Chapter Nine

85.3K 1.5K 8
                                    

Club

I yawn as i enter our office. Late na ko natulog dahil sa biglaang pag dating ni Damon tapos ang aga ko pang nagising dahil maaga siya umalis.

"Ayos ka lang?" Maj asked pagkaupo niya sa table niya.

"Bakit?" I asked confused.

"Mukha kang puyat." Paanong di ako mapupuyat eh ang aga kong gumising. "Hulaan ko may bisita ka nu?"

"Mmm.hmm."

"Hindi mo na nahintay yung textmate mo kaya may kasama ka ng iba?"

I chuckled. "Actually siya ang kasama ko kagabi."

"Wow! Baka naman seryosohan na yan?" Pabiro niyang sabi kaya tumawa ako.

"Kilala mo ko beb, wala akong siniseryosong lalake." Gwapo si Damon at talaga namang ang lakas ng epekto niya sakin, pero di ibig sabihin nun seryosohan na. Kalokohan lang yun.

"Alam mong meron ka ng muntikang seryosohin." Pagpapaalalala niya habang nakangiti ng nakakaloko. I roll my eyes on her. Tama siya! Meron na nga akong mutikang seryosohin, muntikan lang naman as in muntikan lang ng very very light!

Isang taon kami, sa saktong anniversary namin nakita ko siyang may kahalikan lang namang babae. Feeling gwapo, well gwapo naman talaga siya.

Haay! Kainis talaga tong si Maj at pinaalala pa kasi.

Nag simula nang magsidatingan ang mga clients namin, kaya medyo maging busy na at yung antok ko medyo nawala nung gusto kong masampal sa inis yung kliyenteng lalake na kung makatingin sa cleavage ko wagas na akala mo hindi niya kasama ang fiance niya. Tsk.. tsk.. ngayon pa nga lang di pa sila kasal nagloloko na yung lalake, paano pa kaya kung kasal na?

"Beb, nag text si Lulu nabasa mo ba?" Maj asked habang nakayuko ako sa table ko dahil talaga naman tong antok ko ayaw akong tantanan. Kinuha ko yung cellphone ko at may two messages ako yung isa mula kay Luisa at yung isa kay Damon. Una kong binasa yung text ni Damon..

*** Anong ginagawa mo maliban sa pagiisip sakin? ***

I grin. Gusto ko mang isipin siya napaka hirap dahil dito sa antok ko.

*** Iniisip kong makauwi na at matulog. *** I replied.

Then sunod kong binasa yung text ni Lulu. *** Beb, later at Club mag boboyhunt tayo. *** Okay sana yung idea ng pagboboyhunt kaya lang inaantok ako.

"Pupunta ka?" Tanong ko kay Maj.

She shrugged. "May choice ba tayo? Sigurado namang bubulabugin tayo nun." True! Haaay! Baka naman may exemption dahil inaantok ako.

*** Are you sick, baby? *** Damon texted again.

*** No, im fine. Puyat lang well di ko na kailangan ipaliwanag kung bakit. ***

Natapos ang working hour sa wakas.. nakaantok talaga siguro naman mabubuhayan ako nito pag nas Club na kami. Sabay namin binaybay ni Maj ang papunta ng OutLoudClub dahil naghihintay na dun si Lulu, baka mamaya nito may prospect na siyang lalake.

Nakarating na kami sa Club at si Luisa agad ang hinanap namin. Nahanap namin siya sa Bar Station na may kausap na lalake at base sa mga tawa niya bet niya yung lalake.

Tumingin ako kay Maj. "Di ka ba aawayin ng jowa mo dahil nandito ka sa Club?" Biro ko.

"Ang totoo magkaaway naman kami kaya ayos lang." Wow! Away na naman? Lagi nalang silang ganun, mag aaway tapos magbabati.

"So, sasali ka samin ngayon sa pagboboyhunt?"

"No, iinum lang ako." Honest talaga siya sa jowa niya ah. Yan ang ikinabibilib namin sakanya eh gustuhin man naming gayahin hindi naman namin kaya. Haha!

Nilapitan na namin si Luisa na todo hawi ng buhok sa kausap niya, kung di kami magkatulad baka pagtawanan ko siya. "Hey, beb!" I greeted, making them to look at us. My mouth fell nang makita ko kung sino ang kasama niya.. si Justin ang owner ng paborito naming coffee shop. Akala ko ba iiwasan niya yan?

"Oh! Hey, finally dumating din kayo." Lumapit siya samin at bineso kami. I give her what-is-he-doing-here look. She just winked at me, smiling like an idiot. Oh! Great!

Nag hanap kami ng table para naman sama sama kami, so ibig sabihin kasama namin si Justin paano siya makakapag boyhunting niyan eh may kasama siya? O baka siya na yung prospect niya.

Nag order kami ng beer para saming apat, kaya ako sumipat na naman ng gwapo dahil si Lulu di magagawa yun ngayon sana naman meron.

Pero halos mabulunan ako sa iniinum kong beer nang makita ko ang pamilyar na gwapong lalake na kumakaway sa direksyon ko..

"Ayos ka lang, beb?" Maj asked. I nodded my head. Shit! Tama bang nakikita ko talaga si Ian? Ang ex kong muntikan ko nang seryosohin. Ang nagiisang lalakeng nagkalakas ng loob na lokohin ako.

Kung minamalas ka nga naman oh!!

FLIRTY TextWhere stories live. Discover now