Forty Three

48.8K 1.6K 109
                                    

Bye

Nasa hospital kami ngayon at hinihintay ang doctor kung ano ng balita sa baby ko pag katapos kong duguin. Hinding hindi ko mapapatawad si Damon pag may nangyari sa anak ko.

Kasama ko siya ngayon dito sa hospital, silang dalawa ni Majah ang kasama ko. Silang dalawa naman kasi ang nag dala sakin dito. Kanina ko pa siya pinapaalis pero ayaw niyang makinig sakin.

Nang finally dumating yung doctor, i was about to ask her kung ano ng kondisyon ng anak ko di ko na nagawa yun dahil nauna na si Damon.

"Doc, kamusta yung baby namin?" Damon said, concerned.

"The baby is fine sir, mabuti nalang at makapit yung bata. But i suggest na.. " Tumingin sakin yung doctor. "Misis, bawasan niyo ang mastress at ang trabaho."

"Miss.." Pagtatama ko. "Miss pa po ako, Oo siya ang tatay ng baby ko pero wala kaming relasyon."

Halata sa reaksyon ni Damon na di niya nagustuhan yung sinabi ko. Wala akong pakialam dun!

"I'm sorry about that." Pag hingi ng tawad nung doctor sakin. I'm tempted to roll my eyes pero pinigilan ko, may respeto pa din naman ako kahit papano.

"Uh.. just like what i said, less the stress and i suggest na kung may trabaho ka take a rest muna. Sa ngayon reresetahan kita ng gamot para sainyo baby mo."

"Okay, salamat po. Pwede na ba kong umuwi after nito?" Ayokong mag stay dito sa hospital, not again. At isa pa, kukunin ko na yung gamit ko sa Apartment namin ni Damon.

"Yes, pwede na."

Nang masabi na ng doctor ang kailangan kong malaman at mabigay yung reseta umalis din naman agad siya ng kwarto ko at naiwan na naman kaming tatlo dito sa kwarto.

"Baby-" He was about to speak pero pinigilan ko na agad. Itinaas ko yung kamay ko bilang pag hinto sakanya.

Huminga muna ko na malalim para pakalmahin yung sarili ko dahil ayaw kong mastress para sa anak ko, ayaw kong mapahamak siya dahil sakin.

"Maj, ayos lang bang ihatid mo ko sa Apartment namin ni Damon kukunin ko lang yung mga gamit dun tapos pahatid na din ako sa dati kong Apartment."

"Uh.. Okay, sige walang problema."

"What! Wait.. you're leaving?" Gulat na tanong ni Damon.

"Nasaan na yung gamit ko?" Tanong ko kay Majah at di pa din pinapansin yung mga sinasabi ni Damon. Ayokong ma stress kailangan kalmado lang ako, para sa baby ko.

"Ako ng mag bubuhat ng gamit mo."

"Sige." Dahan dahan na kong umalis ng kama."

"Are you going to continue, ignoring me?" He asked again. Hell yah! Playboy!

Inalalayan ako ni Majah sa paglalakad, ramdam ko lang ang pag sunod samin ni Damon pero this time tahimik siya at hindi nag sasalita. I was about to pay my hospital bill pero nabayaran na pala yun ni Damon. Di na ko nag abalang pasalamatan siya dahil wala ako sa mood na gawin yun.

Dumiretso na kami ni Majah sa kotse niya at nang makasakay kami sinimulan naman namin agad ang byahe. Habang palayo kami ng hospital, tinignan ko mula sa side mirror ng kotse si Damon, kita sa mukha niya na helpless na siya dahil sa pagiwas ko sakanya.

Ngayong wala na siya sa harap ko, di ko na napigilang tumulo yung mga luha ko. Langya talaga, ang sakit ng ginawa niya. Hindi ko matangap na yung lalakeng kauna unahan kong minahal at akala ko mahal din ako ay sinaktan lang ako. Tss.. sabi na eh, kalokohan lang yang tanginang love na yan eh. Bakit ba kasi lumabas sa bibig ko yan eh!

"Amber tahan na, baka maapektuhan yung baby mo at maging iyakin sige ka." Maj tries to joke and it helps at bit. I laughed softly.

"Hayaan mo muna ko ngayon, baka kasi pag hindi ko to inilabas lalo pang maapektuhan yung baby ko." I said wiping my tears.

"Okay."

Nag focus nalang ulit siya sa pag mamaneho niya habang ako naman, sige parin ang pag tulo ng mga luha ko. Pero nang sa wakas dumating na kami sa Apartment namin ni Damon, masakit at masikip man sa dibdib pinigilan ko na ang lumuha.

Inilalayan lang ulit ako ni Majah sa pag baba ng kotse at nag simula na kaming pumasok sa Apartment, dumiretso kami sa kwarto at kinuha na ang lahat ng gamit ko. Ayokong mag tira kahit isa.

Nang maimpake ko na lahat ng gamit ko. Lumabas na kami ni Majah ng kwarto at nung aakma na kaming lumabas sakto naman ang dating ni Damon na nakatitig ng blangko sa mga gamit ko. Nabaling niya ang tingin niya sa mga mata ko, kaya nakipagtitigan lang ako sakanya.

"Uh.. Amber, hihintayin nalang kita sa kotse." Majah said. Tumango lang ako sakanya ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Damon.

Wala paring nag sasalita samin ni Damon hanggang sa marinig naming nag sara yung pinto patunay na nakalabas na si Majah. Bigla lumapit sakin si Damon at hinawakan ako sa mag kabilang pisnge tsaka hinalikan ako sa labi.

Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na ginago niya ko, binalik ko pa din yung halik niyang yun. We kissed passionately, and before ko pa to maenjoy na naman bumitaw na ko sa halik na yun at nag salita..

"Good bye Damon."

Aakma na sana akong mag lakad pero niyakap niya ko mula sa likod bilang pagpipigil sakin.

"No baby please don't leave me. I didn't know na gagawin niya yun maniwala ka nagulat din ako. Hindi kita niloloko baby, mahal na mahal kita hindi ko kakayaning mawala ka sakin, pakiusap baby."

Pilit kong tinangal yung mga braso niyang nakayakap sakin tsaka humarap sakanya, yung mga luha kong taksil tumulo na naman. "Gusto kitang paniwalaan Damon pero di ko kaya dahil nakita mismo ng mga mata ko. You lied to me na nasa office ka, pero ang totoo kasama mo yung babaeng yun! I saw you holding hands with her, i saw you kissing her!"

"What?! I didn't kiss her, she kissed me. I didn't kissed back; i back out right away as she kissed me!"

"I saw it Damon!"

"No!! I don't!!" He runs his fingers to his hair. "I didn't cheat on you, believed me."

"It's hard. Alam mo kung anong problema sa mga katulad nating player? Hindi tayo makapagkakatiwalaan." Tumalikod na ulit ako at aakma na sanang mag lakad palabas pero humarang siya at lumuhod sa harap ko.

"Wag mo kong iwan pakiusap." He's crying and makes me cry more. "Hindi ko kayang mawala ka."

"Sana naisip mo yan bago ka gumawa ng kalokohan." Pagkasabi ko nun nag lakad na ko at dinaanan siya hanggang sa makalabas ako ng Apartment at dumiretso sa kotse ni Majah.

--

Ayan, since ang daming comment kaya nag update na ko. Maikli nga lang. 😄😄

Please vote.

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon