Twenty Eight

56K 1.2K 23
                                    

Birthday

Naramdaman ko ang pag gising ni Damon sakin, sa pamamagitan ng pag hawak sa balikat ko. I open my eyes, medyo magkalapit kami dahil sa pag bend niya sakin kaya tila ako ewan na nag panic  kahit wala namang dapat ikapanik.

"Ayos ka lang?" He asked, amused.

"Y'yah!" Tinangal ko sa pagkakaseatbealt ang upuan ko tsaka ako bumaba ng kotse kahit di pa siya nakakababa. Grabe, Amber.. anong kilos yan? Diba miss mo na siya dapat sinungaban mo na! Kaloka ka!

"Pasok na tayo?" Tanong niya pagkababa niya ng kotse.

"Sige." Matipid kong sagot.

Si Daniella ang sumalubong saming dalawa sa pagpasok ng bahay. Niyakap niya agad ako nang makita. "Buti nakarating ka."

"Oo naman. Si Tita?" Tanong ko.

"Nasa dining room, nag hahanda ng kakainin natin." Sabay sabay kaming tatlo na pununta sa dining room para batiin si Tita, sana naman magustuhan niya yung regalo ko.

I saw James helping Tita sa paghahanda. Wow! Ang bait niya para sa isang future son in-law, i wonder kung sa almost two weeks naming di pagkikita ni Damon nagkaayos na sila.

"Amber, salamat at nakarating ka." Pagbati sakin ni Tita sabay yakap.

"Ayaw ko po kasing mamiss ang masarap mong luto." Inabot ko yung gift ko. "Regalo ko po, sana magustuhan niyo."

"Salamat hija, di ka na sana nag abala."

Natapos ang paghahanda ng kakainin, tsaka kami pumwesto sa upuan. Syempre magkatabi kami ni Damon, at yung mag jowa din. Sa pag sindi ni Damon ng cake at sa pag kanta namin ng Happy Birthday song nag simula ang kainan.

Habang nasa hapag kainan, napag usapan namin ang tungkol sa wedding ni Daniella. Nag bigay pa nga ng compliment si Tita sakin nung makita niya yung planned na naipresent ko kay Daniella, well that's my gift. Hihi!

"Amber, are you still up for drinks? Just for two beers." James asked.

"Yah, sure."

"Dito ka na din matulog hija, dun ka na muna sa dating kwarto ni Damon." Tita said. Tabi ba kami dun ni Damon?

"Pero wala po kasi akong dalang damit eh."

"Don't worry, mag ka size naman ata tayo eh. Papahiramin nalang kita." Daniella said.

"Uhm.. Okay, sige."

"Damon, wag kang iinum ng madami. Magmamaneho ka pa, pauwi." Pagpapaalala ni Tita sakanya. Uuwi? So di kami tabi? So.. disappointing!

"Dito nalang din ako matutulog." Damon said making me look at him.

"Saan ka naman matutulog dito? Si Amber ang gagamit ng kwarto mo." Baka gusto niya ding tumabi sakin, nahihiya lang umamin. Haha! Sige na ipush mo yan, dali!

Hindi sumagot si Damon kasi mukhang di din niya alam ang isasagot niya. Ano ba yan mahirap bang sabihin na tatabi ako kay Amber?? Sabagay mahirap nga yun, lalo na sa harap ng pamilya niya.

Sa Sala kami uminum beers. Tatlo lang kaming umiinum nila James, Damon at ako. Nanunuod at nakikipag kwentuhan lang samin si Daniella habang si Tita busy sa kusina.

Puro tungkol sa fashion ang pinaguusapan namin ni Daniella, tama nga ko ng hinala dati magkakasundo kami dahil pareho kami ng fashion. Napagusapan namin ang fashion dahil sa napansin niyang suot ko, ang di niya alam ginagamit ko to pangakit kay Damon kaso.. di rin naman gagana dahil di siya dito matutulog. Ang totoo ineexpect kong sa Unit niya ko matutulog dahil masyado ng gabi para ihatid niya ko sa Apartment at dun ko sisimulan ang pagpapaakit, kaya lang nag offer naman si Tita na dito ako matulog. Alangan namang tangihan ko, diba?

Naubos namin ang tig dalawang beer naming tatlo at nagpasama na ko kay Daniella para makahiram ng susuotin. Nakakaramdam na din kasi ako ng kalagitan eh.

Pagkapahiram sakin ni Daniella ng damit dumiretso ako sa dating kwarto ni Damon, bigla ko tuloy naalala yung making out namin dito. Haay! Lalo ko lang siyang namiss sa pagiisip nun.

Natapos akong nag shower at nag patuyo nalang muna ako ng buhok bago matulog. Pero naisip kong magpaalam muna siguro kay Damon, baka kasi umuwi nalang siya ng walang paalam pero ayaw namang kumilos ng katawan ko para lumabas ng kwarto niya.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas kaya nakaramdam ako ng excitement ng marinig kong may kumatok, baka si Damon na yun.

Tumingin muna ko sandali sa salamin para tignan kung ayos yung itsura ko, hinawi ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko at inayos yung suot ko bago tuluyang buksan yung pinto. Di nga ko nagkamali na si Damon yung kumakatok.

"Hi." He greeted.

"Hi." I greeted back.

"I.. uh.. I'm going home."

"O'okay." Uuwi na talaga siya. Wala bang goodbye kiss? "Ingat ka."

"Yah, i will. Uh... sunduin nalang kita bukas dito."

"Okay sige."

"Okay, bye." He said staring at my eyes.

"Bye." Hindi padin siya umaalis kahit na nagpaalam na kami sa isat isa. Nakatayo padin siya sa tapat ng pinto at nakatitig sa mga mata ko.

He suddenly touched my both cheeks and presses his lips to mine. Hindi ako nagdalawang isip na suklian yung halik niya dahil sobrang namiss ko to. Ito ang kanina ko pa hinihintay at sa wakas nabigay niya.

"Goodnight, baby." He said, grinning after the kiss.

I grin back. "Goodnight, sexy voice." Isinarado ko na yung pinto dahil naglakad na siya palayo ng kwarto.

Sumandal ako sa pinto at di ko mapigilang ngumiti ng wagas. OhmyGod! I mouthed many times, grinning like an idiot. I put my hands on my both cheeks, feeling ko namumula yung pisnge ko. Ibinagsak ko na yung katawan ko sa kama at nag takip ng unan habang pumapadyak ng paa. I'm giggling like teenager. Pambihira!

May kakaiba rin akong nararamdaman parang may something sa stomach ko na lumilipad. Ito siguro yung sinasabi nilang.. kilig. I can't believe na nararamdaman ko to dahil lang sa kiss na yun.

FLIRTY TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon