Day 35 : Overheard

10.9K 569 115
                                    

Overheard
-----

Naalimpungatan akong nakahiga sa backseat ng kotse. I didn't exactly remembered how I got there o kung nasa'n ang mga kasama ko. I would have looked for JT but before I could, I heard the conversation in the car.

"I'm afraid I'm going to lose her soon, dude."

Boses ni Harry ang narinig ko. I opened my eyes slightly but the world was spinning. I couldn't make sense of their places in the car.

"Are you regretting it, yet?" tanong ni JT.

"Pa'no?"

I heard someone gritting teeth. Si Harry siguro. Parang umiiyak pa rin siya.

"Mahal na mahal ko e." Pumalatak ito. "Kapag mahal mo, hindi mo dapat pinagsisisihan."

Nakarinig ako ng buntonghininga.

"Nahihirapan na nga akong mag-joke. Sarap magbigti." Pagak na tumawa si Harry.

"Wala ka namang planong sabihin sa kanya 'yang paghihirap mo e."

"Pa'no nga? Mag-aalala 'yun. Nakabantay nga sa status ko sa SNS. Malulungkot lang 'yun kapag nabawasan kahambugan ko."

Si Neah siguro ang pinag-uusapan nila.

"'Di 'wag kang magreklamo."

"Hindi naman ako nagrereklamo. Ang sakit lang. Ang sikip sa dibdib. Kailangan ko ng tender love and care paminsan-minsan." Harry laughed again. "Hay, pag-ibig... komplikado."

"Mahal na mahal ka rin naman no'n," sabi ni JT.

"Alam ko, dude. Kaya nga ang swerte ko e."

Harry sounded delighted and pained.

"Kapag kailangan mong magbigti, ibibigay ko sa'yo ang lubid," dagdag ni JT. "Kapag kailangan mong malunod, itutulak kita sa dagat. Kapag kailangan mo ng alak, bumili ka tapos ilibre mo 'ko. Kapag kailangan mo ng hahalikan, pumunta kang UCLA. Do'n ka mamili kay Ash at MM. 'Wag laging ako, dude. Baka ma-develop ako sa'yo."

"Siraulo!"

Mahina silang nagtawanan.

"Pero seryoso, Harry babe. Kapag kailangan mo ng space, sabihan mo 'ko. Ako'ng magbabantay kay Neah habang ngumangawa ka. Ang tigas din kasi ng bungo mo."

"Sus... Pa'no 'ko sisingit sa'yo kung la-lovelife ka, dude?" sabi ni Harry.

"Ano'ng lovelife?"

" 'Yang nasa backseat."

"Baliw. Girlfriend ni Zig 'yan."

"Bakit mo kasama?"

"Usapan e."

" 'Yan hinihintay mo sa phone tuwing ten p.m., 'no?"

Hindi kumibo si JT.

"Ano'ng ginagawa mo sa girlfriend ng pinsan mo, dude?"

Matagal natahimik sa kotse. Nahirapan naman akong huminga.

"Patay tayo diyan..." sabi ni Harry. " 'Di mo pa napapansin?"

"Ang alin nga?"

"Tanga. 'Yung umaapaw mong feelings, 'di mo pa napapansin?"

Huminto pati pagkahilo ko.

"Baliw," sabi ni JT.

"Halatado ka. Buong gabi akong nag-aabang kung kailan mo 'ko babasagan ng bote sa ulo. Ang sama mo makatingin kapag napapatawa ko siya e."

"Ang pangit lang ng joke mo kasi."

"Takte. In denial." Tumawa si Harry. "Lagi ka kamong nakatingin sa kanya."

"Alangan namang sa'yo? Sawa na 'ko sa mukha mo."

"Tapos, 'yung halik kanina. Hindi naman ako gano'n kalasing no'ng hahalikan ko dapat siya. Tiningnan ko lang kung ano'ng gagawin mo."

Walang sagot.

"Sinalo mo, dude! Naks. Knight in shining armor!"

I shifted to my left. Pakiramdam ko kasi, anytime ay lilingon sila sa'kin.

" 'Di mo napapansin talaga sarili mo?" untag pa ni Harry.

Hindi ko narinig na sumagot si JT.

"Ano'ng gagawin mo diyan? Babanggain mo pinsan mo?"

I couldn't breathe.

"Pag-isipan mo. Boy Bigti ka na naman niyan, dude."

"Wala akong pag-iisipan dahil walang nangyayari," sagot ni JT.

"Sus. Kwento mo sa pagong."

Tumawa si JT. "Baliw."

"Kapag na-realize mo nang tama ako, ako na magbibigti sa'yo. Ang hilig mong ma-fall sa komplikado. Ang daming nurse sa ospital na available."

"Ang ingay mo, dude. Matulog ka na nga lang. Kung anu-ano nilalagay mo sa kukote ko."

May bumuntonghininga.

"Hindi ko alam kung matutuwa akong naka-move on ka na talaga kay Jenjen, o ipaplano ko na kung kailan tayo sabay magbibigti." Tumawa si Harry. "Anu't anuman, dude... 'pag pinalayas ka na ng pinsan mo sa bahay niya, maluwag pa apartment ko. Aampunin kita sa ngalan ng wagas na pagkakaibigan natin. Para may tagaluto rin ako."

"Matulog ka na, Harry babe. Gusto mo, i-pet kita?" tanong ni JT at tumawa.

" 'Yan. Saka ka na lumablayp. Ako muna mahalin mo, darling."

Nagtawanan silang dalawa.

"Matulog ka na, Ka Harry," sabi ni JT.

"Oo na. Baka mabawasan alindog ko, ipagpalit pa 'ko ng baby ko," sabi naman ni Harry. "Matulog ka rin muna. 'Wag mong titigan 'yang nasa backseat para 'di ka masyadong masaktan."

"Baliw."

Natulog uli ako sa kabila ng bilis ng tibok ng puso ko. I don't even want to think about what I heard. # 0527h / 09212016

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon