Day 86 : Backseat

14.3K 596 94
                                    

Backseat
-----

Sinundo ako ni JT mula sa ospital. Nagtadtad ng bilin at paalala si Mama bago kami nakaalis. Nakakasorpresang makita si Boy Sungit na ngumiti at magpa-charming kahit na ang talas ng mata ni Mama sa kanya.

Tumuloy kami sa apartment ko para makaligo ako at makapagbihis para sa date. Habang nasa banyo ako, nagluto naman siya ng almusal.

He was holding a mug of coffee in his hand when I went to the kitchen. He looked relaxed inside my unit. As if he belong there. As if he belong to me.

Well, he better be. Kasi, akin siya.

Sumulyap siya at ngumiti. "Why are you specially beautiful today? Do you plan to make it harder for me to part with you later?"

Ngumiti lang ako sa kanya, lumapit, at yumakap. Inihilig ko ang pisngi ko sa dibdib niya.

"I can hear your heartbeat," bulong ko.

Ikinulong niya ako sa bisig niya. Bumuntonghininga siya pero walang anumang sinabi.

Tumingala ako sa kanya. Bakit ganito? Nami-miss ko na siya ngayon pa lang.

Dinampian niya 'ko ng magaang halik sa labi.

"Don't look at me as if you're asking to be kissed. Mapagbigay ako," sabi niya at mahinang tumawa. Hindi niya inaalis ang braso niya sa likod ko.

"Ano'ng gagawin natin today?" tanong ko sa kanya.

"Ipapakilala kita kay Mommy."

Tumango ako.

"Dadaan tayo kay Dad."

"Uhum."

"Kakain tayo sa resto ni Tito Ilo."

"Hm."

"We're going to binge watch movies at home."

"At?"

"Pupunta tayo sa open mic spoken poetry event sa Makati."

"Sounds great," sabi ko.

"This sounds like what I've always wanted to do with you," aniya.

"Yeah?"

"Yeah."

Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya at bumuntonghininga. Nakakaadik dumikit. Nakakabaliw rin.

Umagang-umaga ay nakayakap kami sa isa't isa, at ilang minuto pa bago niya ipinaalala na lalamig 'yung niluto niya.

"We should eat," he said.

"Ako'ng magluluto mamaya sa bahay, ha? Kahit ano'ng lasa ng iluluto ko, pagtiyagaan mo," sabi ko sa kanya nang naupo kami sa hapag.

"Mag-take out na lang tayo kay Tito Ilo para sigurado?" tukso niya.

"No. Kainin mo ang iluluto ko," sabi ko sa kanya. "Edible naman ako magluto."

Nagdududa siyang tumingin sa'kin. "Kasama ba 'yan sa pagsubok ng pagmamahal ko sa'yo?"

Inirapan ko siya. "Ang sama mo a. Tanggap ko ngang topakin ka e."

"Topakin ka rin naman."

"Matoyo ka."

"Ikaw rin, Hannah pagong."

"Pa-yummy ka."

"Paasa ka."

"Masungit ka. Brutal. Picky sa pagkain. Bully. At nakipag-date ka kay Dara na nakita ko pa talaga."

Hindi siya kumibo agad. "Pero mahal mo 'ko?"

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon