Forty Seven

55.6K 1.2K 36
                                    

Tito

Naka sakay kami ngayon ni Damon sa kotse niya dahil papunta kami ngayon sa hospital para bisitahin ulit ang Papa niya, para din daw maipakilala niya na ako. Since di pa naman kami talaga nagkakakilala ng Papa niya.

Mahaba ang byahe at talaga namang nakakaantok kaya habang nasa byahe di ko maiwasang makatulog.

Naramdaman ko amg haplos sa pisnge ko kaya nagising ako mula sa pagkakatulog. I open my eyes and i saw Damon.

"Hi, you look lovely." He softly complement.

"Thank you." I said smiling.

He kissed my forehead. "I love you baby." He whispered. Haay, that words again. Ganyan din naman ang nararamdaman ko at talaga namang ayos na kami, i mean yung okay na heto kami mag kasama. Pero kahit naipaliwanag na niya yung side niya about sakanila ni Ms. Valencia at nasabi kong pinapatawad ko na siya nahihirapan padin akong mag patawad ng buo. Kaya ang sabihin ang salitang i love you ulit sakanya, nahihirapan akong gawin.

Ngiti lang ang sagot ko sa sinabi niya.

"Uh.. nandito na tayo, punta na tayo dun?" Tanong niya. Tumango lang ako.

Una siyang bumaba sa kotse para pag buksan ako ng pinto. Nang pagkababa ko, hinawakan na niya agad ako sa kamay. Nag lakad na kami papunta sa room kung saan naka confine ang Papa niya ng magkahawak kamay at tahimik lang ni isa samin walang nag sasalita.

Hanggang sa makarating kami sa kwarto, nandun sila Mama, Daniella at James. As i look at Damon's father, gising na siya at nakikipag usap lang kay James at Daniella habang si Mama tahimik lang na nakikinig.

Tumingin sila sa direksyon namin ng makita kami, lumapit samin si Mama at bineso kami. "Okay na kayo?" Daniella asked looking directly sa kamay namin ni Damon na magkaholding hands.

"Oo." Matipid na sabi ni Damon.

"Haay, mabuti naman at naayos niyo pa yan." Mama said in relieved. I just smiled at her.

Lumapit kami ni Damon sa Papa niya. "Pa, siya si Amber my future wife." Pagpapakilala niya. Napatingin ako sakanya sa gulat, ang iniexpect ko kasing ipapakilala niya lang ay.. girlfriend.

Dahan dahan kong hinawakan yung kamay ni Tito para mag bless. "Masaya po akong makilala kayo."

"Ganun din ako hija, pasensya ka na at hindi ako nakapunta noong namamanhikan sila Damon. Dun palang kasi medyo hindi na maganda ang pakiramam ko."

"Ayos lang po yun." I smile to reassured him.

"Umupo ka muna hija." Mama said to me. I do as i told.

Umupo ako sa tabi ni Daniella pero bago ako tuluyang tumabi sakanya bumeso muna ako. "Ate, di na pala postpone yung kasal. Naicancel mo na ba yung reception?" Daniella asked.

I chuckled. "Hindi pa, don't worry."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. "Thank God."

Pinag patuloy lang nila ulit ang pakikipag usap kay Tito habang ako nakikinig lang.

Tumitingin ako minsan kay Damon na nakatitig lang sa Papa niya, minsan nahuhuli ko din siyang nakatitig sakin ng napaka seryoso ng mukha na tila may iniisip.

Hindi ko tuloy maiwasang macurious. Pero di ko naman magawang magtanong ngayon dahil kasama pa namin yung pamilya niya.

Nang kinailangan naman na ni Tito na mag pahinga, umalis din naman na kami ni Damon. Pero nag suggest siya na mag stay muna kami sa Unit niya para makakuha din daw muna siya ng kunting damit para dalhin sa Apartment ko.

Habang nasa byahe kami tahimik lang kami, sakin medyo expected pa yun pero sakanya hindi. Kanina pa to kaya out of curiosity nag tanong na ko.

"Ayos ka lang?"

Tumingin siya sandali sakin then binalik din naman ang tingin sa kalsada. "Oo, ayos lang ako."

"No you're not!" I snapped.

"Let's talk about later at my Unit."

"So meron nga?"

"Oo." Okaaay, na nanahimik nalang ako since sinabi naman niyang paguusapan namin yun sa Unit niya.

Nang makarating kami sa Unit niya, dumiretso kami sa sala at umupo muna para mag pahinga. I rested my head on his shoulder.

"So, sasabihin mo na ba yung gumugulo sa isip mo?" I started to asked.

"I just love you."

Tinangal ko yung pagkakasandal sa balikat niya. "That's it?"

"You never said, you love me back." Oh!! So tungkol pala to dun. Alam ko naman sa sarili ko ang dahilan kung bakit di ko siya masagot, mahirap lang sabihin sakanya yun.

"Do you still love me?" He seriously asked.

"Oo naman."

"Pero bakit di mo sinasabi?"

"I'm just.. uh.. scared."

"Scared of what???"

"You hurt me once Damon, i uh.. can't just forget that. I'm scared dahil baka sa second chance nating to at mangyari ulit yun, baka mas masakit na, mas malala pa yung epekto sakin. Kaya, di ko magawang sabihin ulit sayo yun. I'm sorry, just give me time. But believed me, i do feel the same."

He sighed, covering his face with his both hands. Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. "I love you baby, i don't care kung hindi mo pa ulit sabihin sakin yun, i don't care kung hindi ka sumagot sa bawat i love you ko basta ang importante sakin mahal kita. Araw araw kong ipaparamdam yun sayo hanggang mapatunayan ko ulit sayo na mahal na mahal kita."

He holds my both cheeks and kisses my lips with full of love. "I love you." He whispered, kissing my lips again. "I love you so much. He kissed my lips again. "I love you." Again, he kissed me.

I hold his both cheeks, stopping him from kissing me. "Okaay, you prove it now. Now enough with the kisses for now, sa Apartment na natin ituloy dahil baka pag pinagpatuloy mo yan hindi pa tayo makaalis."

He smiled, weakly. "Okay, i love you."

I just kiss his lips as my response to his words.

--

PLEASE READ!

Maikli, i know, sorry. 😄✌

Baka matagalan po ulit ako mag update, kokomplituin ko na po kasi ang pagsusulat hanggang ending..

You read it right, malapit na siya mag end. 😭

Pakiintindi nalang po.

Hamuah Hamuah!

FLIRTY TextKde žijí příběhy. Začni objevovat