Chapter 15

4.6K 180 48
                                    


1 message received from: Mang Thomas

From: Mang Thomas

Good morning! How's your night? J

Wala nang hiya hiya dahil nag pagulong gulong ako sa kama ko. Pakiramdam ko para akong high school student na naka tanggap ng text from her crush. Naging asawa ko muna, bago ko naging crush! Oh di ba!

To: Mang Thomas

Good morning! Okay lang. Ikaw kumusta ka diyan?

Parang mas gusto ko pang mag tagal dito kay Mama. Gusto ko rin naman maranasan yung mga gantong kilig na hindi ko naranasan nung high school at college at alam kong hindi ko mararanasan yun pag umuwi ako dahil I'll be busy with my work and being a housewife. Dati inis na inis ako sa mga cheesy at corny moments ng mga High school classmates ko pero ngayon ko lang na-realize na masarap pala sa pakiramdam 'yung gantong feeling.

From: Mang Thomas

The bed is so big. It feels empty without you.

To: Mang Thomas

Drama mo, Bimbs! Maya na tayo mag usap. I'm going to eat my breakfast.

From: Mang Thomas

I'll fetch you later then let's eat dinner?

To: Mang Thomas

Pwede pa ba akong mag stay dito? :D

Distance makes the heart grow fonder sabi nila.Malay mo mas lalong mag grow yung nararamdman ko tapos siya din ma-in love na rin. Tama! Para quits kami!Ayoko ng one sided love.

From: Mang Thomas

Why?

Kailangan talaga ng explanation? Wait! Anong sasabihin ko?

"Ate Ara!" Napatayo ako sa kama nang marinig ko ang katok at tawag ni Tin. Binuksan ko ang pinto at nag dirediretso siya sa loob papunta sa cabinet.

"Wala man lang good morning? Ini-snob ang ate?" Humarap siya sa akin tapos nag peace sign. Para siyang nag mamadali . "Ano ba hinahanap mo?"

"Yung kneepads na bigay ni Andrei, Ate. Mag ttry out kasi ako sa DLSU today."Sabi niya at patuloy pa rin na nag hahanap.

"Boyfriend mo na ba si Andrei?" Napatigil siya sa ginagawa at humarap sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Uy... Fishing si Ate! Ayoko nga sabihin baka hadlangan mo pa kami." Sabay talikod at bumalik sa ginagawa. Aba! Ginawa pa akong sinker at kontrabida.

"May dahilan ba para hadlangan ko kayong dalawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman po ,Ate." She gave me her bright smile and I can see her eyes twinkles as she thinks about him. "Kahit naman hadlangan niyo kami di niyo rin naman mapipigilan ang nararamdaman namin para sa isa't isa."

She looks very in love. Somehow I envy her for experiencing love at this age.

"Masarap ba mag mahal?" Out of the blue, I asked her. Tumabi siya sa akin at saka ngumiti. She looks dreamy.

Akala ko dati pag na-in love ang isang tao mag mumukha siya drug addict o baliw based on my observation sa mga tao sa paligid ko pero kung si Tin ang basehan ng in love... love made her more beautiful.

"Masarap mag mahal at mahalin, Ate." I can't believe that I am hearing this from my baby sister. "Yung pag gising sa umaga, hahanapin niyo ung isa't isa."

Whirlwind LoveWhere stories live. Discover now