My Outcast Wife

By PinayKimchii

446K 6K 549

Samara and Luke (LIM Series #2) Written by: PinayKimchii xx Warning!!! PLEASE!!!!! IF YOU DON'T WANT A TRAG... More

Luke Jasper Story; My Outcast Wife
Ma. Samara Gilinsky
Luke Jasper Lim
1
2
3
4
6
PinayKimchii
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17-
18-
19-
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
Epilogue
Lucas Gabriel Story (Dealing with the Playgirl)
SELF PUBLISH

5

7.7K 121 1
By PinayKimchii

©pinaykimchii

Mag-iisang buwan na si Samara sa Celestine University. Mag-iisang buwan narin siyang kinukulit ng dalawang mayabang na lalaking nakilala niya, kaya halos lahat ng populasyon ng babae sa University ay kinaiinisan siya. Kulang nalang ay mag-rally pa ang mga ito para lang mapaalis siya sa University. Wala naman siyang magawa kung hindi ang umiwas lalo na't palagi siyang binibigyan ng masamang tingin ng kanyang kapatid. Parang lahat nalang ng tao na lumapit sakanya ay bawal. Parang wala siyang karapatan na lapitan ng kahit na sino. Pero, pabor naman sakanya iyon. Ayaw niya sa dalawang lalaki. Naiinis siya. Ang akala ng iba ay napaka-swerte niya dahil nilalapitan siya ng dalawang sikat at gwapong lalaki. Hindi nila alam na binu-bully na siya ng isa, at ang isa naman ay ginagamit siya sa pansarili nitong kasiyahan.

"Stay away from them, Samara! Lalo na kay Stan Garcia. He's not good for you." Isang beses na saad ng kapatid niya sakanya.

"Wala namang hindi mabuti sakin, Kuya. Lahat pinapalayo mo." Malamig na saad ni Samara sakanyang kapatid.

Kumunot ang noo ng kanyang kapatid at umiwas ng tingin. Napailing nalang si Samara. Bumuntong hininga naman si Jack.

"Just do what I say. Ako ng bahala kay Luke. Just stay away from them." Dagdag pa nito.

Malamig na tinitigan ni Samara ang kanyang kapatid. Tulad nito ay wala ka rin na mababasa sa mga mata ng kanyang kapatid. Magkapatid nga sila!

"Hindi mo na kailangan pang ipaulit-ulit sakin 'yan. Gagawin ko talaga." Aniya at naglakad na palabas ng bahay.

"Teka, saan ka pupunta? Eight pm, na." Pigil sakanya ng kanyang kapatid.

Napahinto si Samara sa paglalakad. Nakaramdam siya ng tuwa ng pigilan siya ng kanyang kapatid. Napaisip siya kung totoo bang kahit konti ay nag-aalala ito sakanya? Kung tama ang nasa isip niya, ay sobrang saya niya. Kahit na may lihim itong galit sa kapatid ay nangingibabaw parin ang pagnanasa niya na sana ay bumalik ito sa dati na malambing, nag-aalala at mapag-mahal na kapatid sakanya. Kahit na noon ay sobrang sakit siya sa ulo. Nangingibabaw parin para sakanya ang pangungulila.

Humarap siya at tinignan ang kapatid na ngayon ay seryosong nakatingin sakanya.

"Sa trabaho." Simpleng saad niya.

Kumunot ang noo ni Jack sa narinig. Hindi niya alam na meron pala itong trabaho. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Masyado ng gabi para sa trabaho. Damn! Babae parin ang kapatid niya.

"Trabaho? Eight in the evening?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango naman si Samara. Wala siyang choice. Kung hindi siya magta-trabaho, wala siyang gagastusin at ipangkakain. Hindi narin naman bago para sakanya ang magtrabaho kapag gabi. Noon sa probinsya, magdamag siyang kumakayod para lang may makain. Kaya kailangan niya rin iyong gawin ngayon.

"Aalis na ako." Walang emosyong saad ni Samara ng mapansin niyang wala ng balak magsalita pa ang kanyang kapatid.

Wala ng nagawa si Jack ng maglakad palabas ng bahay ang nakababatang kapatid. Sinundan niya nalang ito ng tingin. Gustuhin niya man itong tulungan ay hindi niya magawa. Wala siyang magawa para sa kanyang kapatid. He felt so helpless and useless.

Habang nilalakad naman ni Samara ang daan patungo sa Bar na pinagta-trabahuhan niya bilang isang waitress ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng gutom. Kanina pa siya hindi kumakain dahil sa sobrang dami na ginawa sa University, siya kasi ang napiling mag-report para sa araw na ito. Wala na rin siyang pera pambili ng pagkain dahil naubos na ang perang natira sakanya. Ubos na rin ang mga stock niyang pagkain. Kakasimula niya lang ng trabaho noong Lunes kaya wala pa siyang pera. Tanging left over foods lang ang kinakain niya sa loob ng apat na araw.

"Ke bago-bago mo huli kana kung pumasok! Hindi ka sinusweluduhan dito para pumasok ng huli sa oras!" Sigaw sakanya ng Manager na babae pagkapasok niya ng staff room.

"S-sorry po." Hinging paumanhin niya. Tumungo na lang siya dahil lahat ng kasamahan niya ay nakatingin sakanya na mayroong ngisi sa labi.

"Anong magagawa ng sorry mo kung late ka naman?! Hala, sige kumilos at magpalit kana ng damit! Ang kupad!" Sigaw muli ng babaeng Manager habang namumula na sa galit at umalis.

Pinipigilan ni Samara ang kanyang sariling huwag magalit. Hindi naman siya late para sa gabing ito. Sadyang maaga lamang ang mga customers kaya hindi magkanda-ugaga ang Manager nitong Bar. Nagpalit siya ng uniform na pang-waitress at nag-ayos ng kanyang sarili bago lumabas at mag-asikaso ng mga customers.

"Ano pong order niyo, Miss?" Tanong niya sa kumpol na mga sosyal na babae.

Tinaasan siya ng kilay ng isang babaeng sobrang kapal ng make-up. "Give us a two bottle of Champaigne with a special served three."

Isinulat iyon ni Samara tska umalis. Wala na siyang balak pang ulitin ang inorder ng babae. Kung tutuusin, hindi niya forte ang pagseserve ng kung ano sa mga tao. Hindi siya palangiti at hindi din siya palabati kaya napakalaking hamon para sakanya nito. Wala siyang choice kung hindi pagsilbihan ang mga ito.

"Two bottles ng champaigne at special served three, Mark." Aniya sa lalaking kasamahan.

Tumango naman ang lalaki na may ngisi sa labi. "Coming right up, Miss Sungit."

Inirapan siya ni Samara. "Gago."

Mark chuckle at kinuha na ang order na sinabi ni Samara sakanya. Sumandal naman si Samara sa stool at inilibot ang paningin sa kabuuan ng Bar. Puro usok at maliwanag na disco lights ang maaninang sa madilim na Bar. Amoy usok ng sigarilyo at alak pa. Maingay pa dahil sa malakas na tugtugin. Inilibot niya ang tingin at nahinto ang tingin niya sa isang pamilyar na mukha. Nanliit ang mata ni Samara ng makitang may kahalikan itong babae sa couch habang may mga kasamang mga kaibigan.

"Tss. Malandi talaga." Inis niyang bulong sa sarili.

"Miss Sungit, ito na 'yong order." Nakangisi siyang kinulbit ni Mark.

Inirapan siyang muli ni Samara at kinuha ang tray. "Tss."

Magdamag nag-trabaho si Samara sa Bar at halos lahat na ng gawin doon ay sakanya imutos ng nakakainis nilang Manager. Halatang malaki ang galit noon sakanya. Hindi nalang kumikibo si Samara dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho. Kailangan niyang kumita ng pera para sa pangangailangan niya. Good thing, sanay si Samara sa mga mahihirap na trabaho magmula ng ipatapon siya ng kanyang pamilya sa Probinsya. Nang matapos niya lahat ng utos ng Manager, pagod na naupo siya silya sa loob ng staff room. Tagaktak ang kanyang pawis at magulo ang kanyang buhok. Pagod na pagod siya.

"Sabi naman sayo, Miss Sungit ako ng bahala kay Madam e. Sinunod mo parin." Saad ng katrabaho niyang si Mark at naupo sa katapat niyang silya.

Saglit na sinulyapan niya ito at ipinikit ang mata. "Ginagawa ko lang kung anong trabaho ko. Ayokong may madamay pa." Walang emosyon nitong sagot.

"Hindi mo naman sakop ang paghuhugas sa kitchen at paglilinis ng buong Bar. As far as I know, nag-apply ka dito bilang waitress." Ani Mark.

Nagmulat ng mata si Samara at nakipagtitigan sa katrabaho na si Mark. Kinunutan niya ito ng noo. Nahahalata ni Samara na masyado ng pakialamero itong lalaking kaharap niya. Pero hindi niya ikaka-ilang may punto ito.

Bumuntong hininga siya. "Siya ang Manager, kailangan sundin ng katulad nating empleyado ang kanilang Manager, ayokong mawalan ng trabaho."

Napailing si Mark. "Tss. I'll tell to L na pagsabihan 'yang si Mahilda." Pabulong na saad nito.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Samara at tumayo. Lumakad papunta sa kanyang locker.

Umiling si Mark at bahagyang natawa. "Wala. Sabi ko it's my pleasure na nakausap kita ng matino."

Umirap nalang si Samara at napailing. Aminado siyang mabait si Mark. Ayaw niya lang maging malapit sa binata kaya niya ito sinusungitan.

"Uwi na ako." Paalam niya sa binata at isinukbit ang kanyang bag sa balikat.

"Huh? Uhhm hatid na kita? Madaling araw na, madami ng gago diyan sa labas." Presinta ni Mark.

Umiling si Samara. "Kaya ko. Sige!" Aniya at naglakad na palabas ng staff room.

Pagkauwing-pagkauwi ni Samara sa kanilang bahay, pagod siyang humiga sa kanyang malambot na kama. Sobrang dami niyang ginawa para sa araw na ito. Wala siyang oras para magpahinga. Ni hindi pa siya nakakakain ng matino. Idagdag pa ang masungit na Manager niya sa Bar na siya palagi ang pinag-iinitan. Nilingon niya ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas tres na ng madaling araw, kailangan niya pang gumising ng maaga para sa pagpasok sa school. Kaya mabilis siyang nagpalit ng damit at natulog.

Paggising niya ay alas otso na ng umaga. Inaantok pa siya pero kailangan niya ng bumangon dahil meron siyang klase ng alas nueve. Nakaramdam siya ng gutom pero isinawalang bahala nalang niya muna iyon. Ang mahalaga ay makapag-ayos siya para sa pagpasok. Matapos maligo ay plinantsa niya ang kanyang uniform at inayos na ang kanyang mga libro bago ilagay sa kanyang bag. Bumaba na siya para pumasok sa school.

"Ija, kakaalis lang ng kapatid mo. Dapat ay sumabay kana sakanya." Sambit ng matandang kasambahay sakanya.

Nagkibit balikat lang si Samara at nagtuloy-tuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Wala siyang kinikibo sa mga katulong nila dahil lahat ng iyon ay hindi mapagkakatiwalaan. Wala siyang sapat na pera kaya nilakad niya hanggang Celestine. Kumakalam din ang sikmura niya. Tinignan niya ang wallet niya at fifty seven pesos nalang ang laman. She sigh then she put her wallet on her bag. Mamayang lunch nalang siya kakain. Matitiis niya pa naman ang gutom.

Pagpasok niya ng Celestine. All eyes on her. Ofcourse, puro death glares ang natatamo niya sa mga ito. Lalo na sa mga girls. Bakit nga ba hindi siya pupukulan ng masasamang tingin ng mga kababaihan na ito, kung ang dalawang pinaka-sikat at gwapo sa Celestine ay nilalapitan ka.

"Tss! The bitch is here."

"Maputi lang naman... hindi maganda."

"Gold digger..."

"Kaparehas niya lang ng surname si Jack G. Nagpi-feeling na.."

Nag-iinit na ang ulo ni Samara sa mga bulungan ng mga babaeng akala mo ay magaganda. Puro naman drawing ang mukha. Ang lakas pang mag bulungan, dinig naman niya. Kung alam lang nila.

Papasok na siya ng classroom niya ng may nangbunggo sakanyang tatlong babae kaya nahulog ang hawak niyang tatlong libro. Inis niya itong binalingan.

"Hindi ba kayo tumitingin sa dinaraanan niyo?!" Inis niyang saad sa tatlong babaeng mga nakataas ang kilay sakanya.

"Ang laki mo kasing harang!" Sabi ng isa habang nakapameywang.

"Yeah! Such a trash!" Singit pa ng isang babae.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Batid niya ang ibang tao na pinagtitinginan sila. Yumuko nalang siya para damputin ang mga librong nahulog ng biglang sipain iyon ng mukhang leader ng dalawa pang babae na bumunggo sakanya.

"Serves your right bitch!" Saad ng babaeng sumipa sa libro niya.

Nagsinghapan naman ang mga taong nakikiusisa at 'yong iba naman ay nagtatawanan pa.

"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw niya doon sa babaeng sumipa ng libro niya at itinulak.

Halatang nagulat ang babae sa ginawa ni Samara. Pulang-pula na ang mukha ni Samara dahil sa galit, inis. Kagabi pa siya gutom at pagod, at pagdating niya pa rito ay bubullyhin siya ng mga kaschoolmates niya? Kaya naman hindi na napigilan ni Samara ang galit niya kung kaya't natulak at nasigawan niya ang babae.

"How dare you to thrust me huh?!" Ganting sigaw ng babae matapos makarecover sa ginawa ni Samara.

"E ikaw, how dare you para sipain ang mga libro ko?!" Mataray na tanong naman ni Samara.

Inismiran siya ng babae kaya mas lalong nainis si Samara. "Dahil basura ka! Isa kang babaeng basura! Maid at kumakain ng pagkain galing sa basura!" Sabay tawa ng malakas.

Naitikom ni Samara ang bibig ng biglang magtawanan ang mga taong nakapalibot sakanya. Iyong iba pa ay nagbubulungan. Bigla siyang nanahimik. Talaga bang kailangan pang sabihin sakanya iyon? Pero bakit nalaman ng babaeng ito iyon.

Ngumisi ang babae kay Samara. "Why so quiet? Nahihiya ka bang malaman nila na you eat trash? Are you shock na alam ko?" Tanong pa sakanya ng babae.

Hind nagsasalita si Samara. Tila naputulan ito ng dila. Wala siyang masabi dahil totoo ang lahat ng sinasabi ng babae. Bago pa man magsalita muli ang babae ay may dumaan ng Professor at pinabalik na sila sa mga assign classroom nila.

"We're not yet done!" Inis na sabi sakanya ng babae at sa pangalawang pagkakataon binunggo siyang muli nito.

Samara heaved a deep sigh before entering to their class. Umupo siya sa pinakadulo at tumungo. Sa tingin niya, hindi maganda ang may maka-away sa paaralang pinapasukan niya. Kaya hangga't maaari umiiwas siya sa mga ito. Pero bakit kahit anong iwas niya, nilalapitan parin siya ng gulo? Gusto niya ng tahimik na buhay. Pero paanong mangyayari iyon kung nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Umiwas man siya, alam niya sa sarili niyang hindi siya nito patatakasin. All she want is a peaceful life. Mahirap ba iyon makuha?

Saktong alas-doseng tumunog ang bell hudyat na dismiss ang klase. Lunch break narin at ramdam niya na ang pananakit ng tiyan dahil sa gutom. Mabilis syang naglakad papuntang cafeteria, at hindi na lamang niya pinapansin ang mga bulungan at pagpaparinig ng mga tao sa bawat dinaraanan niya.

Um-order na siya ng pagkain na sakto lamang para sa budget niya. Tska humanap ng bakanteng lamesa para makakain na siya.

"Oh! The lady trash is here."

Napairap siya sa narinig mula sa likuran niya. Humarap siya at nakita niya ang tatlong babae na naka-inkwentro niya kanina lang. Blankong ekspresyon ang ipinakita niya sa tatlong babae. Ayaw niya itong patulan. Ayaw niyang gumawa ng kahit na anong gulo. Batid niya ang atensyon ng mga estudyanteng kumakain sa cafeteria. Kaya humakbang siya palayo sa mga ito. Ayaw niya ng gulo!

"Wrong move! Don't turn your back on me, Lady trash!" Pigil sakanya ng babae at tinulak siya ng malakas.

Nagsinghapan lahat ng estudyante sa cafeteria sa ginawa ng babaeng iyon sakanya at sa pagkain niya. Nakaupo na ngayon si Samara sa sahig at tapon-tapon na ngayon ang pagkain na inorder niya.

"Perfect. You totally look like a trash!" The girl said while smirk plastered on her face.

Nagtawanan pa ang dalawang alipores nito.

Samara hold back in tears. Blankong tinignan niya ang pagkain niyang tumapon na sa sahig. Huling pera niya na iyon. Wala na siyang pambile pa ulit ng pagkain. Gutom na gutom na siya pero itinapon pa ng bruhang babae na iyon ang pagkain niya.

"Palitan mo 'yan." Malamig na wika ni Samara sa babae.

The girl laughed sarcatically. "No way. Kainin mo nalang 'yan, tutal naman kumakain ka naman talaga niyan." Panunuya pa sakanya nito.

Tumayo si Samara at mahigpit na hinawakan niya sa braso ang babae. Anger is visible in Samara's face.

"Palitan mo sabi ang pagkain na tinapon mo e!" Samara said in gritted teeth.

Imbis na matakot ang babae ay itinulak pa nito si Samara ng malakas. Kaya tumama ang likod ni Samara sa edges ng lamesa. Napapikit siya sa sobrang sakit. For pete sake, bakal ang lamesa kung saan tumama ang likod niya. Pero hindi niya ipinakita sa mga ito na nasaktan siya. Bagkus ay tumayo pa ito ng tuwid at sinampal ang babae.

"Tangina ka!" Galit na sigaw ni Samara dito at hindi niya napigilan.

Tears escape from her eyes.

"What the fuck is happening here?!" Samara heard his brother voice.

And then she saw her brother with his friends walking towards her.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 59K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
273K 4.2K 48
She loves him. He loves another girl. She's just his mistress. Kabit siya sa puso ng taong mahal niya. Kabit siya sa pagmamahalan ng mahal niya sa i...
2.2M 35.1K 33
Highest Rank: #1 in Chiklit I'm not his girlfriend, I'm not his wife, I'm not his woman, I'm not his secretary, I'm just no one.
102K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...