Loving the Millionaire's Son...

By LjKizakiri

49.8K 810 13

"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is... More

Note.
Loving A Millionaire's Son (Love and Lust Series #2) -Soon-
Chapter 1.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.

Chapter 2.

3.8K 73 1
By LjKizakiri

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021

CORSOLA

Biglang...

Tinabig ni Clarky 'yung kamay ng kaibigan niya. Napangisi naman 'yung kaibigan ni Clarky dahil do'n.

"Jealous." Rinig kong bulong niya.

"Shut up, dude." Sabi naman ni Clarky.

"Nag-aaway ba kayo?" Takang tanong ko naman sa kanila.

"Nah. We're not." Sabi naman ni Clarky.

"Sigurado kayo?" Paniniguro ko pa sa kanila. Tumango silang dalawa sa 'kin bilang sagot.

"Kailan ka pa pala naka-uwi dito sa Pilipinas, Clarky?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman siya ng buhok dahil do'n. Ano ba meron sa tanong ko?

"Last month. Last month lang kami naka-uwi." Sagot niya sa 'kin. Inilahad niya 'yung kamay niya sa 'kin at hinawakan ko 'yun.

Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa parking lot. Nang marating na namin 'yung sasakyan nila ay huminto agad ako.

"Una na ko, Clarky." Sabi ko sa kanya. Maglalakad na sana ako nang bigla niya kong hinawakan sa braso. Napatingin ako sa kanya dahil do'n.

"Let's go. Hatid ka na namin." Sabi sa'kin ni Clarky. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"No. 'Wag na Clarky. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa eh." Sabi ko sa kanya. Ayoko kasing may sabihin ang iba tungkol sa 'kin eh.

Saka papasok pa ko sa trabaho kaya ayoko namang istorbohin pa silang dalawa dahil may pupuntahan pa sila.

"Don't worry about the others. 'Wag mo na lang pansinin 'yung sinasabi ng iba." Sabi naman ni Archi. Napatingin ako sa paligid at nakita kong maraming nakatingin sa 'min.

"Kaya ko na ang sarili ko. May pupuntahan pa kayo diba? Go na. Puntahan niyo 'yung dapat niyong puntahan. Okay lang ako." Sabi ko at tumakbo na ko palayo mula sa kanila.

Ayoko ng issue kaya ako na mismo ang lalayo kahit na ayoko.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Pagkalabas ko ng campus ay agad akong naglakad pakaliwa. Walking distance lang naman kasi 'yung sakayan ng jeep mula sa school eh. Kaya hindi na kailangang sumakay ng sasakyan nila dahil baka out of way pa ang dadaanan nila.

Napatingin ako sa kanan ko nang napansin kong may katabi akong sasakyan at nakita ko sila Clarky. Napahinto naman ako mula sa paglalakad at napahinto din sila.

"Bakit niyo ba ako sinusundan?" Tanong ko sa kanila. Lumabas si Clarky mula sa sasakyan at sapilitan akong isinakay sa loob ng sasakyan niya.

"Aray!" Daing ko nang tinulak niya papasok ng sasakyan niya.

"Kidnap 'to, Clarky." Angal ko sa kanya. Natawa naman si Archi dahil sa nangyayari ngayon.

"That's fine. Then prison me in your heart." Sabi naman ni Clarky sa 'kin nang nakangisi. Napatulala na lang ako dahil sa sinabi niya.

'Prison me in your heart. ' Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa ang bilis ng tibok nito.

Nakalimutan kong mahal ko nga pala siya. Mahal ko ang best friend ko.

"Dalhin niyo na lang ako sa sakayan ng jeep dahil may pupuntahan pa ko." Pagsusungit ko na lang sa kanya at pinaandar na niya 'yung sasakyan.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Habang nabyahe ay nakatingin lang ako sa bintana ng tahimik nang napansin kong nakatingin sa direction ko si Archi.

"Saan ka pala pupunta? Pwede ka naman naming ihatid doon para makasiguro kaming ligtas ka." Saad niya.

"Masyado pa namang talamak ang mga rape at murder cases sa lugar na 'to kaya delikado kung iiwan ka naming mag-isa sa sakayan ng jeep." Dugtong niya pa.

"Nakakahiya naman sa inyo. Saka baka ma-out of way pa kayo sa pupuntahan niyong party. Ayoko namang ma-late kayo doon." Sagot ko naman.

"Your safety is our priority, Jen-Jen. Let us take you to your destination just to be sure that you're safe. Don't mind about that party." Sagot naman ni Clarky.

"And besides, wala din naman kaming ganang um-attend doon kaya 'wag mo nang alalahanin 'yon." Paniniguro naman ni Archi.

"Sige na nga. Thank you." Sagot ko at kinuha ang address ng pinagta-trabahuhan kong café. Binigay ko 'yon kay Archi na nasa passenger's seat.

"Sino kikitain mo sa café na 'to? May boyfriend ka na ba?" Agad akong napahawak sa hawakan nang biglang pumreno si Clarky.

"Dude, ano ba? Kung gusto mong mamatay, 'wag mo kaming idamay." Saad ni Archi at rinig kong bumu-busina na ang mga sasakyang nasa likod namin.

Pina-andar na ulit ni Clarky ang sasakyan at umayos na ko ng upo. Bakit kaya gano'n ang reaksyon niya no'ng tinanong ni Archi 'yon?

"Wala akong boyfriend at mas lalong wala akong kikitain diyan. Diyan ako nagta-trabaho para naman kahit paano ay makatulong ako sa pamilya ko." Sagot ko naman.

"Mas lalo na't lubog kami sa utang dahil kay papa." Dugtong ko pa at napabuntong hininga na lang.

"I see... So, you're a working student. Do you need help? I'm willing to help you as your best friend." Pag-presinta naman ni Clarky.

"Hindi na kailangan. Kaya na namin 'to, mas lalo na't kaming magkapatid at si mama ay naghahanap buhay naman." Pagpigil ko sa kaniya.

"Okay, fine. If that's what you want then, I'll let you. Just talk to me if you need help about something. Alright?"

"Sige. Pero 'wag kang masyadong umasa, ah? Kaya naman kasi namin 'to kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Paniniguro ko sa kaniya.

Tumahimik na ulit kami at sumandal na ko sa upuan. Binalik ko na ang tingin ko sa bintana at hinintay na dumating kami sa pupuntahan ko.

•*•*•*•*•*•*•*•*

Dumating na kami sa café at agad akong bumaba mula sa sasakyan saka kumatok sa bintana. Binaba naman 'yon ni Clarky.

"Thank you sa paghatid. Ingat kayo sa pag-uwi ah?" Saad ko at naglakad na papasok ng café para makapag-ayos na.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Simula na ang duty ko at nandito ako sa cashier habang kinukuha lahat ng order ng mga customers.

Maraming nago-order ng mga burgers at pastas dahil masarap ang mga 'yon dito. Magaling din kasi ang nagluto at gumawa kaya talagang tinatangkilik siya ng mga customers.

"450 pesos po lahat. Thank you po sa pag-order." Saad ko sa babaeng customer at kinuha ang bayad niya.

Pagkabigay ko ng number ay agad siyang umalis at umupo sa upuan. Pinagpatuloy ko na ang pagkuha dahil sa punong-puno ang café ngayon.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Alas-diyes na ng gabi at wala nang masyadong tao sa loob ng café. Nagbibilang ako ng mga kinita ngayong araw nang nilapitan ako ng manager ko.

"Jennica, alam kong off-duty ka sa darating na Sabado pero kulang kasi kami ng isang empleyado kaya gusto kong ikaw ang pumasok para sa araw na 'yon." Sabi niya.

"Mga anong oras po sa Sabado, ma'am? Para po matignan ko po agad." Sagot ko naman.

"Mga 6 PM ang umpisa ng duty mo at hanggang 2 AM ka no'n. Ano? Game?"

"Pwede ko pong i-check ko po muna? Titignan ko lang naman po sa notebook ko 'yon eh." Tanong ko at tumango siya.

"Sige. Mas importante ang pag-aaral kaya dapat siguraduhin mo muna na walang maaagaw na oras." Nakangiting sagot niya kaya naman agad akong pumunta sa bag ko na nasa tabi ko lang at kinuha ang notebook.

Binuksan ko na 'yung notebook at tinignan ang schedule ko. Nang nakita ko na wala naman akong naka-schedule sa araw at oras na 'yon ay napangiti ako.

"Ma'am! Papasok po ako sa Sabado." Sabi ko at lumingon kay ma'am at ngumiti siya.

"Okay... Ilalagay na kita sa schedule sa Sabado, ah? Sa Linggo na ang off mo para makapag-pahinga ka naman." Sagot niya at pumasok sa opisina niya.

Napangiti ako at bumalik na sa ginagawa ko kanina para maka-uwi na ko sa bahay.

••••• END OF CHAPTER 2. ••••••

Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1.6M 53.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
96.5K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...