Just You

De thisisyourlady

8.9K 220 17

He's very popular with the girls, but seems to have no interest in them since he's in search of his first lov... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Epilogue

Chapter 35

128 4 0
De thisisyourlady


Mabilis na dumaan ang mga araw. Noong nakaraang araw ay umuwi na si Tito Raymond. Muli naming napagpasyahan ni mommy na lumipat sa isang apartment. Sa pagkakataon na yun ay kusa kaming hinayaan ni Tita Hilary na umalis. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang panlalamig ni Tita sakin. Alam kong masama ang loob niya sakin dahil sa mga nagawa ko sa anak niya. Mas kapansin pansin ang pagiging malungkutin ni Shans at madalas na pugto ang mga mata nito. Bilang ina, alam kong nasaktan ko rin siya.

Sa ngayon ay pinipilit pa rin ni Rain na labanan ang kalagayan. Nangako siya samin na sasailalim siya sa chemotherapy pagkatapo mismo ng graduation. Umaasa na muna kami sa pain treatments at iba pang mga gamot para mapalakas ang kondisyon niya.

"Hello, Rain?"

"P-Peij!?" nandun ang sabik sa boses niya na marinig ang boses ko mula sa telepono ngunit batid ko pa rin ang panghihina niya.

Nandito ako ngayon sa school at may mga inaasikasong bagay at habang lunchbreak pa naman ay naisip kong tawagan na muna siya. Natutuwa rin kasi ako sa tuwing nasasabihan niya na gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing magkasama kami o kahit magkausap lang.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" muli siyang bumalik kagabi sa hospital para magpagamot. Dapat sa mismong graduation ay kayanin niya.

"Katatapos lang nila akong turok-turukan ng kung anu-ano ha-ha. Pupunta ka ba dito mamaya?"

Mas maganda ngayon ang apartment na nalipatan namin. Mas malapit sa bahay nila Rain. Madali rin bumyahe pahospital o sa school pa man.

"Oo naman. May gusto ka ba kainin? Bibilhan kita?" tumigil na rin ako sa pagpunta sa kindergarden. Kaya tuwing dismissal ay pinupuntahan ko na lang siya.

"Wala akong gana. Siguro prutas na lang. Madami pa naman dito kaya wag ka na mag-abala. Gusto ko lang na makasama na kita. Pwede bang dito ka na lang matulog ngayon. Tapos sabay na lang tayo umuwi kinabukasan. Gusto ko rin kasing mamasyal."

Hindi naman na ganong kalaking bagay para sakin na humihingi siya sakin ng mga ganitong pabor. Gusto ko rin na nararamdaman na nagiging kapaki-pakinabang ako sa kanya, "Sige. Dadaan na muna ako sa bahay para makapagpalit ng soot tapos paalam na rin ako kay mommy."

Alam ni mommy ang lahat ng tungkol kay Rain. Paminsan minsan nga ay sinasamahan niya pa ako para mabisita si Rain. Hinahayaan niya ako na magdesisyon dahil naniniwala siyang alam ko ang ginagawa ko. Ayaw kong masayang ang tiwala na yun. Kaya naman sinisigurado ko sa kanya na kaligtasan ko at pinapaalam ko rin ang mga nangyayari.

"Inaantok na ako, Peij."

"Sige matulog ka na. See you." nag-end ang call.

"Si Rain?" napalingon naman ako sa papalapit na sila Coco at Roxy. Tumango naman ako.

Wala silang alam sa kondisyon ni Rain. Pero alam nilang palagi kong pinupuntahan si Rain. Labis ding nag-aalala ang mga kaibigan ko sa mga nangyayari. Batid kong naiintindihan nila na wala akong karapatan na sabihin sa kanila ang totoong nangyayari. Ang alam lang nila may kung anong namamagitan samin ngayon ni Rain. Hindi rin nagkukwento tungkol samin sila Shans at Grae. Dahil mas naging komplikado ngayon ang lahat sa pagitan naming tatlo ay nanatili na lang kaming tahimik na lahat.

Pinabaunan ako ni mommy ng mga pagkain para kay Rain. Kahit palaging walang gana kumain si Rain ay pinipilit ko pa rin siya. Dumating ako sa hospital at tulog pa rin siya kaya nagpaalam na muna ako na lalabas na muna. Naisip kong tawagan si mommy.

At habang hinihintay kong sagutin ni mommy ang tawag ko. Natanaw ko ang presensya ni Shans. At nang magkasalubong kami ay tinawag ko siya na halos hindi ako napansin, "Shans."

Nilingon naman niya ako. Tipong siya ay hindi rin makapaniwalang makikita ako sa lugar na'to.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Uhh." Agad na nagbago ang itsura niya, "Naconfine kasi si mommy. Sobrang taas ng lagnat niya." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nataranta ako at nag-alala sa kalagayan ni Tita, "..pero wag kang mag-alala. Nagpapahinga na siya ngayon."

Gusto kong makita ang kalagayan ni Tita.

"Dito ba.. nakaconfine si Rain.?" Nang banggitin niya ang pangalan na yun ay agad akong ginising ng katinuan. Tumango naman ako bilang tugon.

"Peij? Shans?" parehas naman kaming lumingon sa tumawag samin. Nandito rin si mommy.

Pinuntahan namin ni mommy si Tita Hilary. Nakita naming natutulog ito. Nanatili kami ng ilang oras sa kwarto at nakipagkwentuhan ng konti kay Tito. Sobra kong namiss si Tita. Ito rin ang unang pagkakataon na makita ko siya sa ganitong kalagayan. Masayahin si Tita at palagi siyang masiglang tingnan. Sa tagal ng pananatili namin sa bahay nila, nahusgahan ko ang pagiging maalaga niya samin. Kaya naman ipinagtataka ko kung bakit nagkasakit siya ng ganito kalubha. Sabi ni Tito dala daw ng depression. Nung kamakailan nga lang, ilang araw ding hindi pumapasok si Shans.

Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan kong lahat kung bakit nagkakaganito sila. Pakiramdam ko sa bawat desisyon na nagagawa ko ay may nasasaktan akong mga taong malalapit sakin. Ang gusto ko lang naman ay gawing simple ang lahat ng mga nangyayari ngayon.

"Peij, tara." natapos naman makapagpalit si Rain. Ngayon ay uuwi na siya. Nauna ng makaalis sila Tita at Tito samin.

Kinuha ko ang kanang kamay niya at pinisil pisil yun, "Sigurado ka bang kakayanin mong mamasyal ngayon? Masyado tayong maeexpose sa araw." sinoot naman niya ang hood niya.

"Sa lunes na ang graduation. Pagkatapos na pagkatapos nun ay tatanggap na ako ng chemotherapy. 4 to 6 weeks ang kadalasang itinatagal nun. Ayoko naman na pati sa mga libre kong oras ay palilipasin ko lang nang nagpapahinga ako. Gusto kong maging normal na teenager ulit kahit ngayon lang. Sa theme park lang naman tayo e." paliwanag pa niya. Bahagya naman akong natawa. Nagiging matigasin na talaga ang ulo niya sa pamamalagi sa hospital.

"Ngunit hindi tayo pwedeng magpakapagod ah. Mamasyal lang talaga tayo." naghawak kamay kami. Binitbit naman niya ang bag na may lamang mga baon namin. Nagmartsa kami paalis ng kwarto.

"Bakit di na lang tayo magpicnic? Relaxing pa yun. Alam mo yun, pwede mong itry matulog sa lap ko. O kaya sasandal ako sa balikat mo at ikaw sa ulo ko. Tapos tutulog tayo." usal ko.

"Pfft-- Saan mo narinig yan?"

"Nabasa ko sa mga libro." casual kong sabi. Humagalpak naman siya ng tawa.

"Hindi ko akalain na maririnig ko yan mismo sa bibig mo Peij. At talagang poker face ka pa talaga! Hahaha."

"Maganda naman yung ideya diba. Mas maganda yun sa kondisyon mo."

"Ayoko. Gusto ko na mapaligiran din ng madaming tao."

Natigilan naman kami sa paglalakad nang mahagip ng mga tingin ko ang mga taong makakasalubong namin, "Peij? Rain?" Nagulat akong makita si Coco dito sa hospital. At ang makita silang magkasama ni Shans na sila lang na dalwa, "Hindi ko inaasahan na makikita kayo na dalwa dito." naiilang pang dagdag ni Coco. Hindi ko naman maintindihan ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko.

"May bibisitahin ba kayo ngayon dito?" nasambit naman ni Rain. Naagaw ang pansin ko ng mga nakapakong tingin ni Shans sa mga kamay namin ni Rain. Tila binalot ako ng matinding kahihiyan.

Bahagya kong tinago ang mga kamay namin. Pilit kong iniwasan ang mga mata ni Shans, "Naconfine kasi si mommy kagabi. Naisip ni Coco na dalawin na rin siya gayong malapit lang naman itong hospital sa pinuntahan nila ng pamilya niya." nanatili pa rin siyang nakatingin sakin, "Masyado pa ngang maaga para sa oras ng pagdalaw, nagkataon lang talaga yung kay Coco. Eh ikaw Peij, bakit sobrang aga mo naman ata dito sa hospital? May binisita rin ba kayo?" sumama ang loob ko sa iniasta niya. Halatang may gusto siyang iparating na lingid sa kaalaman sa kaibigan namin.

"Ang totoo, nagpalipas ng gabi dito si Peij para masamahan ako. Hiniling kong gawin niya yun."

Nagulat silang pareho sa narinig. Batid ko naman ang inis na naramdaman ni Shans mula sa mga nakakuyom na mga kamay niya, "Ganon ba kalala ang kondisyon mo Rain para kailanganin pang magpalipas ng gabi ni Peij?" anas ni Coco.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Rain. Lakas loob kong hinarap ang kaibigan, "May pupuntahan kasi kaming dalwa."

"Gusto ninyo ba na sumama na dalwa samin?" nagtataka naman akong tumingin kay Rain, "Mas marami, mas masaya." nakangising dagdag pa niya.

"Hindi ko sigurado." usal ni Coco na sumulyap pa kay Shans.

"Mahihintay ninyo ba kami?" tanong ni Shans.

"Sasama na lang rin kami sainyo. Minsan ko na rin kasing nameet ang mommy mo." wala ng naging tugon si Shans. Nagpamauna siya at sumunod naman kami.

Mabuti buti na ang kalagayan ni Tita. Nakakwentuhan pa namin siya saglit at sinabi niya samin na bukas ay pipilitin na nga niyang makauwi dahil sa lunes na ang graduation day. Hindi ko maiwasan na mag-alala habang pinagmamasdan siya, hindi siya ganon kasiglang tingnan at ang lungkot lungkot din niyang tingnan. Gusto kong isipin na dala lang yun ng kondisyon niya dahil nilalagnat nga siya. Ngunit nandun ang pagbabago ng pakikitungo niya samin.

Pinaalam ni Shans ang tungkol sa paanyaya ni Rain at madali kaming pinayagan ni Tita. Pinagpaalam din namin si Coco sa pamilya niya. Halos isang oras din kaming nakarating sa pinakamalapit na theme park.

"Okay ka lang, Peij?" narinig ko namang sabi ni Coco sakin. Agad na hinanap ng mga mata ko si Rain na kasalukuyan namang nakatuon ang atensyon sa hawak na map gaya ni Shans.

Tumango ako bilang tugon kay Coco, "Hindi ko lang maiwasan na mag-alala kay Tita Hilary."

"Siguro wala lang siyang lakas para asikasuhin pa tayo kanina. Mas mabuting makapagpahinga siya para makaipon siya ng lakas. Kailangan na nandun si Tita sa graduation natin." nakangiting sabi ni Coco na medyo nagpagaan naman ng aking loob. Muli naming binalik ang pansin sa dalwa.

"Guys Monkey Swinger--/--Roller Coaster tayo?" sabay na mungkahi ng dalwa. Nagkatinginan naman sila. Agad kong tiningnan sa map kung ano yung mga rides na tinutukoy nila. Hindi pwede ang roller coaster kay Rain.!

"Tara roller coaster!" ani Coco.

"Ayoko sa roller coaster. Sa Monkey Swinger na lang tayo." parang napahiya ko naman na sila sa nasambit kong yun. Napagtanto kong naiipit kaming apat sa desisyon kung alin ang una naming sasakyan. At ang mas awkward pa ay ang paghahati namin ng atensyon ni Coco sa dalwang lalaking nagmungkahi ng magkaibang ideya.

"Kung ganon, sige sa rollercoaster na lang tayo." Kunot noo ko namang tiningnan si Rain.

"Pero ayaw ni Peij sa rollercoaster, natatakot ka ba, Peij?" sa personalidad ko, alam ni Coco na hindi ako para magpadala sa takot na subukan ang mga bagay bagay.

"Kung ayaw ni Peij, sige sa monkey swinger na lang tayo." usal naman ni Shans.

At sa huli, sa monkey swinger na kami pumunta. Habang naghihintay sa pila ay kumukuha ng mga pictures si Coco gamit ang phone niya, "Ito nga pala ang pangalwang beses na magkakasama tayong tatlo dito no?" patukoy ni Coco samin ni Rain.

"Oonga no." pagsang-ayon ni Rain, "Kung hindi dahil sa mga kaibigan mo, hindi na ulit kita makikilala ulit." Napagtanto ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Matatagpuan?" narinig naman na siya ni Coco, "Bakit, kilala mo na noon si Peij?"

"Kababata ko si Rain noon sa hospital."

Makikita ang pagkalito sa mukha ni Coco sa naging tugon ko, "Sa madaling salita, kayo nila Shans ay magkababata na tatlo?" hindi na namin nagawang sagutin si Coco nang tawagin na kami ng nag-aassist.

Pagkatapos naming sumakay sa Monkey Swinger ay nagsimula nang manahimik ni Coco. Napansin namin ang biglaan niyang pagkawalan ng mood. Kaya napagdesisyunan namin na maglunch na muna. Sila Shans at Rain ang bumili ng mga pagkain namin.

"Hindi ganon kaclose sila Rain at Shans noon. Pero kilala nila ang isa't isa. Nito lang din nalaman ni Shans ang tungkol kay Rain pero matagal ng alam ni Rain ang tungkol kay Shans."

"Nakakatawa. Sobrang mapaglaro ng tadhana sainyong tatlo." Nag-aalala niyang sambit, "Siguro sobrang hirap kay Shans ng sitwasyon niya. Sa tingin mo Peij, may pwede akong gawin para sa kanya? Gusto kong tuluyan na niyang makalimutan ang nararamdaman niya para sayo."

May kung anong kumirot sa dibdib ko sa sinabi niyang yun. Wala akong karapatang masaktan sa mga salita ni Coco, wala naman kasi siyang alam sa nararamdaman ko para kay Shans.

"Pasensya ka na, Peij. Siguro iniisip mo ngayon kung bakit parang mas nag-aalala pa ako kay Shans. Na parang lagi na lang si Shan sang iniisip ko. Alam kong madami ka ring pinagdadaanan sa mga nagdaang araw. Handa akong makinig kapag handa ka na rin."

"Hindi. Naiintindihan ko rin naman kayo. Gusto ko ring.." lakas loob kong hinugot ang mga salitang nais sabihin, "..gusto ko ring bumawi kay Shans balang araw. At tama, sa mga nagdaang araw ay malungkot talaga siyang tingnan. Mabuti na lang na nandyan ka para sa kanya."

Gumuhit ang mga matatamis na ngiti sa mukha niya, "Sigurado ako na sobrang magiging masaya si Shans sa araw na yun."

May kung anong humaplos sa puso ko sa mga salitang yun na binitiwan ni Coco.

Pagkatapos namin kumain ng lunch ay naglakad lakad na muna kami. Pumunta kaming mga horror booth at nanood ng mga 4D movies. Namili din kami ng konting mga pasalubong.

"Halika, dito tayo sa swan lake!" sinundan namin si Coco. May nag-assist samin at pinapasok kami by partner. Sinundan lang namin yung pagkakasunod naming apat. At hindi inaasahan ang pagkakapares namin. Dahil si Coco ang nangunguna at sumunod sa kanya si Rain ay naging sila ang magpartner, habang kami naman ni Shans na kasalukuyan na nahuhuli sa paglalakad.

"Kita na lang tayo sa exit." ani Rain. Hindi konaman maiwasan na mabahala sa set-up na'to.

Continue lendo

Você também vai gostar

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
Brave Hearts De HN🥀

Ficção Adolescente

1.9M 95.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
Project: Yngrid De Alesana Marie

Ficção Científica

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...