Condition

5.9K 47 1
                                    


   After kong maramdaman iyon dali dali akong pumuntang clinic. Halos mamatay ako sa sakit at kawalan ng hininga ko pero bago pa ko makababa ay dumilim na ang paligid ko.


  Ramdam ko na may humahaplos sa aking kamay,pero di ko pa dinidilat ang mata ko,rinig na rinig ko ang isang tunog ng machine at ramdam kong may nakakabit sa aking mukha..Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang puting pader at puting kisame.

 "thank God!" bumaling ako sa nakangiting mukha ni mr chavez. "miss! gising na sya!" dali dali namang may pumasok na babae galing sa labas.. tela lang naman ang humaharang sa higaan ko.

 "ok na pakiramdam mo miss villa?" tiningnan ko sya at tumango. "good" may sinulat sya sa hawak nyang papel,chineck nya ang oxygen at suero sa gilid ko. "buti dinala ka agad ni mr chavez dito " kumunot ang noo ko sa sinabi nya "nawawalan ka na kasi ng hangin kanina tapos namumutla ka pa, gusto ko mag assume na tama ang hinala ko sayo pero mas effective padin kung magpapacheck up ka " hindi ako umimik dahil wala akong ibang maisip kung bakit nagkaganoon ako.

 "atleast ok ka na ngayon" sa nagaalalang tono ni mr chavez.

 "may history ba pamilya nyo sa sakit? sa puso? asthma? high blood?" napapaisip ako pero dahil wala akong maisip na history namin ay umiling nalang ako. "ubusin lang natin yang suero mo ay pwede na kayo umuwi " tumango ako "bukas din ay magpacheck up ka para malaman mo ang sakit mo kasi iba ang nangyari sayo... seryoso"ang dami pang tinanung nung nurse, may mga binilin pa ang nurse sa clinic at binigyan ako ng referal slip para daw company na ang bahala sa bill.

 Inuwi ako ni mr chavez sa apartment. Di sya nagsasalita at ganoon din ako. Pag titingnan ko sya naiwas sya sakin na akala mo ay may ginawa akong mali sa kanya. i dont care! tss

 Umalis sya ng makakain kami ng hapunan. Bumili pa sya sa kalenderya ng gulay at sinigang sa manok. Puro ulam ang kinain ko.

 Isang tunog ang nagmula sa laptop ko habang nagtotoothbrush ako. Humarap ako dito at nakita kong tumatawag galing skype si nica. Agad kong inopen ito at sinagot.

 "wait! mumog lang ako" dali dali akong nagmumug at bumalik sa mesa ko sa sala.

 "kadiri ito!" umirap sya "nabayaran ko na ang condo mo! tapos yung kotse mo buhay pa naman doon sa parking" tumango tango ako.

 "ok na ba ang bar?" agd kong tanong

 "yup! pipinturahan nalang at may mga bibilhin pa kong gamit sa bar. Magpapagawa ako ng private room dahil dumadami na costumer nating mayayaman!" inayos nya ang laptop nya at nakita ko ang suot nyang tube na itim.

 "talaga? magkano pa idadagdag ko? may pera pa ko sa bangko! ibibigay ko sayo" 

 "sure ka? kaya pa?" tumawa sya kaya sumimangot ako "bumalik ka na kasi para marami ka ulit customer at ng hindi ka mawalan ng pera" umiling iling ako.

 "hindi na muna...kaya ko pa ng pera ko!"

 "wow! nakakapanibago ka ata! noon ayaw mong nahihirapan ka ngayon nagtitiis ka?" natatawa nyang sinabi sakin.

 "hoy! nagtatrabaho ako dito sa cebu pa-" napatigil ako

 "gotcha! haha pacebu cebu ka pa,ano napala mo?" tawa sya ng tawa na parang naluluka.

 "pwede ba! hindi ako makapagbenta dito dahil yung boss ko ang nagpasok sakin sa trabaho" pag irap ko

 "palihim lihim pa ito! ano ginagawa ng matalinong loraine villa?" medyo sumeseryoso sya "pwera nalang kung gusto mo sya?" lumapad ang ngiti nya

"hoy! di ko sya type! parausan ko lang yun! isa pa gusto ko ang trabaho ko ngayon hindi ako naghihirap! nakaupo lang ako" tumawa sya ng malakas.

 "defensive! sya sya oo na! kung ano man yan bahala ka sa buhay mo! tapos ihulog mo sa bangko ang pera ha? magkano ba mayroon ka pa?" 

"wait!" hinanap ko agad ang passbook ko sa drawer ko at binuklat "hundred thousand plus pa, pero ilalahat ko na ito para makabili ka na" tumango tango sya! "i trust you!" 

 "kala mo sakin scamer?" ako naman ang tumawa "syempre parang invest mo narin ito nuh! oh diba may makukuhanan ka ng pera buwan buwan"

 Tumango ako sa pag sang ayon ko "ikaw na bahala ha?"

 "Di mo man lang iniwan susi ng kotse mo para magamit ko" 

 "galing mo naman nyan!" natatawa sya sa aking reaksyon "bakit kasi di pa dinala "

 "mahirap magbarko" inirapan ko sya. Di kami close sadyang kailangan lang namin ang isa't isa.


 After kong makipag usap sa kanya ay inilapag ko na sa study table ko ang latop ko. Binuksan ko ang TV para may pampatulog ako. Bigla namang sumagi ang sinabi ng nurse kaya napapaisip ako kung magpapacheck up ako o hindi baka naman sa sobrang pagod lang ito. San naman ako mapapagod? sa kama? natawa ako sa naiisip ko.

 Isang text ang nagpalingon sa akin kay binasa ko ito,biglang tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. (loraine, nakita ko ang post ng isang babae sa fb naishare lang, madami na kasing nagshare. mga pictures mo iyon sa iba't ibang lugar at iba't ibang lalaki na kasama mo daw.tingin ko edit iyon at sinisiraan ka lang) bumuntong hininga ako sa nabasa ko.

 Nagtipa ako ng text kay mr chavez na pwede muna ako magleave ng three days pero walang reply na dumating sa akin. Kahit call wala. Basta nagtext ako sa kanya kaya wag sya magagalit sakin.


 Si beth ang naiisip kong gagawa noon,wala ako pakelam sa ginagawa nyang paninira sa akin. Napakaimature nya talaga kahit kaylan. Wag na wag nya lang ako sasaktan physically at basag ang maganda nyang mukha. 


  Kinabukasan nagising ako sa isang kalampag, masama ang pakiramdam ko ng magising kaya dumaretso muna ako sa kusina at uminom ng tubig baka maibsan nito ang masamang nararamdaman ko.

 Binuksan ko ang pinto pero wala akong nakitang tao. Isang paper bag lang. Binuksan ko ito at naamoy ko ang bango pancakes at hot chocolate.

 Nakakita din ako ng note na galing kay mr chavez. Bakit di man lang muna nagpakita! Agad kong kinuha ang cellphone ko pero wala akong nakitang text nya o tawag man lang kaya nagdesisyon akong kainin nalang ito agad.

  Wag nalang kaya ako magpacheck up? Tinatamad ako .

 Pagkatapos kong kumain, nagcheck ako ng mga pagkain ko at iilan nalang pala ang pagkain dito. Kaya ng patanghali nagbihis ako para maggroceries... keri na naman umalis.

 Namili ako ng mga pwede ko iistock. Dinamihan ko na din for one month! siguradong tatamarin ako sa susunod at baka doon magstay si mr chavez.

tss...bakit ko sya naiisip?

 Dumaan ako sa Mcdo para makapagtake out. Sa bahay na ko kakain nito.


 Dala dala ko ang pinamili ko ay nakita ko sa pinto si jed may inilalagay, napatingin ako sa orasan 4pm na pala. Ganoon ba ko katagal mamili? anong ginagawa nya sa pinto ko "jed?" tawag ko

 Nagulat sya ng nakita ako "ah e ano" napapakamot sya ng batok nya "n-naging busy ako gawa ng pinsan ko, pinapaayos sakin ang pinull out na order ng customer" tumango ako. Binuksa ko ang apartment ko.

 "flowers?"tanong ko ng makita ko sa bintana ko "next time bigyan mo ko ng makakain! di naman yan nakakain " dumaretso ako sa loob at naramdaman kong nakasunod sya sakin.

 "sige," umupo sya sa sofa ko " may kasama ka ba dito?" napalingon ako sa kanya. Napaisip din na kung bakit di pa lumipat si mr chavez dito,sinabi nya na lilipat sya!

"wala" yun ang tangi kong sagot saka inabala ang sarili sa pinamili.



SEXMATE storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon