Chapter 9

3.3K 158 36
                                    

TGBTG

Parang dati lang sawang sawa na ako dahil sa paulit ulit na routine ng buhay ko. Nag hahanap ng bago na mag bibigay ng excitement. Tinatanong ang sarili kung para kanino ako bumabangon at hanggang kailan magiging ganto ang set up ng buhay ko. Ngayon naman hindi ko alam paano uumpisahan ang araw ko.

Ngayong araw ang simula nang pagiging maybahay ni Thomas Torres. Shizzz! Nakakakilabot! Parang last week lang single ako at walang iniisip kung anong mang yayari bukas, ngayon naman isang malaking question mark sa akin ang araw araw. Hindi na lang sarili ko ang iniisip ko ngayon.

Maaga akong bumangon dahil sabi ng nanay ko dapat daw alas singko gising na para makapag linis na ng bahay at makapag luto ng almusal. Masunurin naman ako kaya eto ako mag lilinis ng unit. Maayos naman ang unit at hindi masyadong marumi kaya madali lang ako matatapos.

Inuna kong linisin ang kusina at nag check din ako ng mga kulang sa ref. Pinlano ko na rin kung ano ang mga lulutuin for the whole week. Ang ganda ng kusina ni Thomas. Kumpleto sa gamit at parang kahit anong lutuin mo pwede. I like the color combination white and black. Very manly and bachelor.

Sunod ko namang nilinis ang living room. Tinanggalan ko ng alikabok ang mga appliances at furnitures. Simple lang naman ang sala niya may isang malaking couch, 2 bean bags, TV and play station set, at movies. Classy and minimalistic. I like his taste when it comes to interior decors o baka naman may interior designer siya?

"Mas bagay talaga sa kanya walang bigote." Nakita ko yung isang family picture nila. Wala siyang bigote dito. Gwapo naman siya kahit may bigote pero mas bagay sa kanya yung wala dahil mas malinis tignan. Ibinalik ko yung family picture nila matapos kong punasan.

Akala ko tapos ko nang linisin lahat ng picture frames pero may isa pa palang naiwan. Nakatumba kasi kaya di ko napansin. Pag tingin ko si Arra at si Thomas. Wala akong nakikitang picture nilang mag kasama palagi sa news o sadyang di ko lang napansin pero base sa larawan na 'to makikita mong bagay na bagay sila. Maganda si Arra tapos si Thomas gwapo.

"Perfect match kaso pinakawalan mo pa. Sayang kayo." Napailing na lang ako saka pinunasan ko na lang yung picture frame at itinayo ko nang maayos. They were perfect. Madaming relasyon na sobrang ganda at perpekto, hindi mo aakalaing matatapos bigla. Too good to be true ata sila.

Iniwan ko na ang sala para makapag luto na ng almusal. Alas siete na rin kasi baka magising na si Thomas. Mukhang di pa nakakabawi sa pagod dahil sa biyahe naman. Napag desisyonan kong mag luto ng Tapsilog. Ang paborito kong almusal! Nag saing muna ako sa rice cooker bago ako nag prito ng tapa at eggs.

"Good morning!" Napalundag ako sa gulat nang may biglang nag salita sa gilid ko. Ang hilig mang gulat, may balak atang patayin ako sa gulat. "Wow! You're cooking my favorite."

"Talaga?" Tumango naman siya. Umalis siya sa tabi ko at nag simulang mag handa ng lamesa. Try to act normal, Ara. We're acting like what married couples do. Well married couple naman kami pero gets niyo!? It's a new feeling.

Pinag sandok ko siya ng kanin at ulam. Naiilang ako kasi nakatitig lang siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya tapos kinuha niya yung kamay ko. "B-bakit?"

"Let's pray." Ay sus! Mag dadasal lang pala pero ang daming arte.

Habang kumakain kami ngiti siya nang ngiti tapos nag cocomment pa na ang sarap daw ng luto ko. May bago na akong fan! Nakaka-flatter lang dahil sila Kim ang lakas manlait ng luto ko. Kahit prito lang 'yan pinag hirapan ko kailangan nilang i-appreciate.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tumabi siya sa akin sa sala pag tapos niyang mag hugas ng pinggan. Ako ang nagluto, siya ang mag huhugas. That's my rule!

Whirlwind LoveWhere stories live. Discover now