Day 42 : Which is which

10.6K 517 105
                                    

Which is which
-----

Naalimpungatan ako sa mahinang pag-uusap nina Zig at JT.

"She's too tired," narinig kong sabi ni Zig. "She needs to go home."

"I'll drive her home," sabi lang ni JT.

Hindi ako makapagtaas ng mukha sa kanila. Nakasubsob ako at nakaunan sa braso ko, sa tagiliran ng kama ni Zig.

"Call me when she wakes up," sabi ni JT.

Then I heard him walked away. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng silid, nagtaas ako ng mukha. Humikab.

"What time is it?" tanong ko kay Zig.

Zig reached out his hand and fixed my hair.

"Nine. Are you going to work?" tanong niya.

Zig never asked me like this before about work. Alam niyang mahal ko ang trabaho ko kahit nakaka-stress, kaya ni minsan hindi siya sumagasa sa work hours ko.

"Can you take a day off? Para samahan ako rito?" tanong niya pa.

"Zig..."

"I know we're still far from okay but... I want you with me. Kahit hindi mo 'ko kausapin, okay lang. Just be in the same room."

Napabuntonghininga ako.

"It's a Saturday," paalala ko sa kanya. "Wala akong office."

"Oh," sabi niya at napangiti. Bago mapalitan ang ekspresyon niya sa mukha.

Then we both remember what Saturday means.

"We're supposed to visit at your house!"
"We're supposed to visit at the house!"

Nagkatinginan kami.

"Kailangan nating tawagan si Mama o si Henny," aniya.

"Ako na lang," salo ko. Ang problema, kapag tinawagan ko sila at sinabing naaksidente si Zig, pupunta sila rito sa ospital. Kapag nagpunta sila rito sa ospital, pangangaralan ako ni Mama kapag hindi maayos ang itsura ko. Mama pride herself as wife material. Ang kauna-unahan niyang itinuro sa'kin nang magdalaga ako ay kung paano maging presentable sa mga in-laws at mapapangasawa ko.

Ibig sabihin, dapat kompleto ang mga gamit ko rito sa ospital at ang mga gamit din na kakailanganin ni Zig. Or I won't hear the end of it.

"Kailangan mo munang umuwi," sabi ni Zig.

"Yeah. I will need things here para hindi pagalitan ni Mama."

Plano ko namang umuwi kanina at magdahilan para hindi na muna bumalik. But today being a Saturday changed that plan.

"Ihahatid ka ni JT."

Mabilis akong umiling. "No. Magta-taxi ako."

Zig was looking intently at me. "Babalik ka, 'di ba?"

"Yes."

"Okay."

***
Nasa labas na ako at ready mang-ambush ng taxi nang may bumusina sa tagiliran ko. Kumaway si JT sa nakababang bintana ng kotse niya.

"Hop in," sabi niya.

Napatunghay ako sa kanya. He looked... okay.

I felt weird about him and about myself. Pinapasakay niya lang ako ng kotse pero naduduwag ako.

"Aysus si Hamon..." sabi niya. "Nagugutom na 'ko. Wala pa 'kong intake aside from the coffee last night. Let's eat."

Napasimangot ako. "Bakit hindi ka kumain mula kagabi?"

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon