SEXMATE story

By taigah1993

395K 2.6K 36

Ang mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa to... More

SEXMATE story
chapter 1
i see you..
im not stupid
leaving
work
my past
shocked..
The feeling
Mistake
he's weird
no, you cant
Afraid
di kita boyfriend!
The truth
Condition
Housemate
Trash
Confused
Cared
Anniversary
Limit
Guilty
Bitch
New Life
He's here
Insecure
Date
Pregnant
Paglilihi
Sorry
Fuck you
Nica's Party
Sweet
Doctor
TULONG
Gerard
Wakas

Love

4.9K 47 0
By taigah1993


Isang linggo ang nakalipas at naging busy na ulit ako sa ginagawa ko, medyo nakakaistress kasi ako ang naghuhulog sa bangko pagkatapos ng pagcocompute ko this whole week at sa di ko inaasahan ay lumaki lalo ang kita ng Restaurant at Bar sa gabi.

Di naman sa akin , pero alam kong sikat na talaga ang business ni nica dito .. nakakasawa nga, feel ko na yung sawa kaso ano magagawa ko? malaki ang bigay nya sakin.

Kamusta na kaya si jed? last time kasi nagpakita sya sakin dadaan daw sya minsan sa condo ko para makipagbonding.. sakin naman wala lang, mas gusto ko ngang may nakakausap na ngayon dahil boring na ang life ko... wala na sex sa iba't ibang lalaki.. wala nadin date kasi di na nga ako nagbebenta ng katawan at wala na kong taga bili ng alahas dahil di na nga ako nakikipagkita sa mayayaman.

Simula ng Atakihin ako ay tumigil na ko, isa pa jusko ito talaga gusto ko tumigil doon at makapag invest kay nica at makapagwork dito dahil madali lang ang trabaho ko dito.

And speaking of mr chavez, di sya nagpaparamdam... well good!

"ma'am? may reklamo po ang isang customer" nakayukong saad ni sandra.

tinignan ko sya ng masama kaya lalo syang ngumiwi at lalong yumuko. Nakakainis, sabi ko sa kanila pag kaya nilang solusyunan gawin nila! susko, ang beauty ko... masisira!

"baba, susunod ako" mataray kong utos saka dali dali syang bumaba.

Nagcheck ako ng mukha at huminga ng malalim, tinignan ko yung customer na nakatayo na at pinapagalitan yung empleyado ko. Nakaitim at formal attire sya na nakatalikod sakin.

Nagbanat ako ng mukha para sa pagngiti at bumaba.

" sabi ko wag nyo lalagyan ng peanut ang gulay! alergy ako doon! pano kung nakain ko ito lahat? may pang ospital ka na sakin?" malakas ang boses nung matandang lalaki at pinagtitinginan na sya dito.

" sorry po hindi ko po narinig, nagluluto na po ulit sa kusina para sa inyo sir" hingi ng paumanhin ng empleyado kong si reyna.

"ayoko na noo--" natigil sya ng humarap sya sakin.

Namilog ang mata ko ng makita ko sya at nangapa ng pang unang sasabihin sa kanya , di ako nagpahalata sa kanya na kinabahan ako " mr, i 'am sorry .... p-pag usapan po natin ito ng ayos " ngumiti sya ng malapad kaya lalo ako nandiri.

"long time no see ms villa" tumayo sya ng ayos kaya napatingin ako sa ibang customer na bumalik sa kanilang kinakain.

"pasensya na po sa nangyari, ako na po ang humihingi ng patawad.." tumingin ako kay reyna at tumango lang sya sakin para bumalik sa pwesto nya "mr, dahil sa nangyari ... di ko nalang po ilalagay sa bill nyo iyon" malumanay kong sabi.

"ohh, ms villa come and take a sit with me... i want to talk to you" umuna syang naupo pero ako'y nagaalinlangan sa presensya nya. Napatingin ako sa mga empleyado ko at bumuntong hininga saka naupo sa bakanteng katapat nya.

"ano ho yun?" kailangan kong di mandiri pero nandidiri padin ako sa kanya.

"my daughter... she know you" uminom sya ng juice sa mesa nya.

" sinong daughter? marami naman nakakakilala sakin kaya di na nakakapagtaka" dumating si reyna at bitbit ang kapalit na pagkain at naglagay din ng juice sa baso ko. "thank you"

"beth" sinimulan nyang kumain sa harap ko, pero yung pangalan ay syang nagpainom sakin ng juice.

"wow liit ng mundo" sarcasm kong sabi.

" you know , i love my daughter... at lahat ng gusto nya binibigay ko" tinitigan ko sya.. nakakatunog ako sa susunod nyang sasabihin " and her boyfriend gerard chavez? ay may pinalit sa kanya" boyfriend?? ambisyosa huh! " do you think bagay sayo ang makipagrelasyon" tumaas ang sulok ng bibig nya.

" wala kaming relasyon" yun ang nasabi ko kasi yun ang totoo.

tumango tango sya " pero sabi sakin ng anak ko ay magkasama kayo sa iisang bubong nung nasa cebu ka" ang gusto nyang palabasin? kelangan ba nyang mangeelam sa amin? o kay mr chavez?

"so? ... ano kailangan mo?" walang gana kong sinabi.

" leave my daughter's boyfriend alone..." nanliit ang mata ko.

" di sya boyfriend nung ambisyosa mong anak" seryoso kong sinabi.

" she's not ambitious!, alam kong ginagawa mo ito kasi alam mong mayaman yung boyfriend ng anak ko " tumaas ang boses nya.. si mr chavez? ano daw? tss...

" then... go to cebu and ask mr chavez" uminom ako ng juice at tumayo.

" let them or i will make your life miserable" di sya nakatingin sakin " di nababagay sayo ang relasyon, mas bagay sayong mag isa dahil wala kang kwenta" tumingin sya sakin ng galit na galit.

" kung nagagalit ka dahil di mo ko nakuha sa kakatihan mo... wag mo itong idamay, kakadiri ka" sinabi ko ng rinig nya pero di maririnig ng iba saka ako umalis sa harap nya.

wow, telenovela ang drama! papa's girl ang eksena. ..di ko akalaing maliit ang mundo at ama nya pa yung nicholas na nakakadiri. Uhmm kaya naman pala tinatawag nya ko ng whore kasi may alam sya... who cares?

Natapos ang araw ko at gusto ko munang umuwi para nakalublob sa bath tub ko.. naiisip ko palang gusto ko ng lumipad pauwi.

Palabas na ko ng may maaninag akong tao sa labas ng glass door. Tindig palang nya alam na alam ko na.

"hi pretty! ride with me and i'll take you to my heaven" ngising ngisi nya bigla ako natawa at umiling iling sa kanya.

" dala ko kotse ko" tinuro ko yung kotse ko sa dulo at humarap ulit sa kanya.

" iwan mo muna... tara sa condo ko" tinitigan ko sya at tumitig din sya sakin na unti unting nawawala ang ngiti sa kainipan.

"okay" agad ako pumasok sa front seat.

" kala ko tatanggihan mo na naman ako" napangiti ako.

" gaano ako kaespesyal sayo " nanliit ang mata ko saka sya natawa.

" you know? dumadaldal ka na habang natagal" pinaandar nya kotse nya kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. right! jed idiot!

Pumasok kami sa loob ng condo nya at agad nya ko binigyan ng ubas galing ref, isa isa ko itong pinipitas at kinakain habang nakaupo sa sala nya.

" so.... tumigil ka na? " napalingon ako sa kanya na nasa kusina at nainom ng tubig.

" tumigil san?" marami akong tinigilan.

" sa pagbingwit ng mayayaman, balita ko kay nica ikaw muna nagmamanage ng business nya" umupo sya sa isa pang sofa na malapit sakin. " good to you! alam mo kung ano maganda? " ngumiwi ako sa kanya ..diba alam naman talaga nya ito " magpakasal tayo sa US " ngiti nya na parang may exciting na magaganap.

kumunot noo ko " ano benefits ko?" sumimangot sya

" ako at bibigyan kita ng bahay" umirap ako..

" kuripot! " tumawa sya

" look, i want you! di ko alam kung ano ito... love? crush? puppy love? o pagnanasa" tumawa ako.

" parang bata!" mahina akong napangiti.

"then if it could'nt work... divorse!" napaisip ako sa sinabi nya. not bad!

" bahay lang ibibigay mo? " tumaas kilay ko kasi mukhang seryoso sya sa bahay lang.

" syempre dahil marami akong branches ng restaurant , siguro lima! iyo na ang isa..." lalo akong naaatrak sa offer nya. ..mayaman sya, bata at mabait... why not?

" pag iisipan ko? pag bumalik na si nica saka ko sasabihin sayo" dismayado agad ang muka nya.

" bahala ka, basta magaantay ako" kumuha sya ng ubas at sinubo " malapit nadin akong bumalik sa US, pag pumayag ka ... isasama na kita" seryoso nyang pahayag sakin.

Lumapit sya sakin, at hinawakan ang kamay ko , napatitig ako sa kanya at ganoon din sya " i want to know if this is love... pero ayoko ipilit dahil di ako ganoon. I want you to be with me . Gustong gusto kitang ilayo dito." lumunok sya " you almost perfect!"

Gusto ko sanang itanong kung bakit gusto nya ko ilayo dito pero tinatamad ako.

Di ko pagkakaila na nagustuhan ko si jed kahit kaunti...kaso ..... shit! si mr chavez naiisip ko. Oh well, di naman sya nagpaparamdam kaya bakit ko sya iisipin?

we're sexmate, yun lang ang alam ko. At alam kong ganoon din sya, yung feelings nya? i realize... maapakan ang ego nya kaya sya ganoon. Right?

Kung mahalaga ako sa kanya.. ehem... wala akong bitterness, kung mahalaga man ako.. papahalagahan nya ko kahit sa simpleng paraan! diba?


Continue Reading

You'll Also Like

551K 3.4K 39
Highest rank #9 in Romance. Rated SPG!! Alert!! Alert!! This is just a work of fiction. If names, incident, etc. of this book is much like to a real...
52.8K 272 12
SEX, REGRETS, AND ALOT MORE. Mahirap na Buhay Mapag samantalang Kapaligiran Masakit na katotohanan Maling tao Maling akala Tamang damdamin Mainit na...
238K 1.3K 6
Ang mga kwento po dito ay mga maiikling kwento.... Biglaan ko lang naiisip to kaya one shot lang.. 😂😂 Enjoy....... Hindi po lahat ng story dito...
257K 1.4K 31
[COMPLETED] (REMINDER: RATED SPG! R18+ IF YOU THINK YOU'RE ALLOWED TO READ SOMETHING LIKE THIS, THEN GO.) What if malaman mo na ang pinaka-hot, ta...