Chap.1: KASALANANG HINDI MATAKASAN

3.8K 139 1
                                    


Hello!

Para sa mga readers na matagal nang naghihintay, this is my early Christmas gift! May update na sa wakas! Lagi ko na lang sinasabi ito... pero I'll always say THANK YOU!

For my new readers, I tried my best na madaling masundan ang istorya kahit hindi ninyo nasimulan from Book One. Pero I highly advice na basahin nyo ang ELEMENTO [Tagalog]. Continuation lang ito.

Again, salamat sa panahong nilaan nyo para basahin ito!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑KASALANANG HINDI MATAKASAN๑۩۞۩


Ilang araw na nga ba? Ilang linggo? Ano na kaya ang oras? Umaga na kaya o kalaliman na ng gabi?

Napabuntong-hininga si Gino Ivan Lazaro. Isang second year high school student na puno ng kababalaghan at kaguluhan ang buhay. How he wish na sana nasa ibang katauhan na lang siya, isang katauhang normal gaya ng lahat.

Pero siya si Gino, ang batang itinakda para sa isang sakim na datung nagngangalang Gunaw na nagnanais mabuhay muli upang ipagpatuloy ang kaguluhan at kasamaang sinimulan niya ilang libong taon nang nakalipas.

Ang totoo, hindi mawala ang pangamba ni Gino na ang diwa ni Gunaw ay matagal nang nasa kanya at naghihintay lang ng tamang panahon upang tuluyan siyang sakupin at masaniban.

Natatakot si Gino.

Alam niyang minsan ay nagawa na ni Gunaw na manaig sa kanyang isipan na siyang nagtulak sa kanyang nakawin ang elementong kapangyarihan ng isang kaibigang engkanto. Isa itong kasalanan na hindi niya magawang ipagtapat sa kahit sino man. Ito ay patuloy na bumabagabag sa kanyang konsensya.

Pero may konsensya pa nga ba siya? Ikinatatakot niyang unti-unti na siyang nagiging katulad ni Gunaw.

Umiling si Gino at pilit na iniba ang iniisip. Itinuon muli niya ang paningin sa langit na walang bituwin, na tanging isang malaking buwan ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa lupaing namamayani ang kadiliman.

Ano na nga ba ang kanyang ipinagmuni-muni kanina? Oo, ang araw at oras. Tiningnan niya ang ilang guhit na ginawa niya sa maduming semento. Pilit niyang inaalala at binibilang kung ilang araw na ba silang nananantili sa mundo ng mga kaluluwang ligaw at di matahimik , sa Purgatoryo.

Kahit anong pilit , hindi maalala ni Gino kung anong araw sila pumasok sa loob ng ibang mundong ito. Marahil nakakapurol ng isip ang matagalang pananatili sa mundo ng mga patay!

Sa inis, binura ni Gino ang kanyang iginuhit gamit ang palad. Natigilan siya at pinagmasdan ang kanyang mga kamay patungo sa braso. Parang sa isang bangkay na ang kulay ng kanyang balat sa sobrang putla, na para bang wala nang dugong dumadaloy sa kanyang katawan.

Hindi din niya maikakaila ang sobrang kapagurang nararamdaman. Halos kada-oras may kinakalaban silang mga galit na kaluluwa at mga aninong-ligaw. Pero dahil ang Purgatoryo ay kahalintulad sa mundo ng mga buhay na naging madilim at magulong bersyon lamang, naisip ng kaibigan niyang si Junior Sta. Maria na magtungo sa Simbahan ng San Nicolas. 'Jun-Jun' ang nickname ng kaibigan. Nagbaka-sakali si Jun-Jun na kahit sa simbahan na nasa Purgatoryo, takot lumapit ang mga kaluluwang humahabol sa kanila. At mabuti na lang, tama siya! Kahit sira-sira at basag ang mga bintana at butas ang bubong ng simbahan, hindi nagawang lumapit ng mga kaluluwang takot sa Krus na nananatiling nakatayo sa tuktok nito.

Pero hindi pa rin ito sapat para kay Gino upang makapagpahinga. Lubos-lubos pa rin ang nararamdaman niyang pagod. Gusto niyang matulog subalit hindi niya magawa. Lagi siyang balisa at simpleng ingay at kaluskos lamang ay nagpapaalisto sa kanya.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon