Whirlwind Love

By hirayaaraw

114K 4.7K 984

They didn't expect love is coming on their way. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Somewhere in between
Chapter 30
Final Note

Chapter 12

3.4K 149 27
By hirayaaraw

Hindi ko alam kung ano ang kakainisan ko ngayong umaga. Yung pag kalat ng mga pictures ni Thomas at ng Santa Santita niyang ex sa social media o itong text ni mama na pinapunta kami sa bahay para mag family dinner dahil utos daw ni Papa. Pero may mas nakakainis pa sa dalawang nabanggit ko... Yung pagiging defensive ni Thomas ngayong umaga.

"Ara, are you listening?" Tinignan ko lang siya at ininom ang tea ko. Gulo gulo ang buhok niya dahil sa ilang beses niya na 'to sinusuklay pataas habang frustrated na nag papaliwanag habang ako naman ay sinusubukang kumain na may kapayapaan at dalisay na puso.

Walang pasabi ay tumayo siya at pumunta sa kwarto. Nabwisit siguro sa akin. Tinuloy ko na lang ang pag kain ko baka ma-late pa ako pag nakichismis pa ako sa kanya ng whereabouts niya kagabi.

"Password: 0818." Nagulat naman ako ng bigla niyang nilapag ang iphone at ipad niya sa harap ko tapos sunod na inilapag yung laptop niya. Kumuha naman siya ng papel tapos may sinulat saka iniabot sa akin. "Nandiyan yung mga social media accounts ko at password ko. Last time I talked to her was when she broke up with me."

Natawa na lang ako sa mga pinag gagawa niya. Tumayo ako para ilagay 'yung pinag kainan ko sa sink pero ang magaling na lalaki ay sinundan ako hanggang dito.

"We just talked like old friends, Ara. I swear kung ano man ang nakita mo sa picture hanggang dun lang." Sinuklay niya ang buhok pataas at sumandal sa kitchen counter. "ARA, STOP GIVING ME A COLD SHOULDER! GOD! IT'S KILLING ME!"

Nagulat ako nang bigla siya sumigaw at hinampas ang kitchen counter. Napailing na lang ako saka nag timpla ng kape.

"Sinasabi mo ba sa akin 'yan dahil gusto mong maging transparent sa akin o sinasabi mo dahil nahuli ka?" Ginulo na naman niya ang buhok niya.

"I'm telling this to you because you are my wife." Nilagyan niya ng diin ang bawat salita. Tinignan ko lang siya. "I really hate media! Those people are getting on my nerves."

"So you hate me?"

"What!? No! Ar-"

"Stop explaining." He hates media pala huh! Well, I hate political families which unfortunately parte na ako ngayon. Tinuro ko 'yung mga gadgets niya tapos yung binigay niyang papel ay nilamukos ko. "I don't need to check your gadgets and social media accounts. Invasion of privacy 'yan."

"Alis na ako. Papasok na ako sa Philippine Everyday Inquirer na isang newspaper company na parte ng media na kinakainisan mo." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay abot ng kape na tinimpla ko. "Inumin mo para mahimasmasan ka baka sakaling umayos na ang pag iisip mo."

"Mag bibihis lang ako. Ihahatid kita."

"Wag na mag ttaxi na lang ako. Dito ka na lang para mawala 'yang hang over mo." Nilagpasan ko na siya at kinuha ang bag ko na nasa sala. "Thomas, in-invite nga pala tayo ni Mama mag dinner mamaya sa bahay. If you want lang nam..."

"I'll fetch you at your office. Mama betchay also texted me." Lumapit siya sa akin at kinuha 'yung bag ko. "Hatid na kita sa baba."

"Hindi mo kailangan ihatid ang P.A. mo." Mukha na siyang question mark dahil sa pag tataka sa sinabi ko. Hinila ko naman sa kanya yung bag ko. Napahilamos naman siya ng mukha out of frustration. "Alis na ako."

Pag dating ko sa office ay agad na sumalubong sa akin sila Carol, Mika, Kim, at Camille sa may lobby. Ang Abangers sa tsismis. Walang pasabi ay hinila nila ako papunta sa opisina ni Mika. Isa lang ibig sabihin nito...

"I need fresh news for this morning!" Tinulak agad ako ni Kim sa may swivel chair ni Mika.

"Winarla mo ba kagabi?" Tanong agad ni Carol. "Oy hindi ako yung nag upload sa twitter nung photo nila ha!"

"Nag away kayo? Oh my gosh! Did you kiss and make up pag kauwi niya?" Itong si Camille puro kahalayan ang alam eh.

"Napanood mo ba 'yung interview nung ex kagabi?" Agad na tanong ni Mika tapos hawak niya ang cellphone niya. "May copy ako ng interview if you want to watch?"

Pinalibutan nila akong lahat para akong nag pa-press con at lahat sila nag hihintay para sagot ko na pang headline.

"Una sa lahat, hindi ko siya winarla.. Pangalawa, pag uwi niya he's too tired to function but not that drunk at isa pa hindi na naman ulit ginawa 'yun." Napatakip na lang sa bibig si Cams na parang di makapaniwala sa sinasabi ko. Hindi ko na pinansin angmga reaksyon nila." Pangatlo, pinanood ko,Mika mula umpisa at wala na akong balak ulitin pa." Para naman silang pinag bagsakan ng langit sa sinabi ko.

"Walang kiss and make up na nangyari? Sayang mas exciting daw pa naman gawin pag galing sa away." Camille is being the old Camille. Napa-face palm na lang ako dahil yun talaga ang pinang hinayangan niya.

"Anong pakiramdam na pang PA daw ang beauty mo?" Nag init na naman ang tenga ko nang marinig ko yung tanong ni Kim.

"Gusto kong manapak ng taong nakapaligid sa akin." Bigla naman silang nag layuan sa akin. Tumayo ako at inayos ang damit ko. "Tapos na ang chika minute! Balik na tayo sa trabaho."

Buong mag hapon lang ako opisina. Si Justine naman ang pinapunta ko sa field kasama yung isang photographer to interview Joshua Torralba nanalo sa isang international competition ang recipe niya na ila-launch din sa Grazie Café. Bilang alam ko naman na kaya na ni Justine at may hidden desire siya kay Chef Joshua nag paraya na ako.

Kaso parang gusto ko atang mag sisi dahil mag hapon kong naririnig ang pangalan ni Arra at Thomas sa department namin. Sa tuwing na babanggit ang pangalan nilang dalawa ay biglang mapapalingon sa akin yung apat. Oo, apat dahil ginamit muna ni Mika ang table ni Justine para makichika. Nag alisan na ang mga tao dito sa department namin pero 'tong apat nasa tabi ko pa rin.

"Mag out na ako." Paalam ko pag kakita ko ng text ni Thomas. Inayos ko ang table ko at kinuha na ang bag ko.

"Mahal mo na kaya ka nag kakaganyan." I heard Mika said those words. Napailing na lang siya sa akin. "I hope that your feelings won't affect your work."

"Don't worry, Miks. Business before pleasure." I said. "Wag kang mag aalala hindi ako mahuhulog basta basta."

Mahal? Too early to tell.

--

Tahimik lang ang buong biyahe. Noong huling beses na naging ganto katahimik ang biyahe namin ay noong na galit siya tungkol sa kaldereta. This time it's different. Seryoso na 'tong away namin. My mom saw Arra's interview last night that's why she visited me earlier in our unit just to scold at me.

Wala akong ideya bakit sinabi ni Arra 'yun. Nasakto pa nung in-air yung interview niya ay may nakakita sa amin na nag uusap. Napadaan siya sa table namin nila Jeron at nag kumustahan lang. Hindi naman umabot ng 5 minutes ang pag uusap namin. Wala naman masama kung mag kamustahan lalo na't I don't have any ill feeling against her.

"Napanood ko 'yung interview niya kahapon." I broke the silence but she doesn't mind. Patuloy pa rin ang cold war sa pagitan namin at hindi ko alam kung paano aayusin. "It's a pure lie. Publicity stunt lang 'yun."

"Ara naman... Wag naman ganto." Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano ba ang sinabi ko sa'yo?" She asked me still not looking at me. "Hindi mo kailangan mag paliwanag sa akin."

Mas nakakasira pala sa ulo pag binibigyan ka ng silent treatment kesa sa tinatalakan ka. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Hindi ko alam paano kami mag kaayos. Dadaan pa ba ang ilang araw para mag kabati kami?

"Selos ka ba?" I tried to joke pero mas lalo atang nagalit sa akin. Wrong move, Thomas!

"Bakit ako mag seselos?" Bakit daw eh konti a lang lalabasan na ng usok ang ilong niya.

"Ewan ko bak-"

"May dapat ba akong ika-selos?" Pinanliitan niya ako ng mata. Natawa na lang ako at umiling dahil wala naman talaga. "Ang sa akin lang... Wag kang mag paka-tanga, sinaktan ka na niya baka balikan mo pa."

"Saan mo naman nakuha 'yang ideya na babalikan ko siya?"

"Malay ko ba kung gumana ang paging pabebe niya kahapon." Sasagot pa sana ako kaso.. "Wag ka nang mag salita, hindi mo kailangan mag explain."

I gave her my social media accounts and gadgets pero hindi rin niya kinuha. How can I prove that I am innocent? I agree with her that it is invasion of privacy but it's just a little sacrifice to prove that I am loyal to her. Maliit na sakripisyo para sa napakahalagang tiwala ng isang babae. Wala pa kaming isang taon nasira ko na ang tiwala niya. Pakiramdam ko ata mababaliw na ako.

"I-park mo sa tapat ng gate." Utos niya sa akin nang makarating na kami sa bahay nila. Sinunod ko naman ang gusto niya.

Hindi ko alam kung saan ako kakabahan sa pag tuloy tuloy ba ng cold war namin ni Ara o yung makikilala ko ang tatay niya ngayon. Kinuha ko na 'yung cake na binili samantalang siya naman ay nag mamadaling lumabas ng kotse. Pag pasok ko sa gate nila ay kataka taking hindi pa pumapasok si Ara sa loob ng bahay.

"Wag kang sasagot ng mga bagay na hindi ka sigurado kay papa." Sabi niya sa akin still without looking at me. Binuksan niya ang pinto at sinalubong kami ni Mama.

"Anak! Buti nakarating kayo." Niyakap at pinugpog kami ng halik ni Ara.

"Paanong hindi kami pupunta? Tinadtad mo kaya ako ng text, Ma." Dikit ang kilay niyang sagot sa Mama niya. "Saan si Papa?"

"Nasa dining area na." Turo ni Mama at saka naman iniwan kami. "Anong problema nun? Bakit nag susungit?"

"May misunderstanding lang,Ma." Napakamot ulo naman ako. Biigla naman akong kinurot ng pino sa tagiliran. "AHHHH!"

"Kabago bago niyo pa lang LQ na agad." Gigil na sabi sa akin ng Mama niya. "Halika na sa dining at kanina pa nag hihintay ang asawa ko dun."

Hinila niya ako papunta sa dining kung saan na abutan ko ang asawa ko na mag kadikit ang kilay at nakapamewang kaharap ang papa niya (I think?), si Tin, at si Andrei!?

"Anong ginagawa ni Andrei dito?" Singhal niya sa mga kausap niya. Lumapit naman ako sa kanya at hinimas ang likod para pakalmahin. Pakiramdam ko buong araw siyang nag sungit. Nilingon naman niya ako at mas lalong kumunot ang noo.

"Ito na ba ang manugang ko?" Tumango ako at lumapit sa kanya para mag mano pero bigla siyang nakipag manly hug sa akin. "I'll be nice for you pero mag tutuos tayo mamaya."

Napalunok na lang ako ng laway at bumalik sa tabi ni Ara na pinapatay na ata sa tingin si Andrei.

"I invited Andrei to eat dinner with us." Sabi ng Papa niya na mas lalong kinainis ni Ara. "I want to talk with my sons-in-law."

"PA NAMAN! Si Andrei? son-in-law?" Angal ni Ara. "Ang bata pa ng kapatid ko."

"Sinisigurado ko lang na nasa mabuti kayong kamay. Ayokong maging katulad ko ang mga karelasyon niyo." Natahimik naman ang lahat sa sinabi ng Tatay nila. Napatingin naman ako kay Ara na nag pipigil ng luha.

"Karelasyon!?" Mas lalong nag histerikal ang asawa ko at binalingan si Tin at Andrei. "Kayo na?"

"H-hindi pa po, Ate Ara." Sagot ni Andrei.

"Ara, huwag mong takutin si Andrei. He's a nice man and I know that he can take care of your sister." Kung anong kinahisterikal ni Ara ay yun naman ang kinahinahon ng papa niya.

"Mahal mo si Tin?" Hindi pinansin ni Ara ang papa niya at muling tinanong si Andrei. Tumingin siya sa akin na parang nang hihingi ng tulong. Nginitian ko lang siya at nakaramdam naman ako ng siko sa tiyan ko. "Tutulungan mo pa eh.."

"O-opo." Natatakot pero buo ang loob na sagot niya. Nakita ko naman na yumuko si Tin para siguro itago ang kilig sa harap ng Ate.

"Mahal mo na eh parang nung nakaraang linggo lang kayo nag kita?"

"Ikaw nga, Ara... Wala pang isang linggo pinakasalan mo na agad si Thomas eh." Sabat ng Mama niya na ikanatawa ko. Sinibangutan niya ako pero ginantihan ko ng ngiti. "Mamaya na ang interrogation. Kumain na muna tayo."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Ara para hindi na ito kumawala at saka kami umupo. Tahimik langkamig kumakain pero pansin ang tensyon sa pagitan namin. Si Ara tinatapunan sina Tin at Andrei ng masamang tingin lalo na't masyadong maasikaso si Tin kay Drei. Minsan napapansin ko ring tinitignan ako ng Papa ni Ara buti na lang nababawi sa ngiti ni Mama. Natapos ang dinner at nag papasalamat akong buhay pa kami ni Andrei. Walang tumayo sa amin maliban kay Mama na nililinis ang lamesa.

"Kayo ba ay sigurado na talaga sa mga anak ko?" Pag babasag niya sa katahimikan.

"Opo"

"Sure po."

Narinig ko namang nag tsk si Ara and I can see her roll her eyes pag kasagot namin ni Andrei.

"Andrei, pumpayag akong manligaw ka kay Ernestine pero sa oras na makita kong umiyak 'yan dahil sayo. Makikilala mo ang tunay na Tito Galang." Mahinahon pero nanunuuot sa buto ko ang boses niya.

"Ikaw naman, Thomas. Ano ba talaga ang plano mo?" Parehas na parehas sila ni Ara lalo na pag nakakunot ang noo. "Kung balak mong lokohin ang anak ko, hiwalayan mo na lang."

"Alam na alam ko kayong mga basketball player ay hindi makutento sa isang babae kahit may asawa na." I just smiled at him. Bakit naman ako mag papaapekto lalo na hindi naman totoo? "Napanood ko 'yung girlfriend mo kagabi pag uwi ko."

"Dati ko po siyang girlfriend." Pag uumpisa ko. Kinuha ko 'yung kamay ni Ara at tinignan siya pero di niya ako tinapunan kahit sulyap man lang kahit ganon ngumiti pa rin ako nang makita kong suot iya ang wedding ring namin. "Misunderstanding lang po ang lahat at aayusin ko po. Paano naman po ako mag kakagirlfriend kung may asawa ako?"

"Papa, kung may dapat man pag sabihan ikaw dapat 'yun." Pag iiba ng topic ni Ara at saka hinila ang kamay niya mula sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Anak naman.. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Pag ganyan kaggwapo ang mukha..." Tinuro niya kami nina Andrei. "Hindi dapat pag katiwalaan. Tandaan mo 'yan, Tin."

"So gwapo ako?" Ngiting ngiti kong tanong sa kanya pero inirapan lang ako.

"Huwag ka namang hard sa boys natin , nak." Sabi ni Mama na kagagaling lang sa kusina. "Actually kaya kayo pinatawag ng Papa niyo ay hindi lang para makausap ag mga manugang kundi pati na rin..."

Hinawakan ni Papa ang kamay ng Mama ni Ara at nag palitan pa ng malalakgit na tingin kaya naman diring diri naman ang asawa ko sa gilid.

"Mag papakasal kasi ulit kami." Hinalikan ni Papa ang kamay ni Mama betchay kaya naman ngumiti siya ng matamis.

Pumalakpak naman sa tuwa si Tin samantalang si Ara naman ay napa sapo na lang sa ulo niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay hinampas ako.

"Ayan na sabi na namin." Tuwang tuwang sabi ni Papa. "Tin, pakilabas ang lambanog at yung isang case. Sweetheart, yung pulutan pakilabas."

"Andrei at Thomas, doon tayo sa garden para mag tuos." Nag katinginan naman kaming dalawa ni Andrei at sabay na napalunok.

"A-anong gagawin niyo doon, Pa?!"

"Usapang lalaki kaya di mo dapat malaman."

"Mag uusap lang pala bakit may alak pa?" Kitang kita sa mukha niya na hindi niya nagugustuhan ang mga nang yayari pero kahit pa ganon hindi pa rin niya matago ang pagiging adorable niya. Nagulat naman ako na bigla niya akong kinurot. "At ngiting ngiti ka lang diyan!"

"Kakainom mo lang kagabi kaya hindi pwede!" Dikit ang kilay at ang ilong niya ay lukot. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako nang pag sabihan niya ako. "Kung may balak kang lusawin ang atay mo, ako na lang sisira!"

Tinawanan lang namin siya. Pag dating ni Tin at Mama ay agad kaming nag tayuan. Hinila niya ako paupo at saka binigyan ako ng pinong kurot sa tagiliran. Kung ito ang way para mawala ang galit niya, ayos lang.

"Pag ikaw na kasakit, hinding hindi kita kakausap kahit kailan." Hawak niya ag kwelyo ko at binigyang diin ang bawat syllables. "Ayoko ng alagain!"

Kinurot ko ang ilong niya at hinalikan ang pagitan ng kilay niya para tumuwid na ito.

"I'll be fine, wifey."

--

May ikakainis pa ba ako? Give it to me! Kung may asawa kang hindi mo maintindihan, magulang na parang nasa honey moon stage, at kapatid na maagang nag ka-lovelife, malamang parehas tayo nang mararamdaman. Noong lumabas papuntang garden ay umakyat na ako sa kwarto ko. Pansamantalang sa kwarto muna na sa Master's bed room matutulog si Tin dahil mukhang di kami makakauwi ngayon. Inayos ko ang hihigan namin at inilabas ang mga lumang damit ko na pwede naming gamitin. Alas dies na ng gabi pero wala pa sa kanila ang umaakyat. Kanina lang rinig ko ang lakas ng tawanan nila pero ngayon tumahimik na.

Bumangon ako sa kama nang may narinig akong katok...

"Anak, knock out na 'yung dalawa doon." Bungad sa akin ni Mama. Ang kulit naman kasi ni Thomas eh! "Iakyat mo na ang asawa mo."

Sabay kaming bumaba ni Mama papunta sa may garden. Sumalubong sa amin ang imahe nilang dalawa na nakayuko at natutulog sa lamesa. Napansin ko naman na wala si Andrei.

"Ma, Si Andrei?"

"Umuwi na matapos makausap ang papa mo dahil mag tatry out pa raw sila ni Tin sa mga university bukas." Mabait si Andrei pero di pa rin ako okay na okay sa kanya. He needs to gain my approval pa rin. "SI Thomas at Papa mo nag last man standing."

"Last man standing eh parehas naman silang di makatayo." Irap ko sa dalawa.

Pinuntahan na namin ang mga lasenggo. Agad kong inangat ang katawan ni Thomas na ngiting ngiti pa kahit naka pikit. Marahan kong sinampal ang pisngi niya para magising.

"Thomas, gising na. Aakyat na tayo." Dumilat naman ang isang mata niya at saka tumawa. Lasing na lasing talaga.

"Bati muna tayo..." Sabi niya na parang bata tapos sinundot sundot pa niya ang pisngi ko. Akala mo naman laruan lang ang pinag awayan namin.

"Mag babati tayo pag tumayo ka na diyan!" Sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang tumayo pero dahil lasing nga wala siyang balance kaya naman sinalo ko siya. "Dahan dahan naman kasi!"

Inakbayan ko siya at pinulupot naman niya ang kamay sa bewang ko habang ang ulo naman siniksik sa leeg ko. Ang baho niya! Amoy alak. Pwe! Hirap na hirap kaming pumasok sa loob ng bahay dahil pagewang gewang kami. Mas mabigat siya kaya naman dalang dala niya ako. Kung pahirapan sa pag pasok ng bahay, kalbaryo naman ang pag akyat sa kwarto.

"Hindi mo ba alam yung salitang 'No' at di ka tumanggi kay Papa?"Sermon ko sa kanya kahit alam kong di siya makakasagot ng matino at puro ngiting lasing lang ibibigay niya sa akin.

Nang makarating kami sa kwarto ay agad ko siyang hinagis! Joke. Nilapag ko siya sa kama ng maayos. Kumuha ako ng t shirt cabinet para mapalitan siya ng damit dahil pawis na pawis siya. Isinandal ko siya sa head board para mapalitan ng damit. Tinataas ko pa lang yung laylayan ng pol niya nang pinalo ang kamay ko.

"May asawa na ko! Don't touch me! Magagalit na naman sa akin yun." Ang alam ko lasing lang siya at walang amnesia.

"Thomas, ako nga 'yung asawa mo!" Tinignan lang niya ako at ngumiti tapos pumikit na ulit. Huling beses na talaga niyang iinom nang sobra dahil hindi ko kaya ang kakulitan niya pag lasing.

Dahan dahan akong tinanggal ang damit niya at pinunasan ang likod niya. Sinunod ko namang pinunasan ang dibdib niya pababa sa abs. SHETE! Bakit siya may abs! Napalunok na lang ako dahil ngayon ko lang nakita 'to ng hindi ako lasing. Agad ko siyang binihisan dahil baka kung ano pa ang maisip ko. Ay patawarin!

Tumayo ako para ilagay sa marurumi ang pinag hubaran niya pero lumingkis ang mga braso niya at inihiga ako.

"Bati na tayo?" Sabi niya pero nakapikit pa rin. Ang lapit ng mukha niya sa akin at amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya.

"Mag kaaway ba tayo?" Pilit niyang dinilat ang mata niya. "Huwag ka nang mag salita diyan! Matulog na tayo."

"Good night, Ara." He kissed me before dozing off to dream land.

Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko, ako ba talaga ang naiisip niya o ibang tao. Hanggang kailan ba kami mag tatagal? Baka bukas makalawa bawiin siya sa akin. Habang kasama ko siya, susulitin ko muna ang bawat segundo at susubukang pigilan ang nararamdan.

Continue Reading

You'll Also Like

116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
86.8K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
343K 7.7K 33
Bored ako