Nang Mainlove Kay Bestfriend.

By thisisjejeh

2.7K 70 13

Pa'no kung mainlove ka sa Besfriend mo? Tapos, nung nagbalik ka, hindi parin nagbabago ang nararamdaman mo sa... More

Nang Mainlove Kay Bestfriend.
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE

CHAPTER THIRTEEN

93 3 1
By thisisjejeh

CHAPTER THIRTEEN

Hinatid na ako pauwi ni Francis at nandito na kami sa harap ng bahay. Hindi pa ako bumababa ng kotse.

"F-francis, sino 'yung Ellaiza?" Tanong ko at tumingin naman siya sa'kin na parang maiiyak na.

"Siya 'yung Ex Girlfriend ko. Kaso, nasa states siya para magpagamot dun. May sakit kasi siya sa puso at kinailangan niyang magpagamot  kaya naghiwalay kami."

Hinawakan ko 'yung kamay niya para icomfort siya.

"P-pasensya na Krissa. Baka isipin mo na kaya lang kita nililigawan ay para kalimutan si Ellaiza. Sincere talaga ako sa panliligaw sa'yo." Dagdag pa niya.

"Hindi. Naiintindihan naman kita e. Past mo siya at kadikit na siya ng buhay mo."

"Thankyou."

Bumaba na ako ng kotse niya at pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretso na agad ako ng kwarto ko at nagpalit ng pantulog.

Humiga ako sa kama ko at hindi pa pinipikit ang mga mata ko.

Iniisip ko kasi si Francis at 'yung Ellaiza. Parang nahalata ko kasi sa mata niya na mahal niya pa si Ellaiza e.

At maswerte din si Ellaiza dahil naging boyfriend niya si Francis. Bukod sa gwapo na, mabait na anak pa.

I think, dapat ko na siyang sagutin. Para narin makalimutan ko ang feelings ko kay Elvis. Pero hindi ko naman siya gagawing panakip butas.

Sa tagal naming magkasama, hindi mahirap mahalin si Francis. Kaya totoo 'tong nararamdaman ko sa kanya.

**

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko 'to sa ilalim ng unan ko para tingnan kung sino ang nagtext.

Pupungas-pungas kong binasa 'yung message.

From: Beks Rhie

Kung pwede ko lang sanang angkinin ang puso mo, ginawa ko na.

Kaya lang sa ngayon, dalawang bagay lang ang kaya kong gawin.

Ang lihim kang mahalin, at hintayin ang panahong pwede kang maging akin.

Rise and Shine. ;)

Gm.

Parang tinamaan ako sa quotes na pinasa ni Rhie. Sapol na sapol sa'kin e.

Tama! Lihim ko siyang minamahal, pero 'yung panahon na hihintayin ko para maging akin siya ay hindi na mangyayari.

Tsk! Di ko na nga pala dapat iniisip 'yung feelings ko kay Elvis. Tama na Krissa. Move on ka na. Nandyan naman na si Francis para pasayahin ka e.

Wala kaming pasok ngayon kaya medyo tinanghali ako ng gising. Pero magkikita kami ng mga kagrupo ko sa Bakery Booth. Mamimili kaso kami ng mga gagamitin namin for the booth.

Makapaglinis na nga ng katawan. Gutom na rin ako e. Hehe. :)

**

[Mall]

"Kamusta naman ang birthday ng Mama ni Francis?" Tanong sa'kin ni Lalaine habang tinutulak namin 'yung cart.

Nandito kami ngayong lima sa supermarket at kasalukuyang namimili ng ingerdients namin para sa Foundation Day. Kaming dalawa ni Lalaine ang nahuhuli, habang 'yung tatlo ay may kanya-kanyang mundo.

"Masaya naman. Mabait 'yung Mama niya at masarap kausap."

"Pwede bang Mother In-law?" Tudyo niya habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Sira! Mother In-law agad?"

"Bakit? Dun din naman ang punta nun kapag sinagot mo na siya e."

Napaisip tuloy ako. Si Francis na nga kaya ang maging asawa ko? Pa'no naman si Elvis? Tuluyan ko na bang kakalimutan ang nararamdaman ko sa kanya?

"Hindi naman siguro." Sabi ko nalang. "Alam mo bang may Ex-Girlfriend si Francis?"

Napatingin sa'kin si Lalaine na parang nagtataka.

"Ex? Parang wala naman akong alam. Bakit?"

"Meron siyang Ex-Girlfriend. Ellaiza ang name. Sinabi kasi ng Mommy niya na mahilig din daw sa necklace 'yung Ellaiza. Tapos, parehas ko din daw na mabait at maganda." Kwento ko.

"Ahhh. Kaya ka siguro mabait sa'yo ang mama ni Francis dahil parehas kayo ng Ex niya. Oh, ano pang sabi?"

"May sakit daw kasi 'yun sa puso kaya nagbreak sila. Kinailangan niya kasing magpagamot sa States." Tuloy ko pa.

"Hindi ka ba nagalit kay Francis dahil hindi niya sinabi sa'yo ang tungkol kay Ellaiza?"

Umiling ako. "Naiintindihan ko naman siya e. Tsaka, nahalata kong mahal niya pa si Ellaiza. Pero ayokong mag-benefit of a doubt. Baka kasi, ako lang ang nakaka-feel nun."

"Eh, pa'no 'yan? Sasagutin mo parin ba si Francis?"

Seryoso akong tumingin sa mata ni Lalaine.

May feelings narin naman ako kay Francis e. At hindi naman siguro hadlang 'yung tungkol kay Ellaiza. I'm sure, naka-move on na siya. Baka, nabigla lang 'yung reaksyon niya kaya parang lumungkot siya.

"O-oo."

"Yieee! Nakakakilig naman bes!"

Sasagutin ko na talaga siya. At kakalimutan ko narin si Elvis.

**

Humiwalay muna ako sa kanilang apat dahil may bibilhin akong damit para kay Yaya Melba. Birthday niya na kasi bukas at gusto kong regaluhan siya.

"May iba pa ba kayong sizes nito?" Tanong ko sa sales lady habang pinapakita 'yung dress.

"Meron pa po Ma'am. Kunin ko lang po sa stock room." Sagot niya at umalis na.

Nagtingin-tingin ulit ako ng mga dress habang hinihintay ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Lumingon ako sa likod ko para kilalanin kung kaninong boses ang nagsalita.

"E-elvis?"

"Anong ginagawa mo dito?" Ulit niya.

"A-ah, bibilhan ko ng damit si Yaya Melba. I-ikaw?"

"Napadaan lang. Napansin kasi kita dito sa loob kaya pumasok na ko." Sabi niya kaya napatango nalang ako.

Seriously. Parang kinakabahan ako na masaya ako. Ang gulo ng nararamdaman ko! May isang bahagi sa puso ko na masaya dahil nakita ko ulit siya. Pero 'yung isang bahagi sinasabi na kalimutan ko na siya.

Tsk! Kaya ko bang kalimutan ang Bestfriend ko? Hindi. Feelings ko lang naman para sa kanya ang kakalimutan ko e.

"Ikaw lang ba mag-iisa?" Tanong niya ulit.

"K-kasama ko sina Lalaine. Kaso, humiwalay muna ako sa kanila dahil may bibilhin ako. Ikaw? Hindi mo ata kasama si April?" Tanong ko naman.

"May bibilhin kasi ako para sa kanya. Hindi ko na pinasama dahil baka magturo ng kung ano ano." Sabi niya habang nakangiti.

Wow! Buti pa si April, binibigyan ng gift ni Elvis.

Pero binibigyan din naman ako ni Francis ng gift e. Nagseselos ba ko?

Malamang Krissa. -___-

"Tara, kain muna tayo." Sabi niya at hinila ako palabas.

Pumasok kami sa kalapit lang na restaurant sa botique. Giniya niya ako paupo.

"Hindi ko pa nabibili 'yung damㅡ"

"Balikan nalang natin mamaya." Ngumiti siya at umorder na.

Aw. Para kaming nag-dedate. Kung hindi ko iisiping friendly date lang 'to or treat niya. Nakakataba parin ng puso at kinikilig ako. Hihihi. :">

"Oh, ba't nangiti ka?" Takang tanong niya.

"A-ahㅡ" Inayos ko agad ang sarili ko at napayuko nalang. Feeling ko kasi biglang namula 'yung buong mukha ko e. *Q*

"Here's your order." Sa wakas at dumating narin. Medyo gutom na ko e. Haha. :D

Nagsimula na kaming kumain, habang ako ay nananahimik lang. Ayoko kasing mag-start ng conversation. Nahihiya kasi ako. ü

"Sinagot mo na ba si Francis?" Nasamid ako sa tanong niya kaya napainom ako bigla ng tubig.

Lumunok muna ako bago tumingin sa kanya. "A-ah, hindi pa."

Tumango-tango naman siya.

Teka, bakit parang di ako confident sa sagot ko? Parang may kirot kasi e. Bakit ganito?

"K-kamusta pala kayo ni A-april?" Tanong ko. Baka kasi isipin niya na umiiwas ako sa lahat ng tanong.

Nag-angat siya ng ulo at seryosong tumingin sa'kin.

"Ayos naman. Kahit papano natututunan ko na siyang mahalin."

"T-talaga?"

"Oo." Hinawakan niya naman 'yung kamay ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. O___O "Sorry nga pala sa mga inaasal sa'yo ni April. Di ko alam kung bakit kailangan niyang maging ganun sa'yo. Pero, sorry talaga."

Unti-unti kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at ngumiti ng pilit. "A-ayos lang. Natural lang naman na maging over protective siya sa'yo." At yumuko ako.

"Pero bakit? Nagseselos ba siya sa'yo?"

Napa-angat bigla ako ng ulo at parang dumoble ang kaba ko.

OMG! 'Wag niya sanang mahalata na may gusto ako sa kanya. 0___0

"H-hehehe. H-hindi naman siguro. G-ganun naman talaga 'yung mga babae eh." Waaaah! Tama ba 'tong dahilan ko? >_<

Ngumiti naman siya ng makahulugan at 'yun ang nagpataka sa'kin.

"Pa'no mo naman nalaman? Di ka pa naman nagkaroon ng Boyfriend ha?" Tanong niya.

Lub.dub.lub.dub.lub *___*

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya umiling nalang ako at bumalik sa pagkakayuko.

"Oo nga pala. Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend? Naunahan ka pa nila Katkat at Lalaine eh." Dagdag niya pa.

Hmmp! Kung alam mo lang na ikaw ang hinihintay ko. Kung pwede ko lang sabihin sa'yo 'yung nararamdaman ko e.

"M-may hinihintay kasi ako. K-kaso, wala na eh." Sagot ko na nagpataka sa kanya.

O____O

Hala. Sinabi ko ba talaga 'yun? Waaaaaah. Baka mahuli ako. >__<

---

No proofread. Sorry sa mga type errors! Hahaha. :D

Votes and Comments po. Salamat sa mga magbabasa. ü

Pasensya kung papalit-palit ng cover. Wala e, di ako nasasatisfied sa gawa ko. Hahaha. :D

6 chapters to go. :)

ㅡ Jepot *

Continue Reading

You'll Also Like

677K 24.1K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
803K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 30.9K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...