Chap.15: ANG BANGA NI GUNAW

3.5K 124 10
                                    

Naku, sorry kung medyo late na ang update! 
We lost our internet sa bahay for 5 days! Alam nyo naman siguro ang feeling ng walang internet! HAHA! Nakakabaliw!
Well any way... Check this latest update!

POV ito nina Ginn at Abby! Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ANG BANGA NI GUNAW๑۩۞۩


++++GINO 'GINN' LAZARO'S POV++++++++++++++++++++++  

Tsk.

Tsk.

Tsk. Nakakaasar.

Isa itong matinding pagpapahirap sa akin. Isang parusa.

Nandito siya ngayon sa aking tabi. Hindi man lang sumagi sa aking isipan na mangyayari ito pero he'to siya...

Di nagdalawang isip na sumama sa akin...

Kahit nasaktan ko na siya...

May nagtatalo sa aking isipan.

"Argh."

"Gino... err... Ginn, okay ka lang?" tanong ni Abby. Lumapit siya at sinubukan niya akong hawakan.

"Lumayo ka sa akin!" sigaw ko.

Natigilan si Abby. "S-Sorry."

"Ahhrgh!" namilipit ako sa sobrang sakit ng aking ulo.

May di nagtutugma sa aking isipan. May tumututol... May sumasalungat... May nagtatalo...

Napaupo ako sa sakit. Nahilo ako at nanlabo bigla ang aking paningin.

"Ginn!" nag-aalalang sambit ni Abby pero di ko hinayaang lumapit siya sa akin.

"O-Okay lang ako." pinilit kong makatayo. "Tsk."

Naiinis ako.

Napaatras si Abby nang makita ang aking galit na mukha.

Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

Gusto kong tumawa. Gusto ko ang takot na nararamdaman niya sa akin.

Umiling ako.

Hindi. Mali.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na kinalma ang sarili.

Ayaw kong matakot si Abby. Kailangan ko siya. Ayaw ko siyang lumayo sa akin...

Tiningnan ko siya.

Napakaganda niya talaga. Isang dyosa... kamukha ng dyosa na malinaw sa aking alala... Si Sibol...

Tsk. Nakaramdam ako bigla ng matinding poot at napuno ako ng matinding kagustuhan ng paghihiganti.

Gusto kong saktan si Abby... Sakalin ang kanyang maselang leeg... Gusto kong marinig na nagmamakaawa siya... Gusto kong makita ang luha sa kanyang mga mata hanggang malagutan siya ng hininga...

Humangin bigla.

Talo ng kanyang mabangong halimuyak ang baho ng hangin ng Purgatoryo.

Napakabango...

Nakaramdam naman ako ng matinding pagkagusto... pagnanasa...

Nakakaakit ang kanyang ganda at bango.

Pero bukod dito...

Ang sadyang nakakahumaling ay ang bango ng kapangyarihang dumadaloy sa kanya. Alam ko na hindi pa siya pamilyar sa potensyal niya, sa napakalakas na kapangyarihang biyaya ng isang dyosa.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon