Chap.36: Si Kidlaon

7.9K 293 63
                                    

๑۩۞۩๑ Si Kidlaon ๑۩۞۩๑

    (Ren Dela Rosa's POV)

"ANO ANG NILALAMAN  NG IYONG PUSO?!"

Nakatunganga lang ako dahil sa matinding takot. Ang utak ko ay biglang nablangko at for a moment hindi ko naintindihan ang kanyang tanong. Ang malaking posibilidad ng aking nakaambang kamatayan ang siyang tanging nasa isipan ko.

 "ANO ANG NILALAMAN  NG IYONG PUSO?!" sigaw muli sa akin ng engkanto. 

''A-Annggg nnniiilalalalammmannn... ng akkkkkkiiiiing pppupusssssoooo?" nanginginig ang aking mga labi. Di ako makapagsalita ng maayos. "Hi-Hindi ko-ko aaallammmm..."

"ANONG HINDI MO ALAM?!" nanlisik ang kanyang mga mata. "Ikaw lang at wala nang iba ang nakakaalam ng nilalaman ng iyong puso!" lalo niyang nilapit ang dulo ng kanyang palaso sa aking dibdib. Kitang-kita ko ang talas nito. Kung papakawalan na niya ang palaso, madali nitong mapapasok ang aking dibdib at eksaktong babaon sa aking puso ng walang kahirap-hirap. "Naririnig ko ang iyong puso. Naririnig ko ang malakas nitong pagtibok. Umiiyak ito at nagmamakaawa..."

Nagulat naman ako. Paanong umiiyak ang puso?

"HINDI KA NANINIWALA?!" galit na sigaw ng sentauro (Centaur) "Isa kang tao na unti-unting namamatay ang puso. Ang mga gaya mo ang mga taong nagiging masama sa mundo. Ngayon, kung hindi mo kayang pakawalan ang iyong puso sa kulungang ikaw din mismo ang gumawa... MAS MABUTI PANG PATAYIN NA KITA NGAYON PARA DI KA NA MAGHASIK NG KASAMAAN SA MUNDO!" Sa isang iglap ang palasong gawa sa bakal ay napuno ng enerhiya. Lumiwanag ito dahil sa napakalakas na kuryenteng dumadaloy dito. 

"Huwag po! Huwag nyo akong patayin!" pagmamakaawa ko. Umiiyak na ako. Napapikit ako sa nakakasilaw na liwanag ng kuryente sa palaso at pilit na umatras papalayo sa takot na makuryente. Pero paglayo ko ay siyang paglapit din niya hanggang sa naramdaman ko na lang na may isang malaking dyamanteng bato na ang nakaharang sa likuran ko. Wala na akong kawala!

"Simple lang naman ang tanong ko, sagutin mo ng tama at baka maisipan kong buhayin pa kita... Ano ang nilalaman ng iyong puso?''

Pinilit kong kumalma at pinatakbo ng maayos ang aking isipan. I have to think straight kasi kung hindi, ikakamatay ko ito! 

Ano nga ba ang nilalaman ng aking puso? Ano ba ito, isang riddle? Do I have to think deep para malaman ang sagot? Or baka naman simple lang ang kasagutan?

Humalakhak ang engkanto. "Bakit di mo agad masagot? Oo, simple lang ang kasagutan." 

Hey, wait?! Paano niya nalaman ang tinatanong ko sa aking isipan?! Mind-reader kaya itong engkantong ito?!

"ANO ANG NILALAMAN NG IYONG PUSO?" muli nitong tanong, mukhang naiinip na.

Nag-isip ako ng mabuti. Hindi naman siguro masyadong scientific ang sagot or related sa biology kasi kung oo, sasabihin ko na ang nilalaman ng aking puso ay mga veins or arteries o dugo kasi ito yung nagpupump ng  blood para sa buong katawan.

Umiling ang engkanto at sumimangot. "HINDI MO BA SESERYOSOHIN ANG TANONG KO?!" galit a sigaw nito. "Ano ba ang ninanais ng iyong puso? Nararamdaman kong nahihirapan na ito. Pinipigilan mo itong tumibok ng maayos! Kung hindi mo masasagot ang tanong ko, MAMATAY KA NA!"

"Teka! Teka! Huwag mo akong patayin! Wala man lang bang clue?!" 

"ANO ANG NILALAMAN NG IYONG PUSO?!" galit na galit na sigaw ng sentauro. Hinila na niya ang bow, ni-ready na niya ang kanyang pana to shoot me. 

This is a matter of life and death! Ano nga ba ang nilalaman ang aking puso? Paano niyang nasabi na nahihirapan itong tumibok? May sinabi pa siya na ang aking puso ay nakakulong sa isang kulungan na ako mismo ang gumawa... umiiyak? Nagmamakaawa?

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon