ELEMENTO

By GilLandicho

1.3M 36.7K 3.6K

NOW Published under Pop Fiction! ---- Sa mundo natin, maraming mga kababalaghang nangyayari... Di naman kaila... More

ELEMENTO @ Pop Fiction
What if ELEMENTO is an ANIME?
Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 1)
Chap.1: Unang Araw sa Bagong Eskwelahan (Part 2)
Chap.2: Ang Misteryosong Janitor
Chap.3: Ang Itim na Pusa
Chap.4: Ang Babaeng Nakaputi
Chap.5: Apoy
Chap.6: Isang Grabeng Gabi
Chap.7: Santelmo (Part 1)
Chap.7: Santelmo (Part 2)
Chap.8: Ang Unang Laban
Chap.9: Anak ng Albularyo
Chap.10: Ang Engkantong Manliligaw
Chap.11: Mga Tinik at Bulaklak
Chap.12: Limang Segundong Titigan
Clarissa and Ren Drawing
Chap.13: Sadako
Chap.14: Reunion sa Burol
Chap.15: SKKKS
Chap.16: Multo Dito, Multo Doon, Multo Kahit Saan
Chap.17: Ang Tinig ni Magayon
Chap.18: Ang Hiling ng Batang Multo
Chap.19: Ang Asul na Bola
Chap.20: Ang Itim na Usok
Katherine and Jun-Jun Drawing
Chap.21: Honor's Assembly
Daniel Solis and Mariella Luna Drawing
Chap.22: Ang Sekretong Mag-Bestfriends
Chap.23: Quiz Bee
Chap.24: Si Jenny O Si Regina?
Chap.25: Pangitain
Chap.26: Triathlon-Relay
Regina Co and Hero Salvanera Drawing
Chap.27: Ang Lumang Mansyon (Part 1)
Chap.27: Ang Lumang Mansyon (Part 2)
Chap.28: Ang Madugong Piging
Chap.29: Isang Red Lady (Part 1)
Chap.29: Isang Red Lady (Part 2)
Jun-Jun POV's Climax Drawing
Chap.30: Si Renzo Del Carmen
Chap.31: Pangarap
Chap.32: Talent Contest (Part 1)
Chap.32: Talent Contest (Part 2)
Ren and Clarissa Talent Contest Drawing
Gino and Jenny(?) Talent Contest Drawing
Hero and Regina Talent Contest Drawing
Jun-Jun and Katherine Talent Contest Drawing
Chap.33: Doll Exhibit
Chap.34: Owkward Academy Grand Ball
Chap.35: El Kantadia (Part 1)
Chap.35: El Kantadia (Part 2)
Chap.36: Si Kidlaon
Chap.37: Ang Kristal na Palasyo
Chap.38: Ang Dalaketnon
Chap.39: Ang Ganap na Pagiging Isa
Chap.40: Ang Pusong Napagod
Chap.41: Isang Patibong
Chap.42: Ang Seremonya (Part 1)
Chap.42: Ang Seremonya (Part 2)
Chap.43: Matakot sa Diyos
BUY ELEMENTO eBook!
Owkward Academy Grand ball Drawing
Clarissa Gutang and Kikay Drawing
Clarissa POV's Climax Drawing
Gino POV's Climax Drawing
ELEMENTO PART TWO [Summary]
[TWO] Chap.1: Makatotohanang Panaginip
[TWO] Chap.2: Second Chance
[TWO] Chap.3: Ang Multo sa may CR (Part 1)
[TWO] Chap.4: Si Abby Roque
[TWO] Chap.5: Ang Multo sa may CR (Part 2)
[TWO] Chap.6: Ang Bukod Tanging Boses
[TWO] Chap.7: Ang Batong Kanyon
[TWO] Chap.8: Ang Pagmamahal ng Magulang
[TWO] Chap.9: Ang Ganap na Pagiging isa
[TWO] Chap.10: Mga Unang Kaibigan
[TWO] Chap.11: Ang Hinirang ng Dyosa
[TWO] Chap.12: Para-paraan
[TWO] Chap.13: Sa Cocktail Party
[TWO] Chap.14: Laking Pagkagulat
[TWO] Chap.15: Ang Diamond Ring
[TWO] Chap.16: Gulo sa Party
[TWO] Chap.17: Uhaw sa Kapangyarihan
[TWO] Chap.18: Ang Sinisigaw ng Puso
[TWO] Chap.19: Ang Pagkabigo
[TWO] Chap.20: Ang Sikretong Pagpupulong
[TWO] Chap.21: Nagsusumamo
[TWO] Chap.22: Hindi Nag-iisa
[TWO] Chap.23: Pangitain
[TWO] Chap.24: Nagkatotoong Pangitain
[TWO] Chap.25: Ang Sulat ni Ren
[TWO] Chap.26: Di Inaasahang Bisita
[TWO] Chap.27: LIPAD NG DALAWANG MAGKAIBIGAN
[TWO] Chap.28: ANG SERMON NG PUSA
[TWO] Chap.29: OSPITAL DE SERRA ULOO
[TWO] Chap.30: SANIB
AUTHOR'S NOTE
ELEMENTO: Sa Loob ng Purgatoryo
Chap.1: KASALANANG HINDI MATAKASAN
Chap.2: KAKAIBANG NGITI
Chap.3: ESPIRITUNG-GABAY
Chap.4: ISANG OBLIGASYON
Chap.5: ANG PAGBUBUKAS NG PURGATORYO
Chap.6: ANG TORE NG PATAY
Chap.7: ALL GIRLS GROUP
Chap.8: ANG TORE NG BUHAY
Chap.9: ANG BAGONG KATAUHAN
Chap.10: HANGIN AT LIWANAG
Chap.11: KIDLAT
Chap.12: HANDANG MAGHINTAY
Chap.13: SNOW QUEEN
Chap.14: PINAGHALONG KABA AT PAGTANGI
Chap.15: ANG BANGA NI GUNAW
Chap.16: HINDI MAKAPAGDESISYON
Chap.17: PERMANENTENG NGITI
Chap.18: PUMASOK SA LIWANAG
Chap.19: PAGGUHO NG TORE NG BUHAY
Chap.20: PAGKABUHAY NG SAMAHAN
Chap.21: PAGGISING SA BANGUNGOT
Chap.22: ISIP BATA
Chap.23: WALANG MAKAKAPIGIL
Chap.24: LA LIBERACIĆ³N (ANG PAGPAPALAYA)
Chap.25: SA LOOB NG TORE
Chap.27: NASA HULI ANG PAGSISISI
Chap.28: SA IKATLONG SILID
Chap.29: ANG DATING KAIBIGAN
Chap.30: ANG MULING PAGTIBOK NG PUSO
Chap.31: ANG PAGIGING ISA SA KADILIMAN
Chap.32: ANG AWIT NG PAG-ASA
ELEMENTO: Sa El Kantadia
EL KANTADIA 1: ANG GABI NG PAG-ALIS
EL KANTADIA 2: ANG MGA MENSAHERO
MAPA NG EL KANTADIA
EL KANTADIA 3: ANG PAKIKIPAGLABAN SA KAPRE
EL KANTADIA 4: ANG MAGKAPATID NA DALAKETNON
EL KANTADIA 5: ANG PALASYONG BATO
EL KANTADIA 6: ANG PAGTAKAS
EL KANTADIA 7: ANG MGA DYOS AT DYOSA
EL KANTADIA 8: TEMPLO NG DYOSA NG KARAGATAN AT TUBIG
EL KANTADIA 9: ANG DALAKETNONG TUBIG
EL KANTADIA 10: ANG BAGONG DYOSA NG BUHAY AT PAGKALINGA
EL KANTADIA 11: ANG PAG-ALIS SA PUSO NG KALIKASAN
EL KANTADIA 12: SA DISERTO
EL KANTADIA 13: TEMPLO NG DYOS NG GUBAT AT LUPA
EL KANTADIA 14: ANG MUNTING ELEMENTONG HAYOP
EL KANTADIA 15: ANG TEMPLO NG DYOSA NG BUHAY AT PAGKALINGA
EL KANTADIA 16: SI ADLAWANA, ANG DATING HINIRANG
EL KANTADIA 17: MGA LIHIM NI ADLAWANA
EL KANTADIA 18: ANG TATLONG MAGKAIBIGAN
EL KANTADIA 19: ANG MAGKAPATID NA DYOSA
EL KANTADIA 20: SI ANINO, ANG DYOS NG POOT AT DILIM
EL KANTADIA 21: ANG PAGLALAYAG SA KARAGATAN NG TUBIG
EL KANTADIA 22: ANG PAGMAMAHAL SA PRINSIPE NG DALAKETNONG YELO
EL KANTADIA 23: ANG MAHIWAGANG SALAMIN NI DALOY
EL KANTADIA 24: ANG PAGPUPULONG NG MGA DALAKETNON
EL KANTADIA 25: ANG BAGONG DYOS NG INIT AT APOY
EL KANTADIA 26: ANG HALIK NG TUNAY NA PAG-IBIG
EL KANTADIA 27: ANG SIMULA NG LABANAN
EL KANTADIA 28: ANG BAGONG HARI AT ANG TOTOONG KATAUHAN NG SUPREMO
EL KANTADIA 29: ANG SUMPA NI ANINO
EL KANTADIA 30: BAGONG SIMULA
ELEMENTO GLOSSARY AND CHARACTER LIST

Chap.26: ANG PANGALAWANG PINTUAN

2.9K 108 16
By GilLandicho

Yes, may update na!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ANG PANGALAWANG PINTUAN๑۩۞۩

++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Di inaasahan ni Gino Lazaro na makikita niya ang kababatang si Ryan Jacinto.

"RYAN!" tawag ni Gino at sa pagtangkang paglapit niya dito, siya namang sinalubong ni Ryan ng mga bolang apoy.

Mabilis namang nakaiwas si Gino sa mga pagsugod ng kaibigan.

"Ryan, anong nangyayari? May elementong-kaisa ka na?"

Sumimangot si Ryan.

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magkaroon ng kapangyarihan?!" galit na sagot nito. "Ganyan ka naman! Lagi na lang ikaw ang magaling! Nasa sa iyo na ang lahat! FUEGO!"

Tinaas ni Ryan ang dalawang kamay at sa kanyang mga palad ay nabuo ang isang napakalaking bolang apoy.

Di pa rin nakapaniwala si Gino sa nakikita. Napatulala siya.

"GINO!" hinila siya ni Jun-Jun Sta. Maria papalayo sa malaking bolang apoy na muntikan na sanang tumama sa kanya.

Kinainis lalo ni Ryan ang pagtulong ng bagong kaibigan ni Gino. Di niya ito kilala at wala siyang planong kilalanin pa.

"Ang yayabang ninyo dahil nasa ere kayo at nakakalipad! PERO hindi ako natatakot sa inyo!" banta ni Ryan. Gagawa sana siya ng bagong bolang apoy pero pinigilan siya ng kanyang kasamahan na si Ulysses Cedeno.

"Boss, di dapat dito." sambit nito.

"Masyado kang excited." dagdag ni Zyren Vijandre.

"Hmp! Tumahimik kayo! Sinisindak ko lang sila!" giit ni Ryan.

Muli niyang ibinaling ang tingin kay Gino at sa kanyang mga kaibigan. Ang totoo siya ang nasisindak sa mga pambihirang anyo ng mga ito. Kahanga-hanga ang kanilang kapangyarihan! Naiinggit siya!

"Ryan." muling tawag ni Gino. Matagal na din nang huling nakausap niya ang dating matalik na kaibigan. Simula kasi nang lumipat siya sa Owkward Academy, hindi na siya pinapansin nito. Nalaman na lang niya na hindi na pala ito pumapasok at napasama pa sa mga barkadang may masasamang gawain sa Barangay Sta. Cruz. Nakaramdam ng panghihinayang si Gino sa mga pinagsanahan nila noon.

"Gusto ninyong pigilan ang Supremo? Sinasabi ko na ngayon, mabibigo kayo!" sigaw ni Ryan. "Mas malakas kami sa inyo!"

Natawa si Ren Dela Rosa. Di niya napigilang sumagot. "Paanong mas malakas kayo sa amin, eh nakaw na elemento ang gamit ninyo!"

Kinagulat ito ni Gino. "Ryan, totoo ba? Nagnakaw kayo ng kapangyarihang elemento!?"

Hindi siya pinansin ng dating kaibigan. "Hindi ninyo matatalo ang Supremo! Hindi namin kayo hahayaang makaakyat sa taas ng Tore ng Patay!" Tumalikod si Ryan at pusok sa pintuang pinanggalingan niya.

"RYAN!" sigaw ni Gino. Hindi niya akalaing magiging taga-sunod ng Supremo ang tinuring niyang kapatid dati. Gusto niyang agad na pumasok sa loob ng pangalawang pintuan upang makausap ng mabuti si Ryan pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magpadalos-dalos.

Lumipad siya pababa kasama ng iba na naghihintay sa kanya.

"That guy has serious issues with you." bungad ni Regina Co.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Clarissa Gutang.

Di rin maitago ni Abby Roque ang concern para kay Gino.

"Okay lang ako. Salamat, Clarissa." sagot ni Gino. "Nagulat siguro, oo. Pwede palang manakaw ang elemento?" lumingon siya kay Ren.

Tumango si Ren. "Saksi ako sa ginawang rituwal ng isang mangkukulam na Romano ang pangalan upang manakaw ang kapangyarihan ng mga engkanto at diwata."

"Ang sasama nila!" nadismaya si Clarissa. "Buti na lang at nagawa nating palayain ang mga bihag na mga espiritung pangkalikasan sa labas ng toreng ito."

"Oh, I could not imagine them stealing my love's powers." sambit ni Regina sabay mahigpit na yakap kay Hero Salvanera na nakaanyong tao na.

"Huwag mag-alala mahal na reyna, di ko hahayaang mangyari iyon." sagot nito.

"Pero, kahit nakaw man. Masasabi ko din namang mapanganib sila. Noong nakalaban ko sila, ramdam ko ang pagnanais nilang makasakit... at makapatay..." Nangilabot lahat sa huling sinabi ni Ren.

Nadismaya din ang lahat nang malaman na may mga ka-schoolmate din sila na sumanib sa Supremo.

"Jessa Lopez? Yes. She's one nasty girl." sabi ni Regina.

"Pero si Diane Alonzo?! Di ako makapaniwala." gulat na sambit ni Katherine Dela Rosa.

"Well, we really don't know a person until they do something that may shock us." paliwanag ni Regina.

Napabuntong-hininga na lang si Kantherine.

"So anong plano mo, Gino?" tanong ni Jun-Jun. "Di natin maiiwasang nakalaban sila, lalo na si Ryan." Alam niya na mahihirapan si Gino sa oras magharap sila ng dating kaibigan. Malakaa ang kutob ni Jun-Jun na galit na galit sa kanya si Ryan.

Napailing si Gino. Hindi niya kayang saktan ang kaibigan pero wala siyang magagawa kung sila naman ang mapapahamak.

"Pwede kaya na kausapin na lang natin sila. Baka naman malinawagan sila at di na sumunod sa Supremo." sabi ni Clarissa. Ayaw niyang makasakit ng ibang tao.

"Kailangan nilang magbalik loob sa Diyos!" dagdag ni Katherine.

"Sana nga ganun lang kasimple." sagot ni Gino pero alam naman niya na malabo ang nais ng mga ito.

Umiling si Ren. "Sinubukan ko din na kausapin sila pero may kanya-kanya silang personal na dahilan. Desisyon na talaga nila ito. Hindi sila pinilit."

Saglit na natahimik lahat. Alam nila na may magaganap na labanan at di maiiwasan na may masasaktan.

"Maaring isang patibong ang nag-aabang sa atin sa loob ng pintuang iyon." komento ni Jun-Jun habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas si Ryan. Lahat ay tumingin sa tinutukoy niya.

Ito ay nasa gitna ng pader at tanging makipot na hagdanan ang magagamit papunta dito. Tulad ng unang pintuan, ito ay binuo mula sa mga pinaghalong kalansay at lupa.

"As before, I'm having second thoughts going in there!" giit ni Regina.

"Okay. Kailangan na nating kumilos. Nauubos na ang oras." seryosong salita ni Gino. "Isipin na lang natin kung bakit tayo nandito at kung ano ang pinaglalaban natin. Iisa lang ang ating nais, ito ay mapigilan ang kasamaang pinapalaganap ng Supremo. Lalabanan natin ang kung ano man o kung sino mang hahadlang sa atin."

"Sang-ayon ako pero sana walang kailangan masaktan." dagdag ni Clarissa. Kanina pa siyang nag-iisip kung ano ang pwede niyang gawin. "Teka, may naisip ako..." Nilahad niya ang kanyang mga palad at mataimtim na tinawag Aklat ng mga Dasal. Sa isang iglap ay may luma at maliit na libro nang hawak-hawak si Clarissa. Dali-dali niyang binuklat ang mga pahina ito at kahit banyaga man ang mga nakasulat dito ay di siya nahihirapang basahin ito. "Ah, may ganito ngang orasyon!" nakangiting sambit niya.

"Ano ang nahanap mo?" tanong ni Gino.

"Isang orasyong pampatulog. Naisip ko na bakit hindi na lang patulugin natin sila hanggang sa mapigilan natin ang Supremo. Kapag tapos na ang lahat, bahala na ang mga nakakatanda upang pagsabihan sina Ryan at ang ibang mga kasama niya."

"Wow, yes! Tama ka dyan, friend!" sambit ni Katherine. "Let's just use the orasyon at patulugin sila!"

Pinakita ni Clarissa sa lahat ang pahina kung nasaan ang orasyon.

Napakamot sa ulo si Jun-Jun. "Kaya lang, ano ba yan spanish o latin? Sa tingin kong mahihirapan kaming masaulo lahat ng mga salita."

Sumang-ayon ang iba.

"Yeah, its like learning a new language in just a snap!" sabi ni Regina. "With time pressure!"

"Okay." Binuksan pa ni Clarissa ang iba pang pahina ng aklat na hawak niya. "Ito! May nakita pa akong isang paraan." Lumuhod siya at nag-ipon ng pinong buhangin na nagmula sa sahig. Ipinatong niya ang kanyang kamay dito at nagsimulang magdasal.

"Oh, Yo ser Complacer

La Desear mi ser Escuchar.

La que Cualquier Mota en Arena lo,

Modorra la Causado y sólidamente que Dormido la Estar Aquí."

(Oh, ako ay pagbigyan

Ang nais ko ay pakinggan.

Ang sino mang mapuwing sa buhanging ito,

Antok ang dulot at mahimbing na tulog ang mapaparito.)

Gamit ang kapangyarihan ng kanyang elementong-kaisa na si Kikay, may walong maliit na talulot ng bulaklak ang tumubo sa sahig. Dito niya nilagay ang buhanging pampatulog. Binigyan niya lahat.

"Kailangang mapuwing sila ng buhanging nasa loob ng mga talulot. Dito sila makakatulog."

"So dapat malapitan pa natin sila bago magamit ang buhangin?" tanong ni Ren.

Tumango si Clarissa.

"Yes! Akala ko walang labanang mangyayari. Boring naman kung buhusan lang natin sila ng pampatulog at tapos na! Syempre di sila agad-agad malalapitan. May laban muna!" di napigilan ni Ren ang sarili na sabihin ng malakas ang iniisip niya.

"REN!" saway ni Clarissa. Siya, ayaw niya ng laban pero itong si Ren parang gusto pang may gulo.

"Joke lang, Clarissa. Ikaw naman di na mabiro!" nagpacute na lang si Ren.

Natawa ang lahat.

"Salamat, Clarissa at nakaisip ka ang paraan para di natin sila tuluyang saktan." sambit ni Gino. Gusto talaga niyang kausapin ng maayos si Ryan. Ayaw niyang makipaglaban dito.

Gumawa muli si Gino ng batong ihahagis nila kung may nasaktan o may nangangailangan ng tulong.

Napagdesisyonan nila na sabay-sabay na silang papasok sa loob ng pangalawang pinto.

Kadiliman ang bumungad sa kanila.

Pagkaraan ng ilang saglit ay isa-isang nabuhay ang mga bolang apoy papaikot sa isang malawak at pabilog na patag na sahig. Ito ay animo'y arena kagaya sa mga stadiums o coliseums.

"Sa wakas at pumasok na kayo." nagsalita si Ryan nang malinawagan siya ng bolang apoy na sumindi sa tapat niya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Bigla na lang siyang tumawa at pinuno ng kanyang mga halakhak ang buong lugar na kinaroroonan nila.

"Ryan, mag-usap tayo." sambit ni Gino. Hahakbang na sana siya sa patag na sahig pero pinigilan siya ni Jun-Jun na nasa likuran niya.

"Baka may patibong sa bilog na sahig na ito." babala ni Jun-Jun.

Tumango si Gino. Pero bigla siyang nagtaka.

"Jun-Jun, nasaan ang iba?"

Lumingon din si Jun-Jun sa likuran niya at laking gulat niya dahil silang dalawa lang ni Gino ang nakapasok. Wala na ang bakas ng pintuan na pinasukan nila, pader na lamang.

"Nasaan ang mga kaibigan namin! Anong ginawa mo sa kanila?!" sigaw ni Gino.

"Huwag kang mag-alala, sila ay nasa mabuting mga kamay ng iba kong kasama. Tayo ang maghaharap!" tinuon niya ang tingin kay Jun-Jun. "Kailangan ko munang alisin ang asungot na 'to!"

"May problema ka ba sa akin?!" inis na tanong ni Jun-Jun.

"Wala naman. Ayaw ko lang ang pagmumukha mo! FUEGO!" pinatamaan niya ng bolang apoy si Jun-Jun.

"Ipo-Ipo!" mabilis na tawag ni Jun-Jun at tumalsik pabalik kay Ryan ang bolang apoy niya.

"Aba, mabilis!" nanatawang sambit niya at sinalo lang ang bolang apoy. Naglakad siya sa ibabaw ng patag na sahig. "Junior? Jun-Jun, ang pangalan mo di ba? Ikaw ang una kong gustong makalaban. Gusto kong malaman kung gano kalakas ang bagong kaibigan mo, Gino."

"Hinahamon mo ba ako?"

"Ewan ko sa'yo. Ano sa tingin mo? Sabihin mo lang kung duwag ka o natatakot ka at mabilis kong tatapusin ang buhay mo!"

"Ryan, tigilan mo ito! Ako ang kalabanin mo!" sigaw ni Gino.

"Huwag, Gino. Ako ang kakalaban sa kanya." giit ni Jun-Jun. "Alam kong ayaw mo naman talagang kalabanin ang dati mong kaibigan. Nararamdaman ko ang masama niyang mithiin. Tama si Ren, handa siyang pumatay para sa Supremo."

"Pero..."

Humakbang na si Jun-Jun sa patag na sahig. Biglang nagliwanag ito at nagkaroon ng malakas na pagyanig. Isa-isang tumirik mula sa sahig hanggang sa mataas na dingding ang mga tuwid na bato at ginawang isang hawla ang kabuuan ng bilog at patag na sahig. Aakalain mong nakakulong sa loob sina Jun-Jun at Ryan. Naiwan sa labas si Gino.

"Anong pinaplanong mong gawin kay Jun-Jun, Ryan!?" pinilit niyang sirain ang mga nakaharang na mga bato pero pambihira ang tibay ng mga ito.

"HAHAHAH! Hindi magbubukas ang kulungang ito hanggang walang sumusuko o walang namamatay! HAHAHAHA!"

"TIGILAN MO ANG KAHIBANGANG ITO, RYAN!" galit na sigaw ni Gino.

"WALA KANG KARAPATANG UTUSAN AKO! MAKIKITA MO NGAYON ANG LAKAS KO! GRRRRRR!" unti-unting nag-iba ang anyo ni Ryan. Mas lumaki ang katawan nito at mas tumangkad na halos naging higante na. Mas namula ang mga nanlilisik na mga mata nito at nagsitalasan ang mga kuko nito. Sa isang iglap ay nagliyab at nabalutan ng apoy ang kanyang buong katawan.

"HAHAHHAH, NARARAMDAMAN KO ANG SOBRANG KAPANGYARIHAN NG APOY SA AKIN! NAPAKALAKAS! HAHHAHAHAH! HINDING-HINDI MO AKO MATATALO, GINO. MANUOD KA NGAYON KUNG PANO KO PATAYIN ANG BAGO MONG KAIBIGAN!"

Sa kabilang mga silid, ay isa-isa na ring nagbago ng anyo ang mga kasamahan ni Ryan. Si Ulysses ay nabalutan ng kuryente, si Zyren ay naging tambuhalang tubig-ahas, Si Jessa ay tinubuan ng anim pakpak at nag-anyong ibon at si Diane naman ay naging higanteng bato.

Tanging si Clarissa ang nag-iisa.

"Kamusta, ikaw na pala ang bagong tagapangalaga ng Aklat ng mga Dasal." ang pagbati ng mangkukulam na si Romano.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 07/18/2016

Oh yan! As usual bitin na naman!

For some reason, bitter si Ryan! Kaya mo yan Jun-Jun!

And... Mag-ingat ka Clarissa sa mangkukulam na yan! 

Paki-comment ng inyong thoughts about this chapter, Vote at share na din para mas maraming magbasa.

Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

47.9K 2.4K 60
Hindi lahat ng bagay may katotohanan, yung iba ay kathang isip lamang. Pero paano kung ang lahat ng ito ay mapunta sa realidad? Ikaw kaya'y makaligt...
Anathema By Rye_David

Mystery / Thriller

32.4K 2.4K 85
MONDAY, JUNE 3RD, 2019. The citizens of the Philippines woke up to a horrible news: every resident of the quarantined Eagle Homes subdivision are dea...
21.5K 2K 25
Book 4 of Fate of Darkeness I'm lost in time. Literally. Dahil sa paglaban sa mga kalaban ay napahiwalay ako at napunta sa nakaraang hindi ko alam...
1.6M 64.5K 51
"Facing Darkness in the depths of their souls." Second book of Sky Trilogy. Completed. Published under Lifebooks, available for only 199.75 php on an...