[TWO] Chap.28: ANG SERMON NG PUSA

3.6K 179 16
                                    

Oh Ano na? Buhay pa? After a MILLION years, wala pa ring update! I won't say any excuses anymore... ganun talaga eh... 

Pero

I really do appreciate yung patuloy na nag-checheck kung may update na ba ako or wala pa. The truth is, nahihiya ako. I can't do anymore yung laging may weekly update like last year. Huhuhu.. Ikaw ba naman na once a week na lang ang off from work?! (Oppsss.. I'm making excuses again.)

Well anyway, nakakatuwa pa rin na kahit papano, may mga new readers na nagvo-vote pa rin at may mga new followers... 

Kaya ko 'to! I really need to squeeze in updating this story NO MATTER WHAT! 

*Pabebe wave*

Here we go...

۩۞۩๑ Ang Sermon ng Pusa ๑۩۞۩๑



Kapansin-pansin ang isang itim na pusa na animo'y taong nakadungaw sa isang bintana ng ospital. Kumikislap ang madulas na balahibo nito sa tama ng lumulubog na araw. Kung malapitan itong pagmamasdan, animo'y nakangiti sa galak ang pusa. Masayang-masaya si itim. Gustuhin mang pumasok ng pusa sa loob, hindi maaari. 'No Pets Allowed' sa ospital kaya pinapanood na lang niya mula sa labas ang pagbisita ng nakakabatang kapatid na si Dorina sa kanyang kaibigan na si Jose Gutang.

Hindi pa alam ni Dorina na ang kanyang Kuya Alberto ay nasa anyong pusa. Isang malaking himala ang pagkakataong manatili pa rin sa mundo ng mga buhay kahit nakakubli siya bilang isang hayop. Mas mabuti na ito kaysa tuluyan na niyang iwan ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang matinding kagustuhan niyang ipagtanggol ang anak at ang asawa marahil ang syang naging dahilan kaya pinagbigyan siya ng Diyos ng pangalawang pagkakataon. Hindi niya dapat itong sayangin.

Biglang nakaramdam ng malambing na hagod si Itim sa kanyang balahibo. Halos mahulog siya nang magpakita ang isang diwata na nasa anyong bata. Buti na lang mabilis din siyang sinalo ni Rosabilya, ang diwata ng mga bulaklak at elementong-kaisa ni Clarissa Gutang.

"Hahaha! Nagulat ba kita? Sorry po!"

"Ikaw talaga, Kikay. Huwag mo ako ginugulat!" sambit ni Itim. "Teka, wala bang makakakita sa'yo?"

"Nope! I'm invisible to the naked eye!" sagot ni Kikay. Dinako niya ang paningin sa loob ng bintanang tinatanaw ni Itim. "Natutuwa ako at maraming nagmamahal sa tatay ni Clarissa. Naaawa ako sa bata, ilang araw na rin siyang di kumpleto ang tulog at kung minsan nakakalimutan pang kumain." nagbuntong-hininga si Kikay habang pinagmamasdan ang kanyang taong-kaisa.

"Nakakaawa nga si Clarissa. Di din ako makapaniwala na anak ni Violy Dela Rosa ang may kagagawan kaya nadisgrasya si Jose."

"Wala namang dahilan si Ren para saktan ang ama ng taong nililigawan nya. Ang depensa ng bata, may kumokontrol daw sa kanya noong gabing iyon." saad ni Kikay. Malakas ang kutob niya na wala talagang kasalanan si Ren. Kahit si Clarissa, di din naniniwala pero di niya mapawi sa sipan ang aktual na pagtulak ni Ren sa kanyang ama. Ito ang syang nagpapasama ng loob ni Clarissa. "Nakakapagtakang wala si Buhano, ang elementong-kaisa ni Jose. Dapat kahit papano naipagtanggol niya ang kanyang taong-kaisa.

Natahimik si Itim. Naalala niya isang gabi na pinuntahan siya ni Buhano at hinahanap si Dahongo. Hindi maganda ang samahan ng magkapatid na duwende pero hindi pa rin maiaalis ang pagkabahala ni Buhano nang bigla na lang mawala ang kapatid. Hindi din naman masabi ni Itim kung nasaan si Dahongo; wala siyang alam. Si Buhano ay nasa El Kantadia ngayon upang hanapin ang kapatid at nagbabakasakali na nandoon lang ito.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon