di kita boyfriend!

6.7K 57 0
                                    

     Naglalakad ako sa gitna ng mall para makarating sa dulo nito. Nandun kasi ang Max sa second floor. Hinawi ko ang mahaba kong buhok at nakikita ang mga kalalakihan at kababaihan na napapatingin sa akin. Nang sa wakas nasilayan ko ang tatlo habang nag aantay sakin agad sila tumayo sa kinauupuan nila.

 "kung di kita katrabaho, iisipin kong model ka" ngiti sakin ni ella. Napaisip ako sa sinasabi nyang model at yung sinabi ni mr chavez na magaganda daw.

 Nilibot namin ang mga store ng mga damit. ..nagkwento sila ng kung ano ano. Napag alaman kong magkakabatch sila sa company... nineteen years na pala ang company kaya pala ganoon nalang ang tiwala ng madami sa empleyado sa company. Agad daw silang naregular,madami silang benefits. Ako naman di ko inaasam na maregular dahil tulad ng sinabi ko one year lang ako dito at babalik na ko sa manila.

 Sa pang apat na store ay doon kami nakapili ng mga formal dress. Napili ko ay backless long gown na kulay dark blue.Sa tatlo naman ay pink,red and black na long gown din tulad ng akin.

 Tumatango lang ako at ngumingiti pag kailangan. Sinasagot ko din ang tanong nila sa akin. 

Pagkatapos naming mamili ay hinila ako sa Mcdo. Umorder kami ng kanya kanya.

Natapos kami ng pahapon na kaya nagpasyang umuwi. Nagpasalamat sila sa akin at saka naghiwa-hiwalay. Impernes di ako naboring sa kanila kahit na maiingay silang tatlo ay hindi ako nairita. 

 Inabot pa ko ng syam syam dahil sa lintik na trapik!

Kinalikot ko ang cellphone ko na sakto namang tumatawag si mr chavez "hey"

 Tumingin ako sa labas ng bintana ng taxi "oh?"

 "nakabili ka na? papunta ako sa apartment mo... may dala akong pizza, favorite mong Yellow cab" ngumiti ako sa sinabi nya

 "pauwi na ko, san ka na banda"

 "sa may college school" malapit na iyon sa apartment ko

"wait mo ko" binaba ko na ang cellphone ko 


 Pagkababa ko sa apartment, nakita ko syang nakasandal sa tabi ng upuan ko at nakatingin sa bulaklak na nakalagay sa pinto. Agad naman nya kong nakita kaya dali dali akong kinuha ang bulaklak doon.

 "kanino galing yan?" iritang sinabi nya. .mukhang di nya hinahawakan ang bulaklak.

 Tiningnan ko ang card sa mga stem ng bulaklak "from jed" saka ko sya tiningnan.

Umiwas sya ng tingin sakin halatang naiirita..Kinuha ko ang susi ng apartment at binuksan ito, sinundan nya ko papasok.

 "napunta sya dito" hinuhubad ko na ang heels ko ng magtanong sya.

 "hindi pa" bale wala kong sinabi.

 "hindi pa? edi papapuntahin mo palang?" tinititigan ko sya ng masama at saka ko kinuha sa kanya ang pizzang hawak nya. Nakita ko namang nagtiim bagang sya.


 Matapos naming maubos ang pizza ay nagpasya kaming manood ng TV. Sa magkabilang dulo ng sofa namin nakapatong ang ulo namin bali magkaharapan kami .Mahaba naman ang sofa ko kaya kasya kami.

 Gamit ang paa kinakalikot ko ang umbok nyang pagkalalaki. Naka boxer na sya at ako naman ay cotton short parehas kaming nakasando lang. Yung maluwang kong sando ang ipinaheram ko sa kanya kasi nakapolo sya kanina..unisex yun.

 "Next time pala magdadala na ko ng damit ko dito" habang nanonood padin.

 "kung ganoon,bayaran mo upa ko dito" napatingin naman sya sakin.. kahit bayad na naman ako.

SEXMATE storyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ