Chapter 7

3.6K 146 17
                                    


Enjoy this super late update!

-Gabby

To God Be The Glory!

--

Alas kwatro na ng umaga nang makarating kami sa NAIA. Drain na drain na ako sa mahabang biyahe tapos ang init pa ng ulo ng kasama ko. Dinamdam masyado yung pag agaw ko sa upuan niya nasa window side. Nakipag away talaga siya sa akin parang bata. Ako naman sabi ko nahihilo ako hindi na kaupo sa tabi ng bintana and all my kaartehan paid off kaso parang sa akin din nag back fire. Buong biyahe akong sinungitan, hindi ako pinansin, at pakiramdam ko hanggang ngayon inis pa rin siya sa akin.

"Psst..." Kinalabit ko siya pero tinignan lang niya ako. Maldito talaga! Mag papatulong kasi ako dahil ang biga ng mga dala ko. Sa akin ata ipinasa ni Kim yung mga bato niya. He's wearing a cap and sunglasses. Wala pa namang araw ah! "Ang sungit mo talaga! Nasaan na yung the finest bachelor at gentleman na nabasa ko sa mga articles?! WALA!"

Tinignan niya lang ako ng masama at kinuha yung mga bagahe ko. Gentleman pa rin naman pero sadyang masungit lang talaga. Medyo mag kalayo kami. Siguro 2 meters away sa akin. Ganon ba siya kalaki galit niya sa akin dahil sa kinuha ko yung seat niya? Tumayo lang lang kami dito sa pinag susunduan ng mga passengers. Kung dati sa may letter G pa ako nag hihintay, ngayon sa T na. I look at my ring again and sighed. Mrs. Torres na talaga ako. I'm bearing a surname with a rich political history and legacy.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papasok sa isang itim na kotse. Eto na siguro yung sundo na hinihintay naming. Iniwan niya yung bagahe namin sa labas pero may kumuha rin at inilagay sa compartment. Nilingon ko si Thomas na nag tanggal ng cap at sunglasses sabay ngiti sa akin. Aba! Nasaan na yung kasungitan niya?

"Sorry for my rude attitude earlier." He apologized. Buti na lang alam niya na rude siya! Actually gusto ko na siyang ihagis palabas ng eroplano kanina. "It was just an act earlier. May kasabay kasi tayong media at tingin pa nang tingin kaya I pulled out a little drama."

"Hindi ka lang pala basketball player/ political heir, artista ka rin pala." I told him. Masyado kasing high profile 'tong si Thomas kaya medyo nakakailang din palang kasama. "Okay lang naintindihan ko."

"Is it okay for you to hide our marriage?" Tanong niya sa akin. "Hind sa ikinakahiya kita pero for security purposes."

"Ikaw.. Ikaw bahala." Nag kibit balikat na lang ako. Ano namang say ko sa mga desisyon niya sa buhay. I'm just a stranger / wife in his eyes. That's it! Wala na akong ibang role sa buhay niya.

Hindi na kami nag imikan matapos nang pag conversation na 'yan. Umusad na ang sasakyan at parehas kaming binalot ng katahimikan. Nasa mag kabilang side kami ng kotse. Parehas na rin kaming pagod at masakit ang pwet dahil sa haba ng biyahe kaya eto nilamon na kami ng sistema.

"Thomas" Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, kailangan ko nang ilabas 'to. Gutom na ako, kailangan nang pakainin yung anaconda ko. Nakapikit siya at medyo naririnig ko na ang hilik niya. Ang cute niya pala pag tulog para siyang bata. Sinundot sundot ko yung pisngi niya para magising pero walang epekto dahil tumagilid lang siya paharap sa pinto. "Thomas...."

Hinipan ko yung tenga niya at ibang parte ng mukha niya. Mukhang effective naman dahil medyo naiirita siya pero matibay ang loko dahil hindi pa rin nagigising. Hinipan ko yung mga mata niya na singkit, ngayon ko lang na sabog pala pero okay lang dahil hindi naman nakakasagabal sa kagwapuhan niya, yung ilong niyang matangos, at ang mapupula niyang labi. Bakit parang ang pula pula tapos ang lambot lambot? May bigote nga lang talaga medyo nakaka-off yun pero...

Whirlwind LoveWhere stories live. Discover now