Whirlwind Love

By hirayaaraw

114K 4.7K 984

They didn't expect love is coming on their way. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Somewhere in between
Chapter 30
Final Note

Chapter 8

3.8K 151 18
By hirayaaraw

Sorry for the late update! Katamaran hits lol! Anyways, enjoy this chapter.

-Gabby

To God Be the Glory

-------

Maaga akong gumising para mag jogging. Iniwan ko si Ara na natutulog pa nang mahimbing at mukhang pagod sa biyahe namin. Matapos ang ilang laps bumalik din ako agad sa bahay at naabutan ko si Papa na nasa may garden habang nag babasa ng diyaryo.

"Son, can we talk?" Paakyat na sana ako nang tawagin niya ako. Umupo ako sa tabi niya.

"Anong pag uusapan natin, Pa?"

"We're going to talk about your plans for the future." Binaba niya ang diyaryo niya at tumingin sa akin. I don't like his look. I think I know where this heading to. "I hope you're still going to pursue our plan."

OUR plan. Sana nga plano namin 'to pero ang totoo siya lang naman nag plano nito. Wala lang akong magawa kung hindi sumunod sa kanya. Out of respect and obedience, I do whatever he says.

"Next year na ang eleksyon. Pag handaan mong mabuti at utang na loob, tigilan mo na 'yang pag lalaro mo ng basketball." He's never been my supporter unless it has something to do with his plan. Mabait si Papa pero madalas nakakalimutan niya ang pamilya dahil sa ambisyon.

"Hindi ba pwedeng pass muna ako, Pa?" I asked him. "I want to focus on my wife an-"

"I'm sure Ara will understand it." He replied. "I really like that girl. She'll be an asset on your political career. Pwede ka niyang matulungan i-build up ang image mo sa media. You really know how to choose, son."

"Ara is not a political asset. She is my wife." Madiin kong sabi sa kanya. For years I'm rebelling against him silently, pero asawa ko na ang pinag uusapan. Bago lang siguro kami pero kailangan ko rin siyang protektahan. Ayokong isipin niyang gagamitin ko lang siya for my political career.

Nakita ko kung paano nag bago ang ekspresyon niya sa mukha.

"I actually want to skip this election." I told him. He looked at me like he can't believe that those words came from my mouth. Sa tagal ko sa Las Vegas napag isipan ko na ang mga plano ko sa buhay. Dapat sa mismong COC filing ko sasabihin pero mas napaaga. Mabuti na rin siguro 'to. "Walang kinalaman si Ara dito. Desisyon ko 'to."

"Paano na ang plano natin? Ang mga tito at tita mo ay inaasahan na tatakbo ka sa congress next year." Ginagawa nilang family business ang pulitika. Bullsht! May sarili akong prinsipyo. Alam ko ang tama at mali. Ayokong mabahiran ako ng dumi ng pulitika.

"Si Ricci na lang ang patakbuhin niyo o kaya yung kuya niya." They're my cousin pero hindi Torres ang surname dahil nanay nila ang Torres. Kaya naman pinag pipilitan nila ako at saka dahil naging matunog na rin ang pangalan ko dahil sa basketball.

"Thomas, pinag usapan na natin 'to? Bakit biglang nag bago ang desisyon mo?" I can hear frustration in his voice. "Anak, make me proud for the last time. Matapos ang term mo, hindi ka na naming pipilitin. Shoot all the balls and we will not give a damn just run for the congress."

Anong tingin nila sa akin bata? Malamang pag tapos ng term ko papatakbuhin nila ako for the higher post, hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pag lamon sa akin ng politika. Hindi ako papayag.

"Proud? Ginawa ko na ang lahat nung binata pa ako para matuwa ka. Now that I have a wife, let me live my life." I stood up and walked away from him.

Mindali man ang kasal namin at hindi kami masyadong mag kakilala pero seryoso ako sa kasal na 'to.

--

Alas otso na ako nagising. Medyo late para sa gising usual na gising ko na 6 am. Tumayo ako at napansin ko na ako na lang ang tao sa kwarto. Maaga na sigurong nagising si Thomas. Hindi nakatakas sa mata ko ang magulo niyang higaan. Aba! Lumabas na ng kwarto pero di pa ng liligpit ng hinigaan? Tinuro kasi ng nanay ko na dapat pag gising mo lipitin mo agad yung hingaan mo. Parang simula ata tumungtong ako ng elementary yan na lagi ang sinasabi sa akin ni Mama hanggang san a-apply ko na.

Niligpit ko na ang pinag higaan ko bago ko niligpit ang sa kanya. Natupi ko na lahat ng kumot at pag papatong patungin ko na sana ang mga unan at kumot nang may na laglag na papel sa unan niya. Pinulot ko, isang litrato pala.

Babae ang nasa litrato at kilala ko siya. Madalas ko siyang nakikita sa mga lay out at dyaryo namin. Ang ganda niya talaga. Bagay na bagay sila ni Thomas. Kahit sinong babae ay kakainggitan ang kagandahan niya. Maputi, matangos ang ilong, maganda ang mata, mapula ang pisngi, at balingkinitan ang katawan. Lahat ng katangian na gusto ng isang babae nasa kanya na. Malayong malayo sa akin.

Inilapag ko na lang yung picture sa bed side table para sakaling hanapin niya makikita niya agad. Nag hilamos muna ako at nag toothbrush bago bumaba. Naabutan ko ang mama ni Thomas sa dining table na nag aayos ng lamesa.

"Ma, ako na po." Salubong ko sa kanya. Kinuha ko sa kanya ang mga platong bitbit niya at saka ko inayos ang mga plato sa lamesa.

"Salamat, Ara." Nakangiting sagot niya sa akin. "Kumusta ang tulog mo?"

"Maayos naman po." Sagot ko habang inaayos ko pa rin ang mga plato. Ang bbigat ng plato nila parang nakakatakot pag bumagsak baka mag bayad pa ako. "Ayyyy-Thomas!"

Nagulat ako nang may biglang humigit sa bewang ko. Si Thomas pala. Lintik! Muntikan ko nang mabitawan yung isang plato. Natawa na lang yung mama niya. Kung wala lang akong hawak na plato baka hinampas ko na siya.

"Good morning, wifey."Akala ko tapos na ang kakulitan niya pero bigla akong hinalikan sa pisngi na ikinapula ng mukha ko. Naalala ko yung halik niya kagabi.

"Ang cute niyo talaga! Ay wait akyat lang ako sa taas kukunin ko ang camera." Mabilis namang umakyat si Mama at iniwan kami.

Masyado na nag eenjoy ang kamay niya at doon na tumambay.Siniko ko siya para matanggal yung pag kaka-kawit niya sa bewang ko. Imbes na umaray, nakuha pang tumawa.

"Ang aga aga ang sungit mo. Nag lilihi ka ba?" Hinarap ko siya at pinandilatan. Anong nag lilihi? Sapakin ko siya eh. "Nag lalambing lang eh."

Nag pout pa. Akala naman niya ang cute niya. Hindi siya cute kasi gwapo siya. Joke! Pero seryoso hindi bagay sa kanya mag pa-cute kaya nilamutak ko mukha niya.

"Ara, iwanan mo na muna 'yang lamesa. Halika kayong dalawa dito sa sala."

Tawag ng mama niya sa amin. Narinig ko pa siyang nag utos sa mga helper niya para gawin yung iniwan ko. Pumunta ako at sumunod naman si Thomas sa akin.

"Tumayo kayo dito. Bilis!" Turo ng mama niya saka naman ako sumunod. Umiling iling naman si Thomas na parang natatawa. "Thomas, sumunod ka na! Wala kayong prenup photoshoot at matinong picture noong kasal niyo kaya kukuhanan ko na lang kayo ngayon."

Seryoso ba yung nanay niya? Tumabi naman sa akin si Thomas at inakbayan ako. Napatingin ako sa kanya para makuha niya sanang tanggalin yung kamay niya. Napapikit na lang akong bigla dahil nasilaw ako sa flash.

"Awww.. Ang sweet niyo naman. Isa pa nga!"

Mukhang pabor na pabor kay Thomas dahil ngiting ngiti siya at ang kamay niya ay bumaba naman sa bewang ko. Libreng chansing ang loko! Tuwang tuwa naman siya.

"Anak, ikiss mo nga si Ara sa lips. Dali! Isesend ko sa group chat ng mga amiga ko mamaya." Jusme! Ikakalat pa pa ang pictures! Ang haggard ko kaya.

"Ma, pag nakalabas sa media 'yan!" Singhal ni Thomas. May point siya.

"Hindi yan. Ako bahala. Bilisan niyo na para makakain na tayo."

Wala naman kaming nagawa. Tama nga si Thomas minsan may pag kamakulit ang nanay niya pero mabait naman. Humarap si Thomas sa akin at ngiting ngiti. Kung pwede lang baka nasampal ko na siya. I rolled my eyes and crossed my arms.

"Paano ba 'yan? Kiss daw." Hinigit niya ang bewang ko para mas mapalapit sa kanya. Napahawak na lang ako sa dibdib at balikat niya dahil muntik na akong ma-out of balance. Ang isang kamay naman niya ay napunta sa kanang pisngi ko . Idinikit niya ang noo sa noo ko. Ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko.

Ano 'to part 2 ng nang yari kagabi kaso may audience nga lang?

"Idikit niyo na 'yan!" Her mom took a shot. Mama, bakit ka ganyan? Kaloka!

Natawa naman kami ni Thomas tapos biglang sumeryoso ang mukha niya. Pinag laruan pa ng thumb niya ang pisngi ko. Nakita ko ring namumula ang pisngi niya. Nahihiya ba siya sa mama niya? Napangisi na lang ako. I have a plan.

Pinalupot ko ang kamay ko sa batok niya. Nakit kong nanlaki ang mga mata niya. Tinitigan ko ang labi niya at nag lipbite saka ko siya tinignan. Wala na akong sinayang na oras at hinalikan ko na siya. Narinig kong nakapag shot na ang mama niya pero di ko pa rin ako humihiwalay. Natatawa ako dahil para siyang naging tuod dahil hindi gumagalaw. Ganti ko lang sa ginawa niya kagabi! Di ako nakatulog agad.

Hihiwalay na sana ako kaso hinigpitan niya ang kapit sa bewang ko at mas lalong pinalalim ang halik.Naramdaman ko ang pag ngiti niya sa aking labi. I can feel the heat. Gosh!

"Naughty Ara." Sa wakas ay humiwalay na siya sa akin. Pakiramdam ko nag back fire ang plano ko sa akin.

"Halika na sa dining baka diyan pa kayo gumawa ng milagro."

Natawa na lang si Thomas at hinila ako papuntang dining area. Nakakainis hindi effective ang pag ganti ko sa kanya. Paano ba ako makagaganti?

--

Matapos ang breakfast nagready agad kami pauwi sa amin. Grabe yung breakfast nay un sa hindi malamang dahilan ang awkward ng atmosphere. Nawala ang pagiging jolly ni Thomas at ang papa niya ay parang galit sa mundo dahil nakasimangot. May nasigawan pang helper dahil mali yung binigay na inumin. Kami lang ng Mama niya ang nag uusap para kahit papaano maging light ang atmosphere. Sa sobrang bigat ng atmosphere ay nadala ata namin hanggang dito sa loob ng kotse.

Walang nag sasalita sa aming dalawa tapos si Thomas naman seryosong nag ddrive. Buti na lang at naka-on ang radio kaya panatag akong hindi kami kakainin ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa labas habang tinatahak namin ang kahabaan ng EDSA. Tuwing naiipit ako sa trapikong dala ng EDSA, napapakanta na lang ako ng Naniniwala na ako sa forever. Buti pa EDSA papatunayan sa'yong may forever. Madaming tao ang mag aalay sa'yo ng forever pero ingat ka baka fake. Totoo ang forever kaso pumipili tayo ng maling tao na mag papatunay sa atin na may forever. Kaya nga ayokong ma-attached o mag commit dahil sa panahon ngayon bilang na lang sa daliri ang genuine at legit love kaso biglang nag bago ang lahat nang gumising ako isang araw na bago na ang civil status ko. Siguro nga hindi para sa akin single blessedness dahil dumating si Thomas sa buhay ko. Ang tanong nga lang, legit ba?

Bago problemahin 'yan, isang malaking tanong kung paano ko sasabihin kay Mama na ang anak niya na umalis na dalaga, pag uwi may bahay na. The stress is real. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Mama pero sigurado ako matutuwa 'yun dahil sa wakas may sumira sa pangko sa sarili ko na mag papaka tandang dalaga ako kasama siya.

"Ehem.." Napalingon naman ako kay Thomas na nakatingin pala sa akin. Problema nito? "Papasok na tayo ng subdivision niyo. Can you tell me the direction?"

Malapit na pala kami. Hindi ko na Malayan. Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin na may kulay bulang bakod. Red fence daw para pinapalibutan ng pag ibig ang bahay namin dahil red means love. Ganon ka-hopeless romantic ang Nanay ko. Hindi pa tapos ang renovation ng bahay kaya hindi pa ganon kaganda pero konting kayod pa matatapos rin 'to. Pinag park ko na lang si Thomas sa may gilid ng bahay namin. Pinag buksan niya ako ng pinto. Nauna na akong pumunta sa tapat ng gate namin dahil kinuha pa ni Thomas yung mga pinamili namin para kay Mama na suhol-este pasalubong.

This is the moment! Pakiramdam ko hahatulan na ako. Pinag papawisan na ang kilikili ko sa kaba. Hello!? Sinong hindi kakabahan kung may uwi kang pasabog na balita? Wala pang isang linggo na wala ako sa Pinas may major change na agad sa akin. Maya na lang ako mag do-door bell pag nandiyan na si Thomas. Mag dadasal muna ako na taimtim.

"Bakit di ka pa pumasok?" Tumabi siya sa akin at saka tumawa. Kainis! Chill chill lang siya. Samantalang ako nung pinakilala niya ako parang hihimatayin ako sa takot. "Ara, umayos ka nga para kang natatae diyan."

"Eh sa kinak-"

"Ate Ara?" Nagulat ako nang marinig yung boses at makita siya dito sa amin. Mukhang sa ilang araw na nawala ako sa Pilipinas, madami ring ganap sa kanila. Nakakainis! Bakit walang sinasabi sa akin si Mama?

"T-tin, anong ginagawa mo dito?" Sasagot naman siya nang may isang binata na kilalang kilala ko ang nakita kong kasunod niya. Paanong hindi ko makikila eh inaanak ni Mama. "At ikaw, Andrei, bakit kasama mo ang kapatid ko?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Natakot ata dahil muntikan na niyang mabitawan ang sukang hawak. Aba mukhang duma-damoves sa kapatid ko. Nako hindi pwede 'yan sa akin kahit crush bawal!

"A-ano kasi Ate Ara.. Naiwan ni Tin yung suka sa tindahan." Ngumiti siya sa akin habang nag kakamot ulo.

"Ara, don't scare them. Halika na pumasok na tayo." At ang magaling kong asawa ay hinila ang braso ko.

"THOMAS TORRES!?" Nanlalaking bulalas ni Andrei. Mukhang ngayon lang niya napansin ang presensya ni Thomas. Ayan buking! Napa-face palm na lang ako. "Ikaw nga yun! Yung magaling na point guard sa PBA kahit may bigote ka pa kilalang kilala ko mukha mo! Idol kaya kita."

At ang mokong ginaya pa ang moves sa loob ng court ni Thomas. Dito pa talaga sila nag fan and idol bonding. Eto namang katabi ko tuwang tuwa kay Andrei. Pasimpleng umubo ako para maibalik ang atensyon sa akin.



"Mamaya na 'yang bonding niyo. Pumasok muna tayo sa loob." Sabi ko at pumapalkpak ang tenga ni Andrei. Si Tin naman ay tahimik lang na may simpleng ngiti sa mukha. "Ikaw naman Andrei umuwi ka na sa inyo pero bago yun utang na loob wag mong ikakalat sa kahit saan na nakita mo si Thomas dito dahil pag kumalat yun ipapakita ko kay Tin yung mga baby pictures mo sa bahay."

Sumaludo naman si Andrei sa akin at nakipag fist bump kay Thomas. Wow! Close na agad sila.

"Tin, ikaw na maunang pumasok."

"Ate, bakit ako? Ikaw na."

"Ako ang panganay kaya dapat sundin mo ang utos ko."

"Ate, ikaw mas malapit eh.."

"ISA!"

"NASAAN NA BA SI ERNESTINE? KANINA KO PA HINI--- ARA!?" Biglang bumakas ang pinto at iniluwa nito ang pumuputak kong nanay. "Anong ginagawa mo dito?"

"Thank you sa napaka-warm na pag welcome mo sa akin, Mother pearl." Pero hindi niya ako pinansin bagkus kinuha niya ang suka kay Tin at saka bumaling kay Thomas. Nag mano ako at gumaya naman si Thomas. Binigyan ako ng nag tatakang tingin ni Mama na sinuklian ko ng tipid na ngiti. "Long story, ma. Pasok muna tayo bago ko ikwento."

Mukhang madadami daming paliwanagan ang magaganap ngayong araw. Pag pasok namin ay pina-diretso ko muna sa taas si Tin. Naupo kaming tatlo sa may sala. Mag katabi kami ni Thomas sa couch samantalang si Mama naman ay nasa tapat namin at may lamesita sa gitna. Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Thomas.

"Ma, bakit nandito si Tin?" Panimula ko. Siyempre mamaya na yung issue namin ni Thomas. Save the best for the last.

"Anak, wag mo sanang masamain. Mahal kita alam mo yun pero gusto ko rin namang lumigaya kahit hindi naman sa akin nang galing 'yang si Tin eh minahal ko na rin saka tanggap mo rin naman siya, di ba?" Ang haba nang sinabi ng nanay ko pero wala doon ang sagot na hinahanap ko. Mukhang may pasabog rin ang nanay ko. "Alam mo namang believer ako ng love, forever, at second chances."

"Mama naman eh! Ang daming pasakalye."

Alam na alam ko 'yan. Mula sa kasulok sulokan ng bahay namin mararamdaman mo ang pag ibig dahil pulang pula ang bahay maliban sa kwarto ko. Tapos pag hapon nangingibabaw ang love song.

"Anak, nag kabalikan na kasi kami ng tatay mo." WHAT!? "Mahal pa rin niya ako at alam mo namang siya lang ang tinitibok ng puso ko di ba?"

"Ma, akala ko ba tapos ka na sa katangahan stage? Sinaktan ka na dati, uulit ka pa ba?" Naalala ko yung mga panahong nag loko si Papa. Iyak siya nang iyak noong tumawag siya sa akin. Ako ang nag sumbong dahil ako yung nakahuli ng pambabae niya kaya umuwi siya dito sa Pinas. Si Tin anak sa ibang babae ni Papa pero tinanggap ni Mama ng buo. Ganyan siya kabait at kabulag sa pag ibig. Iniwan nung babae si Tin sa amin. Okay na sana kaso umilit pa ulit si Papa sa ibang babae naman. At dahil doon nag hiwalay na sila. Kinuha ni Papa si Tin kaya kaming dalawa na lang natira ni Mama dito. "Wala ka bang kadala dala, Ma?"

Naramdaman kong hinawakan ni Thomas ang braso ko dahil naramdaman niya siguro yung bugso ng emosyon ko. Nakalimutan kong nandito pala siya. Lumabas na sa isip ko yung agenda namin kung bakit kami nandito.

"Anak, baka love is sweeter that the third time around." Love pa ba yun kung sinasaktan ka nang paulit ulit?

"Sana kasi kayang burahin ng love 'yung sakit tuwing nasasaktan ka ni Papa kaso hindi eh." Naalala ko na naman yung mga panahong iyak lang siya ng iyak dahil kay Papa. Ayoko lang maulit 'yun.

"Di ba gusto mo rin naman ng buong pamilya?"

"Mama, way back panahon pa ng hapon yun." Siguro dati oo pero kasi iba na ngayon saka teen ager pa ako nun. Panahon kung saan nai-inggit pa ako sa mga batang nakikita kong kasama ang pamilya nila tuwing namamasyal.

"Hindi ba pwedeng maging masaya ka para sa amin?" Napabuntong hininga na lang ako. Buhay na ni Mama 'yan, wala akong say kahit siya madaming say sa buhay ko. "Wag kang mag aalala, anak. Ikaw ang maid of honor sa renewal of vows namin ng Papa mo."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Masayang masaya siya sa kaganapan sa buhay niya. At least kung titira akong kasama si Thomas, panatag ang loob kong may kasama siya.

"Nasaan pala si Papa?" Tanong ko sa kanya.

"May inaasikaso sa Hardware. Mamaya pang gabi pa daw yung uwi." Tumango tango na lang ako. Nakita naman ng mga mata ko ang pag baling niya ng tingin kay Thomas. Eton a bay un, Lord? "Anak, hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?"

Napatingin ako kay Thomas na nakangiti kay Mama saka tumingin sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinaplos haplos ito gamit ng thumb niya. Small gestures that made me calm.. a bit.

"Ma, nainom mo na 'yung maintenance mo sa high blood?" Tanong ko sa kanya. Aba! Ayoko naman na atakihin ang high blood 'yang si Mama pag kasabi ko ng magandang pasabog. Tumango siya kahit nag tataka sa tanong ko. "Napaaga yung uwi ko ma kasi may nang yari sa akin sa Vegas."

"Napa-deport ka, nak?" Grabe naman si Mama. Mukha ba akong law offender? "Pinabalik ka sa Pinas? Anong kalokohan ginawa mo doon?"

At ayan tumalak ang nanay ko. Hindi mapigilan ang bibig parang armalite. Si Thomas naman parang aliw na aliw kay Mama. Sobrang bilis kasing mag salita ni Mama pwedeng isabak sa guiness book of world record.

"Ma, kasal na po ako." At ayun natigil ang pag putak niya.

"Ano?"

"Ma, si Thomas Torres po. Asawa ko." Pakilala ko sa kanya kay Thomas. Wala pa ring reaksyon si Mama. Medyo kinabahan ako. Sanay kasi akong may emosyon o talak siyang ipinapakita sa bawat galaw niya. "Biglaan ang lahat, Ma. Sorry po kung hindi kita nasabihan."

"Anak naman hindi naman ako magagalit sa'yo kung mag boyfriend o mag asawa ka na. Ang sa akin lang sana sinabi mo." Napayuko na lang ako. Nag tatampo pa ata si Mama sa akin.

"Ma'am, don't be angry with Ara. Totoo po yung sinabi niya biglaan lang po ang lahat pero I asure you that I will take care of her." Thomas wrapped his arms around my shoulder.Buti na lang nandiyan siya kung hindi di ko na alam ang gagawin ko.

"Thomas, call me Mama bechay. Hindi ako galit ang sa akin lang ay sana pinaalam niyo." Sabi ni Mama. Kasalanan ko rin naman kung hindi ako nag pakalasing ng gabi na iyon edi sana wala kami dito. "Kailan pa kayo mag boyfriend? Ilang taon niyo nang tinatago sa akin 'to?"

"Ma, hindi po naging kami."

"Anak, ibig mo bang sabihin..." I shook my head. "Anak, ang sabi ko try new things at mag hanap ng boyfriend! Hindi ko naman akalain na sasagarin mo."

"Hoy Lalake!" Tawag ni mama kay Thomas. Mukhang naka-recover na sa shock dahil active na ulit siya. "Subukan mo lang lokohin ang anak ko, puputulin ko lahat nang pwedeng putulin sa'yo."

"Ma naman!" Minsan talaga masarap i-plaster ang bibig ni Mama.

"Nangako po ako sa harap ng Diyos na mamahalin ko siya nang buo at tapat. Hindi ko po sisirain ang pangako ko." Sabi niya sabay tingin sa akin nang nakakalusaw. Masyadong pa-fall! Umiwas ako ng tingin.

"Kung mag loko man siya, Ma, edi mag divorce kami. Ang dali lang naman 'yun."

"Hey! That's foul." Oops.. May nag react sa gilid ko.

"Victonara, ayoko ng diborsyo. Tama na yung ako ang nakaranas ng hiwalayan." Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Gawin niyo ang lahat para maging maayos ang relasyon niyo. Hindi porket nasaktan niyo ang damdamin ng isa't isa bibitaw na agad. Ang kasal ay parang one way ticket, wala nang balikan."

"Maliwanag ba sa inyo 'yun, Thomas at Ara?"

Para kaming elementary student na um-oo sa teacher. Wala na ata talaga akong kawala sa kanya, unless siya ang kumawala.

"Halika nga dito, Thomas." Tumayo naman si Thomas at lumapit sa kanya. Tumayo rin si Mama saka niyakap si Thomas. May balak pa atang i-harass ni Mama ang asawa ko! "Salamat dahil dumating ka sa buhay ng anak ko. Niligtas mo siya sa pagiging matandang dalaga."

"MAMA!"

"Mahilig mamisikal 'yan pero wag mong gantihan. Pag galit o naiinis 'yan bilhan mo lang ice cream o donut, kakalma 'yan." Naiyak naman ako sa mga sinabi ni Mama. Maaring hindi nang yari 'yung giving away the bride sa kasal namin pero ngayon parang ngayon ko lang naramdaman na simula ngayon si Thomas na ang pamilya ko. Humiwalay si Mama na umiiyak din pala. "Welcome to the family, Anak."

"Ma, paano naman ako? Walang hug?" I pouted.

"Ara, mahiya ka nga sa asawa mo! Ang laki mo na pero pa-baby ka pa rin." Daming sinabi pero niyakap din naman ako. "Sana naman sa susunod na punta mo ang balita mo sa akin may baby ka na."

Napahiwalay ako kay Mama bigla. Bakit ganyan sila ng mama ni Thomas? Hindi ko kinakaya ang mga pag iisip nila. Same sila ng wave length ng utak.

"Ma, hindi ganon kadaling gawin 'yun!" Para namang nabibili lang yung bata sa Toys r us. Jusme!

Tumabi naman sa akin si Thomas at saka hinimas ang tiyan ko. Loko talaga! "On the process na po, Ma. Konting hintay lang po."

ABA! ANONG TINGIN NIYA MAKAKAULIT SIYA SA AKIN!? NO WAY!



Tuwang tuwa naman si Mama sa sinabi ng newly found son in law. Nakakatuwang pag masdan na ang dalawang mahalagang miyembro ng pamilya ko ay mag kasundo at may bonus pa nag kabalikan pa si Mama at Papa. Mukhang babawiin ko ata yung sinabi kong minalas ako simula ng nakilala ko siya. Habang pinag mamasdan ko siya bigla niya akong kinindatan. Landi talaga! Inirapan ko siya na ikinatawa naman niya.

Hapon na nang napag desisyonan na namin umuwi. Dapat pag katapos lang ng lunch uuwi na kami kaso pinahakot na sa akin ni mama yung mga gamit ko. Si Tin na ang mag mamana ng kwarto ko. Binilinan ko siya ng mga ilang paalala para maalagaan si Mama. Pinag sabihan kong dumistansya muna sa mga lalaki lalo na yung mga pa-cute sa tindahan na inaanak ni Mama. Narinig 'yun ng magaling kong asawa at pinag sabihan ako na hayaan lang si Tin na i-explore ang mundo ng pag ibig.Oh di ba? Kontra lagi. Nag kausap din kami ni Mama na kaming dalawa lang at medyo nag dramahan pero nag promise ako sa kanya na uuwi ako at least once a week. Sa susunod ko na lang kakausapin si Papa dahil wala pa siya at alam ko namang pagod na si Thomas kahit hindi niya sabihin.

Ang gaan sa pakiramdam ng araw na 'to. Akala ko hindi magiging maayos ang problema na 'to pero kabaliktaran lahat ng nang yari sa iniisip ko. Natanggal yung malaking tinik sa lalamunan ko kaya eto ako halos mapunit ang bibig sa kakangiti habang nakatingin sa bintana.

"Happy?" Mabilis na sumulyap sa akin si Thomas.

"Blissfully happy. Hindi ko akalain na ganto ang kakalabasan." Napangisi na lang siya habang nag ddrive. Pwede palang maging gwapo yung isang tao without making any effort.

"Gwapong gwapo ka na naman sa akin."

"Asa ka! Kapal mo!" Inirapan ko siya. Kainis! Obvious ba masyado?

"So what's our next plan?" He asked as he take the u turn slot.

"Divorce?" Pabirong ko sabi na ikina-kunot ng noo niya. "Joke lang!"


"Never mention divorce. Okay?" Mukhang nagalit ata. Simula ngayon tatadaan ko na ang katumbas ng pangalang voldemort ang salitang divorce pag kaharap ko si Thomas."Let's work this out, Ara."

"Paano kung hindi mag work out?" Hindi ako pessimist, sadyang sigurista lang ako.

"We will do anything to make this work out." He gave me a glimpse that made me chill inside. He took my hand and gave it a kiss.

Should I hold on to his promises? His offer is so good to be rejected.

"I'll take this chance, Thomas. Let's not screw this marriage."

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
27.3K 179 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going