Forty Two

53.9K 1.3K 78
                                    

Restaurant

Week after..

Kakatapos ko lang mag shower para makapag ready sa pag pasok sa trabaho at.. kakatapos ko lang din sumuka.

This morning sickness, sucks!

Lagi nalang tuloy akong nakakaramdam ng katamaran sa katawan pero hindi naman pwedeng papatalo ako dun dahil kailangan kong mag trabaho, kahit na napag awayan na namin ni Damon ang tungkol sa pag hinto ko sa pag trabaho ayokong pumayag dahil, una sa lahat ang liit liit pa ng tyan ko, pangalawa hindi ako sanay ng walang ginagawa ayokong maburyong dito sa bahay, pangatlo matigas lang talaga ulo ko.

Nang makapag bihis ako sa at matapos sa pag aasikaso sa pag pasok sa trabaho sakto namang may narinig akong nag doorbell mula sa labas ng Apartment. Kinuha ko na lahat ng kailangan ko, para isang lakaran nalang.

Pag bukas ko ng pinto ang nakita ko ay si Majah.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Well ang boyfriend mo nag request lang naman sakin na kung pwede habang may mga morning sickness ka pang nararamdaman sunduin kita at ihatid. Kaya ayun dahil mabait akong kaibigan at talaga namang nasasaksihan ko yang mga pagsusuka mo kaya pumayag ako."

"Bakit di niya nabangit sakin yun?"

"Dahil alam niyang di ka papayag?"

I roll my eyes. "Syempre nakakahiya kaya sayo, kaya ko pa naman mag drive nu."

"Nagaaalala lang sayo si Damon."

"Alam ko." I said sighing.

"Alis na tayo?" She asked.

"Sure kang gagawin mo to hanggang matapos tong morning sickness ko?"

"Oo, wala naman akong ginagawa eh."

"Okay sige, bilang kapalit ililibre nalang kita lagi ng lunch."

She smiles widely. "Kahit anong lunch?" She asked, excitedly.

I chuckled. "Oo, kahit anong lunch."

Nag lakad na kami papunta sa kotse niya syempre dahil kotse niya to at nandito siya bilang driver ko kaya siya ang nasa driving seat siya at ako no choice kundi sa passenger seat.

Habang nasa byahe kami kinuha ko yung cellphone ko at tinext ang boyfriend ko..

** Any explanation kung bakit di mo sinabing may driver na pala ako? **

Inabot din ng mga limang minuto ata bago siya nakapag reply.

** Sorry baby, ayaw ko lang pagtalunan pa natin yun. **

Kung sabagay kakaaway lang namin tungkol sa pag tatrabaho ko, ayaw ko na din munang masundan yun.

** Ok, i understand. Where are you now? **

** I'm at my office now. **

** Ok, we're on our way na din sa work. Ingat ka, i love you. **

** I love you too, baby. **

Itinabi ko na yung cellphone ko at tumingin na sa kalsadang binabaybay namin.

"Ayos ka lang?" Majah asked making me look at her.

"Yah, bakit mo natanong?" Pagtataka ko.

"Ewan ko, para kasing may malalim kang iniisip."

"Mmm.. wala naman, tungkol lang to sa pagaaway naming about sa work ko, nabangit ko na yun diba?"

"Yah, pinipilit pa din ba niyang pahintuin ka na?"

FLIRTY TextWhere stories live. Discover now