Thirty One

59.4K 1.2K 10
                                    

Hospital

Nakarating kami sa hospital na sinabi sakin nung pinsan ko kasama si Damon, salamat sa tulong niya at nakarating kami dito ng mabilis kahit na sinabi niyang ayos na si Mama hindi parin mawala yung kaba ko sa dibdib ko.

Tinanong ko yung nurse kung saan naka confine si Bernadette Tuazon at nung tinuro niya samin yun dali dali akong pumunta dun ni hindi ko na nga inabalang magpasalamat, si Damon na ang gumawa nun para sakin.

I saw my Mom laying on a bed hospital making jokes with my Auntie. "Ma.." i called making them look at me.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya niyakap kahit na kahiga, hindi ko na maiwasang tumulo ang mga luha ko. "Anak, bakit ka umiiyak di pa naman ako patay." Mom jokes.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ang luha ko. "Mama naman eh, wag ka ngang magbibiro ng ganyan." I scolded.

She laughed. "Okay, sige na.. sorry."

"Ano po ba kasing nangyari bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Nahilo lang ako, ewan ko ba dito sa tita mo ang O.A na minsan at dinala pa ko dito."

"Sabi ko naman po kasi sayo sa Apartment ka na tumira, para mabantayan kita."

"Anak, ilang beses na ba tayong nag usap tungkol dyan? Diba sabi ko sayo ayaw kong iwan ang bahay na pinundar namin ng Papa mo. Tsaka mag aaway lang tayo lagi dahil kung sino sinong lalake ang dinadala mo sa Apartment mo."

"Grabe ka naman Ma, dati yun hindi na ngayon nag matured naman ako ng kunti." Si Mama talaga, umatras tuloy yung luha ko.

"Ah.. dahil ba yan sa kasama mo?" She asked looking directly at Damon. Oh shit! I almost forgot about him.

I hold Damon's hand. "Nakalimutan kong ipakilala si Damon po pala, boyfriend ko."

"Uh.. hello po ako po pala si Damon Lawrence Ma'am, nice to meet you po." He said with a bow.

"Nice to finally meet you too hijo, siya na ba ang aasawahin mo anak?"

"Ma! Yan ka naman!"

"Bakit anong masama sa tanong ko?"

"Enough saying the word aasawahin, i told you that's foul." Nakakahiya tuloy kay Damon, mamaya bigla tong mag freak out dahil asawa agad ang binabangit ni Mama. Ni hindi pa nga ko ready mag pakasal, ni hindi pa nga sumasagi sa utak ko ang mag pakasal. Paniguradong pati itong si Damon ganun din.

"Okay, sorry i forgot. But I'll be honest, gustong gusto ko na talaga ng apo."

"Uh.. Tita, kailan daw po pwedeng makalabas si Mama?" I immediately changed the topic. Maloloka na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Pwede na daw siyang makalabas bukas, pinagpapahinga lang siya ng doctor ngayon." Tita answered.

"Oh, good."

I squeezes Damon's hand making him look at me. "You can go home now, thank you for sending me here."

"No, I'll stay here with you."

"Pero may pasok ka bukas."

"Ayos lang yun."

"Ang mabuti pa kayong dalawa na lang ang umuwi, may visiting hours lang dito sa hospital. Mamayang gabi, papaalisin din kayo." Mama said.

"Ma, hindi ako uuwi hangga't di ka nakakalabas dito at isa pa ang layo ng Apartment ko dito."

"Edi sa bahay ka na muna umuwi."

Tumingin ako kay Damon. "Gusto mo bang mag stay na muna sa bahay?" Tanong ko.

"Yah, sure."

Tumingin naman ulit ako kay Mama. "Okay, dito po muna kami hanggang matapos ang visiting hours."

"Gusto mo ba ng makakain baby, habang nag babantay? Bibile ako." Tanong ni Damon.

"Hindi na, sa bahay na ko kakain mamaya for sure maraming laman ang ref ni Mama." Tumango nalang siya.

Umupo nalang muna kami para bantayan si Mama at nakinig sa pinag uusapan nila ni Tita tungkol sa mangyayaring kasal ni Mae na pinsan ko. Mas matanda ako sa babaeng yun pero nauna pa siyang mag pakasal sakin.

Nakikisingit din naman ako sa usapan nila kasi gusto ko din makichismis, nakakamiss ang makipag chismisan sa mga kamaganak eh.

Habang kami nag dadaldalan busy naman si Damon sa paghawak ng kamay ko, ni tila ayaw nga niyang bitawan eh. "Enjoying my hand?" I asked, whispering.

"I just miss this." Hinalikan niya yung kamay ko ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata. Kung wala lang kami sa harap ni Mama at sa hospital baka tinadtad ko na siya ng halik sa labi.

FLIRTY TextWhere stories live. Discover now