Chap.10: HANGIN AT LIWANAG

4.1K 139 23
                                    

YUN OH! May update na... Himala!

This is Jun-Jun's POV! Finally! Bakit kaya Hangin at Liwanag ang title ng chapter na ito? 

Perfect combination ba? HAHHAHA.. hindi eh... sabi nga ni Ginn sa Chapter 9.

"Wala lang... Trip lang!"

Enjoy! 

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑HANGIN AT LIWANAG๑۩۞۩

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Sadyang mahirap sa pakiramdam ang makakita ng mga taong nahihirapan. Gusto mong tumulong pero wala kang magawa... di mo kaya... wala kang kakayanan na maibsan man lamang ang pagdurusa nila.

Nakakalungkot.

Isang miserableng katotohanan.

Gaano man kabuti ang iyong intensyon may mga bagay talagang di natin magagawa dahil sa ating mga limitasyon.

Si Jun-Jun, nais niyang tulungan ang mga kaluluwang ligaw, ang mga di matahimik na espiritu...

Kung sana may magagawa lang siya... pero paano?


++++JUNIOR 'JUN-JUN' STA. MARIA'S POV++++++++++++++++++++++


Inayos ko ang aking salamin na lagi na lang dumudulas sa aking ilong.

Hmmm, teka. Madulas ang aking ilong... Ang oily na ng mukha ko!

Alam kong madumi na ang aking mukha, madumi kasi ang aking mga kamay.

Gusto ko ng matagalang ligo!

Hinila ko ang di na rin kalinis na damit ko sa ilalim ng aking suot na jacket... na madumi na rin... at pinunasan ang aking mukha.

Napabuntong-hininga ako. Mukha na akong dugyot at kahit si Gino... Ah, este si Ginn, mukha ding yagit!

Ano na lang ang iisipin ni Katherine 'pag nagkita na kami? No personal hygiene?!

Umiling ako. Out of the blue, ito ang aking iniisip! Ang dapat kong isipin ay kung paano namin makikita ni Ginn ang nanay niya para makaalis na kami sa Purgatoryo!

Aaminin kong napapagod na ako. Gusto ko nang umuwi; Gusto ko nang makita ang liwanag... Ang araw!

Teka. Focus, Jun-Jun, focus!

Nilingon ko ang aking kaibigan na malakas din ang trip at nagpabago ng pangalan. Si Gino Ivan Lazaro na Ginn na daw ang itawag. Well, parang ako... Ako si Junior, pero nasanay na akong tawaging Jun-Jun.

Walang basagan ng trip!

Okay... Seryoso na. Grabe, nakakabaliw na sa Purgatoryo!

Pinagmasdan ko si Ginn. Tahimik siyang nakatingin sa napakataas na mga toreng bigla na lang tumuyo mula sa kung saan. Dalawang toreng magkasalungat; ang isa ay sa liwanag at ang isa ay sa kadiliman.

Syempre obvious naman kung anong tore ang dapat naming iwasan at ang dapat puntahan. May kutob ako na makakauwi kami sa mundo ng mga buhay doon sa toreng kumikinang sa liwanag.

Pero hanggang ngayon di pa rin namin alam ni Ginn kung bakit may mga tore at kung para saan ang mga ito.

....GRRRRRR TULLLLUNGANNN MO KAMI GRRRRRR....

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon