Love

4.8K 47 0
                                    


Isang linggo ang nakalipas at naging busy na ulit ako sa ginagawa ko, medyo nakakaistress kasi ako ang naghuhulog sa bangko pagkatapos ng pagcocompute ko this whole week at sa di ko inaasahan ay lumaki lalo ang kita ng Restaurant at Bar sa gabi.

Di naman sa akin , pero alam kong sikat na talaga ang business ni nica dito .. nakakasawa nga, feel ko na yung sawa kaso ano magagawa ko? malaki ang bigay nya sakin.

Kamusta na kaya si jed? last time kasi nagpakita sya sakin dadaan daw sya minsan sa condo ko para makipagbonding.. sakin naman wala lang, mas gusto ko ngang may nakakausap na ngayon dahil boring na ang life ko... wala na sex sa iba't ibang lalaki.. wala nadin date kasi di na nga ako nagbebenta ng katawan at wala na kong taga bili ng alahas dahil di na nga ako nakikipagkita sa mayayaman.

Simula ng Atakihin ako ay tumigil na ko, isa pa jusko ito talaga gusto ko tumigil doon at makapag invest kay nica at makapagwork dito dahil madali lang ang trabaho ko dito.

And speaking of mr chavez, di sya nagpaparamdam... well good!

"ma'am? may reklamo po ang isang customer" nakayukong saad ni sandra.

tinignan ko sya ng masama kaya lalo syang ngumiwi at lalong yumuko. Nakakainis, sabi ko sa kanila pag kaya nilang solusyunan gawin nila! susko, ang beauty ko... masisira!

"baba, susunod ako" mataray kong utos saka dali dali syang bumaba.

Nagcheck ako ng mukha at huminga ng malalim, tinignan ko yung customer na nakatayo na at pinapagalitan yung empleyado ko. Nakaitim at formal attire sya na nakatalikod sakin.

Nagbanat ako ng mukha para sa pagngiti at bumaba.

" sabi ko wag nyo lalagyan ng peanut ang gulay! alergy ako doon! pano kung nakain ko ito lahat? may pang ospital ka na sakin?" malakas ang boses nung matandang lalaki at pinagtitinginan na sya dito.

" sorry po hindi ko po narinig, nagluluto na po ulit sa kusina para sa inyo sir" hingi ng paumanhin ng empleyado kong si reyna.

"ayoko na noo--" natigil sya ng humarap sya sakin.

Namilog ang mata ko ng makita ko sya at nangapa ng pang unang sasabihin sa kanya , di ako nagpahalata sa kanya na kinabahan ako " mr, i 'am sorry .... p-pag usapan po natin ito ng ayos " ngumiti sya ng malapad kaya lalo ako nandiri.

"long time no see ms villa" tumayo sya ng ayos kaya napatingin ako sa ibang customer na bumalik sa kanilang kinakain.

"pasensya na po sa nangyari, ako na po ang humihingi ng patawad.." tumingin ako kay reyna at tumango lang sya sakin para bumalik sa pwesto nya "mr, dahil sa nangyari ... di ko nalang po ilalagay sa bill nyo iyon" malumanay kong sabi.

"ohh, ms villa come and take a sit with me... i want to talk to you" umuna syang naupo pero ako'y nagaalinlangan sa presensya nya. Napatingin ako sa mga empleyado ko at bumuntong hininga saka naupo sa bakanteng katapat nya.

"ano ho yun?" kailangan kong di mandiri pero nandidiri padin ako sa kanya.

"my daughter... she know you" uminom sya ng juice sa mesa nya.

" sinong daughter? marami naman nakakakilala sakin kaya di na nakakapagtaka" dumating si reyna at bitbit ang kapalit na pagkain at naglagay din ng juice sa baso ko. "thank you"

"beth" sinimulan nyang kumain sa harap ko, pero yung pangalan ay syang nagpainom sakin ng juice.

"wow liit ng mundo" sarcasm kong sabi.

" you know , i love my daughter... at lahat ng gusto nya binibigay ko" tinitigan ko sya.. nakakatunog ako sa susunod nyang sasabihin " and her boyfriend gerard chavez? ay may pinalit sa kanya" boyfriend?? ambisyosa huh! " do you think bagay sayo ang makipagrelasyon" tumaas ang sulok ng bibig nya.

SEXMATE storyOn viuen les histories. Descobreix ara