Cared

5.6K 51 0
                                    


   Pagkatapos ng mga nangyaring eksena sa office ay lagi nalang sila nagbubulungan at umiirap sa harapan ko. Nakita ko yung tatlo kanina pero di nila ako ningingitian tulad noon...wala din akong natanggap na text mula sa kanila nung kasal. Malamig na ang tungo sakin simula ng nangyari...teka? pakilam ko ba? Kabaligtaran naman pag kami lang dalawa ni mr chavez, lagi nya kong tinatanong kung ano ang gusto ko at kung may masakit sakin. Lagi nya din ako binabantayan pero di kinakama, kahit nakahubad na akong matulog ay parang ilag sya. Tinatanong ko naman pero ayaw akong sagutin.

 "May meeting daw mamaya sabi ni sir gerard" rinig kong sinabi ng nasa likod ko habang nakain akong magisa sa canteen.

 "oo nga e, " tinapos ko ang pagkain ko agad at balewalang pumunta sa desk ko. Nagretouch ako ng walang iniisip na oras.

 Isang palakpak ang narinig ko at isa isang nagtayuan ang mga kaofficemate ko. Habang ako ay nasa likod at kitang kita kong kung pano tinitingnan ni mr chavez ang folder na hawak nya.

 Hinanap ako ng paningin ni mr chavez at ng mahanap ako ay nagclear sya ng throat nya. "Okay, simulan na natin.... ang una ay bukas" may tumaas ng kamay sa isang gilid. Napatingin kaming lahat doon.

 "sir gerard, bakit di nyo ibigay kay loraine ang pagbabasa ng announcement dahil sanay kaming assistant ang nagsasalita sa unahan." lalaki ang nagsalita at agad silang tumingin sa direksyon ko.

 "mr cuevas! " tumingin sya sakin saka sya tumingin sa lalaki " hindi lahat ng announcement ay alam ni miss villa....yung iba ay biglaang announcement kaya kung mangangaelam ka ay ikaw na ang tumayong head" yumuko ang lalaki pati ang iba sa pagtataas ng boses ni mr chavez.

 "sorry po sir" hindi na tumingin pa si mr chavez sa lalaki kundi sakin.

 "una sa lahat, wala kayong karapatang magreklamo sa pinapagawa ko sa inyo.. dahil di nyo alam ang pinapagawa ko kay miss villa ....gawin nyo nalang! kapag may narinig akong reklamo magteterminate ako...  " wow very well said! paano ay malakas sya sa president kasi bestfriend nya!

 Paano ko nalaman? kasi yung phone nya nagring nung isang araw at nakita ko ang picture ng tumatawag tapos yung picture ay magkaakbay sila doon habang ang background ay lugar sa Doha Quatar. Nung tinanong ko sya ay sinabi nyang "childhood friend", tapos kung mag usap sa phone ay parang kabarkada nya lang. At sino hindi makakakilala sa President ? isang gwapong nilalang na full package. Alam nyo na yun. Nakita ko na yun noong nagbisita sya sa iba't ibang department pero ang kasama lang ay yung secretary nya, wala si mr chavez noong time na yun. Nakakapaglaway nga sa kagwapuhan pero loyal sa asawa daw.

 Binuklat nya ang isang black folder "anniversary, formal attire.... exclusive lang sa mga office staff sa iba't ibang department." nakarinig ako ng kinikilig at tuwang tuwa, ang iba naman ay bulungan agad. "Nagsosorry ang management sa postpone na anniversary nung nakaraang linggo dahil may inintay pa silang special guest from Canada" nakikinig lang ako sa meeting "Tomorrow, 8 in the evening.... buffet dinner , the program ay nakapaskil na sa bulletin..... lahat daw ng susuotin ng babae ay may touch of blue at ganoon din sa lalaki, all staff is required to attend" yun ang last nyang sinabi saka nya binuklat ang isang folder... 

 "o my gee! makikita ko ang forever ko bukas" kilig na sinabi nung nasa unahan ko. umirap ako sa ere.

 "2nd, About COOP. Gusto ng Company na makatulong sa inyo sa pamamagitan ng COOP. Isang loan company para sa mga nangangailangan." Ipinasa nya ang isang makapal na papel "basahin nyo para malaman nyo ang napapaloob sa COOP, ang coop office ay nasa fiftieth floor sa dulo.... kung mag- aaply kayo ay hihingi kayo ng form sa office, para sa mga regular lang" halos lahat naman dito ay regular. At talagang makakatulong ito para sa taong kapos .

SEXMATE storyWhere stories live. Discover now