Chapter 6

3.9K 155 23
                                    

Don't expect. This is just a filler. :)

-Gabby

To God Be The Glory

-----------------------------------------------

Wala pa akong dalawang araw sa Las Vegas, umulan na ng problema. Wala pa akong dalawang araw, uuwi na ako sa Pilipinas at haharapin ang buhay ko. Nag umpisa na akong mag impake dahil bukas daw ng 4 am ang flight namin. Hindi ko man lang na-enjoy ang Las Vegas. Gustuhin ko mag mag stay, wala nang dahilan dahil ang subject ng article ko ay aalis rin.

Hinahanda ko na rin ang sarili ko sa kung ano man ang maging kalabasan ng meet the in laws ko sa mga susunod na araw. Ihahanda ko na rin kung paano ko sasabihin kay mama na ang anak niya na umalis na single ay bumalik na may asawa na. Ano ang sasabihin ko? Na salisi gang ako sa Las Vegas kaya pag kagising ko wala na akong damit at kasal na ako!? O kaya mag drama ako na "Ma, pinilit niya po ako! Wala po akong magawa kung hindi um-oo!" kaso may video si Thomas ng vow namin kaya hindi ko pwedeng sabihin na pinilit ako.

"Aalis ka na talaga?" Biglang sulpot ni Camille sa tabi ko at kasunod niya si Carol, Mika, at Kim. Itinupi ko na ang huling piraso ng damit ko at inilagay sa maleta ko. "Sayang ung dami ng dala mong damit di mo nagamit."

"Sana pala back pack na lang ang dala mo." Sabi ni Carol. Kung alam ko lang talaga eh di sana hindi na ako nag dala ng maleta. "O kaya siniksik mo na lang yung gamit mo sa maleta nung 3."

"O kaya sana wala ka na lang dinala tapos tiniis mo na lang hindi maligo-Aray!" Hinampas ko nga si Kim. Yung kababoyan niya talaga! "Bakit!? Edi sana nagamit ko ung baggage allowance niya at hindi na ako nag bayad para sa excess baggage ko!"

"Bakit ka naman kasi nag excess baggage?" Siya may pinaka konting dala pero siya ung nag excess baggage.


"May dala kasi akong bato." Bato!? Si Kimmy!? Nag babato?

"Santisima Kimmy! Bakit? Paano mo napasok 'yan?" Sigaw ni Camille.

"Si Ara bigla na lang ikinasal tapos si Kim nag babato. Las Vegas, ano pang kamalasan ang ibigay mo sa amin? Give it now! As in now!" Nakataas pa ang dalawang kamay ni Carol sa ere. Las Vegas, anong ginawa mo sa amin? Seryoso. "Paano mo inilusot yun?"

"Ang alin?" Maang mangan na sagot ni Kim at halatang naguguluhan siya sa mga nang yayari.

"YUNG BATO!" sabay sabay naming sigaw. Kung ako nakulong sa kasal naming ni Thomas baka siya makulong sa likod ng rehas ng Las Vegas. Sosyal na negra magiging international exconvict siya kung sakali.

"Edi inilagay ko sa bag!"

"Paanong hindi na-sense ng mga detector yun? Anong ginawa mo, Kim!!!!" Inalogalog siya ni Camille.

"Malay ko dun sa detector! Ano ba?" Tinanggal ni Kim ang pag kakahawak sa kanya ni Camille. "Ang OA niyo."

"Kim, nag aalala lang kami sa'yo baka makulong ka sa gina-"

"Hoy anong makulong!? Grabe imagination mo Carol." Putol ni Kim sa litanya ni Carol at saka inayos ag blouse. "Saka paanong makukulong? Bawal bang mag dala ng bato?"

"Shet! Kim, hindi mo alam? Seryoso?"

"Bakit kailan pa naging masamang mag dala ng batong pang hilod?" Naka-cross ang mga braso niya at nakataas pa ang kilay tapos biglang nanlaki ang mga mata nang ma-realize niya kung ano ang iniisip namin. "Anong tingin niyo sa akin? Drug user? Oh My God! Please, I HATE DRUGS!"

Natawa na lang kaming apat sa nang yari. Akala talaga naming nag dala siya ng bato na nakaka-high. Ganon ba kami ka-OA mag kakaibigan? Pero kahit ganyan kami mahal naming ang isa't isa.

Whirlwind LoveWhere stories live. Discover now