his back to me. Pero sigurado akong si JT 'yun base sa tangkad at lapad ng balikat. Kahit na iilang pagkakataon ko pa lang siyang nakita, dahil mas madalas akong tumitig sa pananahimik niya kaysa sa makinig sa kakaunti niyang pagsasalita, mabilis ko siyang natandaan.

Napahinto siya sa paghakbang. Binilisan ko namang makalapit at sinilip agad ang mukha niya.

"'Oy!" bati ko at ibinangga ang braso ko sa braso niya. "Sabi na nga ba e. Ikaw 'yan e."

Kumunot ang noo ni JT habang nakatingin sa 'kin. 

"I told you to go home," sabi niya.

Siningkitan ko siya ng mata. Bakit ba parang na-bad trip na naman siya dahil lang nakita niya 'ko? Samantalang kanina, dinalhan niya 'ko ng pagkain galing sa restaurant ng Tito niya.

"I told you na nandito ako," sabi kong nakangiti. "Kaya nandito ako."

"Go home, Hannah," aniya, namulsa sa coat niya at umuna ng hakbang na parang iiwan ako.

"Ang sungit mo na naman. Inaantok ka ba? Nagdala ako ng food o. Binili ko pa 'to sa resto ng Tito mo," sabi kong binilisan ang hakbang ko para makasabay sa malalaking hakbang niya. Itinaas ko pa ang paperbag na may take-out food. "Kain tayo. Nagugutom na 'ko e. 'Di pa 'ko nagdi-dinner."

Nagbuga siya ng hangin. "Naka-duty ako, Hannah. What makes you think na pwede kong basta na lang iwan ang duty ko?"

"Kapag naka-duty, bawal na kumain? Nang may kasabay? Baka pwede kang magpaalam?" sabi ko sa kanya. "I won't take too much of your time. Baka makonsensiya ako kapag may nanganib na pasyente."

Tumingin lang siya sa 'kin na parang ang laki kong istorbo sa tahimik na buhay niya. 

"Why don't you go home?" mas mahinahong tanong niya.

"Ayoko e," sagot ko.

"Why? Mas komportable ka apartment mo."

Tumingin ako nang diretso sa kanya. "Nag-message si Zig na dadaan siya sa apartment ko. Ayoko siyang makasama at marinig siyang nagsisinungaling tungkol sa out-of-town trip niya."

Sandali siyang natahimik. "Then why would you come here of all places?"

"Bakit? Masama ba?"

"Hindi tayo close."

"Wow!" sabi ko sa kanya at sinimangutan siya. "So, kailangang close muna tayo bago ka yayain para sumabay kumain? Alam mo bang ang mahal ng pagkain sa Tengo Hambre pero bumili ako dahil maarte ka at ayokong magdala ng tatanggihan mo. Kasi sabi mo, I'm particular with food. Ano ba'ng iba pang requirements bago lumapit sa'yo?"

Pinanood niya lang ako sa pagrereklamo ko. Blangko ang mukha niya. Ang sarap talaga pitikin sa ilong ng lalaking 'to. Hindi ko maintindihan kung maarte siya o talagang may topak lang. Last time naman, kumain na kami ng agahan. Libre pa nga niya.

"Ang ibig kong sabihin, wala ka bang ibang pwedeng guluhin para isabay sa pagkain? Don't tell me that you also don't have friends whom you can eat dinner with."

"Wala," flat na sagot ko. "Wala akong kaibigan na pwede kong yayaing kumain na hindi magtatanong kung bakit hindi na lang si Zig ang isabay ko."

"Just tell them Zig's busy."

"I don't want to lie to them."

"Then tell them about Zig's cheating."

"I can't tell them the truth, either."

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon