Beauty and the Beast

Von hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... Mehr

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#26: Kiss
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#46: Naaalala

2.8K 92 7
Von hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 46

Naaalala

"Nasaan ka ngayon?" tanong sa akin ni Jared mula sa phone. "Ayos ka lang ba?"

Umupo ako sa gilid ng kama ko. "I'm fine, Jared. Nasa bahay lang naman po ako, hindi ako lumabas." napalabi ako.

"Talaga lang! Don't go out unless you're with me." aniya.

"Saan naman ako pupunta di ba?" umirap ako. "Hindi ka ba busy? Lagi mo na lang akong tinatawagan..."

Narinig ko naman ang halakhak niya sa kabilang linya. "I'm such a clingy husband right? Para sa'yo, hindi ako busy. If you tell me that you need me right now, I'll immediately leave my office to go to you."

"Sira!"

"You know me too much, Gail." seryoso ang tono niya.

Sandali kaming tumahimik na dalawa. Huminga ako ng malalim.

"Anong oras ka uuwi?" I broke the silence.

"Ngayon na?" muli siyang tumawa. "May kailangan ka ba?"

"Wala naman... nagtatanong lang." muli akong napanguso.

"Hindi ako mambababae. I'll go straight to you." aniya.

"Hoy wala akong sinabing ganun!" singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Hindi ba ay ganito ang mga mag-asawa talaga? Isn't it cute?" malumanay na wika niya. Hindi naman ako nakapag-salita at nag-antay na lang ng sasabihin niya. "But unfortunately, I'm not that type of guy. Alam mo na simula palang na ikaw lang."

Bahagya akong napayuko. My heart is flattering so much because of what he said. Hindi talaga ako makapaniwala na ako ang kasama ni Jared. Of all people, bakit nga ba talaga ako? Maraming babaeng mas angat sa akin. He can choose someone that's same age as him but he ended up choosing me.

"Natahimik ka?" tanong ni Jared sa kabilang linya. Bumuntong hininga lang ako.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang maiyak. "Narealize ko na ang swerte ko na ikaw ang asawa ko." may luhang tumulo sa mata ko. Kaagad ko itong pinunasan.

"I really calms me when you're saying those words, pakiramdam ko kasi baka iwan mo ako anytime. Kailangan ko ng assurance."

"Hanggang ngayon pa ba?" bahagya akong tumawa. "Magkaka-baby na tayo..."

"I know..." seryosong sambit niya. "Sometimes, I really can't believe that you're already mine, Gail. Para akong nananaginip. Ikaw nasa tabi ko at mahal na mahal ako..."

"You made this possible, Jared." ngumiti ako.

"Yeah, pero kung wala akong ginawa? Ikaw pa rin kaya ang kasama ko ngayon?"

"Baka si Sai..." mahinang sabi ko.

"Gail..." may banta sa tono niya.

"Siguro kung hindi siya nawala ay hindi mo ako makikilala."

"Nagseselos ka ba, Gail?" he asked. Umirap ako.

Bakit ko naman pagseselosan ang sarili ko?

"Hindi, Jared. I'm just stating a fact." saad ko.

"Para kang nagseselos..."

"Hindi ah!" giit ko.

"Okay, fine." tumawa siya.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bumukas ito. Nakita ko si Mama na nakangiti sa akin at may hawak na karton. "Kausap mo si Jared?" tanong ni Mama at pumasok. Marahan naman akong tumango habang pinagmamasdan siyang lumapit sa akin.

"Uy, Jared ibababa ko na 'to, nandito si Mama." mahina kong sabi.

"Okay, sige... Bye. See you later..."

"Bye..." pagkasabi ko nun ay binaba ko ang phone ko.

"Naistorbo ko ba kayo?" tanong ulit ni Mama ng umupo siya sa tabi ko. Nilapag niya ang karton na dala niya sa ibabaw ng aking kama. "Nasa gitna ata kayo ng seryosong usapan." dugtong ni Mama.

"Hindi po. Nangangamusta lang po siya," ngumiti ako.

Tumango siya. "Jared is a really good husband." aniya.

Sumang-ayon naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung alam ba nila ang estado ng relasyon namin ni Jared pero masaya ako dahil nakikita nila si Jared as a good person. Kung anuman ang problema ni Jared sa kanyang sarili ay sigurado ako na malalagpasan niya iyon.

Because he is really a good man with a good heart inside.

"Teka, Ma, ano 'yan?" baling ko doon sa kahon na nasa kama.

"Ahh! Heto..." kinuha niya ang kahon at kinalong. "These are your childhood pictures."

I suddenly looked at the box as my heart started to beat fast. Binuksan ni Mama ang kahon at halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaba. I never saw my childhood pictures. Akala ko talaga noon ay boring at malungkot na ang childhood ko.

"Noong magising ka at nalaman namin na wala ka ng maalala ay nagpasya kami ng ama mo na itago ito at huwag ng ipakita sa'yo. Pero ngayon..." malungkot siyang ngumiti sa akin. "Kailangan mong malaman na minsan sa buhay mo ay naging masaya at malaya ka..."

Sinimulan niyang maglabas ng mga pictures. Baby palang ako sa una kong makita, siguro ay nasa isang taon. May kayakap akong teddy bear.

"We used to call you Sai before..." sabi ni Mama habang nakatingin siya doon sa litrato.

"Ba- bakit po?" napalunok ako.

Sai. Sai. Sai.

So ako nga talaga 'yun.

"You can't pronounce your name right, you always end up saying Sai-rin instead of Sae-rin. Natatawa nga noon ang Papa mo sa'yo kasi siya ang nagbigay ng Saerin pero tinanggap din niya. Pinagsamang Saerin at Gail daw yun." malawak na ngumiti si Mama na para bang isang napaka-gandang alaala ang naisip niya.

"Sa dati nating subdivision ay kilala ka ng mga tao dahil masayahin ka at malaya kang nakakalabas sa lugar natin." ngayon ay lumungkot ang itsura ni Mama. "But after the accident, you became sad and lonely."

Doon na nagsimula ang naaalala ko noong bata ako. Hindi ako pinapalabas ng bahay noon nila Mama. Hindi rin ako nakapag-aral ng elementary sa isang school dahil sa bahay lang ako nag-aaral. Wala akong masyadong kaibigan noon. Nung nag-high school ako ay bantay- sarado pa din sa akin sina Mama.

"Ma bakit wala pa rin akong naaalala hanggang ngayon?" wala sa sarili kong tanong.

Gusto kong maalala ang mga nangyari noon. I know I'm too young back then but at least I want to feel the freedom I got before. Kung paano maging isang tunay na bata. Gusto kong maalala na minsan din akong naging tulad ng iba.

Gusto kong maalala si Jared, bilang si Sai.

"It's a permanent amnesia, Gail. Masyado ka pang bata noon at tatlong taon ka ding walang malay. Ang sabi ng doctor mo noon ay impossible mo ng maalala ang mga nangyari noon. Maybe you might remember some events but not all."

Nalungkot ako doon.

"I'm so sorry anak..." sabi ni Mama.

Umiling naman ako at tinignan ang mga pictures. "Hindi po. Naiintindihan ko naman po ang nangyari."

Those memories will remain as a dream that I totally forgot.

Tinignan ko ang mga pictures habang kinukwento naman sa akin ni Mama ang mga pangyayari sa likod nito. Natutuwa ako sa mga kwento ni Mama. Pakiramdam ko ay hindi lang ako ang naging masaya sa mga panahon na iyon kundi pati na rin sila. But the accident wrecked our happiness.

It wrecked my happiness, family's happiness and Jared's happiness.

"At heto, binigay lang sa akin ito ng dating nag-aalaga sa'yo..." sabi ni Mama at inabot niya sa akin ang picture ko na may kasamang lalaki... si Jared. "Sabi niya ay mahalaga daw sa'yo ang taong 'yan kaya tinago ko."

"Si Nanay Lyn?" tumingin ako kay Mama. Napasinghap siya at tumingin sa akin.

"You know her?" gulat na tanong niya. I nodded.

"Nameet ko siya before sa isang mall, Ma. Hindi ko siya naaalala pero kilala niya pa rin ako. Sabi niya sa akin ay may kaibigan daw ako noon na lalaking mas matanda pa sa akin." sabi ko at hinawakan ang picture.

Magkatabi kami sa picture at malawak ang ngiti namin dito. Nakaakbay sa akin ang batang lalaki samantalang ako naman ay may yakap na teddy bear.

"Siguro ay itong batang ito ang hinahanap mo noong nagising ka mula pagka-coma." sabi ni Mama. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya.

"Hinahanap po?"

Tumango siya. "Noong nagising ka ay tinanong mo kami ng Papa mo kung may Kuya ka, hinahanap mo siya sa amin. Probably it's this child. Hindi na namin siya nakilala."

"Si..." nahirapan akong magsalita. "Si Jared daw po ang batang iyan, Ma."

"Si Jared?" nagulat si Mama. "Pero... how did it happen?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Nagkibit-balikat din ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang kanyang tanong.

If there's someone who can answer our questions, si Jared iyon.

Buong maghapon kong tinignan ang mga pictures ko na nakakalat sa kama. Para bang hindi ako magsasawa na tignan sila lahat. Habang hawak ko ang isang picture ko na baby pa ako ay napahaplos ako sa tiyan ko.

"I want you to create a lot of memories in this world, and we're just here to support you, anak." mahinang sabi ko at bahagyang ngumiti.

Happy memories are probably the best treasure that this world may give. And I really really want to collect a lot while I'm here together with the people I love.

Nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba ako para kumuha ng makakain. Tinignan ko ang mga pagkain na nasa kusina at ref pero parang wala akong magustuhang kainin sa mga iyon. Parang may gusto akong bilhin.

"Wala kang magustuhan, Gail?" tanong sa akin ni Mama.

"Wala po eh. Baka magpasama po ako kay Mary na bumili ng pagkain dun po sa labas."

"Ganun ba? Sige pero magpaalam ka kay Jared." paalala ni Mama.

"Hindi na po siguro, Ma. Sandali lang naman po ako, may malapit naman po na bilihan sa labas ng subdivision." marahan akong ngumiti.

"Sigurado ka? O sige..."

Tinawag ni Mama si Mary para masamahan niya akong bumili ng pagkain ko. Nitong mga nakaraang araw talaga ay nagiging mapili ako sa pagkain. Siguro ay epekto ito ng pagbubuntis ko. Hindi naman kasi talaga ako maarte sa pagkain.

Naglakad lang kami ni Mary kahit na gusto ni Mama ay isama ko rin ang driver namin. Tumanggi ako dahil gusto ko ring maglakad-lakad. Kaya ko namang maglakad kahit na medyo malayo ang pupuntahan namin.

"Ma'am, hindi talaga ako makapaniwala na magkaka-anak ka na..." sabi ni Mary.

Napatingin naman ako sa kanya. Mas matanda siya sa akin ng mga tatlong taon pero siya ang pinakabata sa mga kasambahay namin. "Dahil ba masyado pa akong bata?"

"Hindi naman dahil dun Ma'am, kasi ang inosente mong tignan." tumawa siya.

Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya. Dumiretso na lang ako ng tingin at hindi na umimik.

"Sabagay, sa sobrang gwapo ni Sir Jared parang ang daling bumigay."

"Mary naman eh..."

Tumawa lang siya at inasar ako hanggang sa makarating kami sa mga shop sa labas ng subdivision namin. Nagtitingin ako kung ano ang pwede kong kainin hanggang sa makita ko yung restaurant na puro pasta ang karamihan sa menu.

Tinignan ko ang menu nila at hindi pa rin ako makapili. Gusto ko ng pasta pero hindi ko alam kung ano. Gusto ko din ng dessert at inumin nila. Gosh, parang ang dami kong gustong bilhin sa lugar na ito.

Halos magdadalawang oras din kaming namili lang ng pagkain ko. Nahihiya nga ako dahil napaka- indecisive ko ngayong araw na ito kaya natagalan kami ni Mary. In the end, Cheesy Bacon, Blueberry Cheesecake at Mango Shake ang nabili ko. Nilibre ko na rin si Mary.

Halos madilim na ng makarating kami sa bahay. Napatahimik ako mula sa usapan namin ni Mary ng mapansin ko ang sasakyan na kulay itim na nakaparada sa bahay namin. Natigil ako sa paglakad.

Nandito na kaagad si Jared?

"Nandito si Sir Jared, Ma'am." tumingin siya sa akin. Kinuha niya yung paperbag na dala ko. "Ihanda ko na lang 'to." ngumiti siya at nauna ng pumasok sa loob.

Nang may maalala ako ay kaagad kong hinagilap si Jared sa bahay. Shocks!

Halos patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Inatake ako ng matinding kaba sa mga sandaling ito. "Hindi pwede!"

"Gail? Gail wag kang tumakbo! Baka mapano ka!" sigaw ni Manang pero hindi ko na siya napansin. Diretso lang ako paakyat sa kwarto ko.

Yung mga pictures! Hindi ko pa yun naliligpit! Nabalot ako ng matinding kaba pagkapihit ko ng doorknob. Mabilis akong pumasok sa loob at nanlamig ako ng makita ko si Jared na nakatayo sa may gilid ng kama.

"Jared..." tawag ko sa kanya. Lihim akong napalunok. "N-nandito ka na pala..." sinulyapan ko yung kama ko. Lagot na talaga ako nito.

Hindi pa ako handa!

Marahan siyang humarap sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko mabasa ang tingin niya dahil pakiramdam ko ay masyado itong maraming emosyon na hindi ko mapangalanan.

"Tumakbo ka?" mariing tanong niya.

"Uhm, ano..." huminga ako ng malalim. "Sorry..."

Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim. "You should take care more of yourself, Gail. Buntis ka." muli siyang tumingin sa akin.

Sinulyapan ko ang kamay niya at halos himatayin ako ng makita na may hawak siyang mga pictures.

"A-ang aga mo..." I tried to divert the conversation. Pakiramdam ko ay napaka-seryoso ng aura niya na hindi ko kakayanin.

Huminga siya ng malalim at tumingala. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay halos mapaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. Malalim akong huminga para pigilan ang mga luhang nagbabantang mamuo sa mata ko.

"Gail, we need to talk." malalim na sambit niya. Muli na naman siyang lumapit sa akin. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sandaling ito.

"Why do you have these pictures?" madiing tanong niya at inangat niya ang mga pictures na hawak niya at pinakita sa akin. His jaw clenched as he looked at me directly through my eyes. "Gail bakit?"

Tinignan ko lang siya. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko. Hindi ako makapagsalita. Kitang-kita ko ang antisipasyon ni Jared sa sasabihin. He looks like he's eager to know something.

"Gail bakit?" tumaas ang boses niya. "Why do you have these pictures?"

His emotions are too strong. Kasabay ng pagkabigla ko ay ang pagtulo ng luha sa mata ko. Gulat ang reaksyon niya at unti-unting nanlambot ang itsura niya.

Kaagad ko itong pinunasan at nanatili ang tingin ko sa.kanya. "Why will I not have it? Those are mine. Ako ang mga 'yan, Jared." matapang na sambit ko.

Napaawang ang bibig niya at nakita ko ang pagkagat niya ng ibabang labi niya. Namumula na ang kanyang mga mata at may mga luha na namumuo mula dito. Unti-unting bumagsak ang kamay niyang may hawak sa mga pictures.

"Ikaw 'to?" nanginig ang boses niya. Tuluyan ng bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. "Gail, ikaw ito?" ipinakita niya ulit sa akin ang mga pictures.

Marahan akong tumango. Magkakasunod na mura ang narinig ko sa kanya at nagulat na lang ako ng bigla niyang bitawan ang mga pictures at kinulong ako ng yakap niyang mahigpit.

Mariin akong napapikit at kusa na ring tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Naaalala mo pa ba ako?" basag na tanong niya. Hindi ako makasagot.

"You... you're alive..." aniya at mas ibinaon niya ang ulo niya sa aking leeg.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

8.4K 178 23
Lahat tayo umaasang may FOREVER pero ang tanong may FOREVER nga ba talaga? lahat tayo gustong mabuhay ng matagal kasama ang mga taong malalapit saati...
6.4K 2.5K 53
The burden of surviving in this Big City will make you lose sight of your dream. Is it good to be a tourist in your own city? Or allow a tourist to...
156K 2.8K 46
A teenager star who becomes a Young Father...
7K 549 47
A typical fairytale love story. Cindy believes that that are kindness in every people's heart. Despite the hardships that the universe given her she...