[TWO] Chap.15: Ang Diamond Ring

6.3K 199 26
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Diamond Ring ๑۩۞۩๑                

   

Sa isang saglit, akala ni Regina Co nag-iba ang anyo ni Hero Salvanera.  

Ang itsura ni Hero ay para bang sa isang mabangis na hayop. Nababalutan ng pino at mapuputing balahibo ang buong mukha niya, ang kanyang teynga ay mahaba at patirik at mayroon din siyang matatalas na pangil. Nakakapangilabot ang pagkakatitig ng malamig nitong buhaw na mga mata. 

Ngunit sandali lang iyon. Isang kurap, bumalik sa normal ang mukha ni Hero. 

"Ano ako?" natatawang sagot ni Hero sa kanya.

"Ah, w-wala." namumulang sagot ni Regina. Siguro nagmalik-mata lang siya. 

"Kumportable ka na ba?"

Lalong namula si Regina dahil napagtanto niya na kanina pa siyang nakayakap kay Hero. Baka kung anong isipin nito. Dali-dali siyang lumayo dito pero pinagsisihan niya dahil nanginig na naman siya sa lamig. 

Ngumiti si Hero. "Ano ka ba, Regina bumalik ka dito. Alam kong nilalamig ka."

Sumimangot si Regina. "Hindi. Akala mo siguro, macha-chansingan mo na naman ako! Pervert!"

"Regina, naman. Mukha ba akong pervert? Hindi ako ganun!"

"Well, I don't know. Malay ko!"

Tumawa ng malakas si Hero. "Ayaw mo, ha..." abot langit ang ngiti ni Hero. 

Hindi malaman ni Regina kung bakit lalong lumalamig! 

Tiningnan niya ng masama si Hero. "Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit lalong lumalamig?" paratang niya. 

"Um... Hindi ko alam." pagmamalinis ni Hero.

"I hate you! Kainis ka!"

"Oy, mahal na reyna, ayaw ko na galit ka sa akin at lalong ayaw kong sabihan mo ako ng I hate you. Masakit yun."

"Che! Ewan ko sa'yo!" tumalikod si Regina. Naiinis siya dahil pinagtatawanan siya ni Hero, para bang nag-eenjoy ito na nilalamig na siya. Pero, oo sobrang nilalamig na siya, nagmamanhid na ang kanyang mga kamay at paa. 

"Regina." malambing na tawag ni Hero.

Ayaw niyang lumingon pero iba na ang kanyang nararamdaman para kay Hero. Hindi niya alam kung bakit o papaano pero ang bilis ng mga pangyayari. Hindi niya maintindihan ang kanyang puso. 

Bakit...

Bakit bigla na lang naging espesyal ang pagtibok nito para kay Hero.

"Regina." muling magtawag ni Hero. Nanginig si Regina pero naguguluhan siya kung dahil sa lamig o sa kilig. 

Sa wakas bumigay siya at humarap kay Hero.

Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. 

Si Hero nakangiti at nakabukas ang kanyang mga bisig, isang paanyayang para sa isang mainit na pagyakap. 

"Halika na..." pang-aakit ni Hero. 

Nilunok na ni Regina ang kanyang pride. Tumakbo siya pabalik at niyakap ng mahigpit si Hero. 

"Kumportable ka na?" muling tanong ni Hero. Tuluyan na niyang binuhat si Regina para ingat ang mga paa nito sa lamig na lupa. 

Hindi na tumanggi si Regina. Tumango ito. Namumula sa hiya pero totoo, gusto niya ang mainit na yakap ni Hero. 

"Regina, naniniwala ka ba sa kababalaghan? Naniniwala ka ba sa mga diwata o engkanto?" tinanong bigla ni Hero. 

"Hmmm?" hindi alam ni Regina kung bakit out-of-the-blue tinanong ito ni Hero sa kanya. Sa sobrang kumportable niya sa malalakas na bisig ni Hero, ilang saglit na lang ay makakatulog na siya. 

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon