FLIRTY Text

By my_love_letter

3.8M 79.4K 1.5K

Isang Playgirl si Amber Tuazon, at isang di inaasahang tawag mula sa isang unknown number ang mas magpapainit... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Authors Note
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Author's Note
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eitghteen
Chapter Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Epilogue
Author's Note

Forty Two

53.9K 1.3K 78
By my_love_letter

Restaurant

Week after..

Kakatapos ko lang mag shower para makapag ready sa pag pasok sa trabaho at.. kakatapos ko lang din sumuka.

This morning sickness, sucks!

Lagi nalang tuloy akong nakakaramdam ng katamaran sa katawan pero hindi naman pwedeng papatalo ako dun dahil kailangan kong mag trabaho, kahit na napag awayan na namin ni Damon ang tungkol sa pag hinto ko sa pag trabaho ayokong pumayag dahil, una sa lahat ang liit liit pa ng tyan ko, pangalawa hindi ako sanay ng walang ginagawa ayokong maburyong dito sa bahay, pangatlo matigas lang talaga ulo ko.

Nang makapag bihis ako sa at matapos sa pag aasikaso sa pag pasok sa trabaho sakto namang may narinig akong nag doorbell mula sa labas ng Apartment. Kinuha ko na lahat ng kailangan ko, para isang lakaran nalang.

Pag bukas ko ng pinto ang nakita ko ay si Majah.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Well ang boyfriend mo nag request lang naman sakin na kung pwede habang may mga morning sickness ka pang nararamdaman sunduin kita at ihatid. Kaya ayun dahil mabait akong kaibigan at talaga namang nasasaksihan ko yang mga pagsusuka mo kaya pumayag ako."

"Bakit di niya nabangit sakin yun?"

"Dahil alam niyang di ka papayag?"

I roll my eyes. "Syempre nakakahiya kaya sayo, kaya ko pa naman mag drive nu."

"Nagaaalala lang sayo si Damon."

"Alam ko." I said sighing.

"Alis na tayo?" She asked.

"Sure kang gagawin mo to hanggang matapos tong morning sickness ko?"

"Oo, wala naman akong ginagawa eh."

"Okay sige, bilang kapalit ililibre nalang kita lagi ng lunch."

She smiles widely. "Kahit anong lunch?" She asked, excitedly.

I chuckled. "Oo, kahit anong lunch."

Nag lakad na kami papunta sa kotse niya syempre dahil kotse niya to at nandito siya bilang driver ko kaya siya ang nasa driving seat siya at ako no choice kundi sa passenger seat.

Habang nasa byahe kami kinuha ko yung cellphone ko at tinext ang boyfriend ko..

** Any explanation kung bakit di mo sinabing may driver na pala ako? **

Inabot din ng mga limang minuto ata bago siya nakapag reply.

** Sorry baby, ayaw ko lang pagtalunan pa natin yun. **

Kung sabagay kakaaway lang namin tungkol sa pag tatrabaho ko, ayaw ko na din munang masundan yun.

** Ok, i understand. Where are you now? **

** I'm at my office now. **

** Ok, we're on our way na din sa work. Ingat ka, i love you. **

** I love you too, baby. **

Itinabi ko na yung cellphone ko at tumingin na sa kalsadang binabaybay namin.

"Ayos ka lang?" Majah asked making me look at her.

"Yah, bakit mo natanong?" Pagtataka ko.

"Ewan ko, para kasing may malalim kang iniisip."

"Mmm.. wala naman, tungkol lang to sa pagaaway naming about sa work ko, nabangit ko na yun diba?"

"Yah, pinipilit pa din ba niyang pahintuin ka na?"

"No, hindi naman na."

Nang finally nakarating kami sa trabaho, dumiretso na kami sa office ni Majah at ang aga aga ang iingay ng mga katrabaho ko. Nag focus nalang ako sa trabaho ko, puro calls and confirmation lang ang ginawa ko sa venue at mga flowers para sa kasal ni Daniella, yung kasal nalang kasi niya ang tinatrabaho ko ngayon. Di na rin ako pinapayagan ng mga katrabaho ko na mag dagdag pa ng client kasi nga daw buntis ako, syempre pabor naman sakin yun. Haha!

Lunch break finally came..

"Saan mo gustong kumain ngayon?" Tanong ko kay Majah kasi nga sagot ko lahat ng lunch niya.

Ang laki ng ngiti niya sakin. "Seryoso ka talaga dyan?"

"Yup seryoso ako, katulad kung gaano ka kaseryosong ihahatid at isusundo mo ko."

She laughed. "Okay.. hmm, ano kayang masarap kainin?" Naku! Mukhang mapapasubo ako sa panglilibre dito ah, ang takaw pa naman nitong si Majah. Haha.

"Alam ko na," She makes a excited face. "May alam akong kainan na fifteen minutes away dito, gora ka?"

I chuckled. "Okay, ikaw naman mag mamaneho eh."

Inangkla niya sakin yung braso niya at sinimulan na ulit namin ang mag lakad papunta sa kotse niya. Nang makasakay kami, sinimulan na namin amg byahe.

"Masarap ba sa pupuntahan natin?" Tanong ko.

"Oo, napuntahan na namin yun ni Mario siguradong kaadikan mo pag kain dun."

Dahil sinabi niya ang salitang kaadikan paniguradong masarap nga yung mga pagkain dun. Bigla tuloy na excite yung sikmura ko.

Nakarating kami sa restaurant na sinabi niya at may isang crew na nag assist samin sa pag upo, tsaka kamo inabutan ng menu.. una kong tinignan syempre yung presyo and nabigla akong mura lang pala. Akala ko susulitin niya yung panglilibre ko eh at gagawin akong pulube. Haha!

Habang hinihintay namin ang order, inilibot ko muna yung tingin ko sa paligid hanggang malock ang paningin ko sa isang pamilyar na tindig at itsura ng lalake, ang boyfriend ko na may kasamang babae sa isang table.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso pero syempre ayokong mag assume na baka nangbababae siya.

"Ayos ka lang?" Majah asked making me look at her.

"Si Damon nandito."

"Ha? Nasaan?" She looked around. "Shit! Who's that girl?"

"I don't know." I said shaking my head. Tumingin ulit ako sa direksyon nila, base sa kilos nila malandi yung babae.. Oo na bitter ako bakit ba? Pero tingin ko client niya yun dahil may mga papers sa table nila at laptop ni Damon. Siya siguro yung Ms. Valencia. I gazed at her, she's pretty yes.. but like what my boyfriend said, mas maganda ako. Siguro mas sexy na siya ngayon pero dahil lang yun sa buntis ako.

Nakakairita! Ang layo nito sa office niya, bakit dito pa sila nag kita?

"Gusto mo sugurin ko na?" Majah asked. Inaatake na naman siya ng pagiging war freak niya.

"No wait, let's just watch them." Kinuha ko nalang yung cellphone ko.

"Anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Itetext ko siya, tignan natin kung magsisinungaling."

** Hi baby, lunch break na namin. Kumain ka na? **

Pag kasend ko nung message ko tumingin ulit ako sa direksyon nila. Kinuha ni Damon yung cellphone niya sa lamesa at mukhang binabasa yung text ko at mukhang nag rereply na.

** Yup tapos na baby. **

** Ano ng ginagawa mo ngayon? **

Tumingin ulit ako sa direksyon nila ng makapag reply ulit ako. Sakto ang dating nung order namin kaya nawala sandali ang focus ko sakanika kundi dun sa pagkain na inilalapag nung waiter hanggang makarecieved ulit ako ng text kay Damon.

** Working again baby.**

** Nasa office ka? **

** Yup. **

Inilapag ko sa lamesa yung cellphone ko at inilagay yung mga kamay ko sa mukha ko dahil sa inis, galit and sakit ng pagsisinungaling niya. Naramdaman kong gustong tumulo ng mga luha ko, yung lalamunan ko medyo mabigat na dahil sa pag pipigil kong lumuha.

Shocks! Buntis lang ako kaya masyado na kong emotional, baka may dahilan kung bakit siya nag sinungaling.

"Alis nalang tayo?" Majah asked, concerned.

I shake my head, looking at those shits again. I saw them holding hands on top of the table, then the bitch stand and bends down and kisses my boyfriend's lips.

Ngayon tumulo na yung luha ko.

Umiwas na ko ng tingin, at pinunasan yung luha ko. I knew it! That bitch, patay siya sakin. Hindi pa ko nasaktan ng ganito, at di ko matangap na sinaktan ako ng ganito.

I stand, angrily.

"Sit!!" May pagkainis na utos ni Majah. "You're pregnant! Let your friend do the job!" She stands and walked straight to Damon and sa mistress niya.

Kinausap niya yung dalawa, no i think tinalakan niya. Ang unang naging reaksyon ni Damon ay napatayo sa gulat ng makita si Majah tsaka mukhang hinanap ako at nang malock ang paningin niya sakin, i gave him my death glared.

Naglakad siya papalapit sakin habang si Majah naman sinasabunutan na yung bruha. Nag simula ng mag panick yunt mga staff ng restaurant para awatin siguro si Majah. "Waiter!!" Tawag ko dun sa lalakeng nag serve samin kanina. "Yung bill magbabayad na ko!"

"Baby.." Damon called, touching my my arm.

"Don't. Touch. Me!" I warned, angrily.

"Baby, i can explain-"

"Ano ba sabing yung bill ko eh!" Pasigaw kong sabi dun sa waiter. At dahil sumigaw na ko nagmadali na tong kinuha yung bill ko.

"Baby-" hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil tinulak ko siya sa dibdib niya.

"Wag mo nga kong kausapin! Nakakadiri ka!" Mukhang di niya nagustuhan yung sinabi ko at wala akong pakialam dun!!! "Alam mo pasalamat ka at buntis ako dahil kung hindi kakalbuhin ko yang babae mo!"

Nakalapit na samin yung waiter at inabot sakin yung bill tsaka naman ako nag bayad.

Nag simula na kong mag lakad palayo sakanya at nilapitan si Majah na naawat na ng mga crew pero tinatalakan pa din yung bruha. "Majah tara na."

Tumingin siya lang siya sakin. Lumapit muna ako dun sa bruha at winarningan. "Hoy bruha tandaan mo tong mukhang to, pag nanganak ako at nakita kita siguraduhin mong wala ka ng buhok ha, dahil pag nakita kong meron kakalbuhin kita, naintindihan mo?!!!"

Pagkasabi ko nun hinila ko na yung kamay ni Majah palabas ng restaurant.

Nung aakma na sana kaming sumakay sa kotse ni Majah naramdaman ko yung may humawak sa braso ko. Nakita ko ang gumawa nun ay si Damon kaya ang una kong ginawa ay sinampal siya ng ubod ng lakas. Lahat na ata ng galit, inis at puot ko nilabas ko sa sampal na yun.

"TAPOS NA TAYO, NAINTINDIHAN MO!!!" I yelled, angrily.

"Amber.." Maj called making me look at her. "You're bleeding." She added looking down at me.

Shit!!

--

Okay, hate me now. Haha!
😄😄✌

Please vote.

Continue Reading

You'll Also Like

894K 19.1K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
209K 4.4K 46
Sabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an...
73.6K 1.3K 18
First Book in the Princess Series Meeting by chance, and staying by choice. Erella Tuazon has been living the life of a fairytale princess-literally...
1.2M 13.5K 34
Magkaroon ka ng super hot at gwapo at sexy na neighbor na tine-terrorize ang buhay mo dahil sa mga kabaliwan at kamanyakan na pinaggagagawa niya. At...