Chap.9: Anak ng Albularyo

15.7K 424 13
                                    

  ๑۩۞۩๑ Anak ng Albularyo  ๑۩۞۩๑

            (Clarissa Gutang's POV)

Nagising ako sa aking kamang gawa sa kawayan. Medyo di kumportable pero sanay na ako. Sanay na ako na puro kawayan ang nakikita ko, gawa kasi dito ang bahay namin. 

Napabuntong-hininga ako. Haaaaayyyyy... Ang boring!

Pahapon na at wala akong magawa o mapaglibangan. Minsan lang namin buksan ang lumang T.V. kasi mahal sa kuryente.

Boring! Boring! Boring!

Buong araw kasi akong di pinalabas ng tatay ko sa bahay namin. Di na rin niya ako pinapasok sa school. Sa bahay daw muna ako para sa aking kaligtasan...Kaligtasan sa mangkukulam na humabol sa amin ng kaklase kong si Gino.

Ang kaklase kong si Gino Ivan Lazaro.

Kakaiba siya, naramdaman ko na agad, una ko palang siya nakita. Na-cucurious ako sa kanya. At para bang may kung anong pwersa ang nagpapalapit sa akin sa kanya. Of course, di yung may crush ako sa kanya, gwapo naman siya pero di ganun, yung pwersang nagsasabi na kailangan niya ako sa kung anong kadahilanan. Di ko lang malaman kung ano.

"Anak, tama na ang siesta! Halika dito." tawag ng tatay Jose ko.

"Tay. Sana pinapasok nyo na lang ako!" padabog kong sagot.

"Tulungan mo na lang ako dito. Mamaya ay mapapadaan si Aling Nena at kukunin niya ang langis na ginawa ko para sa lagnat ng kanyang anak."

"Whatever."

"Anong sabi mo anak?"

"Whatever." inis kong iniulit.

"Clarissa, anong sabi mo? English iyon, anak di ba?"

Natigilan ako nang makita kong nakangiti ang tatay Jose ko. Siya ay nasa late-thirties lang pero dahil sa matagal na pagbibilad sa araw at kapayatan, nagmumukha siyang mas matanda. Pero napaka-aliwalas ng kanyang mukha at ang ngiti niya ay nanggagaling sa puso.

"Anak, natutuwa ako at marami kang natutunan sa iyong school. Pinagmamalaki ka namin ng nanay mo. Kung nandito lang si Grasya, matutuwa siya. Laking pasasalamat ko nga sa Diyos at naging scholar ka sa napakagaling na eskwelahan. Wala man akong ipapamanang yaman sa'yo pero ang magandang edukasyon ang magiging tulay mo sa magandang kinabukasan..."

Na-guilty ako. Maluha-luha kong niyapos ang aking ama."Tay, sorry po. Huwag kayong mag-alala at mag-aaral akong mabuti para sa inyo." Naisip ko bigla si Regina, hinding-hindi ako magiging kagaya niya na maarte at mapangmata. Halatang nagulat ang tatay ko at di naintindihan kung bakit ako nag-sorry.

"Ano po ba ang ipapagawa ninyo?" 

"Simple lang anak, haluin mo ang langis ng niyog habang nilalagay ko ang mga halamang gamot."

Sinundan ko ang aking tatay sa likod bahay namin. May nakahanda nang siga ng kahoy at may lumang kaldero nang nakasalang. Sa di kalayuan, sa lamesang gawa sa kahoy may mga ibat'ibang halamang dahon na di ako pamilyar. May mangilan-ilan ding halamang ugat.  

"Clarissa, kailangan mong matutunan kung paano ko ginagawa ang mga langis kong pang-gamot. Mainam din na may alam ka sa mga ganitong bagay. Di natin alam kung kailan sasalakay ang mga kalaban..."

"Tay, sinong mga kalaban?" tanong ko.

"Huwag kang mag-alala anak, malalaman mo rin. May mga taong kailangan ko lang kausapin tungkol sa nangyari sa'yo kahapon. Ano nga ba ang pangalan ng batang lalaking kaklase mo?" 

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon