Whirlwind Love

By hirayaaraw

114K 4.7K 984

They didn't expect love is coming on their way. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Somewhere in between
Chapter 30
Final Note

Chapter 11

3.1K 145 23
By hirayaaraw


I don't believe in magic, prince charming, and fairy godmother. To make it short, I don't believe in fairytale. But nothing is permanent in this world even your beliefs can be change in a snap. I don't believe in fairytale stories not until I met this couple who worked together to keep their business and relationship in good sound.

Sina Christopher at Victoria Santos ang na-feature ko ngayong araw dapat yung hotel business nila lang ang gagawan ko ng story pero I found out that when they started their business, a new love was born too.Their success depends on their love according to them so I included their love story. Matagal na silang mag kakilala dahil nasa iisang university sila at parehas silang ng degree program pero nag umpisa lang daw ang lahat nang Christopher gave him an offer that she can't resist. Tinanong lang naman siya ni Christopher kung pwede silang maging business partner pero hindi naman daw niya aakalain na magiging partner for life niya ito. Boom! Ayun para daw magic na nahulog sila sa isa't isa. Sabi pa nga ni Christopher, "All you need are right timing and faith in God." Tinanong ko pa kung paano niya nalaman na si Victoria na ang tamang babae para sa kanya... "It only took one look in her eyes." Ang sikreto daw nila kaya successful both marriage and business nila ay honesty and trust. It's a typical love story but the way they narrate gave their story a touch of magic and fairytale.

Kadalasan ayokong nag susulat ng mga gantong type na story. Bakit? I find it so cheesy and unrealistic. Lumaki ako sa isang tahanan na hindi ko nakikitang nag mamahalan ang magulang ko dahil lagi silang wala sa bahay at kung mag sasama man sila sigurado akong mag aaway sila. It's hard for me to see love in other people siguro dahil hindi ako sanay na nakakarinig ng ganong kwento kaya hirap akong paniwalaan sila o talagang wala lang akong tiwala at lagi akong nag dududa kung totoo ang mga sinasabi nila. Pero itong kwento nila Christopher at Victoria ay sobrang ganda para hindi mo paniwalaan. Sa sobrang ganda hindi ko alam paano isusulat...

Malapit na mag alas singko pero hindi ko pa rin paano isusulat yung conclusion. Nag aalisan na ang mga tao at mukhang nakapag pasa na sila ng mga articles para bukas pero ako nandito pa rin. Meron naman na akong nasulat pero hindi parang hindi pa rin sapat. Sa huli ipinasa ko pa rin dahil baka nandiyan na sa baba si Thomas.

Dinala ko sa mga editors na naka-sibangot sa akin at malamang inis na sa akin dahil huli na naman akong nag pasa. Ilang araw na kasi akong huli o kaya naman nail-late sa pag pasa kaya naman namumuro na ako sa mga editors. Pabalik na ako ng table ko para kunin ang gamit nang mag vibrate ang phone ko.

From: Mang Thomas

Ars, di kita masusundo. Biglang nag aya sila Jeronat Joshua na mag boys night out. I'll ask kuya Gerry to fetch you.

So I guess I'll spend the rest of the night all by myself. Pag balik ko sa table ko nakita ko agad si Camille na nakaupo at nakatulala. Naka-all black siya ngayon at gayang gaya niya ang paanamit ng kakambal niya. She's not Camille... Right now, she's Cienne. Napatingin ako sa phone ko at nakita ko ang date ngayon. It's the time of the month kaya pala ganyan na naman siya. Napabuntong hininga ako. Wala na sina Carol at Mika dahil alam niyo na typical Friday night out ng girls, si Kim may date daw, kaya mukhang ako ang sasalo nitong sentiments ni Camille.

"Camille..." Ngumiti siya pero hindi ako nilingon. Nag punas siya ng luha niya na dumaloy sa kanyang pisngi. "Uwi na tayo."

"Kung ako kaya ang kumuha sa interview na 'yun, buhay pa kaya si Cienne?"Kahit naman siya ang kumuha, hindi rin siya papayagan dahil sports writer siya. It's been a year since Cienne was killed when she's on her way back to our office. Naging matunog na balita ang pag kamatay ni Cienne na kanyang kakambal noong nakaraang taon. Isang editorial writer si Cienne na binabatikos ang isang politiko. "Siguro kung buhay pa siya sana kasal na sila nung boyfriend niya at may anak na sila."

"Camille, everything happens for a reason." Gasgas na advice para sa tanong na paulit ulit niyang tinatanong kada buwan sa tuwing sasapit ang date ng kamatayan ni Cienne. Kada sasapit ang araw na 'to mag bibihis siya na parang si Cienne pero kulay itim. Ito ang paraan niya sa pag aalala ng kanyang kapatid.

"Cienne has a promising future unlike mine. She's the most passionate person I've ever seen in my life." Nakakasawa man pakinggan ang hinaing ni Camille pero bilang kaibigan handa akong making dahil sino ba ang nandiyan pag kailangan ko nang mapag sasabihan. "Too bad she's killed because of her passion...our passion to write."

Nag susulat lang naman kami para mailathala ang katotohanan at malaman ng taong bayan ang kailangan nilang malaman. Katotohanan na maaring pumatay sa amin. Maswerte kaming mga nasa entertainment, lifestyle, at sports section dahil ang pinaka-malalang pwedeng mang yari sa amin ay makasuhan pero ang mga nasa news at editorial ay laging itinataya ang buhay sa tuwing mag susulat sa papel. My professor once told me that journalists are the modern Jose Rizal.

"Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang." Wala sa sarili niyang binanggit ang isang tagline ng news program. "That tag line killed my sister."

"Sabi ko naman sa kanya wag na niyang pakialaman yun eh pero alam mo ba kung ano ang sabi niya, "Cams, our nation need to know the truth and it is our job to expose it." At ang kapalit ng katotohanan ay ang buhay niya."

Nakakatawa lang dahil hindi naman kami public servant pero parang ganon na rin ang trabaho namin dahil nag susulat kami para sa bayan. Pero tignan mo nga naman kung paano isawalang bahala ng mga tao ang buhay namin.

"Sana lang kung paano natin pinapahalagahan ag trabaho natin ay ganon din tayo pahalagahan ng mga bosses natin." Tumingin siya sa akin. "I know what you're in to, Ara.

"Alam na ba ni Thomas 'yang gagawin mo?" Kung gaano kabilis ang balita ay ganon din kabilis mag palit ng topic. Ganyan 'yan pag nailabas na niya yung gusto niyang sabihin okay na siya. Mas mabilis kay Taylor Swift.

"Complicated masyado yung situation, hindi ko alam kung paano sasabihin." Mas lalo pa atang complicated dahil sa nararamdaman ko.

"Ano ba status niyo ngayon?"

"Maliban sa alam kong kasal kami, hindi ko na alam kung anong meron kami." Sabi ko habang pinag lalaruan ang singsing sa kaliwang kamay ko.

"Mahal mo na ba?" Tinignan ko kung nag bibiro siya sa tanong niya pero mukhang hindi naman.

"Paano ko masasabi eh hindi pa naman ako nag mamahal." Napaismid na lang ako. Anong basehan ko para sabihin na mahal ko siya? Mag iisang buwan pa lang naman namin na kilala ang isa't isa. Hindi ko alam kung infatuation lang 'to o kung mag tatagal man itong nararamdaman ko.

"Sana pag alam mo nang mahal mo siya maging honest ka sa kanya...if you want your marriage to work out. Pag mahal mo wag kang matakot sabihin kasi kasal naman na kayo." Camille and love advices? Tama ba 'tong naririnig ko. Akala ko ba young, wild, and free pero no to commitment muna siya. "Wag kang judgemental diyan! Hindi ba pwedeng nag bago na ako?"

"So who's the person behind your sudden change?"

"Remember the basketball player I met?" Ano ba nang yayari sa aming mag kakabarkada? Puro basketball player ang mga napunta sa amin. "So ayun akala ko will just go out for once then tapos na but then fate interfere in our love story."

Am I really listening to Camille Cruz?

"We met in Las Vegas again because he's part of Gilas Pilipinas and nag watch din siya ng NBA finals so ayun..." Tinignan ko lang siya at kitang kita ang pag liwanag ng aura niya matapos maikwento ang kanya ehem love life. "Can I say that we're really meant for each other?"

Gustong gusto ko talaga 'tong side ni Camille naka-ngiti at nag niningning ang mga mata. Madalas masiyahin siya pero pag dumadating itong araw na 'to nag lalaho ang Camille na kilala namin.

"Oh! Nandiyan na pala siya sa baba." Tumayo naman siya agad at kinuha ang bag niya. "Sabay na tayo bumaba para ma-meet mo na rin siya."

Bumaba na kami at sinalubong naman kami agad ng boyfriend niya. Chinito at matangkad pero hindi kalakihan ang katawan. Bumeso siya kay Camille at nang ipapakilala na ako ni Cams sa kanya ay biglang lumaki ang mata niya.

"DITO KA RIN NAG TATRABAHO?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya. "What I mean pati ikaw dito nag tatrabaho?"

"Kib, kilala mo si Ara?" Tanong ni Camille.

"Ikaw yung pumikot kay Thomas, di ba?" Tinuro turo pa niya ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa description niya o dapat hampasin ko siya dahil nakaka-offend siya. "Sorry for being rude. I'm Kib Montalbo, boyfriend ni Camille at kaibigan ng husband mo."

Kinuha ko naman yung kamay niya at nakipag shake hands. Si Camille naman tumatawa lang sa gilid ng boyfriend niya. Parehas sila ng saltik kaya siguro sila nag kasundo.

"Ara Torres..." Mahina kong sabi dahil baka may makarinig.Binitiwan ko ang kamay niya at saka siya tinaasan ng kilay. "FYI, hindi ko siya pinikot. Hinila niya ako para mag pakasal."

"Sorry for that. It's just that nagulat lang ako. Jeron showed me the video of your wedding kaya you look familiar pero Thomas never talked about you tuwing mag kakasama ang barkada."Jeron's name sounds familiar dahil lagi kong naririnig kala Camille and I guess basketball player din siya. I saw Camille tugged Kib's arm.

"Nag kasundo kasi kami ni Thomas na itago 'yung marriage namin kaya di niya siguro ako kinukwento sa inyo." I managed to gave him a smile kahit na medyo na-off ako sa nalaman ko sa kanya. "Oh nandiyan na pala 'yung sundo ko. Bye lovebirds!"

Pag tapos ko mag paalam ay agad akong sumakay sa kotse. Ito rin yung sasakyan na sumundo sa amin noon sa airport. Tanging mga lumang kanta lamang ni Kuya Gerry ang umeere sa loob ng kotse.Traffic na naman dahil rush hour imbes na tuluyan akong ma-bored, nilibang ko na lang ang sarili ko habang pinapanood ang mga tao sa labas. Nakakatuwang pag masdan ang paligid lalo na't gabi. Matitingkad ang mga ilaw at kita mo na ang mga taong nakangiti sa bangketa. Maya maya pa ay pumatak ang ulan kaya naman parang langgam na nag kagulo ang mga tao para makasilong. Napangiti ako dahil naalala ko yung gabi na gusto kong takasan si Thomas at nag tatakbo ako sa iskinita ng Las Vegas pero sa bisig niya pa rin ako bumagsak. "Don't ever leave me again, Ara." Hindi hinding ko na ata talaga siya maiiwan.

"Ma'am Ara, nandito na po tayo." Hindi ko napansin na nandito na pala kami.

"Kuya Gerry, susundin mo ba si Thomas mamaya?" Boys night out 'yun malamang malalasing siya. Malamang hindi na niya kayang mag drive.

"Depende po kung mag tetext po siya." Kamot ulo niyang sagot sa akin.

"Kuya, makikisuyo naman sunduin mo siya o kaya abangan mo na lang sa pinuntahan niya." I pleaded. Pakiramdam ko mas lalakas pa ang ulan sa pag lalim ng gabi. Mas delikado para sa kanyang mag drive.

"Sige po, Ma'am."

Nag pasalamat ako sa kanya saka ako umakyat sa unit namin. Nakakapanibago lang dahil sa ilang linggo kong paninirahan dito kung hindi ko kasabay si Thomas paakyat ay nauuna naman siya dito o kaya maabutan ko siyang nag luluto ng dinner. Masyadong tahimik ang buong unit, hindi ako sanay.

I decided to eat bread for dinner. Binuksan ko ang TV para naman kahit papaano ay may ingay. Sakto pag bukas ko ang ex niya ang ay may eksena sa isang soap opera tuwing alas nuwebe ng gabi. Pang supporting actress lang ang role niya dito pero masasabi kong magaling siyang umarte. Hindi ako mahilig manood ng soap opera pero pag tiyatiyagaan ko na lang muna 'to

"Hindi ka niya mahal kaya wag ka nang umaasa. Sasaktan mo lang ang sarili mo at makakagulo ka pa ng pamilya." Sabi ng character ni Arra. Bestfriend siya nung kabit sa kwento. Walang katapusang kabit at legal wife na plot.

May tatlong plot lang naman sa Philippine drama; Mayaman meets mahirap aka You and Me against the world kind of plot, Nag kapalit ng anak sa hospital, at agawan ng asawa. Ganyan ang mga foundation ng halos lahat ng story. Paulit ulit na lang ung gantong plot pero mabenta pa rin sa mga viewers. Kahit walang quality basta bumebenta ayos lang sa mga TV station.

Natapos ang episode nila na nag paka-martyr si ateng kabit kaya naman nag FO sila nung character ni Arra. Nakakaloka dahil ipag lalaban daw niya ang pag iibigan nila ni Emilio (name nung bidang lalaki). Nag init yung tenga ko sa narinig ko at pakiramdam ko gusto kong pumasok sa loob ng TV para sabunutan si Atey at isampal sa kanya ang marriage contract nung mag asawa.

Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ayoko pang pumasok sa kwarto dahil it feels so empty. Sa laki ba naman ng kama na binili niya talaga naman mapi-feel mong empty pag wala kang katabi. Sunod na palabas naman ay isang talk show kung saan ang host ay may mag tatanong ng mga maanghang na tanong na gigising sa mga viewers. Hulaan niyo kung sino ang guest? Hindi kayo nag kakamali...si Arra San Agustin.

Nanalo pala si Arra ng best actress award para sa ginampanan niyang role sa isang indie film. Tinanong lang naman siya ng mga basic question ng host na hindi nakuha ang interest ko. Papatayin ko n asana yung TV kaso...

"Your love life with the basketball player/ finest bachelor of the country, Thomas Torres is well televised lalo na nung panahon na courtside reporter ka pa." Mukhang mag uumpisa na ang mga maahang na tanong. Tumango tango naman si Arra at kita naman ang pag babago ng emosyoon sa mukha niya. "Kumalat din sa social media ang engagement niyo na ikanatuwa ng madaming tao ...Anong masasabi mo sa kumakalat na balita na hiwalay na daw kayo ni Thomas Torres?"

"Tita Girly..." Panimula niya. Medyo naiiyak pa si Arra kaya naman agad siyang binigyan ng tissue nung host. "You know that Thomas value his privacy so much and as much as he wanted to keep mum about this issue."

Tumingin siya sa camera na parang may kinakausap. Pigil hininga kong inabangan ang susunod niyang sasabihin. "Babe, I'm going to make it clear to them lang para matahimik na 'tong issue."

"Hindi po kami hiwalay ni Thomas." Baling niya sa host. Tama ba 'yung narinig ko? O baka naman nag hahallucination lang ako."Ipinag paliban lang po namin ang kasal to give way for our career."

"Ano 'yung napabalitang kaya pumunta ng Las Vegas si Thomas para maka-move on?" Follow up question sa kanya ni Girly.

"Paano naman po mag mo-move on si Thomas eh hindi naman kami hiwalay." Tumawa pa siya na mala-anghel. Sa sobrang ganda ng tawa niya gusto ko siyang ibalik sa langit. "Nag pahinga lang siya at training for his big comeback in PBA."

"Oo nga naman!" Tumawa rin yung host na parang ang plastic sa pandinig ko. "Eh ano naman yung kumakalat na may binahay siya sa condo niya?"

Binahay? Get your facts straightened ate girly... Hindi binahay kundi pinakasalan.

"Binahay?"She asked then laughed in a fake manner. Arra tried to play it cool pero obvious naman na nagulat siya dahil hello Arra mag 5 months ka nang walang alam tungkol sa kanya. "I think you're pertaining to his PA. Madalas talaga sa condo niya 'yun."

PA!? Sa ganda kong 'to PA ako ni Thomas? Susme! Na-offend lahat ng ninuno ko na nag bigay sa akin ng genes para maging ganto ako kaganda. Akala ko hanggang dulo ng segment ay hindi na mababanggit si Thomas pero dahil gwapo ang asawa ko, mabenta siya segment na 'to.

"Arra, salamat sa pag sagot ng mga tanong ko at ng taong bayan." Taong bayan your face! "May gusto ka bang batiin?"

Humarap muli si Arra at pinakita ang napakatamis niyang ngiti. Sa sobrang tamis nakakaumay na.

"Tommy, always remember that I love you."

Bago pa niya dugtungan ay pinatay ko na yung TV dahil baka hindi ako makapag pigil pasukin ko na ang TV para masabunutan siya. Hiniwalayan mo tapos biglang i-announce mo sa TV na mahal mo. Unbelievable! Ang galing niyang umarte hindi na ako mag tataka kung mananalo ulit siya ng award. Gusto ko siyang sampalin ng katotohanan na naka-move on na si Thomas.

Natigil ang pang gigilaiti ko nang biglang nag vibrate ang phone ko.

From: Carol

Bakla! Ayoko sanang sirain ang gabi mo pero may nakita kasi ako...

To: Carol

Ano? Nakakita ka na naman ng gwapo?

Hating gabi na at mukhang lasing na si Carol. Ako ang napili niyang biktima para guluhin gamit ang mga drunk messages niya. Malamang late na 'to papasok bukas o kaya nama gagamitin niya ang veteran moves niya para um-absent.

From: Carol

Oo! Gwapo! Nakita ko ang gwapo mong asawa na kausap ang kanyang hot ex.

Lasing si Carol malamang namalikmata siya o kaya naman kamukha lang ng dalawa yung nakita niya. May tama na 'yun kaya malamang nang iinis lang. Ibabaliwala ko na sana 'yung text niya nang muling mag vibrate ang cellphone ko.

From: Carol

*image

Malinaw na malinaw ang kuha sa larawan. Kung isang professional photographer ang titingin, sasabihin nito na authentic at walang bahid ng photoshop. Walang mali sa technicalities, ang tanging mali lamang ay 'yung dalawang taong masyadong mag kalapit ang mukha para sa nag uusap lamang. Kitang kita ang ngiti ni Thomas habang kausap ang dating kasintahan.

Sa unang pag kakataon tinanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga ako sa buhay ni Thomas.

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 2.4K 53
Love... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig...
4.3K 272 9
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...