Dear Kuya: Her Letters of Cho...

By BlackConverse12

283K 2.4K 476

[CURRENTLY EDITING] "Ang pagmamahal sa isang taong wala namang pagtingin sa'yo ay parang paghihintay ng isang... More

PROLOGUE
1st Choice- The Fallen.
2nd Choice- They Have My Back.
3rd Choice- The Numb.
4th Choice- Her Agony.
5th Choice- His Concern.
6th Choice- Wrong Idea.
7th Choice- Revenge is Sweet.
8th Choice- Olivia.
9th Choice- Small Talk.
10th Choice- Memories.
11th Choice- Jacob.
DK- 12
DK- 13
DK- 14
DK- 15
DK- 16
DK- 17
DK- 18
DK- 19
DK- 20
DK- 21
DK- 22
DK- 23
DK- 24
DK- 25
DK- 26
DK- 27
DK- 28
DK- 29
DK- 30
DK- 31
DK- 32
DK- 33
DK- 34
DK- 36
DK- 37
DK- 38
DK- 39
DK- 40
DK- 41
DK- 42
DK- 43
DK- 44
DK- 45
DK-46
DK- 47
EPILOGUE
Author's Note
ANNOUNCEMENT.

DK- 35

3.5K 42 18
By BlackConverse12

KATH’S POV:

“ASAN SILA?!”

 

“Kath, kalma.”

 

“ASAN ANG ROOM NILA?!”

 

“Kumalma po kayo Miss.”

 

“ASAN NGA?!”

 

“Miss, saglit lang ho. Hinahanap pa po yung pangalan nila.”

 

“WHERE ARE THEY?!”

 

“KATH, KALMA ! PWEDE?!” niyakap niya ako ng mas mahigpit. “Walang magagawa yang pagwawala mo. Kumalma ka…”

Napapikit na lang ako at napaiyak. Bakit nangyayari ‘to? Bakit sa’min nangyayari ‘to?

 

“Adjacent lang po yung rooms nila. Starting from room 312 po. Andun ho si Miss Monte Carlo…”

 

“Sige po. Salamat.” sabi ni Daniel dun sa babae.

Naglakad na kami ni Daniel papunta sa elevator. Huminga na lang ako ng malalim at nagpunas ng mga luha ko.

“Kath, kalma. Kaya niyo yan…”

 

“Bakit Daniel?” napasinghot ako. “Bakit nangyayari ‘to? Bakit kailangang sa mga kaibigan ko pa?”

 

“Kath, pagsubok lang yan…”

 

“Pagsubok? Daniel, hindi pa ba sapat lahat ng mga pinagdadaanan ko? Sobrang hirap magtago. Pagsubok? Kasama ba sa pagsubok na ‘to yung posibilidad na mamatay sila? Pagsubok pa ba yun? O parusa na? Daniel, nakakainis na. Nakakainis na. Sobra. Minsan naiisip ko, ito na ba ang parusa ko? Parusa ko sa matagal ko nang pagmamahal sa’yo?”

Tumingin ako sa likod ko at wala si Daniel. Nagbeep yung phone ko.

Pumunta lang akong CR.

Napabugtong hininga ako. Buti na lang. Mapapaamin pala ako nang wala sa oras. Hinintay ko na lang siya dun sa labas ng CR ng mga boys.

 

“Bakit hindi ka pa nauna?”

 

“Gusto kong may kasama…”

Niyakap niya ulit ako.

“Kath, it’s just a bad day. Not a bad life. Di ba ayos naman sila? Mga pilay, sugat at pasa lang. Pasalamat na lang tayo at yun ang naabutan nila. Wag kang susuko. Kasi hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa sunod…”

 

Tumango na lang ako sa may balikat niya. Pinunasan niya yung mga luha ko.

“Stop now, okay?”

Niyakap niya ulit ako.

“Ano?”

May binulong kasi siya. Hindi ko lang narinig.

“Ang sabi ko, tara na.”

Tumango na lang ako at pinuntahan ang kwarto ng kaibigan ko.

 

“Anong nangyari sa’yo?”

 

“Ewan ko. Ang natatandaan ko lang, merong nagsasalita. Tapos, blackout na. Pagkagising ko may bandage na ‘ko sa ulo at andito na ‘ko sa ospital.”

 

“Sabi ko naman kasi sa’yo, magpasundo ka na lang kay gELO.”

“Ki, ayaw ko nga makaabala sa kanya. Tsaka, kailangan siya dun sa bahay nila. Hindi lang naman ako ang priority niya eh.”

 

“Kahit na. Ayan. Tingnan mo kung anong nangyari sa’yo.”

Sumilip siya dun sa bintana.

 

“So, kamusta na kayo ni Daniel?”

 

“Same old, same old.”

 

“Hindi mo pa rin inaamin?”

 

“JD, sira ka ba? Aamin ako. Tapos lalayo siya. Mag-iiwasan kaming dalawa pero, duh. Asa loob lang kami ng isang bahay ! “

 

“Eh di lumayas ka.”

 

“Ano ka ba. Wala akong pera.”

 

“Eh di wag mong aminin.”

 

“Pinipilit mo ‘ko eh ! “

 

“Aba. Tinanong lang kita.”

Awtsu. </3

Napahawak naman siya sa ulo niya. Napasigaw siya. Pero hindi sobrang malakas. May pumasok naman agad na lalaki sa kwarto at inalalayan siya.

“Okay ka lang ba? San masakit? Gusto mo ba tumawag na ‘ko ng nurse?”

Ngumiti lang si JD at hinawakan yung kamay niya.

 

“I’m okay. Sumakit lang yung ulo ko bigla.”

 

“Tatawag na ako ng nurse. Okay? Wag ka na makulit. Baka kung ano pa yan.”

 

“Gelo…”

 

“Ayaw kitang makitang may sakit. Okay? Tatawag ako ng nurse.”

Umalis na siya. Napapout naman ako sa harap ni JD. Buti pa siya. Masaya na ang love life niya.

“Oh? Ba’t ganyan mukha mo?”

 

“Selos ako.”

Binato niya naman ako ng mansanas. Natamaan ako sa noo.

 

“Aray ! “

 

“Humanap ka ng sa’yo. Akin yun.”

 

“Selos talaga ako ! Bakit kasi ang saya saya ng love life mo? Ninyo? Ikaw, may Gelo ka. Si Krisna, may Jeffrey. Si Julia, may Enrique. Si Kaye, halos magmerge na yung mukha nila ni Harry. Si Ciarah, may James. Si Trisha, kahit long distance sila ni Ken, ok lang. Ako na lang ata walang love life sa’tin eh.”

 

“True love waits nga di ba?”

 

“Eh ba’t ang bilis dumating nung sa inyo?”

 

“Destiny.”

 

“Seriously? Naniniwala ka sa destiny?”

 

“Well, I believe that everything happens for a reason. And only God knows that reason.”

 

“Hindi naman destiny yun eh.”

 

“Kahit na. Destiny, or fate, is the development of events outside a person's control, regarded as predetermined by a supernatural power. And as a Christian, si Lord lang ang may hawak ng buhay natin.”

 

“Fine ! Ako na naman mali ! “ nagpout ako.

“Wala akong sinabing mali ka. Paniniwala mo yan. Ang akin lang, just go with the flow of life kasi plinano yan ni Lord. Prinooff read niya yan.”

“Good morning Miss Monte Carlo.”

Napatingin naman ako sa nurse.

“Ai. Sorry. Nakakaabala ba ‘ko?”

 

“Hindi naman. Hi. I’m Ki.”

 

“Ayu.” (Ayu___Sano)

Tumingin naman sa kanya yung nurse. At inabutan siya ng isang folder.

 

“Yan nga pala yung results nung mga X-ray niyo.”

 

“Pwedeng patingin?” tanong ko.

“Sure.”

Inabot naman sa’kin ni JD yung folder. Binuksan ko. Mga X-ray results. Ang lala ng mga nangyari sa kanila. Nag-init bigla yung mata ko.

 

“Ki…”

 

“Sorry. Sorry…” nagpunas ako ng luha. “Di ko maiwasan. Alin yung sa’yo dito?”

Kinuha naman ni Nurse Ayu yung isang X-ray result ng skull. May parang maliit na pagdescend yung ulo.

“Anong nangyari?” tanong ko dun sa nurse.

“Well, nagreceive siya ng hard blow sa ulo niya with an unknown source. Dumugo. Good thing at nadala siya dito bago siya maubusan ng dugo. Pero hindi naman nadamage yung skull at unharmed yung brain.”

Naawa na ako sa kanya. Sa kanila. Tiningnan ko na ulit yung mga X-ray results nila. Puro grabe lahat. Halos maputol na yung mga buto nila at mapilipit yung mga muscles nila.

“Mabuti lang ho talaga at nadala sila dito agad. Kung hindi, huli na po ang lahat.”

 

“Alam ba ‘to ng media?”

“Napansin ho siguro nila. Eh sa loob lang ng isang araw, sunod sunod ang pasok ng mga pasyente.”

 

“Sunod sunod?”

 

“Opo. Mga one to two hours ang interval.”

 

“That’s strange…” bulong ko sa sarili ko. One day. Naaksidente silang lahat. Halos ilang oras lang ang pagitan nila. Halos same distances ang mga lugar na pinangyarihan ng mga aksidente nila.

“Pwede ko na po ba makuha?”

Napakurap naman ako at inabot ang folder sa kanya.

“Salamat.”

Napaisip ako. Pano kung hindi ‘to aksidente? Pano kung… Plinano lahat ng ‘to?

“Kath.”

Napatingin naman ako kay Daniel.

“Hinihintay ka na nung iba.”

Tumango na lang ako at niyakap si JD. Niyakap niya ako pabalik at lumabas na kami. Dumiretso naman kami sa kwarto ng iba pa.

“Hoy. Kanina ka pa sa ospital. Anong nangyayari sa’yo?”

Napakurap ulit ako sa sinabi niya.

“Ano?”

 

“Ang sabi ko, tulala ka na naman. Kanina ka pa sa ospital. Bakit?”

 

“Wala.” pagsisinungaling ko. “Pagod lang siguro.”

 

“Ah…”

Patuloy na lang ako sa pag-iisip. Kung paano nangyari. Ano at bakit.

“Look here dear. Ruin my evening and you’re dead.” naglabas naman siya ng kutsilyo. “Bread knife lang ‘to dear. Pero kayang kaya kitang patayin gamit ‘to.”

 

No.

Di naman ako nagpapasindak sa kanya. Pero sa loob, takot na takot na ako. Kayang niyang pumatay? Para kanino? Kay Daniel? Ang babaw ng dahilan niya ! The hell !

 

“Bitiwan mo yan Carmen.” mahinahon kong pakiusap sa kanya.

 

Tinapat niya ang matulis na side ng kutsilyo sa may leeg ko.

 

“Promise me first that you’ll leave us alone. Then, ibababa ko ‘to.”

 

“Fine. Di ko kaya guguluhin.”

 

“Promise for your friends too. Para sigurado na rin di ba?”

 

“Fine. Pati sila.”

 

Siya…

Si Carmen…

Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
86.9K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...