Bitch

4.7K 47 0
                                    


  Nangatog ang binti ko ng matagpuan ko ang mga matang disapointed sakin. Di ko alam kung ano iniisip nya pero para akong kawawang aso na hinampas ng tubo kung umakto.. Lalo akong sumimangot ng daluhan ni mr chavez ang babaeng nasa harapan ko.

 "Nagsorry ako sa kanya pero ginawa nya ito " sumbong ng babae sa kanya.

 Nagcross arm ako para di ipahalata sa kanya na kabado ako. Tumingin sya sakin ng masama. Magsama kayo! Tumalikod ako at balewala kong nilampasan ang mga kumpulan na tao.

 "kawawa naman sya di man lang kinampihan" rinig ko ang nangaasar na boses ng babae.

 "bagay lang sa kanya" inirapan ko lahat ng taong nakatingin sakin. Tang ina nyo! Badtrip ako wag kayo tatanga tanga at magsasaboy ako ng asido..

 Hinawi ko ang mahaba kong buhok ko kahit medyo basa ang gilid gawa ng tubig na tumapon sakin. Kinakagat kagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang gigil sa babaeng yun.

 Nakita ko si mr chavez na papalapit sa table ko. Alam ko na ang mangyayari kaya tumayo ako. "sumama ka sakin" umirap ako sa kawalan at sumama sa kanya.

 Pagkasarado ng pinto ng office nya ay kumamot sya sa ulo nya "what the hell are you done?" tumaas ang kilay ko. ..nagcross arm ulit ako.

 "So kakampihan mo sya?" asik ko.

 "dahil ikaw ang mali! pwede kang materminate sa ginawa mong yun!" sigaw nya.

 "edi iterminate! magreresign na din naman ako diba?" nawala ang kunot nyang noo at lumapit sakin. Nagtataka akong tumingin sa kanya kasabay noon ang paghawak nya sa kamay ko. Medyo nakikiliti ako sa ginagawa nya sa kamay ko. Umamo din ang mukha nya.

 "no.... kung dahil sa lalaki mo kung bakit ka babalik sa manila ay pwedeng wag na?" nawala ang pagkabadtrip ko sa pakikiusap nya. Napalitan ito ng konting saya dahil ayaw nya ko umalis pero paano si nica? binalik ko ang badtrip na look at hinawi ang kamay nya. ..Papakipot ako para sundan nya ko doon or should i say sumama sya.

  Di ko lubos maisip na magiging ok lang kami agad agad.

 "hindi dahil kay jed" tumagilid ako sa kanya at palihim na tiningnan sya. "dahil kay nica... isa pa hindi ko lalaki si jed". kahit lalaki ko nga..

 "who's nica?" pagtataka nya "kapatid?" humarap ako sa kanya ulit.

 "may ari ng bar na pinaginvest ko ng natitira kong yaman, comatose ang lolo nya at aalis na sya next week" pagpapaliwanag ko kahit di ko naman gawain yun.

 "then..." kumamot sya sa ulo nya na parang nagiisip.

 "sasama ka sakin diba? iiwan mo yung bitch na yun?"nabigla naman si mr chavez napatingin sakin at parang manghang mangha sa binitawan kong salita.... nagclear ng throat ako. mahahalata ako "o bakit? di ba sya bitch? " nanliliit ang mata nya sakin.

 "e bakit mo yun ginawa sa kanya!?" tanong nya.

 "sinadya nya yung pagtapon ng tubig sakin at nagpakasanta sya sa harap mo" umirap ako.

 "pero mali parin yun" nababadtrip na naman ako.

 "edi doon kana! kampihan mo pa!" tumalikod ako.. at narealize ko na parang magsyota kami na nagaaway. tsk i hate this feeling! "kung di ka sasama sakin di wag!" nagmadali akong umalis ng office nya. At napapahiya sa mga binibitawan kong salita.. di ko mapigilan e

 Habang hawak hawak ko ang resignation letter ay lumilipad ang isip ko.. nakatingin lang ako sa letter pero ang naiisip ko ay yung feelings ko, kung paano ito nangyari.. paano nawasak ang tinatayo kong harang namin. Dapat di ko sya pinapasok sa buhay ko ng matagal.

 Hindi ko alam kung ano pa pwedeng mangyari pag pinagpatuloy ko pa ito. Bakit pag naiisip kong iwan sya ay parang pagsisisihan ko? Shit.. wala ito noon sa sistema ko..

Marami akong naiisip na sana at dapat sa oras na iyon. Di sya pwede sa tulad ko. Di kami bagay! alam ko. This familiar feeling is sick!


 Lumipas pa ang dalawang araw at ganoon ang routine namin ni mr chavez sa apartment. Pero umiiwas ako sa mga tanong nya at kasweetan nya dahil parang di ko kayang mainlove ng lubos sa kanya. Naiinis na ko sa sarili ko.

  Bitbit ang isang sulat ay dumaretso ako sa kanya. Binuksan ko ito at tumambad sakin si beth na nakakandong kay mr chavez.. sa gulat nila ay hinagis nya agad sa gilid nya si beth.

 "si whore nandito" umirap lang ito at inabot ko kay mr chavez ang letter. Nakaramdam ako ng konting selos sa naabutan ko.

 "shut up beth!" hinawakan nya kamay ko ng mahigpit at parang ang mga mata nya ay nagpapaliwanag.

"o wow! resignation? mas mabuti na nga para wala ng whore dito" mapangasar na tawa ang umabot sa tenga ko.

 "umalis ka na beth, utang na loob!"  mas lalo lang syang sumandal sa sofa sa office at parang di narinig ang sinabi ni mr chavez. saka namn humarap si mr chavez sakin "and ikaw! mag usap tayo pagkauwi ko" tumango ako.

 Tiningan ko ng masama si beth at talagang mapang asar syang ngumiti sakin. Tangina! makakaganti din ako sayong punyeta ka! umalis na ko doon at nag ayos ng gamit.

 "look who's leaving!" napatingin ako sa nagsalita,  yung isa kong kadepartment na lagi din nagpaparinig sakin. ..hinawi ko buhok ko at humarap sa kanya..

 "look who's talking! one of the secret admirer ni mr chavez na hindi matanggap na hindi sya ang nagustuhan" alam ko na may gusto itong tangang ito doon.

 napatingin sya sa paligid at lumunok "at ikaw ang gusto?" tinaas ko ang kilay ko at tumaas ang isang sulok ng labi ko then nagkibit balikat. "kasi pok pok ka!" sigaw nya.

 "insecure huh?" natatawa akong pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit ko.

 "ako? maiinsecure sa pokpok na tulad mo?" tumawa sya "no way! akala mo ka-"

 "miss cortez! anong ginagawa mo? oras ng trabaho nakikipag huntahan ka!" i smirked again when mr chavez say it at napatingin ako sa nakayukong babae bakas padin ang pagkairita nya sakin habang naglalakad papunta sa desk nya.

 Tumingin ako sa gilid ko kung san nakatayo ang head namin . "aalis na ko mr chavez" tumango sya pero sinamahan nya ko hanggang labas.

 "hatid na kita" nanliit ang mata ko

 "oras ng trabaho pero aalis ka?" napangiti naman sya sa sinabi ko

 "well this is emergency" sabay kaming napatawa sa emergency kuno nya.

 Sumakay ako sa harap at inilagay nya sa likod lahat ng gamit ko. Pero naisip ko yung pagkandong ni beth.

 "bakit nga pala nakakapasok si beth sa company? " tanong ko

 "may share ang ama noon sa company na yun kaya nakakapasok yun" tamad nyang sagot.

 Umandar kami "pero pano ka nasundan?" nakakapagtaka! pati apartment namin alam.

 "hinanap ako?" tumawa sya pero ako ay sumimangot.

  Malapit na kami sa apartment  "wag na wag kang aalis ng di pa ko nakakauwi" umirap ako sa kanya ng ihinto nya ang kotse sa tapat ng gate "seryoso ako loraine" kumaway lang ako sa kanya.

 At sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko.

SEXMATE storyWhere stories live. Discover now