Forty

55.7K 1.3K 29
                                    

Pizza

Nasa Apartment na kami ngayon at nakauwi na mula sa bahay ni Mama. As always, pagod na naman ako sa byahe. The whole time ngang nasa byahe ako, tulog lang ako. Ewan ko ba ang takaw takaw ko sa tulog talaga. Normal lang yun buntis, alam ko. Nakakapanibago nga lang sa side ko.

Umupo lang kami ni Damon sa couch namin, nakasandal lang yung ulo ko sa balikat niya at ineenjoy tong oras na mag kasama kami. Bukas kasi, trabaho na naman kami.

We heard his cellphone ring.. na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Kinuha niya yun sa bulsa niya at sinagot.

"Ms. Valencia, how may i help you?" Ms. Valencia? Girl at Miss pa ang tumatawag sakanya? Tinangal ko ang pagkakasandal ko sa balikat niya at tumingin sakanya. "No problem Ms, im free.. where? Okay, I'll be there in hour." He ended the call.

"Baby, ayos lang bang umalis muna ko? May imimeet lang akong client." He asked. Weekend may client? Di ba makapag hintay yun hanggang bukas?

"Babaeng client?"

He chuckled, amusingly. "Bakit may nakikita akong selos sa mata mo, baby?" He teased.

"Gusto mong hindi makatabi mamaya?" I warned, crossing my arms.

He laughed. "Biro lang, baby." Hinalikan niya ko noo tsaka siya nag punta sa kwarto namin para siguro mag bihis. Subukan niya lang mag papogi ngayon, papaltukan ko talaga siya.

Nag stay nalang muna ako sa sala at kinuha yung cellphone ko, since aalis siya yayayain ko friends ko dito.

** Hoy mga bruha, bisitahin niyo naman ako dito sa Apartment namin ni Damon. Magisa lang ako dito ngayon. **

I texted both Maj and Luisa.

"Baby, aalis na ko." Damon said. Bihis na bihis siya ah! He was about to kiss me pero inatras ko yung ulo ko.

"Pogi ah." I comment. Inamoy ko siya. "Ang bango mo din."

He laughed. "Baby, client ang imimeet ko kaya kailangan presentable." He kissed my lips.

I heard my cellphone ring. Sinagot ko yun ng hindi inaalis ang tingin kay Damon. "Hello?"

"Buntis may gusto ka bang pabilhin?" Boses yun ni Majah.

"Pupunta na kayo?" Tanong ko.

"Yup."

I grin. "Pizza, please."

I heard her chuckled. "Okay, yun lang tinawag ko."

"Okay, bye." She ended the call.

"Pupunta yung friends mo?" Damon asked.

"Yup."

"Buti naman para may kasama ka dito, habang wala ako." He kissed my lips again. "Aalis na ko." Pagkasabi niya nun nag madali na siyang maglakad palabas ng Apartment.

Nang mawala na siya sa paningin ko, tinext ko siya.

** Umuwi ka agad! 💪 **

Humiga ako sa couch habang hinihintay ang reply niya.

** Yes, Ma'am! (salute) **

I grin at his replied.

** And behave! 😠💨**

** I will, baby. 😍 **

** Bili ka na din ng pizza pag uwi mo. 😘 **

** Pizza lang ba? May gusto ka pa bang pabilhin? **

** Wala na. Uwi ka ng safe, keri na. **

** Ok, i love you with so many ❤❤❤ **

** Ang harot mo dyan, mag focus ka sa pag mamaneho! And i love you too with so many hearts too. 😍😍 **

Itinabi ko na yung cellphone ko dahil ang korni na naming dalawa. Haha! Grabe ilang minuto palang kaming nagkakahiwalay miss ko na agad siya. Tsk.. baka maging kamukha niya anak namin dahil gustong gusto ko lang talaga siyang kasama, kung wala lang siyang client ngayon baka nag stay lang kami ng ngayon sa kwarto.

Habang wala pa yung dalawa kong kaibigan, i decided na mag luto para sakanila. Nakakahiya naman kasi kung pinapunta ko sila wala manlang silang kakainin. Niluto ko ang pinak favorite naming tatlo na ulam, Chicken and Pork Adobo with boiled egg, and kunting anghang.

Urgh! Baka di ko na sila mahintay at kainin ko na agad to. Haha!

And tulad nga ng sinabi ko, di ko na nahintay yung dalawa at nang maluto to kumain na ko. Di pa man ako nagtatagal sa pag kain, sakto naman ang dating nung dalawa.

Pinag buksan ko lang sila ng pinto, si dalawa silang may bitbit na box of pizza mag kaibang flavor pa kaya maliban sa Adobo ko natakam din ako sa Pizza.

"Oh, buntis masyado kang obvious na naglalaway ka na sa pizza." Luisa jokes making Majah laughed.

"Grabe siya oh! Pumasok na nga kayo, nag luto ako ng Adobo."

Dumiretso kami sa dining area namin, malamang para masaluhan na nila ako sa pagkain. "Grabe, nauna ka talagang kumain ah." Maj said.

"Pag bigyan niyo na, buntis ako. Dalawa na kaming kumakain ngayon." Sabi ko habang kinuha sila ng plato at inilagay ito sa lamesa.

"Anong feeling ng buhay may uh.. ka live-in?" Luisa asked.

"Why? Gusto mo ng subukan?" I jokingly asked. Umupo na ko at hinayaan na silang mag sandok.

She rolled her eyes. "Hindi nu! Kasi naman, itong si Maj medyo masasabi ko pang maeenjoy na yang mga ganyan pero ikaw? Oo, siguro mag aasawa ka din naman pero hindi ganito kaaga."

"Bakit ba lagi niyo kong dinadamay sa usapan niyo?" Maj asked.

"Ikaw lang kasi ang semi matino satin." I said making Luisa laughed, offering me a high five.

"Ang totoo naeenjoy ko to, pero ang sabi nung iba sa simula lang to masaya pero para sakin habang tumatagal lalong sumasaya!"

"Bakit parang nabeberde yung utak ko sa mga ibig sabihin ng mga sinabi mo?" Luisa asked chuckling.

"Well, dahil may nakakaberde ng utak talaga yung iba."

"Haay, ito naman.. about sex na naman ang pinaguusapan." Maj said.

"Oh c'mon, don't play virgin Maj." Luisa said.

"Manahimik na nga lang kayo dyan! Kumain na tayo!" Pagaangal ni Majah.

"To that i agreed!" I said. So, ngayon sabay sabay nakaming kumakain at syempre tuloy tuloy padin ang aming chikahan kahit kumakain.

"Kamusta na pala kayo ni Justin? Seryosohan na rin ba kayo tulad namin ni Damon?" I asked Luisa.

"Well, at first fling lang talaga ang bet ko samin kaya lang he was really good kaya.. ayun pumayag na kong maging girlfriend niya, and yah.. i think pwede naman siyang seryosohin."

"Puputi na ata ang uwak." Majah jokes making me laughed.

"Grabe kayo ha!"

"Ikaw na ata ang pinaka malalang playgirl na nakilala ko, kaya ang maneryoso ng lalake, himala talaga!" I said laughing.

"Nag salita ang hindi."

"Hoy, matino naman ako ng kunti nu! Tignan mo, in love na in love na ko ngayon."

"Wow! Ang dali mo nalang nasabi yung love ah." Majah said.

"Napapadalas ko na kasing sabihin yun ngayon."

"Talaga? Pati si Damon sinabi na rin yun?" Luisa asked. I just nodded my head, grinning.

"Wow!" Sabay nilang sabi.

Wow talaga!

--

Please vote. 😄

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon