Chapter Fourteen

69.6K 1.3K 1
                                    

His Serious Side

Dali dali ko namang nilapitan si Damon para awatin siyang suntukin na naman yung kawawang lalake. "Damon, tama na!" Pagpipigil ko. Niyakap ko siya para hindi na makawala pa.

"Diba sabi ko wag kang magpapakita sakin!!" He yelled.

"Tama na Kuya!!" His sister yelled too.

"Sinabihan na kitang wag siyang dadalhin dito diba?"

"Kailangan dahil buntis ako!" Oh shit! Dagdag problema yan! Hirap na nga kong awatin siya pero dahil sa sinabi niya baka mas lalo pang magwala tong si Damon.

Sinubukan ni Damon na kumawala sa pagkakayakap ko pero di ako pumayag. "Gago ka, binuntis mo pa kapatid ko!"

"Pare, mahal ko si Daniella. Best friend mo ko kaya alam mong nagsasabi ako ng totoo." Sabi nung lalake. Wow! Kapatid niya at best friend niya? Seryoso ba yun? Kaya naman pala galit na galit si Damon. Masyado na kong maraming nalalaman sa buhay niya bilang isang textmate lang.

"Kaya nga mas lalong hindi ako payag sa relasyon niyo dahil kilala kita! Tangina pare, kalahati ng buhay ko mag kasama na tayo at nakita kong marami kang pinaiyak na babae mas marami kesa sakin tapos syosyotain mo kapatid ko?!"

"Tama na yan, Damon. Nandyan na yan wala na tayong magagawa, mag pasalamat nalang tayo at pananagutan niya yung kapatid mo." His Mom said.

Unti unti ako bumitaw sa pagkakayakap kay Damon dahil naramdaman kong medyo kumakalma na siya. Umakyat siya sa taas ng walang kahit na anong sinabi at iniwan akong mag isa kasama ng pamilya niya.

Humarap ako sa pamilya niya at di ko maiwasang mailang kasi nga nasaksihan ko ang mga pangyayari sa pamilya nila samantalang di nila ko kilala.

"Uh.. pasensya na po kung hindi ako nakapagpakilala." I said to Mrs. Lawrence.

"Ayos lang hija, girlfriend ka ba ni Damon?"

"Naku! Hindi po, magkaibigan lang kami." Hindi ko maiwasang kabahan, kasi naman first time kong humarap sa parents ng isang lalakeng nakarelasyon ko o nakatalik manlang. "Ako nga po pala si Amber Tuazon." Pagpapakilala ko.

"Nice to meet you, Amber. Pasensya ka na at nakita mo pa yun."

"Wala po yun. Ayos lang po bang puntahan ko muna si Damon?"

"Sige." Ngumiti nalang ako sa kapatid niya at ibinalik naman niya ng very nice ang ngiting yun.

Umakyat na ko sa second floor ng hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Damon. Kasi naman ang daming kwarto, pero buti nalang may nakita ako sa pinto ng isa sa mga kwarto ang pangalan ni Damon kaya siguro nandun siya.

Kumatok ako para alamin kung nandun nga siya. "Bukas yan." I heard his voice from inside. Tama nga ko.

Pag bukas ko ng pinto kapansin pansin na ang mga laruang panglalake at poster ng The Beatles na nakasabit sa pader, at Baseball bats, cup and gloves. Meron din isang uniform na tingin ko ay para sa isang Baseball player, na may nakalagay na Lawrence. Baseball player siguro siya dati.

I saw him seating on his bed, with his hands on his head. "Hi." I greeted. Dahan dahan niyang inangat yung ulo niya at tinignan ako.

"Hi." He greeted back. Lumapit ako sakanya at umupo katabi niya. "Nakakahiya nakita mo pa kong ganun." Sabi niya pagkaupo ko.

"Tinutoo mo naman yung biro kong gagawin mo kong referee." Biro ko. He just smiled, weakly. "So.. best friend mo ang tinutukoy mong playboy na boyfriend ng kapatid mo?" He nods. "At nagagalit ka dahil sa playboy siya o dahil feeling mo na betrayed ka?"

"Pareho, pero ang pinakadahilan ay dahil baka saktan niya yung kapatid ko. Kilala ko siya at nakita ko lahat kung paano nag mamakaawa sakanya yung babae tapos pagtatawanan niya, ganun ang buhay naming dalawa. Kaya di ko hahayaan gawin niya yun sa kapatid ko."

"Alam mo, hindi ako magaling sa pag aadvice pero.. bakit di ka nalang muna magtiwala sa pinanghahawakan nilang mahal nila isat isa?" Hindi ko akalaing lalabas sa bibig ko yan. Ang korni!

"Hindi marunong magmahal ang mga player." Ouch!! Aray ha! Para niya kong sinaksak ng harap harapan sa sinabi niya. Kung iisipin may tama siya, pero hindi naman lahat. Tsaka parang sinabi na rin niyang hindi siya marunong mag mahal eh isa rin naman siyang playboy.

"Well siguro tama ka pero hindi naman lahat." Hinawakan ko siya sa legs niya na dahilan para tumingin siya sakin. "May itinatago ka palang serious side."

He chuckled. "Nakakapanibago ba para sa isang playboy?"

"Mmm.hmm! At nakakapanibago mula sa lalakeng ang daming beses ko ng nakasama sa kama na walang sinabi kung gaano ako kaganda, sexy at ka hot."

"Tama ka!"

"Napaka seryoso ng buhay mo, hindi ko tuloy maiwasang magisip kung paano ka naging playboy."

"Mana mana lang siguro, namana ko sa tatay kong walang ginawa kundi paiyakin ang Nanay ko. Kaya nangako ako na hindi mangyayari yun sa kapatid ko pero nahulog naman siya sa isang katulad ko."

"Hindi ba choice ng tao ang magmahal? Kaya kung masasaktan ang kapatid mo choice niya din yun, pinaglaban niya lang yung mahal niya na baka pagsisihan niya kung hindi niya ginawa."

"Akala ko ba hindi ka magaling mag advice?" He asked amused, making me laughed.

"Hindi nga, hindi ko din alam kung paanong lumabas yun sa bibig ko." Natatawa kong sabi. Inilapit niya sakin yung kamay niya at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko, tsaka niya unti unting inilapit ang labi niya sa labi ko.

FLIRTY TextWhere stories live. Discover now