Artistahin

Por PaulitoX

451K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... Mais

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 5: Pagbagsak
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 22: Level 3
Chapter 23: Dilema
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 27: Munting Tibok
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 2: Artistahin

15.6K 160 10
Por PaulitoX

Chapter 2: Artistahin

Kinabukasan sa kotse lumingon si Clarisse at tinitigan si Enan. “Oh no, let me guess inutusan ka nanaman ni Shan para pagsabihan ako. Tama? Kasi meron nanaman siya hindi masabi sa akin kaya ikaw nalang magsasabi” sabi ng binata. “Well we talked about it pero this is me just being concerned. Bestfriend ka ni Shan so parang bestfriend narin kita” sagot ng dalaga.

“Kung ito ay tungkol kay Violet wag na, tanggap ko na. Binasted niya ako kasi takot siya magkanobyo na artistahin. Naiintindihan ko siya, kasi kami mga artista e iniisip nila mga playboy kami. So I get it” landi ni Enan at napahaplos si Shan sa noo habang yung nobya niya natawa.

“Serious talk Enan” sabi ni Clarisse. “Fine, ano?” tanong ng binata. “Enan worried kami ni Shan, well lalo na siya kasi masasakit mga banat mo kay Gregory” sabi ng dalaga. “Ah yon, look you two beautiful creatures will not understand this. Trust me okay lang kay Greg ito, siguro sa ngayon hindi pa pero I am actually teaching him a lesson”

“Si Gori malaking tao, nakatatakot kaya bihira yung manlalait sa kanya ng harap harapan. Kasi takot sila baka majombag sila using his animalistic gorilla strength…as if aabot pa don kasi pag kumunot noo ni Gori sasama na paglaki ng ilong niya…ooooh very scary na siya kaya takbuhan na sila palayo” banat ni Enan at napatawa niya ang kanyang mga kaibigan.

“Enan, ganyan harsh ka na” sabi ni Clarisse. “Alam niyo, once na may mamikon talaga kay Gori di niya makakaya. Tulad ng sabi ko pabulong o patalikod siya nilalait, malamang unaware siya. Ako look at me, kinakaya kaya ako ng lahat. Harap harapan nilalait, minsan nga as in ako na yung joke time e. Pero namanhid na ako kasi parang almusal, pananghalian at panggabihan ko na panlalait e”

“I hear them, Gori does not. Ako sanay na, siya for sure hindi pa. Kaya pinipikon ko siya para masanay na siya. Look pipikon sa iyo kapwa mo pangit kaya lalabas na parang joke lang kasi look at me. It may hurt him but not that much compared to someone looking good says it. Yun ang masakit talaga”

“Itong mga daliri ko na nabali niya, damang dama ko galit niya noon pero pigil e. Parang on the verge of breaking down siya kasi first time ata siya napikon…tapos yung nanlalait pa sa kanya yung babaeng gusto niya. Let me just tell you two…wala nang sasakit pa, ultimate pain yung lalait sa iyo e yung taong pinakagusto mo”

“Nung nilait ako ni Violet…it was so painful. Oo nasanay na ako pero hearing harsh words from her, the one I really like…iba yung sakit. Nanliit talaga ako so I understand Gregory. Eto panlalait ko sa kanya sinasanay ko lang siya. Tulad ng sabi ko kapwa pangit lalait sa iyo so parang okay lang. Once masanay siya sa akin, kahit sino pa manlait sa kanya okay lang basta wag yung next na babae na gusto niya” paliwanag ni Enan.

“Sorry” bulong ni Clarisse. “Relax lang kayo, I think Gori gets it naman. Kung hindi naku kahapon pa ako patay sa kanya no. I know he still blames me tungkol sa Cherry incident, pero maganda na nangyari yon” sabi ng binata. “He broke your fingers” sabi ni Clarisse.

“Okay lang, mga daliri ko gagaling yan. Pero yung nagawa ni Violet sa puso ko hindi. Gori does not know nakatulong ako, pasimula palang siya kay Cherry, ako matagal na ako patay na patay kay Violet. Mas okay na yung sakit na naramdaan niya that day compared sa sakit na naranasan ko kay Violet”

“Pag nabali buto may cast, pwede pa maayos. Pero pag puso nabasag, walang cast cast, walang gamot, okay sana if she just said it nicely. Pero basted ka na nga lalaitin ka pa…tagos sa buto, parang nagparoot canal ka sa dentistang sadista na sinagad yung drill at dinikdik talaga nerve endings mo” bulong ni Enan.

“I can talk to her” bulong ni Clarisse. “Wag na no, kahit naman umakting siya being nice tumatak na. I am eighteen years old, nung araw na yon nanliit ako, mas maliit pa sa sperm” banat ni Enan at natawa si Shan kaya kinurot siya ni Clarisse. “Not funny” sabi ng dalaga. “Tama na nga drama na yan, pare isang tanong, are you okay?” tanong ni Shan.

“Pfff, hello! Artistahin parin ako kahit ano mangyari. Kaya ikaw damuho paspasan mo at sure ako mahaba na pila sa school. Madami na nag aabang sa akin doon. Yesterday okay lang, di sila sure kung papasok ako kaya wala yung red carpet. Today they know I am back so for sure naka ready na yung mga fans ko doon” banat ni Enan.

Habang naglalakad sa campus bungisngis nanaman si Clarisse at todo kapit sa nobyo niya pagkat pakaway kaway si Enan sa mga frehsmen girls. Napapatigil yung mga dalaga at tinitignan naman siya, “Look at them, starstruck nanaman sila sa akin. Hay naku isang di nakakasawang reaksyon araw araw. Girls please masasanay din kayo” banat niya.

“Pare malala ka na ha” sabi ni Shan. “My bestfriend, matagal na tayo magkasama at di ka parin ata sanay sa pagkasikat ko. I cant help it if they are drooling for me. Kapal ng mukha mo pag iniisip mo ikaw tinitignan ha, hello may pretty girl nakayakap sa braso mo”

“Pag ganon nakita ng girls di ka na nila titignan. Oo gwapo ka pero pag nakita taken ka na pumapangit ka na no. Me, the artistahin me, I am single. Kaya wag ka magpapantasya na ikaw tinitignan, kapal ng mukha mo ha. Ako tinitignan nila” sabi ni Enan at umariba sa tawa ang mga kaibigan niya.

Pagdating sa tambayan nila napatigil ang mga boys sa kanilang usapan. “Aha! Nag uusap nanaman sila tungkol sa porn pero since nandito si Clarisse tumigil sila” biro ni Enan. “Gago, di naman porn yung Sleeping Beauty e, rated R lang siya” sabi ni Tommy. “So ilang beses mo naman pinause yung video?” landi ni Enan at laugh trip sila.

“Kailan pa naging rated R yung Sleeping Beauty?” tanong ni Clarisse. “Movie last year hon, di siya literal na yung fairy tale” sabi ni Shan. “Bida doon si Emily Browning” sabi ni Gregory sabay lahat napatingin kay Enan pagkat niyuko niya ulo niya at mukhang malungkot.

“O pare whats wrong?” tanong ni Shan. “Tsk, kaya kami nagbreak ni Emily dahil sa movie na yan” sabi ni Enan at sumabog sa katatawa ang mga kaibigan niya. “She insisted in going all out bold, alam ko artistic naman pero di ko kaya e kaya we broke up” hirit ni Enan at lalo niya napatawa mga kaibigan niya.

“Grabe ka men ibang level na yan” sabi ni Shan. “We kept it a secret, sus ayaw niyo maniwala e” sabi ni Enan. “Ulol, taga States yon tapos ikaw local ka lang” sabi ni Greg. “She comes to visit me, I am that irresistible” landi ni Enan. “Pagbigyan niyo na, di naman bawal mangarap” sabi ni Clarisse.

“My friends why do you doubt me? I have proof, eto may photos kami…ay shit nacorrupt pala sd card ko. Oh my God, wala na yung precious moments namin. It does not matter, nakatatak naman dito sa utak at sa puso ang samahan namin. If you don’t want to believe me edi tanungin niyo siya kasi. Sige tawagan niyo siya at sure ako pag binanggit niyo name ko kikiligin parin yon” sabi ni Enan.

“Hi Enan” biglang may bumati na magandang dalaga na dumaan. “Hello my ex girlfriend” sagot ni Enan at nashock yung mga kaibigan niya. Napatayo sila at sinundan ng tingin yung magandang babae, lumingon pa kasi siya, kinawayan talaga si Enan at nagpacute.

“Holy cow…ex mo talaga yon?” tanong ni Jason. “Imposible, wala pa naman naging girlfriend yan e” sabi ni Tommy. “Hay my friends, you all don’t know me. Kung kami ni Emily di niyo nalaman, kami pa kaya ni Elena malalaman niyo? Pretty huh? But its just sad it didn’t work out kasi habol lang niya katawan ko. I need more than that you know” landi ni Enan at napahalakhak na talaga si Clarisse.

“Kapal mo loko, Elena is my distant cousin” sabi ni Clarisse. “Pinsan mo yon? Bakit di ko alam?” tanong ni Shan. “First year siya, wala ka pa kahapon nung napakilala ko siya kay Enan” sabi ng dalaga. “Wahahaha liar, ex girlfriend huh” sabi ni Gregory.

“Shit muntikan na talaga ako naniwala e” sabi ni Jason. “Hay naku, oo we just met yesterday I admit pero artistahin nga e, nagclick kami agad at kahit wala ako ginagawa e sinagot niya ako agad. Sanay na ako sag anon, di ko nga alam ilan pang girls na nagcoconsider sa akin na boyfriend ako e”

“Like I said we broke up at once” sabi ni Enan at laugh trip mga kaibigan niya. “She finds him funny” sabi ni Clarisse. “Naks, Enan that is a good sign” landi ni Shan. “Look guys, I admit Elena is very pretty but di naman yon habol ko talaga e. Oo alam ko saksakan ako ng kagwapuhan, di porke maganda siya at gwapo ako e bagay na kami agad”

“Please my friends, love goes beyond physical appearance” banat ni Enan. “I can be funny” biglang singit ni Gregory at halos mamatay ang lahat sa katatawa. “Gori, di porke naka yellow si Elena e saging na siya” banat ni Enan kaya humiyaw si Clarisse sa tindi ng tawa habang si Gregory nagtaas ng kilay.

“Gago ka sinasabi ko lang, joke lang yon” sabi ni Gori. “Enan my cousin said your funny, tama si Shan it’s a good start. Gusto mo ilakad kita sa kanya?” pacute ni Clarisse. “Insan, look, my heart is still in pain. It would be unfair to her. Baka isipin niya panakip butas ko lang siya e”

“Naiintindihan kita Clarisse, gusto mo magkaroon ng artista sa pamilya niyo at eto na chance. Pero insan, Elena may be very pretty but my heart is not ready to accommodate her yet. I am flattered if she finds me funny, code word niya lang yon, kasi nahihiya siya aminin na patay na patay siya sa akin” sabi ni Enan at halos maluha na mga kaibigan niya sa katatawa.

“So bakit mo siya tinatawag na pinsan?” tanong ni Gori. “Kunwari ka pa, you like her ano?” tanong ni Clarisse. “Like is an often misused word nowadays. But di na ako magtataka if she likes me” sabi ni Enan. “I have her number, you want?” pacute ni Clarisse.

Nilabas ni Greg phone niya kaya tinignan siya ni Enan. “Pare sabi ni insan ko freshman si Elena at hindi fresh banana” biro niya kaya pinokpok ni Greg phone niya sa noo ng kaibigan niya. “Greg!”sigaw bigla ni Shan kaya nagtitigan yung dalawa. “Eto kasi e” sabi ni Greg.

“Alam mo Greg bagay mo sumali sa isang TV show” sabi ni Enan. “Ano nanaman yan?” tanong ni Greg. “I forgot the name of the show pero ganito yung theme song niya e…hmmm pano na ba yon? Ah…I love…I love banana..i love I love banana…I love banana split” kanta ni Enan at bago maka react si Greg ay tinitigan na siya ni Shan habang yung iba umariba ulit sa katatawa.

“Akin na phone mo, lagay ko number niya” sabi ni Clarisse. “Please wag, I appreciate what you are doing pero…siya parin e” bulong ni Enan sabay nagturo. Sinundan niya turo niya at nakita nila si Violet sa malayo may kausap na gwapong lalake.

“Pare akala ko ba tanggap mo na?” tanong ni Greg. “Madali lang sabihin yon pare, buti ikaw short time mo palang nagustuhan si Cherry. I stopped you from feeling shitty like me. Madali sabihin tanggap mo na at nakapag move on ka pero tuwing makikita mo naman siya babalik lahat ng feelings”

“Siguro yung right term lang e kinakaya” bulong ni Enan at lahat naawa sa kanya. “Kahapon nung dumaan siya nilait ka at naramdaman ko pain mo pre” bulong ni Gregory. “Mild pa nga yung ginawa ni Cherry sa iyo no? At buti talaga pare di ka pa talaga nahulog sa kanya ng todo. Me I totally fell for her, I don’t blame you Clarisse pala for forcing me to court her”

“At least niligawan ko siya at nasabi ko nilalaman ng puso ko. Do I have regrets? Maybe, kasi pag di ko niligawan di niya alam e. Pero nagsisisi din ako, before ko siya pormal na niligawan she talks to me. Nilalait siguro ako pero patago. Nung niligawan ko siya harap harapan ako nilalait, yesterday narinig niyo naman diba?”

“Siguro na traumatized siya o kaya nandiri. Would I have felt better before ko siya niligawan? Nakakausap ko siya ng normal. Pero di rin e, we should at least try kahit ganito tayo. Pero wala e, but…its okay I still like her. I fell too deep already kasi but hopefully pag tagal e makakalimot narin ako” sabi ni Enan.

“Pare yung nangyari last time kay Cherry, wala na sa atin yon. Di ko alam kung magpapasalamat ako sa iyo pero sorry nalang at nabali ko mga daliri mo” sabi ni Greg. “Okay lang yon tol, pero tol wag mo naman ako hahalikan ha. Tangina tol aawayin talaga kita” sabi ni Enan at nagtawanan sila lahat.

“Cut na ba pare?” tanong ni Greg. “Di ito acting pre, totoo ito. Pasensya na kayo kung napapakita ko true acting skills ko. May pinaghuhugutan lang talaga. Alam niyo naman na buong kwento so oo alam ko tanggap niyo ako bilang artista pero di ako tulad nung nakikita natin sa TV na pagka break nila parang bale wala lang” landi ni Enan at laugh trip sila.

“Alam mo kailangan natin magwashing. Let us wash our sorrows away. Tara inom tayo sa Friday sagot ko” alok ni Gregory. “Sa bahay niyo? Tapos ano pulutan saging?” biro ni Enan. “Seryoso ako pare, sagot ko, labas tayo sa Friday after classes. First week lang naman e” sabi ni Greg.

“Out ako, di ako papayagan nito” sabi ni Shan. “Hmmm you can go pero baka naman kasi sumobra nanaman kayo e” sabi ni Clarisse. “E di sumama ka, para may konsensya kami” sabi ni Jason. “Oo nga, kahit wag ka uminom” sabi ni Tommy.

“Hello! Mabubuking si Shan at tayo. Gusto niyo ipakita sa kanya na nagtitilian tayo habang pinapanood yung mga lalake na sumasayaw na borles?” banat ni Enan. “Ano? Lalake na sumasayaw ng borles?” tanong ni Clarisse.

“Oo sa gay bar kami lagi umiinom e” sabi ni Enan at nagulat si Clarisse kaya napahaplos si Shan sa noo niya. “Tangina ka tumigil ka” bulong niya. “Shan do not deny it anymore, girlfriend mo siya so be open to her” banat ni Greg. “Walanghiya kayo magkakampi na kayo bigla, mas okay pa nung nag aaway kayo e” sabi ni Shan.

Biglang tumayo si Enan, si Greg naman naghum ng Silent Whisper na tugtog. Sumayaw ng macho dancer dance si Enan sa harapan ni Shan kaya laugh trip sina Tommy, Jason at Clarisse. “Sorry pre wholesome tayo today kasi nasa school pero di kita pipigilan pag ninanais mo ako yapusin” landi ni Enan.

Gumiling giling yung binata, si Clarisse nilayuan nobyo niya na di narin makapigil sa tawa. Napatingin sa malayo ang dalaga at nakita niya si Violet nakatitig kay Enan at tumatawa. “Greg tignan mo o si Violet tumatawa” bulong ng dalaga. “Oh shit oo nga no” sagot ng binata.

“Uy pasimple ka lang, she is really watching him right?” bulong ng dalaga. “She is” bulong ni Tommy na pasimple na lumingon. Si Enan napatingin kay Violet, tumigil siya at mala slow motion niyuko ang kanyang ulo at naupo. “O bakit ka tumigil?” tanong ni Shan.

“Time na, tara Gori” sabi ni Enan kaya umalis silang dalawa. “Tara narin, kitakits mamaya lunch” sabi ni Jason. “Hon mauna ka na, may dadaaanan lang ako” sabi ni Clarisse. Ang dalaga sadyang dinaanan si Violet, “Uy panay tawa niyo kanina ha. Pinatawa nanaman kayo ni Enan” sabi ni Violet.

“As usual, maganda nanaman simula ng araw namin” sagot ni Clarisse. “Kakamiss din mga patawa niya” sabi ni Violet. “Hey look, I know what happened pero sana naman Violet you can be civil with him. Oo gets na niya you don’t like him pero sana naman wag mo na idiin o kaya laitin siya kasi he gets hurt too naman” sabi ni Clarisse.

Di nakapagsalita si Violet, si Clarisse ngumiti parin sa kanya. “Just saying sis, he gets it already naman. Sana lang tratuhin mo siya ng maayos. Oo tanggap na niya but sana kahit papano be friends with him tulad ng dati”

“Pero if you really cant do that just avoid hurting him further. Be considerate din naman sa feelings niya” pahabol ni Clarisse sabay umalis. Napaisip si Violet, napasimangot siya kaya pagbalik ng kausap niyang gwapong lalake pasimple itong ngumiti.

“Ano yon? What was that about?” tanong nung lalake. “Nothing” sagot ng dalaga. “Oh come on, you were frowning, tell me” lambing nung lalake. “Wala no, kaibigan lang yon nung nanligaw sa akin. You know him ata si Enan” sabi ni Violet.

Biglang tumawa ng malakas yung lalake, “Niligawan ka non? Hahahaha let me guess basted agad no?” tanong nung lalake. “Yeah but I didn’t mean…” bulong ng dalaga. “Oh my God ang kapal naman ng mukha non. I cant believe he courted you. Bilib ako sa guts nung taong yon kung tao man siya” sabi nung lalake.

“Hey don’t be like that, Enan is a good guy. He is very funny actually”  sabi ni Violet. “Yeah I heard, but seriously niligawan ka non? Ano naman nakain niya? Sa tingin niya may chance naman siya sa ganda mo ganon? Grabe na talaga, sorry ha nakakatawa lang talaga e” sabi nung lalake.

Huminga ng malalim si Violet at nag fake smile nalang at nakitawa pero naisip niya bigla yung nasabi ni Clarisse.

Continuar a ler

Também vai Gostar

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
Garnet Academy: The Game Por Cai

Ficção Adolescente

32.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
696K 13.5K 62
Ang huling yugto sa kwento ng ating INTERGALACTIC BAE
1.6K 88 16
Ang storyang ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na palaging pinapakitaan ng multo, dahil humingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay. hindi ma...