Forty Eight

52.6K 1.2K 9
                                    

Shopping

Damon went to his work. Kailangan niya kasing bumawi sa mga araw na di niya pinasok para mag bantay sa Papa niya sa hospital. Pero ngayong nakalabas na yung Papa niya at pansamantalang nasa bahay nila Mama para mabantayan nila Daniella, balik trabaho na siya. Kaya no choice siya kundi pati weekend, may pasok siya.

Me.. im at my Apartment, doing nothing. Kung di lang ako buntis baka gumagala na ko nito, baka pinuntahan ko na si Luisa or Majah. Ang boring kasi dito eh.

Nakarinig ako ng doorbell mula sa labas ng Apartment ko kaya napa ngiti ako ng sobrang laki, may bisita ako ibig sabihin di na boring.

Pinagbuksan ko yung doorbell at nakita ko amg dalawa kong kaibigan na may bitbit na Pizza! Mas nag ningning yung paningin ko ng makakita ako ng Pizza.

"Hello, buntis." Luisa greeted.

"Para sakin ba yan?" I pointed the pizza.

"Yup." Kinuha ko agad yun na akala mo di pa nakakain ng pizza buong buhay ko. Haha!

"Pasok kayo."

"Good, akala ko mas importante na sayo ngayon yung pizza kesa samin eh." Majah said.

"Ano ba pati ba naman pizza pag seselosan mo." I joke making them laughed. Sinimulan na nilang pumasok at dumiretso kami sa kusina para makaing na tong pizza.

Pero bago yun nag timpla muna ako ng juice para sa mga bisita ko. "Buti pumunta kayo, nabobored kasi ako dito eh." Sabi ko habang nag titimpla.

"Well gusto ko lang maki chismis dahil, okay na daw kayo ni Damon?" Luisa asked.

"Not totally okay. Well, we're making love again.. we're doing the same like bago kami mag hiwalay, pero nahihirapan pa din akong kalimutan yung pananakit niya sakin."

"Akala ko ba maexplain na ni Damon yung nangyari?" Maj asked.

"Oo nga, kaya lang.. uh.. yung totoo, nahihirapan akong paniwalaan yun. Kaya siguro nahihirapan din akong mag patawad ng buo." Natapos ako sa pag timpla at sinimulan na ang mag lagay ng juice sa baso para sakanila.

"Alam ba ni Damon yan?" Luisa asked.

"No! Ang alam niya lang, nasasaktan pa din ako sa nangyari. Pero yung part na di ako naniniwala sa explanation niya, hindi."

Umupo na ko at sinimulang kumain ng pizza, sinabayan naman nila ako. "Kamusta naman pala kayo ni Justin?" I asked Luisa, para maiba naman ang usapan at hindi puro sakin.

"Well, going strong." She said shrugging.

"Mmm.. nangangamoy pag ibig na yan ah!" Maj said.

"Pag ibig ba yung lagi mo siyang hinahanap? Gustong gusto makita, hindi kompleto ang araw kapag hindi siya nag tetext or tumawag manlang?"

"Oo!" Sabay naming sabi ni Majah.

"Kung ganun, pagibig na nga ito." She said making me and Majah laughed.

"Mukhang magugunaw na ata yung mundo!" Maj jokes, i offer her a high five as my agree.

"Kaibigan ko ba talaga kayo ha?" Pagaangal ni Luisa, pero pinagtawanan lang namin siya.

"Pwede niyo ba kong igala ngayon? Boring kasi dito sa Apartment eh. Wala akong kalandian dito eh." I request.

Luisa laughed. "Ang harot mo girl!" She comments.

I shrugged. "Maharot din boyfriend ko eh."

"Saan mo naman gustong gumala?" Maj asked.

"I don't know, siguro sa Mall."

FLIRTY TextTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang