Twenty Five

60.3K 1.2K 6
                                    

Fall?

Isang mahabang byahe ang binaybay ko palayo sa Unit ni Damon hanggang sa favorite Coffee shop namin nung mga kaibigan ko.

Dito ako dumiretso after dun, di ko alam pero dito ako dinala ng utak ko. Siguro dahil talagang comfort food ko ang cake na meron sa shop na to kaya dito ako dumiretso.

Pero wala naman akong ginawa kundi titigan lang yung cake at tusok tusuking ng maliit na tinidor kong hawak. Siguro nga umaangal na to sa sakit.

Anong nang mangyayari ngayong di na kami magkikita? Well isa lang ang panigurado.. wala nang magpapaligaya ng weekend nights ko. Kung kelan naman kasi ang okay ng lahat tsaka pa may ganung panaginip?! Nananandya ba yun? Bwiset!

"Amber Tuazon!" Isang pamilyar na boses ng babae ang bumasag sa malalim kong pag iisip. I look up at her and i saw Luisa. "Nagsasalita na yung cake ang sabi, kainin mo nalang ako wag mo na kong saktan.. anon bang problema?" Tanong niya tsaka umupo sa same table ko.

"Paano mo nalamang nandito ako?" Pagtatanong ko din sakanya.

"Justin told me." Oh yah! Si Justin nga pala ang mayari nito na tingin ko ay di nalang ka one night stand nitong si Lulu. "So ano nga?" Pagngungulit niya.

Im about to open my mouth para magsalita na at sumagot sa tanong niya pero pinigilan naman niya agad ako. "Hintayin na natin si Majah."

"Pupunta din siya?" Gulat kong tanong. She nods. Kung sabagay para isang kwentuhan lang, baka din kasi tanungin ako nun bukas sa office.

"Mukhang malaking problema nga yan ah." Sabi niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Oo." Matipid kong sagot.

"Sorry, guys im late." Biglang pagsulpot ni Maj. "Kung itatanong niyo na naman kung nag sex kami ni Mario, Oo na sige na inaamin ko na!" Dagdag niya na dahilan para tumawa si Lulu samantalang ako napangiti lang, yung pilit pang ngiti. Ewan! Wala talaga ko sa mood.

"So, anong problema mo Amber?"

"Tinapos ko na muna yung pagkikita namin ni Damon."

"Bakit?" Maj asked.

"Nanaginip kasi ako.. Uh.. kaming dalawa, you know.. we're having sex.."

"Wow, Amber pati ba naman sa panaginip?" Pagpuputol ni Luisa sakin.

"I know! Okay! Patapusin mo muna ko. We're not just having sex.. sinabi din namin yung salitang never.. ever.. even in my dreams na sasabihin ko pero nagawa ko."

"Ano yun?" Maj confusedly asked.

"We said.." i can't even say it now. "Yung.. I.L.Y."

"Huh??" Lulu asked. Mukhang di niya din nagets yung sinabi ko. Haay! Paano ko ipapagets sakanya yun?

"You mean the words, I love you?" Maj finally says it.

"Yes!! That words.. oh thank you so much!" Hallelujah!

"Ohmygod! For real?" Lulu asked, shocked. I nodded my head.

"Baka naman na fall ka na?" Maj asked.

"Kaya nga ko nag freak out eh, kaya hininto ko muna dahil paano kung ganun nga? Pambihira sa dami ba naman ng pwedeng mafall kay Damon na player pa??!!"

"So you admit na, na fall ka?" Lulu asked.

"I really don't know. I mean, i do like him. If he asked me to be his girlfriend i would say yes. Pero yung mafall?? Ewan! Siguro Oo, siguro hindi, siguro natatakot lang din ako na baka kung na fall nga ko sakanya masaktan ako dahil player siya."

"Kaya mo napag desisyunang wag munang makipagkita?" Lulu asked. I nodded.

"Bakit para makaiwas matuluyang ma fall?" Maj asked.

"Oo. Ganun na nga! Kung ano man tong nararamdaman ko kailangan munang lumaylo dahil ako din ang dehado. Alam ko kung gaano kahirap mahulog sa player dahil ganun din ako."

"So anong plano habang lumalaylo ka?" Lulu asked.

"Just like before.. makikipagkilala sa ibang lalake para mawala tong wirdong naiisip ko na umaabot na sa panaginip ko."

"Paano kung di nawala?" Maj asked.

"Edi bahala na! Kung di ko na rin naman na to matatakasan edi susungaban ko nalang. Bahala na kung anong resulta."

Bakit ba kasi nauwi sa ganto to? Samantalang naging textmate ko lang siya tapos ganito agad? Anong ginawa ng lalakeng yun sakin na dahilan para makaramdam ako ng ganito?

Kasalanan to ng labi niyang masarap eh.

FLIRTY TextWhere stories live. Discover now