Day 38 : Lipstick

12.7K 563 175
                                    

Lipstick
-----

Ilang minuto lang ay nakarating ako sa mall kung nasaan si JT. Muntik pa akong matapilok nang bumaba ng taxi at mabilis na naglakad papasok.

I saw him sitting at a bench, in front of the cinema. Loose siyang nakasandal at magkakrus ang nakaunat na mga paa habang hawak sa isang kamay ang phone niya. Nakatungo siya na parang nag-iisip. May box ng popcorn sa tagiliran niya. May isa pang box na 'di ko matukoy ang laman. May drinks na rin.

Hindi naman siguro magpapasaway ang heartbeat ko ngayong gabi,'di ba? I should relieve the stress of today. I shouldn't put too much thought about everything good between JT and me.

Huminga ako nang malalim at inayos ang dress ko bago lumakad palapit sa kanya.

"Boy Bigti!" tawag ko kay JT.

Nag-angat siya ng mukha sa'kin at ngumiti.

"What happened?" tanong ko nang maupo sa tabi niya.

Sumulyap siya sa orasan sa kiosk sa harap ng cinema.

"We still have fifteen minutes before the show," sabi niya.

"Ano'ng nangyari?" ulit ko sa tanong ko.

"I don't know exactly. Kaninang hapon, tumawag sa'kin si Lolo. Tapos, dumating si Uncle Tim around five na may kasamang babae. He introduced me to the girl and told me to date. I couldn't refuse. I didn't even have time to change my clothes."

Nangunot ang noo ko sa pakikinig. An ambush date?

I checked his clothes. Naka-button-up polo pa rin siya. Nakarolyo lang ang sleeve niyon sa siko niya.

"And then? Where's the girl?"

"She left. I told her the date was a mistake."

Nagkatinginan kami.

"Ano? Ano'ng sinabi mo?"

Ngumiti lang siya at napahaplos sa batok. "I told her I don't want to date her. I offered friendship... pero nasampal ako." Napahawak siya sa pisngi niya. "Ang yabang ko raw."

Napatingin ako sa pisnging hawak niya. Hindi ko maaninaw sa dim light kung namumula ba iyon o ano.

"Savage mode," sabi ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya. "How about you? Talagang okay na mood mo?"

"Yep. Ano ba'ng panonoorin natin?" tanong ko.

Namulsa siya sa slacks na suot niya at hinugot doon ang tickets. Iniabot niya sa'kin. It has the title of a super gross and bloody horror movie.

"Ito ang ipapanood mo dapat sa date mo?!" tanong ko sa kanya.

"Yeah. I'm trying to turn her off but she seems like she likes gore. So, I had to tell her directly that I don't want to date her."

"You like gore?"

"Movies ng trolls ang madugo at maraming nagkalat na internal organs."

"You like it? 'Yung typical na may mga characters na curious sa sound effects kaya namamatay?" dagdag ko.

"Oo. 'Yung may mga dumadaan sa likod ng mga characters na hindi nila nakikita tapos biglang lilitaw ng close-up."

"Tapos unang papatayin 'yung mga cheap, matatakutin, slütty, then, skeptics. Ang bida, laging timid at naive."

"Exactly. We love those kinds of movies," nakatawang sabi niya. "Masaya magulat sa sound effects."

"Baliw ka rin, 'no?" ani ko at tumawa.

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon