Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
Wakas
Untold #1
Untold #2

#50: Goodbye

3.9K 99 17
By hyunjiwon_sg4ever

Hi guys! Thank you for supporting this story. Alam ko sobrang tagal bago ko 'to natapos pero sobrang blessed ng feeling na nandito pa rin yung mga solid supporters ng JAIL! Thank you guys! Love you all! God Bless!

Support niyo rin yung Sleeping Beauty na story ni Jerome. :)

*

Kabanata 50

Goodbye

"Nakahanda na ba ang mga gamit mo, anak?" tanong sa akin ni Mama.

Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti. Tumango ako. "Opo, naayos ko na po 'yung mga gamit ko kahapon. Pupunta po ako ng school mamaya para ipasa yung mga articles na ginawa ko."

"Ganun ba? Sige, sasabihan ko si Manong na ihatid ka..."

"Salamat po..."

Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraan. Nasaktan ako. Nasaktan si Jared. Pero masaya ako ngayon dahil unti-unti naming natanggap ang mga nangyari. Losing a child is so painful. Until now, it still hurts me. But I can't live my life carrying that pain. We need to move on and to let go.

Naniniwala ako na may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to.

And I believe that it's for the best. Trials should make us stronger.

At iyon ang nangyari sa amin ni Jared. The trials we faced didn't weaken our love for each other but instead it proved how strong our love we have for each other. We were both broken that time but we tried to remain for each other. Siguro ay kung hindi kami naging matatag para sa isa't isa ay nasira na rin siguro kami.

"Sa makalawa na ang alis mo, Gail. Doon ka muna sa pamilya ng Tita Sylvia mo titira. Sila na ang bahala sa'yo doon. Your cousins will guide you there. Schoolmate mo si Seb at nangako naman siyang babantayan ka niya doon." sabi sa akin ni Papa.

Napagdesisyunan naming lahat na ituloy ang pag-aaral ko sa US gaya ng unang plano ng mga magulang ko. I'll be staying there for five years or more. Si Jared ang nagpumilit sa aking i-pursue ang opportunity nito kahit na nagdadalawang-isip ako dahil parang ayoko ng ideya na malalayo ako sa kanya. But he insisted and gave me an assurance that we will stay together no matter what. I didn't hesitate to trust him that's why I agreed. Nakapasa naman ako sa exam kaya natuloy na talaga ako.

"Hindi niyo naman po kailangang mag-abala pa ng ganito, Pa."

"Gail, wala kami doon ng Mama mo kaya mag-aalala kami sa'yo. Hindi ka rin namin madalas mabibisita and Jared too... kaya kailangan mo ng makakasama."

Hindi na ako umimik at tumango na lamang. "Thank you po, Pa..." I smiled at him.

"Mag-iingat ka doon at mag-aral mabuti, anak. Enjoy your life... nandito lang kami ng Mama mo para sa'yo, Gail. Susuportahan ka namin." ngumiti siya sa akin.

Pakiramdam ko ay sobrang saya ko sa mga sandaling ito. It's really happening! Ang mga pangyayari na akala ko ay sa panaginip ko na lang mangyayari. I am finally experiencing the freedom that I've always been dreaming.

"At kapag gusto mo ng hiwalayan si Jared, pwede naman. May divorce doon."

"Papa naman!" napalabi ako. "Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya."

Tumawa lamang si Papa at lumapit sa akin. He sincerely smiled at me and hugged me. Niyakap ko naman siya pabalik ng mahigpit."Salamat, Pa..." malumanay na wika ko.

"You deserve this, Gail. You've been a good child to us." marahan niyang hinagod ang aking likuran. "Forget all the painful things that you experience here. Go and chase your dreams. I and your mother want you to be genuinely happy. Ang makita kang masaya sa mga bagay na gagawin mo... sapat na sa amin 'yun ng Mama mo."

"We will stand and believe with you, Gail." aniya.

Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. Tears of joy. Masaya ako sa mga sandaling ito. Ang mga pangarap ng munti kong puso ay natutupad na. Masaya ang pakiramdam na suportado ka ng pamilya mo sa mga desisyong gagawin mo. Na at the end of the day whether you'll end up successful or not, your family is always there for you.

"Salamat po... maraming salamat po!" I said joyfully.

Natanaw ko si Mama na nakamasid sa amin ni Papa. Her eyes are teary but her smile tells me that she's happy right now. Humiwalay ako kay Papa at mabilis na lumapit kay Mama at siya naman ang niyakap ko.

Masaya ako dahil naging maayos na ng tuluyan ang relasyon ko sa pamilya ko.

"Gail!" sigaw ni Asha at mabilis na tumakbo palapit sa akin.

Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. Ngumiti naman ako at niyakap siya pabalik. I will surely miss my friends here. Masaya ako dahil sila ang naging mga kaibigan ko. Hindi nila ako iniwan noong mga panahong kailangan ko sila. Halos naging pamilya na ang turing ko sa kanila.

In my life, I learn how to value friendships. Hindi naman kailangang marami kang kaibigan. Kahit kaunti lang ang meron ka ang importante alam mo sa sarili mo na sila ay dapat mong pahalagahan. True friends will stay with you always, whether in good times or bad times. Naalala ko ang mga pinagdaanan namin. Noong dinamayan nila ako sa tuwing may sama ako ng loob sa mga magulang ko. Kapag wala akong assignment sa isang subject. Kahit gaano pa kabigat o kababaw ang pinagdadaanan mo, ang mga tunay na kaibigan ay nandyan palagi sa tabi mo that's why you need to treasure them.

"Ayos ka na ba talaga?" she asked. Her voice sounds worried. Kunot-noo niya akong pinagmasdan.

I smiled at her. "I'm totally fine, Asha. 'Wag kang mag-alala, okay?" I assured her.

Mula noong nasa ospital ako hanggang ngayon ay madalas nilang tinatanong sa akin kung ayos na ako. Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila para sa akin. Pero
"Oo na!" she pouted. "Pero aalis ka na talaga bukas? Grabe!"

"Gagawa naman ako ng paraan para magkausap naman tayo lagi. May Facebook, Twitter, Instagram, Skype, Snapchat, Gmail, Yahoo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.

"Oo na! Oo na! Nagda-drama lang ako, hindi mo na ako pinagbigyan! Meanie!" aniya.

Tumawa na ako sa reaksyon niya. "Nasaan nga pala si Darryl? Hindi mo kasama? And your boyfriend?" sunod-sunod na tanong ko.

"Si Darryl? Hayun nag-eenrol! Madaya din 'yung isang 'yun eh! Iiwan niya rin ako. Aba mag-take daw ba ng OJT this term. Iiwan niyo talaga akong dalawa! Meanies!"

"Ha? Bakit parang ang aga naman?" I curiously asked.

"Hay ewan ko din sa mokong na 'yun!" singhal niya. "Hayun na pala siya eh..."

Napalingon ako doon sa itinuro ni Asha. Nakita ko si Darryl na nakangiti habang nakatingin doon sa EAF niya. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang palapit sa lugar namin.

"Uy Gail!" bati niya ng makita ako.

"Ang saya mo ah? Anong meron sa EAF mo?" napataas ako ng kilay.

"Wala, OJT ako this term." aniya. Humalukipkip ako at pinagmasdan siya.

"Masaya ba mag-OJT? At ganyan ang ngiti mo? Saan ka pala mag-oOJT?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Sa La Fierte." prenteng wika niya.

Nanlaki ang mata naming dalawa ni Asha habang nakatingin sa kanya.

"Paano ka nakapasok dun? Hindi naman sila tumatanggap ng interns! What?" singhal ni Asha. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Darryl. Maski ako!

Bago ko pa makilala si Jared ay alam ko na ang kumpanyang iyon. It's one of the most successful companies here in the Philippines. Maraming mga estudyante ang gustong doon mag-apply as intern pero hindi sila tumatanggap. And Jared is the CEO of that company!

Ngumisi si Darryl at inakbayan ako. "Of course! Best friend ko ang asawa ng CEO kaya mabilis akong nakapasok. Connections." aniya. Mabilis ko naman siyang siniko.

"Kung ganoon pwedeng doon din ako mag-OJT? Mas best friend ako ni Gail! Sampid ka lang sa pagkakaibigang ito." mariing sabi ni Asha at matalim na tinignan si Darryl.

Tumawa naman si Darryl at pinisil ang pisngi ni Asha. Kaagad namang tinabing ni Asha ang kamay ni Darryl. Sandaling ngumiti si Darryl at tumayo ng maayos.

"Actually, si Jared mismo ang nag-offer nito sa akin. Siya ang magsu-supervise sa akin sa buong taon na training. Sabi niya rin ay tutulungan niya din ako sa thesis ko." aniya.

"Woah? Pwede bang ako rin?"

Naalala ko na. Heto yung binabanggit ni Jared na tutulungan niya si Darryl dahil doon sa pangako niya sa Kuya ni Darryl. Napangiti na lamang ako. Jared is indeed a promise keeper. He never breaks his promises. Kaya panatag ang loob ko sa mga pangakong binitawan niya sa akin.

"Gail, ilakad mo rin ako kay Jared para sa OJT ha?" pamimilit sa akin ni Asha.

"Bakit kita ilalakad sa kanya eh may kumpanya kayo?" sabi ko sa kanya.

"Gail naman eh! Tsaka iba kasi ang credentials kapag galing ka sa sikat na kumpanya. Tsaka pakiusapan mo rin siyang tulungan din ako sa thesis ko." napalabi siya.

"Kaya mo na 'yan, Asha. Hindi mo na kailangang humingi ng tulong."

"Gail naman!" padabog na singhal niya. "Mas hindi naman kailangan ni Darryl ng tulong! Matalino naman na 'yan eh! Running for Cumlaude pa siya! Ang unfair! Tapos ay varsity player pa siya!"

"Bakit hindi ka na lang sa akin humingi ng tulong?" ngumisi si Darryl. "Tutulungan pa kitang makakuha ng mataas na grades sa lahat ng subjects mo. Baka gusto ako na rin ang gumawa ng thesis mo." Darryl offered to her.

Umaliwalas ang nag-aalburotong mukha ni Asha at tumingin kay Darryl.

"Talaga?" ngumiti siya.

"Yes, but in one condition..." ngumisi ito.

"Ano 'yun?" sabay naming tanong ni Asha.

"Hiwalayan mo si Vince..." malamig at seryosong sabi ni Darryl.

"Nakakainis ka!" singhal ni Asha at hinampas niya sa balikat si Darryl. "Akala ko seryoso ka na! Nakakainis ka talaga!" singhal niya.

"Seryoso ako! Aba ano ba ang mas mahalaga? Boyfriend o college degree? Mag-aral ka muna, madali lang makahanap ng lovelife sa tamang panahon." umismid si Darryl kay Asha.

"Sus! Eh di ba gusto mo nga si Gail? Palibhasa kasi wala ka ng pag-asa kaya ganyan na yung mga sinasabi mo." tinawanan siya ni Asha. "'Wag mo akong idadamay sa'yo na bigo sa buhay pag-ibig!"

Napailing na lang ako at pinanood silang dalawa na magkulitan. Masaya akong makita na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay maayos at buo pa rin talaga ang grupo naming tatlo.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Baka mamaya pagbalik ko dito magpapakasal na kayo."

Tumigil naman silang dalawa at humarap sa akin. Umayos sila ng tayo.

"Ikaw talaga, Gail. Pinagsasabi mo..."

"Baka kamo pagbalik mo may anak na kami." nakangising sabi ni Darryl. Mabilis naman siyang siniko ni Asha at sinamaan ng tingin. Nagkibit-balikat lang naman ito sa kanya.

Tumawa na habang nakatingin sa kanila. "Mamimiss ko kayo..."

Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang pagyakap nila sa akin. Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko tuloy ay mahihirapan ako kapag nalayo ako sa kanila. Sila na ang naging sandalan ko mula pa noon kaya sigurado ako na mahirap mag-adjust kasi wala sila doon. Magkaroon man ako ng ibang mga kaibigan, iba pa rin talaga kapag nakasanayan mo na.

"We will miss you too, Gail." sabi ni Darryl ng humiwalay kami sa isa't isa.

"Oo!" napalabi si Asha. Nangilid na rin ang luha sa mata niya. "Ngayon lang tayo mahihiwalay ng ganito ka-layo sa isa't isa. Pero as your friend, masaya ako para sa'yo Gail. Finally, matutupad mo na rin ang pangarap mo. Ma-aaral mo na 'yung course na gusto mo. You can decide on your own now. Magagawa mo na ang mga gusto mo." ngumiti siya sa akin.

"Masaya ako para sa'yo, Gail. Kaya susuportahan kita lagi. Nandito lang kami para sa'yo. Finally, hindi ko na makikitang nasasaktan ang selfless kong best friend." she hugged me again. I hugged her back.

"Thank you, Asha..." kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tinignan ko silang dalawa ni Darryl. Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at marahan ko silang hinatak palapit sa akin. "Pero mas masaya kung lahat tayo ay magiging successful sa future."

They both smiled at me pulled me for a group hug.

"Yes!" sabay naming sabi at tumawa. "Friendship goals!"

Sinamahan nila akong dalawa sa office ni Sheena. Nandito kasi talaga ako para i-follow up yung articles na pinasa ko. Baka kasi may mga kailangan pang baguhin o di kaya i-edit kaya sinadya ko na iyon ngayon.

"Naku, babasahin ko talaga 'yung article ni Gail tungkol kay Jared. Baka ikukwento niya yung pagmamahalan nilang dalawa." sabi ni Asha at sinundot pa ang tagiliran ko.

Kaagad ko naman siyang sinaway. Mang-aasar pa 'to eh.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita ko si Jared sa loob hawak yung folder na may laman ng article ko habang kausap si Sheena. Napatingin silang dalawa sa akin. Hinarap ako ni Jared ng may malawak na ngisi.

"O Gail, napadaan ka?" bati sa akin ni Sheena.

"Anong ginagawa mo dito?" baling ko kay Jared.

"I checked your work." he smiled.

Shems. Isipin ko palang na binasa niya yung gawa ko ay nahihiya na ako. Hindi naman sa ayokong basahin niya yung gawa ko pero I kinda hate the idea of him checking my articles. At bakit naman niya iche-check in the first place di ba? Editor-in-Chief ba siya?

Napatingin ako kay Sheena. Pilit itong ngumiti at nagkamot ng kanyang batok habang iniiwas niya ang tingin sa akin. "Uh, sorry. Pinakiusapan kasi ako ni Mr. Montello to ask you to create an article about him. Actually..." she awkwardly smile.

Kumunot ang noo ko habang inaantay ang sasabihin niya. Ano?

"This article is not included in the publishing." si Jared na ang tumuloy.

Hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Nakangisi lang siya sa akin at nagawa niya pang iwagayway 'yung folder sa harapan namin habang naglalakad siya palapit sa amin.

"Sorry talaga, Gail! Sabi niya kasi siya na daw ang sasagot sa lahat ng expenses para sa printing ng school paper for this term. Nag-donate din siya for funds. Kaya, hayun. Alam mo na. His offers are tempting... that's why we agreed."

Bumuntong hininga na lang ako. In the end, wala rin naman akong magagawa.

Pakiramdam ko ay kakainin ako ng hiya habang iniisip na siya lang ang makakabasa ng ginawa kong article about sa kanya. Sobra pa naman akong nag-effort para doon tapos sa kanya lang pala 'yun?

"Okay lang..." iyon na lang ang nasabi ko.

Nakarating siya sa harapan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at humalukipkip. I glared at him. He only chuckled and pinch the tip of my nose. Kaagad ko namang tinabing ang kamay niya.

"Ipapabasa mo ba sa amin 'yan?" tanong ni Darryl.

Tumingin sa kanya si Jared at marahang umiling. "Nope..." aniya sabay balik ng tingin sa akin. "This article is exclusively mine... as well as the writer." seryosong saad niya.

"Woah? Ganun?"

"May softcopy ako niyan, isesend ko sa inyo mamaya." nanunuyang sabi ko at na kay Jared pa rin ang tingin ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya.

Akala mo ha?

"Sige, send mo mamaya sa group chat!" ngumisi si Asha.

"Oo-"

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Jared ang kamay ko at marahang hinatak palabas ng silid. Dire-diretso lang ang lakad niya sa gitna ng corridor. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang estudyante na naroon.

"Uy Jared, saan tayo pupunta?" tanong ko. Pilit kong hinahatak yung kamay ko. "Teka lang, kakausapin ko pa si Sheena... hindi pa ako pwedeng umalis. May mga kailangan pa akong gawin dito."

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglakad. Nang makarating kami sa gitna ng open field ng school ay huminto na ako. Baka hatakin niya na nga ako paalis eh hindi ko pa naman nagagawa ang mga dapat kong gawin. Kailangan ko pang kunin ang ilang mga importanteng dokumento ko dito.

"Jared..." I called him. Huminto naman siya at nilingon ako.

Napansin ko na tumigil sa paglalakad ang ibang mga estudyante at tumingin sa lugar namin. Natanaw ko rin sina Darryl, Asha at Sheena na sumunod pala sa amin. Ngumiti siya sa akin at iginala niya ang tingin niya sa buong lugar. He's still holding my hand.

"It's feels nostalgic standing here again." aniya at tumingin sa akin. "Dito sa lugar na ito nagsimula ang lahat sa ating dalawa. Dito sa lugar na 'to nakuha mo ulit ang atensyon ko like how you caught my attention when we're young."

Napaawang ang bibig ko at iginala ko ang tingin ko sa paligid. My heart started beating uncontrollably because of his words. Iniisip ko kung paano ko siya nakilala sa lugar na ito. May isang alaalang pumasok sa isipan ko na nangyari dito noon.

Oh my God.

"Gail, dumugo 'yung ilong nung Kuya na binato mo ng bola. Tinamaan siya sa mukha."

Pagbabalita sa akin nina Asha. Sabi kasi nung mga estudyanteng nakakita ay dinala daw siya sa clinic kaya pumunta sila ni Sofia doon. Hinahatak pa nga nila ako papunta doon para humingi ng sorry. Pero hindi ako sumama... nahihiya kasi ako.

Hindi ko naman sinasadya 'yun. Di ko inexpect na tatama sa mukha niya yung bola. Akala ko sa paa niya lang yun tatama pero sa mukha pa.

"Ayos na ba siya?" nag-aalalang tanong ko.

Parang ayoko pa tuloy umuwi. Gusto ko ring humingi ng sorry sa kanya dahil sa nagawa ko. Alam ko naman na mali 'yung ginawa ko. Hindi niya iyon gustong mangyari. Nadala lang talaga ako. Hayy! Kasi nanghihinayang ako sa Mass Communication na gusto ko sanang kunin na course pero gusto kasi nila Mama na Business Management.

"Oo, tinanong niya yung pangalan mo sa amin. Pero hindi siya magsusumbong, buti na lang talaga at mabait si Kuya." sabi ni Sofia.

"Tinanong niya rin sa amin kung may boyfriend ka na!" kinikilig na sabi ni Asha.

"Ay oo nga!" sang-ayon naman ni Sofia.

"Ano naman? Kayo ma-issue talaga kayo ano?" nanliit ang tingin ko sa kanila. "Tumigil nga kayo diyan!" saway ko.

"Ano bang pangalan niya?" tanong ko. Ngumiti naman silang dalawa sa akin.

"Uhm, Jared ata 'yun? Sikat daw 'yun dito eh!"

Tumango ako.

Jared?

"Ikaw 'yun?" napasinghap ako ay tinuro siya. "Ikaw 'yung..." hindi ako makapaniwala.

"Naalala mo na?" ngumiti siya sa akin. Marahan akong tumango. "Akala ko hindi mo na talaga maaalala ang araw na 'yon. You broke the walls that I build around my heart that day kaya hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Inantay pa nga kita noong araw na 'yon pero hindi ka dumating..." tumawa siya.

Napanguso ako at napayuko. "Pinuntahan kita ng araw na 'yun..." mahina kong sambit.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. "Y-you came?"

"Una na kami, Gail ha? Aantayin mo na lang 'yung driver niyo?" tanong sa akin ni Asha.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Oo, dito na lang muna ako mag-aantay. Bye!"

"Sige, bye! Ingat ka!"

Nang makaalis sila ay bumalik ako sa loob ng Wiesel University. Plano kong hanapin si Kuya na tinamaan ng bola kanina. Parang ayoko munang umuwi habang hindi ko siya nakikita at habang hindi pa ako nakakahingi sa kanya ng tawad.

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng matanaw ko 'yung clinic. Pumasok ako sa loob at kaagad akong pumunta doon sa mga kwarto na nasa loob. Sinabi naman nila sa akin kung nasaan 'yung kwarto niya kaya kaagad ko iyong nakita. Nung sumilip ako, nakita ko siya na nakaupo doon sa may kama at may tinatanaw doon sa bintana.

Huminga ako ng malalim at inisip kung tutuloy ba ako o hindi.

Nang humarap siya ay kaagad akong nagtago sa gilid ng pinto. Sobrang bilis ng puso ko ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Parang gusto kong lumapit sa kanya pero hindi ko kaya kasi natatakot ako. Hindi ko din alam kung bakit.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili doon pero umalis din ako ng hindi man lang pumasok sa loob. Pagkatapos ng isang oras ay muli akong bumalik pero wala na siya doon.

Siguro naman ay magkikita pa kami sa susunod.

"Hindi ko kasi alam kung paano ka haharapin noon kaya hindi ako nagpakita. Pero nung bumalik ulit ako... wala ka na doon." sabi ko sa kanya. "Sinabi ko na lang na magkikita din ulit siguro kami sa susunod..."

Naisip ko, ano kayang mangyayari kung pumasok ako noon? Kung nagkita ulit kami ng araw na 'yun? Ganito pa rin kaya? Gagawa pa rin ba si Jared ng paraan para maging kanya ako? I don't know. Baka mas maganda siguro ang relasyon namin kung ganun.

Probably, destiny is really unexpected. Hindi mo alam kung paano siya kikilos para pagtagpuin kayong dalawa. Or maybe, it's not about how you'll meet but on how you'll react when you see the person destined to you.

Kumbaga, gaano ka ba kahanda kapag nakilala mo na ang taong para sa'yo.

Bahagya siyang humalakhak at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Magkikita talaga tayo..." aniya. "Sinigurado ko na iyon ng araw na 'yun."

"Hindi lang tayo nagkita," ngumiti ako sa kanya. "Nagmahalan pa tayo..."

Mataman ang tingin niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong hatakin palapit sa kanya. Hinawakan niya ang panga ko at marahang hinalikan. Nabigla naman ako doon at hindi ko alam kung anong ire-react.

Nasa gitna kami ng open field!

In the end, I just closed my eyes and kissed him back. Bahala na ang mapahiya, aalis na rin naman ako bukas kaya ligtas na ako sa mga pang-aasar nila. Hindi ko na inintindi ang mga naririnig ko mula sa mga nakakakita sa amin. Bahala sila!

Nung humiwalay siya sa akin at marahan niyang hinagkan ang noo ko.

"I started my chase here. I'll end it here. Dahil ngayon, sigurado na ako na akin ka."

Muli na namang namuo ang luha sa mata ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Sa'yo lang ako..."

"Always..." he smiled at me.

Hindi ko inakala na ang pagmamahal ko kay Jared ay aabot sa ganito. I learned that in love, there's always struggles, malaki man o maliit, meron talaga. All the struggles that we faced made our relationship grew stronger. We learned from each other. We made all the flaws that we have as each other's strength.

Kaya naman anuman ang pagdaanan naming dalawa ni Jared, sigurado ako na kakayanin naming dalawa. Because we already established a strong foundation for our relationship. Trials should be faced for the development and not for the breaking of the relationship.

"Don't worry, hindi na kita susundan tulad ng ginagawa ko noon." tumawa si Jared.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nandito na kami sa airport at ilang sandali na lang ay magkakahiwalay na kaming dalawa. Hindi naman sa hindi kami magkikita within that five years pero mas madalas pa rin na magkahiwalay kami.

Naniniwala ako na hindi ang magkalayong distansya ang magpapahiwalay sa aming dalawa. Nothing can tear the love we have for each other. In the right time, we'll be in each others' arms again. Ngayon kailangan naming antayin ang tamang panahon na iyon.

Niyakap niya ako. Mahigpit ko naman siyang niyakap. Pwede namang hindi ako umalis, pwede namang dito na lang ako para hindi na ako malayo sa kanya. Pero alam ko na heto ang kailangan namin ngayon.

We need to improve ourselves so that in the right time, mas magiging karapat-dapat kami sa isa't isa.

"You should do your best okay? Nandito lang ako para sa'yo. I will always support you in everything you do. I'll be the happiest husband in the world seeing my wife happy as she reach her dreams..." aniya.

Nagsimula ulit akong maiyak. "Jared..."

"Iyon ang naging pagkakamali ko, Gail. Nakalimutan ko na marami ka pang magagawa. You have a great future that's waiting for you ahead. Masyado akong nabulag ng aking pag-ibig para sa'yo. I was blinded by my selfishness. Kaya ngayon... it's time to give you the freedom you deserve."

Tumango ako sa sinabi niya. Humiwalay siya sa akin at ngumiti. He wiped my tears.

"Jared..."

"Mahal kita, Gail. I will wait for you, kahit matagal pa..." aniya.

"Mahal na mahal din kita, Jared..."

"Pagbalik mo dito, we will be together again, okay?" aniya. Ngumiti naman ako at marahang tumango. Muli na naman niyang hinagkan ang ulit sa noo. "Goodbye, Gail..."

Namuo na naman ang luha sa mata ko. Ang hirap pa ring malayo sa mahal mo.

"Goodbye, Jared..." muli ko siyang niyakap.

Siguro nga kailangan naming mag-antay ng tamang panahon. But waiting season is not a wasted season. This is a season of molding. The time will heal the wounds that we had. It will mold our characters to be more prepared of what's in the future. Naniniwala ako na heto ang dahilan sa lahat ng mga nangyari sa amin ni Jared.

For us to be a better person.

Continue Reading

You'll Also Like

95.6K 1.9K 27
Can I do it? Hanggang saan? Hanggang kailan? Wala na bang katapusan Her sad who make her heartless in her mask but......a happy one without it A girl...
940 59 23
Random Favorite Music and Favorite Artist
403 107 42
GOMEZ SERIES #1 Esha, the only girl in the family used to lived in America with her family. After a years of living there she finally camed back, and...
261K 7.6K 73
What does it feel like to be in a relationship with the ultimate heartthrob namely Dashed Calderón de García? |GOT RANK #1 IN TEEN FICTION| xxstart:...