Chap.30: Si Renzo Del Carmen

10.5K 289 12
                                    

 ๑۩۞۩๑ Si Renzo Del Carmen ๑۩۞۩๑

             (Clarissa Gutang's POV)

Grabe kinilig ako kina Jun-Jun Sta. Maria at Katherine Dela Rosa! Nakakatuwa din ang reaksyon nila nang naghalikan sila, gulat na gulat at pulang-pula ang mga mukha nila. Di makapagsalita ang dalawa at nahihiya. Si Gino Lazaro naman panay ang kantyaw.

"Maraming Salamat." sambit ng kaluluwa ni Ibarra. 

Tumingala kaming lahat. Nakalutang siya kasama ang kaluluwa ni Maria Katerina.

"Pinalaya ninyo ako sa magpakailanmang pagdurusa, nais kong sabihin ang taos pusong pagpapasalamat. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa ninyo sa akin kahit sa kabilang buhay."

Tumungo si Jun-Jun at ngumiti naman si Katherine. At sa isang iglap, nawala na sila.

"Sa wakas, tapus na!" sambit ni Gino. "Ang galing talaga ni pareng Jun-Jun!" inakbayan niya si Jun-Jun at ginulo ang buhok nito.

"A-Ano ka ba, Gino!' natatawang saway ni Jun-Jun at hinawakan ang salaming basag na muntikang mahulog mula sa ilong nito.

"Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa iyo!" sabi ko at niyakap ang bestfriend ko. 

"Maraming salamat, Clarissa!" naluluhang sinabi ni Katherine. "Kahit ang sama-sama ko sa'yo, di ko pa rin nagdalawang isip na iligtas ako..."

"Bestfriend kita, syempre ililigtas kita!" sagot ko.

Lalong naluha si Katherine at umiyak na ng malakas.

"Tara na!" yaya ni Gino. "Gutom na ako."

"He'to... " tinali ni Jun-Jun ang natitirang 'buhay na laso' para kay Katherine.

Naku! Ibang level na ng dalawang ito! Totohanan na ito!

"OYYYYYYY!" kinikilig kong sambit sa dalawa. Namula muli ang dalawa.

Maya-maya, may bigla kaming narinig na mga tawanan ng mga bata.

Nanlaki ang mata ko.

May isang malaking grupo ng mga tiyanak ng sabay-sabay na tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin!

"Nanay!"

"Ina!"

"Mama!"

Nangilabot ako. Lahat sila ay nakatingin sa akin?!  At bakit nila akong tinatawag na nanay nila?!

"Ang ang buhy na laso, hilain ninyo!" sigaw ni Jun-Jun.

Natatarantang hinila ko ang sariling laso at laking gaan ng loob ko nang biglang humigpit ang laso at hinila kami pabalik sa lagusan patungo sa totoong mundo. Di ko namalayan, nasa harapan na namin ang elementong-kaisa ni Nurse Ruby Javier na si Danaya.

"Magaling mga bata!" puri nito. Gamit ang unang paa, kinatok niya ang isang di makitang pader at mula dito nabuksan ang isang lagusan. Napapikit kami sa nakakasilaw na liwanag ng araw. 

May naaninaw akong, apat na tao na nag-aabang sa amin.

Nakahinga na ako ng maluwag lalo na nang maramdam ko ang simoy ng sariwang hangin. Dali-dali kaming lumabas mula sa purgatoryo at tuluyang iniwan ang mga tiyanak na sumusunod sa amin. Nawala na rin na parang bula ang mga 'buhay na laso' sa mga braso namin.

"Ang anak ko!" tuwang-tuwang sigaw ni Ginang Violy Dela Rosa at niyakap si Katherine kahit sobrang dumi ng uniporme nito.

Bumalik na sa dati ang mga damit namin.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon