Guilty

4.8K 51 1
                                    


 Naglalakad na ko patungo sa parking lot ng may nahagip akong bulto ng lalaking nakatayo sa isang kotse.. tinutubuan sya na ng balbas at parang walang ganang mag-ahit ng balabas nya.

 "jed!" tawag ko na ngayo'y sakin na nakatingin at hindi na sa cellphone nya.

 Ngiting ngiting lumapit sakin at inaasahan kong halikan nya ko sa pisngi "i missed you" bulong nya. Tumitig ako sa kanya at nagiwas ng tingin.

 "tsk! grabe kung makahalik sakin kala mu'y may relasyon tayo" ngumiti sya ng pang asar at nilahad ang kotseng nasa likod nya.

 "it's 5:30 " tumango ako at sabay na pagbukas nya ng  unahan , umupo ako.

 Isang tao sa kalayuan ang nakatanaw sa amin. Mukha syang galit at parang gusto kami sugudin. I dont know the feeling inside of me pero feel ko guilty ako... feel ko nagtataksil ako. Para akong nawalan ng gana sa lahat.

 "okay ka lang? tara na" nawala ang pagtitig ko kay mr chavez at sumama kay jed.

 Dinala nya ko sa mamahaling hotel dito, wala na kami sa city nasa ibang lugar kami at nadaanan namin kanina ay puro puno pero itong hotel ay nakatayo sa mataas at kitang kita ang mga ilaw sa malayo. I appreciated the view . Ako'y pumikit ng maramdaman ko ang ihip ng hangin.

 "beautiful" humarap ako sa kanya 

 "it is" at binalik ko ang tingin ko sa view "tara na"

 Pumasok kami sa loob ng hotel , malawak ito at puno ng mga taong nakain... Ano ineexpect ko? syempre marami dito magsstay dahil mamahalin ito at maganda.

  Nagkwentuhan kami ng kung ano ano... pero mostly sya ang madaldal at akoy laging konting sagot lang at napapahaba lang sinasagot ko pag tinatanung lang nya.

 "Uuwi na nga pala ako manila by next week?" balewala kong sabi habang nilalantakan ang salad ko.

 "really? it's good to know" ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. "bakit nga pala?" 

 "nica called me , and her lolo is comatose in US. She need back up?" natigil sya sa kinakain nya

 "talaga? and sayo pinagkatiwala? dont get me wrong pero di kita nakikita as bussiness woman" tumawa sya ng mahina.

 "yun din sinabi ko sa kanya pero dahil malaki na ang ibibigay nyang percentage, why not?" tumango tango sya

 "may tiwala lang sayo" ako naman ang tumango sa kanya. 


 Natapos kami at tumambay sa garden "smoke?" binigyan nya ko ng stick ng lights.

"Tigil na ko dyan" umiiling na sinabi ko na syang kinabigla naman nya.

 "talaga? kailan pa? adik ka dito diba?" tumatawa nyang sabi sakin.

 "bakit ayaw mo nalang magvape?" nakakataba kasi yun kaya ayaw ko... pag tumigil ka daw sa smoke at nagvape ka ay tataba ka which is ayaw ko.

 "di ko feel" tumingin ako sa garden

 Tumahimik ang paligid at ang simoy ng hangin ang naririnig ko. 

 "Check in tayo?" napatingin ako sa kanya "dont worry isasauli kita sa inyo bukas ng umaga" paninigurado nya.

  Tumingin ako sa kanya. Nag aalinlangan ako dahil baka atakihin ako or mamatay ako ng di oras.... Si mr chavez alam nya ang sakit ko kaya alam nyang bawal ako mapagod, pero sya hindi at wala akong balak sabihin sa kanya.

 "may pasok ako bukas.. siguro next time?" nawala ang ngiti nya.

 "okay! so, see you in manila?" tumango ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti sya sakin at inalalayan ako palabas ng hotel.

SEXMATE storyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant