Remembering Bambi (Babysittin...

By krisylala

501K 15.7K 2.5K

Who is the enemy? Who are the real heroes? Can the past really be rewritten? Can memories that are erased sti... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue

Chapter 13

19.7K 635 106
By krisylala

[OCT. 15] HAPPY BIRTHDAY, CHOI JUNHONG!!!!

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

[3RD]

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Himchan habang nakatingin sa bahay na nasa harapan nila.

Sa di malamang dahilan, niyaya sila ni Yongguk na lumabas. Pero hindi nila akalain na dadalhin niya sila sa bahay nila Bambi.

"Dito lang kayo." sabi ni Yongguk at tumalon papasok sa gate ng bahay.

"Huy!" sigaw ni Himchan pero nakapasok na si Yongguk. "Anong plano 'nun?"

Ilang minuto silang naghintay sa labas, pero hindi pa rin lumalabas si Yongguk. Naubos na ang pasensya ni Daehyun, kaya naman tumalikod at nagsimulang maglakad palayo nang biglang nagsalita si Zelo.

"Bakit mo siya kasama?"

Nag-form ng kamao ang kamay niya para pigilan ang biglang pagsikip ng kanyang ng dibdib nang marinig ang boses ng tinutukoy ni Zelo.

"Yongguk, ano 'to?"

Bakit niya sinama si Bambi?

[BAMBI]

Ooookay. Anong meron? O_O? Bakit nandito silang lahat sa labas ng bahay namin?

Galing ako sa bathroom noon at kakatapos ko lang maligo at ready na akong matulog nang madatnan ko na lang si Yongguk na naka-crouch sa ledge ng bintana ng kwarto ko.

Umakyat siya sa puno -__-

Buti na lang naisipan kong magbihis na sa loob ng CR -___-

Tumingin ako sa mga lalaking kasama ko ngayon, at tulad ko, halatang gulat at naguguluhan din sila.

Pero nanlamig ako nang tumama ang mga mata ko kay Daehyun.

Fresh na fresh pa rin ang panaginip na 'yon sa utak ko.

Natatakot ako. Natatakot akong maalala niya na sobra niya akong kinamuhian dati.

Napansin niya siguro ang takot sa mga mata ko dahil biglang kumunot ang noo niya na para bang nagtataka. Agad kong iniyuko ang ulo ko.

"Ano bang gagawin natin? Gabi na." rinig kong sabi ni Youngjae.

Oo nga naman -____- Tumingin ako kay Yongguk at sakto namang tumingin din siya sa akin na nakangiti.

"Shopping tayo?" nakangiti niyang sabi.

Napataas naman ang kilay ko. "Shopping? Ngayon?? Bakit???"

Tiningnan ako ng matalas ni Yongguk pero nakangiti pa rin siya. "Sasamahan mo kaming mag-shopping." matigas niyang sabi habang nakangiti na ng nakakatakot.

Woah... okay...

"TARA NA!"

Umuna na sa paglalakad si Yongguk, at kahit naguguluhan kaming lahat, wala na kaming ibang magawa kundi sumunod.

"Okay!" sigaw ni Yongguk pagkapasok namin sa department store. "Ganto ang gagawin natin!"

Sobrang ang lively naman yata niya.

"Dahil nauubusan na tayo ng mga damit, mamimili tayo!"

Umhh, so anong ginagawa ko dito? Saktong tumingin sa akin si Yongguk, "At! Tutulungan tayo ni Bambi!"

O_O Tumingin ako sa lima. Ineexpect ko na kokontra sila pero nag-shrug lang sila at nagsimula nang maghanap ng mga damit.

Nakakunot noong tumingin ako kay Yongguk. Tinaas lang niya ang kilay niya at painosenteng ngumiti, "Diba sabi ko ibabalik ko sila." kinindatan niya ako at sumunod na sa iba.

Sinundan ko na lang sila at una kong nadaanan si Himchan na nakatingin sa isang rack ng mga suits. Kitang-kita sa nakakunot niyang noo na hindi niya alam kung anong pipiliin niya. Hmmm..

Kumuha ako ng isang black suit at isang white tshirt. Kumuha na rin ako ng pants at belt, pagkatapos ay pumunta ako sa tabi niya.

Nagulat naman siya nang iharap ko sa kanya ang mga dala ko. I smiled. "Sukatin mo na."

Tumingin siya ng ilang segundo sa mga dala ko bago kinuha ito at pumunta na sa fitting room. Pero hindi nakawala sa akin ang kanyang maliit na ngiti.

Nakatingin pa rin ako sa papalayong likod ni Himchan nang biglang may humatak ng kamay ko. Tumingin ako kung sino ang humihila sa akin at nagulat ako nang nakita ko si Jongup.

"Ako din." Nakangiti niyang sabi.

Nakangiti na ulit siya ;U;

Dinala niya ako sa isang section ng mga damit na puro black and white. Ummh..

Binitawan na niya ako at tumakbo papunta sa isang rack ng mga damit. Tiningnan ko lang siya habang patuloy na jina-judge ang mga damit at pantalon.

Nakita ko siyang kumuha ng isang wool na white long sleeves at..... isang zebra-striped na pants. Ummhh..

Pinakita niya ito sa akin ng nakangiti. Para namang ang sama ko kapag sinabi kong hindi ko medyo gusto yung pinili niya, pero kasi, nakangiti siya eh ;n; So, ngumiti na lang din ako at um-oo. Malay natin diba, he might pull it off.

Alam nyo yung pakiramdam na may nakatitig sayo? Ganun yung naramdaman ko pagkatapos kong tulungan si Jongup.

Tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ko si Youngjae. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya.

May hawak na siyang mga damit with matching shoes pa. Napangiti ako.

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin niya sa akin at bago pa siya umiwas ulit, itinaas ko ang dalawa kong kamay at nag-thumbs up.

Namula ang tenga niya at umalis na papunta sa fitting room ^_^

Nagsimula na akong maglakad nang makita ko si Daehyun na papalapit sa akin. Ay hindi, sa fitting room pala. May mga dala na siyang mga damit. Waaaah, magkaka-salubong kami!!! >O<

Patuloy pa rin ang paglalakad namin. Hindi nawawala ang titigan namin sa isa't-isa.

Iiwas na sana ako nang tingin nang magkalapit na kami pero nagulat na lang ako sa ginawa niya.

Huminto siya sa harapan ko. Nang naka-smirk. O////O????

Nanlaki ang mga mata ko. Ummhhh... Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang bigla na siyang naglakad at dumiretso sa fitting room. Ummhh???

"Bambi!!!!!!"

Si Yongguk yun ah O_O????

"Bambeeeehhh!!" Bakit siya sumisigaw?!?!? Asan na ba yun?

Pumunta ako sa pinanggalingan ng sigaw at nakita ko si Yongguk na mukhang iritang-irita na at si Zelo na naka-pout habang nakatingin sa mga damit sa harapan niya. Uh-oh.

Nakita ako ni Yongguk at bumuntong hininga. Relieved siguro?

Lumapit siya sa akin habang hinihilot ang noo niya, "Tulungan mo naman yung batang 'yon. Nagiging weird na naman ang mga gusto."

Napatawa ako. Aigooo, wala pa ring nagbabago. Nag-nod naman ako at mukhang natanggalan ng problema si Yongguk, at dumiretso na sa fitting room.

Yosh, si Zelo na lang!

"May napili ka na?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Nag-nod naman siya na parang bata at kinuha ang isang set ng damit. Ummhh.. isang super loose na color neon orange na shirt, at color pink na baggy pants. Umhh..

"Heh heh heh.. ano, Zelo, teka lang ha. Ihahanap kita ng mas bagay sayo."

Pumunta ako sa section ng damit na puro pang-binata. Bakit naman kasi dun siya pumunta sa oversized section -____-

Habang nakatingin ako sa mga shirts, bigla kong namiss ang "fresh" look ni Zelo. Yung batang Zelo T_T At dahil dun, alam ko na ang pipiliin ko para sa kanya.

Bumalik ako sa pwesto ni Zelo na dala-dala ang mga damit na pinili ko para sa kanya. Nang nakita niya ako, agad siyang ngumiti at kinuha ang mga dala ko.

Tumakbo na siya papunta sa fitting room nang bigla siyang sumigaw.

"Thank you, ate!!!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Parang alam ko na kung anong plano ni Yongguk.

"Bambeeeeehhh!!" sigaw ni Yongguk mula sa fitting room.

Dali-dali naman akong pumasok dahil akala ko kung anong nangyari sa kanila pero napahinto ako nang makita ko sila.

O. M. G.

Para na silang katulad ng dati. Parang bumalik na yung mga sinusuot nila. At ang higit pa dito, may mga faint na ngiti sa labi nila.

;AAAAAAAA;

"Huy, bakit ka umiiyak dyan? Bagay ba samin?" pinitik ng mahina ni Yongguk ang noo ko at mapang-asar na nakangiti sa akin.

Tiningnan ko sila isa-isa. Sasabihin ko sana na 'Bagay sa inyo' pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Na-miss ko kayo."

Pare-pareho kaming nagulat. Aish, kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig ko ;A;

Ginulo ni Yongguk ang buhok ko,"Tara na. Babayaran ko na 'to." sabi niya sa iba at ngumiti sa akin.

Isa-isa na silang lumabas mula sa fitting room. Huminga ako ng malalim.

Kung ang susunod na pupuntahan namin ay ang lugar na nasa isip ko ngayon, pwes, tama nga ang iniisip kong plano ni Yongguk.

(a/n: yung mga outfits nila, nasa gilid ^^)

~ ~

"Kainan na!!!" sigaw ni Yongguk nang makarating na ang pagkain na in-order namin.

Nakatitig lang ako sa kanila habang agawan sila sa pagkuha ng pizza.

Nandito kami ngayon sa dati naming pinag-kainan. Tama nga ako.

Binabalik ni Yongguk ang araw na una kaming nagkasama-sama.

Kinuha ni Zelo ang hot sauce at inabangan ko kung katulad pa rin sya ng dati -- yung madami ang nilalagay.

O___O Padami na ng padami ang paglalagay niya at ibinuka ko na ang bibig ko para pigilan siya nang biglang..

"Maanghang na yan." sabi ni Daehyun na hindi nakatingin sa kanya. Kinagat ni Daehyun ang pizza niya at naka-smirk na tumingin sakin.

Umhh <///<

"WAAAAAAHHHH!!! ANG ANGHANG!! ANG THAKIT NG DILA KOOOO!!" sigaw ni Zelo na ikinagulat ng mga tao sa loob ng kainan.

"Bigyan nyo ng inumin!!!" natataranta ko ring sigaw.

*Splash*

Binuhusan siya ni Jongup ng inumin. Nice (_____ _______"")

Wala pa rin talagang nagbabago.

"Bakit mo ko binuhuthan?!" sigaw ni Zelo na nakalabas na ang mapulang dila.

"Sabi ni Bambi bigyan ka daw ng inumin!" inosenteng sagot naman ni Jongup.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tumahimik kaming lahat at tumingin kay Yongguk na halos maluha-luha na kakatawa.

Hindi ko alam kung nakakahawa ba ang tawa ni Yongguk o sadyang nakakatawa lang ang pangyayari dahil namalayan ko na lang na nakikitawa na rin ako.

Ang inosenteng si Jongup ay nakitawa na rin kahit hindi niya alam ang dahilan.

Si Zelo naman ay pinapaypayan ng kanyang kamay ang dila niya.

Si Youngjae naman ay nakangiting umiling at itinuon na ang atensyon sa pagkain.

"Huy bakit sila tumatawa? Gusto ko din tumawa." pangungulit naman ni Himchan kay Youngjae.

Tumingin naman ako kay Daehyun. Nakahalumbaba siya habang nakatitig sa akin na may maliit na ngiti sa labi. Napatigil naman ako sa pagtawa. Ummhhh (-//////-""")

~ ~

Hinatid ako nila Yongguk pauwi at saktong 12 ng madaling araw, nakarating na ako ng bahay. Aigooo, patay ako nito kila Kuya (_ _")

"Ummhhh.. sige. Ano, salamat sa pag-imbita sakin. Goodnight. Este, goodmornight!"

Tumakbo na ako papasok sa gate namin ng biglang sumigaw si Yongguk.

"Bukas ulit!" nilingon ko siya at kumindat naman siya habang may mapaglarong ngiti sa labi.

Ngumiti na lang ako at nagsimula na silang maglakad palayo.

Ano na naman kayang plano ni Yongguk....?

Hindi pa sila nakakalayo, biglang lumingon si Zelo.

"Ate!! See you tomorrow!!"

Kasi mukhang bumabalik na talaga sila.

~ ~

Tumakbo na palayo ang batang si Daehyun.

Ako at ang aking batang sarili ay walang nagawa kundi tumitig lang sa papalayo niyang anyo.

"Mama!"

Tumingin ako kay mama at sinundan ang kanyang tingin. At nakita ko si Grandmy na tumatakbo papalapit sa amin.

May hila-hila siyang binatilyong lalaki.. si Kuya?

"Akin na si Bambi!" sigaw ni Grandmy nang makalapit na siya sa pwesto nila Mama.

"Ikaw ang may kagagawan nito! Kung hindi ka nakipagkasun--"

"Tama na." hinawakan ni Papa ang balikat ni Mama.

"Alam kong mali ang ginawa ko kaya itatakas ko kayo dito." malumanay at may pagsising sabi ni Grandmy.

"Ayoko!! Ayokong umalis dito! Nandito ang mga kaibigan ko!" pagpupumiglas ni Kuya mula sa hawak ni Grandmy.

"Flame, tumahimik ka!" sigaw ni Grandmy at hinigit ang batang ako papalapit sa kanya.

Tiningnan ni Grandmy sila Mama at Papa.

"Hindi ko pa pwedeng pabayaan ang mundong ito sa ganitong kalagayan. Susunod na lang ako sa inyo." sabi ni Papa. Tumingin sa kanya si Mama, "Ako din."

Pagkatapos ng ilang pamimilit ni Kuya, nakawala na rin siya sa kapit ni Grandmy, at tumakbo sa tabi ni Papa.

"Hindi ako aalis dito! Nandito ang mga kaibigan ko. Nandito ang tirahan ko. Hindi ako susunod sa inyo dahil ako ang magpo-protekta ng mundong ito habang wala kayo!"

Napatitig ako kay Kuya at nag-umapaw ang paghanga ko sa kanya. Kahit sa murang edad, ang mature na niya mag-isip, at alam na niya agad ang mga salitang dapat sabihin.

"Fla--"

"Ako ang prinsipe!"

Tumahimik si Grandmy.

Kumunot ang noo ko.

P-prinsipe??

At doon ko pa lang napansin ang mga kasuotan namin.

Naka-gown si Mama, si Grandmy, at ang batang ako. Si Papa at Kuya naman ay nakasuot ng suit na parang pang-hari ng Britanya. Kahit halos black and white ang kulay ng paligid, kita ko pa rin kung gaano kaganda ang mga kasuotang ito.

Tumingin ako sa paligid ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sa di kalayuan, may isang kastila, at para bang napalapit ako sa lugar na iyon, narinig ko ang mga kawal na nagsisigawan at ang tunog ng mga espadang nagkakatamaan.

Bago ko pa ma-sink in ang lahat ng ito, nagising ang diwa ko sa nagsalita.

"A-ako din!!" ang batang ako naman ang nagpupumiglas sa kapit ni Grandmy, "Ayokong mahiwalay sa kanila!"

Lumapit sa akin si Mama at lumuhod sa harapan ko, "Nasa panganib ang buhay mo dito, anak. Kailangan mong umalis. Huwag kang mag-alala, susunod din kami agad."

Tumayo na si Mama at tumango kay Grandmy.

Hindi muna gumalaw saglit si Grandmy. Makailang segundo pa ng katahimikan bago siya nagsalita.

"Patawad."

Nagtaka ako kung kanino niya sinabi ito. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya kay Papa.

Malungkot na ngumiti si Papa at tumango.

Pagkatapos nito, hinila na ako palayo ni Grandmy habang ang batang ako naman ay patuloy pa rin sa pagpupumiglas habang nakatingin kila Mama, Papa, at Kuya.

☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ

Continue Reading

You'll Also Like

833K 30.6K 59
(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was...
67.6K 2K 64
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
3.7K 277 18
Solem earns her freedom years ago before flying off to paris to pursue her dreams leaving all her past behind, including the darkest and painful memo...
10.3M 476K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #03 β—’ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...