Chap.14: PINAGHALONG KABA AT PAGTANGI

3.9K 135 14
                                    

Woah! May update na!

And Abby's POV naman tayo! Maraming salamat sa pagbasa!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑PINAGHALONG KABA AT PAGTANGI๑۩۞۩

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



Kahit anong gawin ko, hindi ko maitago ang pangamba sa aking mukha. Nakatayo ako sa isang tabi, malapit sa may pintuan ng chapel.

Nasa loob ang lahat para pag-usapan ang magiging hakbang nila para mapigilan ang tuluyang paglaganap ng kadiliman sa mga karatig-barangay at sa buong Bayan ng San Nicolas.

Naiwan naman sa labas ang guro na si Sir Daniel at ang tita ni Gino na si Dorina upang magbantay sa labas para sa mga halimaw na gustong lumapit sa chapel.

Si Father Daniel naman ay nasa tuktok ng Tore ng Buhay at patuloy sa pagdarasal para sa kaligtasan at proteksyon ng mga taong nakaligtas sa pagsakop ng Purgatoryo sa Barangay Sta. Cruz.

Lumunok ako at pinilit na magmukhang nakikinig sa kanilang usapan. Pero di ko magawang makinig ng mabuti. Makasarili man, iniisip ko ngayon ang aking pansariling kaligtasan. Kinakabahan ako sa presensya ni Hero!

Napatingin ako sa direksyon kung saan siya ay nakaupo katabi si Regina na nakasandal sa kanyang balikat. Ang cute nilang tingnan, animo'y mga maharlika sa isang kaharian. Bagay na bagay sila. Natutuwa ako para sa kanila.

Pero...

Kinakatakot ko na baka dahil kay Hero, mas madali akong matutunton ng mga dalaketnon na humahabol sa akin, lalo na ang nagpakilalang heneral ng dalametnong yelo na si Bidagulo.

Napaisip ako. Paano kung kasabwat si Hero dito? Paano kung may lihim na balak ito?

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Regina kung totoo ang iniisipReese's ko? Alam kong labis itong masasaktan. Kung ako man, masakit ito.

"Girl?" napansin ako ni Regina na malalim ang iniisip. "Are you alright?"

Tumango ako. "I'm okay."

"Come sit with us!" alok nito at tinapik ang bakanteng upuan na hollow block na malapit sa kanya.

"Oo nga, Abby. Bakit nag-iisa ka dyan? You seat here!."dagdag ni Katherine.

Syempre, ayaw ko naman isipin nila na di ko gustong tumabi sa kanila kaya tumabi ako sa gitna nina Regina at Katherine. Ngumiti naman si Clarissa na nakaupo sa harapan ako. Paikot kasi ang ayos ng upuan.

Nakapwesto kami malapit sa altar. Maingay sa loob ng chapel. May ilan na umiiyak dahil sa takot o trauma pero mas malakas ang sabay-sabay na pagdarasal ng katulad sa sinasambit ni Father Gilbert sa taas ng tore, dasal ng taos pusong pananalig sa Diyos at hiling na mawala ang kadilimang bumabalot sa buong barangay.

Napangiti ako.

Sa mga ganitong pagkakataon, nagiging isa ang mithiin ng tao at tuluyang nagkakaisa.

"Sobra na talaga ang kasamaan ng Supremo!" komento ni Mang Jose na tatay ni Clarissa nang makwento ni Ren ang tungkol sa Tore ng Patay at ang kagustuhan pa nitong mamuno sa mga patay at buhay!

"Ang di ring katanggap-tanggap ay may mga kabataang sangkot dito!" dismayadong hayag ni Nurse Ruby. Hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Isama pa natin ang pagnanakaw ng elementong kapangyarihan ng mga inosenteng engkanto at diwata! It's too much!" umiiling na sambit ni Ginang Violy.

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon